Nakahinga siya ng maluwag pag alis ng dalawa. Isinuot niya ang kanyang apron at nag umpisang maghugas ng mga hugasin. Madalas, si Dahlia ang gumagawa sa bahay, siya lang ang nagluluto. Madalang naman silang kumain dito dahil lagi silang nasa labas.Kumuha siya ng vacuum saka naglinis muna ng salas. Inayos niya ang mga throw pillow na nagulo nung umupo sila doon. Pinunasan niya ang malesang bubog na center table.Ng makatapos na sa labas, pinuntahan niya si Dahlia, saka pinainom ng gamot. Hinubaran niya ito ng suot na damit at panloob. Walang halong malisya ang ginawa niya, dagli niya itong dinala sa banyo at inupo sa bath tub. Mataas pa rin ang lagnat nito kaya dapat, mapababa ang init. Limang minuto lang ang ligong ginawa niya dito, saka niya kinuha ang towel, at tinuyo ang katawan ng babae. Inabutan niya ito ng tooth brush na may toothpaste. Pagkatapos magtooth brush ni Dahlia, binuhat niya ulit ito pabalik sa kama. Isinaksak niya ang blower para pahanginan ang buhok niyo. Sinusukla
Nagulat siya habang may binabasang papeles, ng maramdaman niyang may nakatayo sa harapan niya. Nanlaki ang mata niya ng makilala ito."Ri--Richmond!" hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang lalaki, "a--anong ginagawa mo dito?""Kasama ko si Audrey, naroon na siya sa loob. Abala ka kasi kaya hindi mo kami napansin," ngumiti ito sa kanya. Nakasuot ito ng corporate attire."Saan kayo galing!" tanong niya dito saka tumingin siya sa paligid. Nagbubulungan ang mga tao sa labas. "Halika nga sa loob," hinila niya ito sa opisina ni Harvy.Nakaupo si Audrey sa lamesa habang nakayuko ito sa harap ng asawa niya. Nagulat siya dahil naka corporate attire din ito."Hi Dahlia, busy ka kanina, kaya hindi mo kami napansin ni Richmond," ngumiti ito sa kanya. Halata niya ang kaplastikan sa hitsura nito."Oras ng trabaho ngayon hindi ba?" tanong niya sa babae, saka niya ginantihan ang ngiti nitong nakakabadtrip."Mag aapply sana ako dito eh. Secretary sana ni Harvy," wika nito."May secretary na ak
Nabubwesit siya kay Dahlia. Binigyan nga siya ng trabaho, ngunit associates lang siya. Malayo ang opisina niya sa opisina ni Harvy. Nakatoka siya sa pag iintertain ng mga bisita. Kung hindi nga lang siya natatakot na baka mapalayo ang loob ni Harvy sa kanya, hindi na siya magtatrabaho. Tutal binibigyan naman siya ng allowance ng lalaki. Ngunit noong nakaraan, ay nagtataka siya. Wala na siyang natanggap buhat sa lalaki, at kailangan niyang malaman kung bakit. Pinuntahan niya ito ng maaga sa opisina. Wala si Dahlia sa labas, pati lamesa nito ay wala na doon. Napangiti siya. "Sinabi ko naman sa kanya, na kaya ko siyang ipatanggal kay Harvy. hahahaha" Kinakausap niya ang sarili. Nakita niya ang isang assistant doon. "Nasaan na si Dahlia?" "Ah, ma--ma'am.." "Okay lang. Alam kong aalis na siya dito. Nakapag usap na naman kami nun. Oh siya, umalis ka na dyan at ang pangit mo!" pagtataboy niya sa babaeng kausap. Lumayo itong bubulong bulong. Nagmamaganda pa siya at nag ayos ng damit. Ibi
Nasa gitna siya ng meeting, ng tawagan siya ng unfamiliar na number. Nag excuse siya sa mga kausap upang masagot ang nasabing tawag. Bigla siyang kinabahan, kahit si Dahlia ay hindi siya napigilan pag alis. Tinakbo niya ang kanyang kotse at kulang na lang kanyang paliparin.'Harvy, nasa hospital kami ngayon. Natagpuan ng kasambahay namin, na naglaslas ng pulso si Audrey. Nasa kritikal na lagay pa siya ngayon. Masyado na siyang depress nitong mga nakaraang araw. Ayaw naman niyang magsabi ng problema niya sa amin. Sana mapuntahan mo siya.' boses ng ama ni Audrey.Ito ang umaalingawngaw na tinig sa kanyang utak. Sa pangalawang pagkakataon, napahamak ang babae, dahil na naman sa kanya. Gugustihin niya bang mawala ang babaeng tatlong taon na niyang minamahal? minamahal ba o minahal? naguguluhan na rin siya. Pero ang alam niya, sa ngayon ay kailangan siya ni Audrey.Hindi niya alam sa sarili niya, kung bakit biglang nahati ang puso niya. Alam niya, ang responsibilidad niya kay Audrey, pero
"Saan kaya pumunta ang lalaking yun?" tanong niya sa sarili. Bigla na lang iniwan ng asawa niya ang meeting with investors, buti na lang napag aralan niya ang plot ng proposal. Natapos ang meeting ng smooth. Nagdahilan na lamang siya sa mga bisita na may emergency sa bahay. Sinubukan niya ring tawagan ang lalaki, hindi ito sumasagot. At sunod na tawag niya, nakapatay na ang phone ng lalaki. Ayaw niyang hanapin ito sa mansiyon, dahil alam na niya kung nasaan ito. 'Ano na naman kayang kagagahan ang ginawa ng jowa nito?' Matindi rin ang saltik sa ulo ni Audrey. Malamang ay may ginawa na naman itong kabalbalan. Nagpapalakad lakad siya sa loob ng opisina. Bumukas ang pinto, assistant ni Harvy ang dumungaw dito. "Ma'am, si sir Richmond Torre po," sabi nito. "Sige, lalabas ako," sa lobby ng opisina niya ito pinuntahan. Ayaw niyang magkakaroon ng issue na pinapasok niya ito sa loob ng opisina kung saan dalawa lang sila sa loob. "Hi!" bati nito sa kanya. May dala itong supot na sa tingin
Pagdating niya sa opisina, naroroon pa si Dahlia at may inaayos sa computer. Tiningnan lang siya ng asawa saka itinuloy ang ginagawa. Hindi niya alam ang mararamdaman kung mahihiya ba siya o matatakot. Nahihiya siya, dahil iniwanan niya si Dahlia sa kalgitnaan ng meeting. Ito ang sumalo ng lahat na tanong ng mga investors. Hindi man lang niya nasagot ang mga tawag nito. Natatakot naman siya na baka malaman ng lolo niya ang nangyari. Winarningan na siya noon ng matanda na kung hindi niya kakalimutan si Audrey ay sila na lamang ang kalimutan nito. Dahan dahan siyang lumapit sa babae. Nag aalangan pa siyang tanungin ito. "Kumain ka na ba?" lumapit siya dito at sinilip ang ginagawa nito. "Oo," maiksing sagot ng babae. "Kumusta ang end ng-- ng meeting kanina?" "Okay lang." Pumirma ba sila ng kontrata?" Inihagis nito sa harapan niya ang papeles. Lahat may pirma. "Salamat, "ngumiti siya sa babae. Walang response galing dito. "Galit ka ba?" Hindi na siya tinugon ng kausap. Itinuloy l
Umuwi siya ng condo niya. Baka tulog na ang asawa niya. Pagpihit ng seradura, madilim ang paligid. Walang tao?"Dahlia? Dahlia?" tawag niya sa asawa. BInuksan niya ang ilaw. Walang bakas na nanggaling ang asawa niya doon. "Nasaan na kaya siya? Dahlia? Dahlia?" Pumasok siya sa kwarto ng babae, wala man lang pinaghubadan doon si Dahlia. Malinis ang kwarto nito, at halatang hindi nanggaling ang babae doon. Umusbong ang pag aalala niya sa dibdib.Kung tatawagan naman niya ang biyenan, malalaman nito ang nangyari at baka magkwento pa ito sa lolo niya. Kung tatawagan naman niya ang mga magulang, mapapagalitan lang siya ng mga ito, lalo na kapag nalaman ng mga ito na si Audrey ang dahilan kaya niya iniwan ang meeting nila kanina.Sinubukan niya itong tawagan. Noong una ay nagriring ang phone nito, subalit sa pangatlong pagkakataon, pinagpatayan na siya nito. Parang nakulitan na ito sa pagtawag niya. Inisip niya kung sino ang maaaring kasama ng babae sa ganitong pagkakataon. Bigla niyang naal
Mukhang liliguan na naman niya si Dahlia. Sumuka ito pagdating nila sa pintuan ng condo. Hindi pa sila nakakapasok sa loob. Mabuti na lang at may utility ng mga oras na iyon. Inabutan niya na lang ito ng dalawang daan para linisin ang suka ng asawa niya.Agad niya itong ipinasok sa loob. Magaan lang ito kaya naging madali ang pagbubukas niya ng pinto. Pagkalocked ng door code, idiniretso niya ito sa kwarto niya, saka dinala sa banyo. Binuksan niya ang shower saka ito isinakay sa bath tub. Nagulat pa ito sa lamig. Hinubad niya ang buong suot nito."Haha.. bakit mo ko hinuhubaran? gusto mong matikman ang katawan ko no?" matabil na sabi nito sa kanya."Basang basa ka na!" saway niya dito."Kipay ko basa na rin," saka mapungay ang mata na hinawakan ang kanyang mga pisngi. Hahalikan siya ng babae. Malapit na ito sa bibig niya ng biglang... "Hwwwaaark!!!"Sapul siya sa bibig ng maasim na suka ng babae. Nalasahan pa niya ang alak na ininom nito. "Kadiri ka naman Dahlia!" binitiwan niya ito