공유

Chapter 47

Wala si Harvy pag uwi niya ng bahay. Hinanap niya ito sa loob ng green house subalit wala pa rin ito. Magulo ang higaan ng lalaki. Malamang, natulog ito maghapon, kaya ganito ang kwarto nito. Nasa kama ang cellphone nito, marahil ay low bat. 'Nasaan na kaya ang lalaking yun?'

Nakasalubong niya si Malena na may dalang bed sheet.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito.

"Hinahanap ko kasi si Harvy."

"Ah, umalis siya mga alas kwatro, ang sabi pa niya, kapag hinanap mo daw siya, sabihin ko, may pinuntahan lang.

"Bakit hindi niya dala ang kanyang cellphone?"

"Malay ko dun. Ang weird nga kanina eh. Mukhang aburido. Sabi pa niya, palitan ko ang cover ng kama niya. Basa ng pawis, siguro nakatulog siya na hindi nabubuksan ang aircon. Lasing pa nga siya eh."

"Bakit kaya?"

"Ewan ko ba dun, ang saya nya pa kahapon hindi ba? Tapos ngayon, nagbago na naman ng mood. Sabi ni mama, baka daw ganun talaga kapag ikakasal na."

"Hindi naman siguro.. Baka may pinagdadaanan lang.."

Subalit ilang araw na itong
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status