Wala si Harvy pag uwi niya ng bahay. Hinanap niya ito sa loob ng green house subalit wala pa rin ito. Magulo ang higaan ng lalaki. Malamang, natulog ito maghapon, kaya ganito ang kwarto nito. Nasa kama ang cellphone nito, marahil ay low bat. 'Nasaan na kaya ang lalaking yun?'Nakasalubong niya si Malena na may dalang bed sheet."Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito."Hinahanap ko kasi si Harvy.""Ah, umalis siya mga alas kwatro, ang sabi pa niya, kapag hinanap mo daw siya, sabihin ko, may pinuntahan lang."Bakit hindi niya dala ang kanyang cellphone?""Malay ko dun. Ang weird nga kanina eh. Mukhang aburido. Sabi pa niya, palitan ko ang cover ng kama niya. Basa ng pawis, siguro nakatulog siya na hindi nabubuksan ang aircon. Lasing pa nga siya eh.""Bakit kaya?""Ewan ko ba dun, ang saya nya pa kahapon hindi ba? Tapos ngayon, nagbago na naman ng mood. Sabi ni mama, baka daw ganun talaga kapag ikakasal na.""Hindi naman siguro.. Baka may pinagdadaanan lang.."Subalit ilang araw na itong
Parang mali ang sinabi niya kay Dahlia, hindi niya intensiyon na saktan ang dalaga, subalit nahihirapan na siyang harapin ito. Para sa kanya, mas madali na siguro na hindi niya ito kinakausap kesa magiguilty siya ng dahil sa nangyari kay Audrey. Pero nagsisi siya masyado ng umalis si Dahlia. Tinatawagan niya ito sa intercom, iba ang sumagot, at sinabing umalis nga daw ang babae. Sinubukan niya itong tawagan, subalit hindi ito nasagot.Tinawagan niya si Amihan para tanungin kung magkasama sila, subalit hindi daw nito alam kung nasaan ang dalaga. Sinubukan din niya itong patawagan kay tito John, ayon sa matanda, nagpapahinga lang daw si Dahlia. Halata daw sa tinig nitp na may dinadamdam ito.Nag alala siya bigla para sa kasal nila bukas..'Paano kung hindi siya dumating? paano kung hindi siya makonsensiya sa kung anong mangyayari kay lolo? Hindi kasi ako nag iisip! Kahit kailan talaga Harvy, tanga ka!' sigaw niya sa isipan, 'sana hindi ka na lang nagsalita ng hindi maganda. Sana , nagso
Nag umpisa na ang entourage. Una silang lumakad ng mga magulang, kasunod niya si Arvin. Kumakanta na ang singer na nahired nila. Isa isa ng lumalapit ang mga abay. Hanggang sa mga sponsors, at pinaka huli si Dahlia. Nakasuot ito ng belo, Ang ganda nitong panoorin. Lahat ng suot nito ay perfect sa kanya. Kinakabahan siya habang papalapit sa kanya. Nagmano siya sa tatay nito, humalik naman ito sa mga magulang nila, Bago niya inabot ang mga kamay nito at inakay siya sa harapan ng altar."Akala ko hindi ka na sisipot," sabi niya dito."Bakit? ayaw mo ba?" malamig ang tinig nitong sagot sa kanya."Hindi naman.. pasensiya ka na kahapon.""Wag na nating pag usapan yan, at baka umatras pa ako sa kasalang ito," sagot ng babae sa kanya.Inumpisahan na ang kasalang iyon. Smooth ang naging takbo ng seremonyas."Now, I pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride.." anunsiyo ng pari.Itinaas niya ang belo ni Dahlia, "May I?""Do i have a choice?" mataray na tanong nito.Hinalikan
Pagkalabas ni Harvy, hinabol niya pa ng tingin ang lalaki. Nakakalungkot lang isipin, na parang siya ang asawa, ngunit siya ang nang agaw. Totoo naman iyon. Kanina, naalala pa niya ng tawagan siya ni Amihan.."Oh, hello?" patamad niyang sagot."Asan ka na? alas otso na? kasal mo na ng alas nuebe ano ka ba!" halos masira ang ear drum niya sa lakas ng boses ni Amihan."Ah, kasal ko na ba? okay." saka niya pinatay ang kanyang cellphone. Limang minuto pa soyang tumitig sa kisame, bago bumangon.Ang bigat ng paa niyang humakbang. Parang ayaw umangat ng kanyang mga paa. Naligo lang siya ng mabilis. Pagkatapos niya sa banyo, tinuyo niya ang kanyang buhok. Nagblower siya. Saka nag make up. Sanay siya sa ganitong madalian. Itinaas lang niya ang kanyang buhok. Nagbihis siya, at kinuha ang bag.Ng makarating siya sa venue, naroroon sa labas ang mga nag aalalang coordinator. Nasa baba na ang make up artist at vanity mirror. "Nandyan na siya!!" sigawan ng mga ito. kulang na lang ay buhatin siya p
"Luh.. napaka attitude naman ng babaeng ito.." bulong niya sa sarili. "akala mo naman hindi ko pa natitikman. Nakita ko na naman ang buo niyang katawan. Nadilaan ko na nga ang buong buo eh. Ano pa ang inaarte? feeling virgin" Naghintay na lang siya sa labas. Pakanta kanta pa ang babae habang naliligo. Mas minabuti niyang magtoothbrush na lang saka matulog ulit. Baka mamaya, bigla pa niyang gawan ng masama ang babae. Kinapa niya ang bente nuebe nito, wala iyon sa ilalim ng unan. "Delikado kapag nilapitan, baka lagyan niya pa ako ng gripo."Nagtiyaga na lang siyang maghintay, hindi na lang siya matutulog. Nagtext na si Audrey. Pinapapunta siya nito sa bahay nila. Nireplyan niya ito na hindi maaari dahil kakakasal lang niya. Tumawag ito."Bakit hindi mo ako pupuntahan? dahil kasal na kayo? Alam mo namang hindi pa ako makakalakad hindi ba? na nagahasa ako dahil sayo? maaatim mo bang katulong lang ang mag aalaga sa akin?" sabi nito sa kabilang linya."May nurse ka naman hindi ba?" sagot n
Inis na inis si Audrey ng hindi makontak si Harvy. Alam niyang pinagpatayan siya ng cellphone ng lalaki."Hindi maaari to! Bakit hindi ko siya makontak? peste!!" asar na asar siya habang nakaupo sa wheelchair.Ilang linggo pa lang simula niing ipagahasa niya ang sarili niya. Ayaw naman niyang makipag communicate sa mga pulis, dahil kunwari ay nahihiya siya. Napapaikot niya pa naman sa kanyang mga kamay si Harvy.Pero ngayong araw, alam niyang kakatapos lang ng kasal ng mga ito. Gusto niya sanang ipamukha sa asawa nito na siya pa rin ang pipiliin ng lalaki kung sakaling gustuhin niya itong makita. Ngunit parang mabibigo siya ngayong araw. Nag iisip na naman siya ng olano na maaaring magamit kay Harvy."Paano ko ba kasi ipapamukha sa lalaking yun na ang nangyari sakin ay kasalanan niya? nakakainis talaga. Akala ko hawak ko na siya sa leeg. Nagkamali pala ako. Audrey... mag isip ka nga ng maayos.. paano mo makukuha ang gusto mo kung kulang ka sa convincing power?" sabi niya sa sarili.Ma
Bumukas ang pinto ng hotel, kung saan siya naroroon. Antok na antok pa talaga siya. Nakita niya ang pigura ni Harvy na pumasok, may dala itong tray ng pagkain. Inilapag nito sa mesa angy dala dala. Siya naman ay nakadapa pa rin. Parang ayaw niya pang tumayo. "Dahlia.. Dahlia.." marahan siyang niyuyugyog ni Harvy, "Bangon ka na, sabi nina Amihan, hindi ka pa daw bumababa. Dinalahan na lang kita ng pagkain.." sabi pa nito. "Anong oras na ba?" tanong niya. "Alas diyes na.." "Anong ginagawa mo dito? di ba umalis ka?" tanong niya dito habang nakapikit siya. "Umuwi ako kaagad, baka hanapin ako nina lolo. Tayo ka na dyan.." Bumangon siya, nalaglag ang kanyang kumot na nakasapi sa kanyang dibdib. "Asan ang robe ko?" tanong niya sa lalaki. Kinuha nito sa sahig ang hinahanap niya. "Ito oh.." tinulungan pa siyang magsuot ng lalaki ng robe niya. "Anong pagkain?" tanong niya dito. Wala na siyang pakialam kahit makita nito ang katawan niya, may nangyari na ,tatakpan niya pa. Kinuha niya ang
"Anong tinatanaw mo?' tanong ni Amihan sa kanya. "Ah--wa--wala. Wala naman." "Wag mo na akong paglolokohin, may nakita ka, sino yun?" "Parang kahawig lang naman, pero parang hindi naman siya." "Si Audrey ba?" tumango siya, "actually, kanina ko pa napapansin yun, pero hindi ko na lang sinasabi, kasi nakakasira lang ng mood.""Kaya nga eh, baka namamalikmata lang talaga ako." sagot niya sa kaibigan. "Hi mga miss, may mga kasama ba kayo?" may nag approach sa kanilang mga lalaki, "we so you, parang ang saya niyong nag uusap." "May kasama kami, andun" itinuro ni Amihan sina Arvin at Harvy na hinahabol ni Malena. "Ako nga pala si Richmond," pakilala nito sa kanila, "and this is my friend, Earl. What's your name girls?" "I'm Ami, ang this is my friend, Dahlia," pakilala ni Amihan sa mga ito. "Hi," kaway niya sabay pakita ng kamay," oops my ring na kasi ako dito eh," sagot niya. "Ooooh.. you're already married? but you look so young," nakangiting wika ni Richmond. "How about you?" t