Grey’s POV“Shit, kambal!” hindi ko mapigilang isigaw ito kahit alam ko naman na hindi niya ako maririnig dahil sa lakas ng ulan. Hinayaan ko na lamang siyang nasa tabi ni Arthyrn at inalalayan siya para gumising. Habang nanunuod ako ay napasulyap ako sa makakakumpetensya ko sa obstacle. Si Alyana. Ewan ko ba, parang iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. Pero nakikita ko sa kanya ang dating bersyon ni Arthyrn na Alyana din sa dating pagkakakilanlan niya. Pirmi lamang siyang nakatingin sa screen at ilang saglit pa ay nagulat ako nang lumingon ito sa akin. Nginitian niya ako na halos kinilabutan ako sa klase ng ngiti niya. Ibang-iba sa ngiti na ipinapakita niya sa lahat. Parang ngiti na may binabalak ang pinakita niya sa akin. “Good luck, Grey!” aniya at tinuon ang tingin sa blood army na nakalapit na ngayon sa amin. “Pick your obstacle, Grey Collins,” napatingin ako sa fish bowl. Napabuntong-hininga pa ako dahil sa kabang nararamdaman ko sa obstacle na ito. Hindi namin ito naranasan
Third person’s POV KASALUKUYANG naghahanda si King Arthur para makipagkita kay Jinx De Vega o si Jerome Demitri sa totoo nitong pagkakakilanlan. Nagawa na nito ang ipinagagawa ni King Arthur na ipakita ang mga dokumentong nagpapakita na nawawalan na sila ng investors. Hinayaan ni King Arthur na mawala ang thousands of investors sa Blood Organization. At ang natitira na lamang ay apat na investors na walang iba ay kundi sina Prince Nathan, Prince Patrick, Emperor Arnold at si King Arthur. Hindi alam ng Dark Organization na sila ang apat na may malalaking shares sa Blood Organization bukod din na sila ang may-ari ng mga ito. Hindi kasi totoong mga pangalan nila ang nakasulat sa mga investors kundi mga codename nila sa gangster world. “King, saan ka pupunta?” si Pierre o ang mas kilalang orihinal na Prince Marvin. Pababa siya ng hagdanan nang makita niya si King Arthur na nag-aayos ng kurbata nito. “Makikipagkita ako sa asset natin sa Dark Organization. Titignan ko kung ano ang mga p
Aldrin’s POV Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig ko. Alam kong tinawag niya ako sa dati kong pangalan. Tinawag niya akong Zylan. Paanong nakakaalala na siya? Wala naman akong ibinigay na gamot sa kanya noong wala pa siyang malay. Puwera na lang kung mayroong mas malapit sa kanya na palihim siyang pinapainom ng gamot pampaalala. Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko kanina pa. Hindi ko gusto na maging dahilan ng pagbabalik ng alaala niya ay ang mga gamot na ipainom sa kanya o mga gamot na palihim kung ilagay sa katawan niya. Delikado iyon para kay Arthyrn. At sa oras na kapag nanumbalik na ang lahat, puwedeng ikapahamak ng blood organization ito. “Your turn, De Vega,” ani ng Blood Army at mabilis akong rumesponde para tumakbo. Napatingin ako sa kakumpetensya ko sa obstacle. Ito yung baguhan, si Teris.At parehas kami ng nabunot. Ang low belly crawl. Nang makapunta na kami sa paggaganapan nito ay pinakatitigan ko muna ang mga insekto o peste na naroon. Mayroong snake worm doo
Third Person’s POVNakapiring ang kanyang dalawang mata ng isang itim na tela. Nakaupo siya sa isang stainless na upuan at nakatali ang dalawang kamay niya patalikod sa inuupuan. Sa mga oras na ito ay kinakabahan siya dahil hindi niya nagawang patayin si Jinx De Vega o mas kilalang sa dati nitong katauhan na si Jerome Demitri. Kailangan niyang magawa ang ipinag-uutos. Dahil kung hindi, maaring mapahamak ang kanyang nakakatandang kapatid sa kamay ng Dark Organization. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makatakas at kailangan niyang makagawa ng paraan upang mapaslang si Jinx dahil matagal na niya itong minamanmanan. Nagtatraydor ito sa Dark Organization. Limang taon na ang lumipas ay alam niyang may mga planong binubuo at gustong matupad ng organisasyon na kanyang kinabibilangan. Nakasalamuha niya ang tatlong pinakamatataas na mafia Council. At ang mga ito mismo ang nakagawa ng mga plano na gayahin ang mga prinsipe na nasa Blood Royalties. Hindi niya lang lubos maisip na kasama sa
Arthyrn’s POVSapo ko ang aking dibdib hanggang sa ako ay makarating dito sa sarili kong silid. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ni hindi ko makuha ang sagot kung bakit nakita ko sa isipan ko ang imahe ni Damon pero si Aldrin ang nasa harapan ko kanina. Parang ang gulo. Hindi ko maintindihan. “Weird…” bulong ko sa sarili saka napainom ng isang basong tubig. Nagtaka pa ako nang mayroong nakahandang tubig sa aking counter table samantalang iniwanan ko ito kanina na malinis ang table na ito. Nang pagmasdan ko pa ang basong pinag -inuman ko, doon ko lang napansin na mayroong lumulutang na maliliit na particles. Sa sobrang liit na parang pulbos ang texture nito, kahit sino mang iinom ay hindi mapapansin. Kumuha naman ako ng isang lagayan na may takip. Doon ko ibinuhos ang natitira pang tubig sa baso. Kailangan ko itong maimbestigahan. Dahil kung hindi ako nagkakamali, noon pa man, si Prince Justine ay mayroong gamot na ipinapainom sa akin. Hindi lamang ako makapagtanong dahil al
Third Person’s POVKASALUKUYANG naghahanda na si Dominic sa kanyang obstacle. Patapos na kasi si Damon sa sarili nitong obstacle at ngayon ay siya ang nasa unahang pila na nasa hanay nila. Magiging katunggali niya si Nicole, isa sa mga Human innovations. Sa obstacle naman sa pagitan nina Damon at Sync, nanalo ay si Sync, nagpapakita ito ng bilis at diskarte na hanggang ngayon ay hindi malaman ang kung paano niya ito ginawa. Ang kanilang obstacle ay parehas na nasa Type B na may pag akyat sa six feet inclining wall. At sa loob ng twenty minutes, natapos ni Sync ang obstacle kumpara kay Damon na inabot ng trenta minutos na mabuti naagapan at hindi nahulog sa hole na nagbukas sa wall. “Sync Gonzales won the obstacle,” anunsyo ng isang blood army saka iwinagayway ang bandila ng hanay nila Dominic. Lumapit naman ang isang blood army sa tapat ni Dominic na may dalang fish bowl. Pipili na si Dominic ng kanyang sariling obstacle na susubok sa kanyang kakayahan. “Type D. Confidence Climb and
Third Person’s POV“Prince Ken told me about my sister right now. Humingi ng tulong sa kanya si Arthyrn dahil mayroon daw nagmamanman sa sarili niyang silid. Binigyan pa siya ng mga device ni Ken para makatulong sa pag scan ng mga inihahain na pagkain sa kanya,” si King Arthur habang nakatingin mula sa malayo na papalubog na araw. Kausap niya mula sa kabilang linya ay si Prince Nathan na ngayon ay kasama rin nina Emperor at Prince Patrick. “Mabuti at kay Prince Ken siya humingi ng tulong. Wag siyang lalapit sa akin dahil mayroong nakamasid din sa akin kung ako ba ay kakampi nila o kaaway. They will know if I help your sister regarding her situation.” TRENTA minutos ang nakalipas simula nang makaalis sa bloody access room si Arthyrn dala-dala ang mga pinahiram na device sa kanya ni Prince Ken. Ang prinsipe naman ay hindi na nagdalawang isip na i-report kay King Arthur ang mga natuklasan niya kay Arthyrn lalo na sa microchip na matagal na nasa loob ng katawan nito. Hindi naman mapakal
Third Person’s POVHindi pa man malalim ang gabi ay tila parang nasa kalagitnaan na ng gabi dahil sa madilim na paligid na bumabalot sa buong Sembrano’s Palace. Mas lumakas pa ang ulan sa labas na sinabayan ng mas malakas na hangin. Gumagawa naman ng paraan ang mga blood armies upang mapigilan ang pagpasok ng tubig na umaapaw sa malalim na parte ng gate sa bloody south kung saan naroon pinagganapan ang blood obstacle course. Dahil sa ipinagpaliban muna ang obstacle course ay nagkaroon ng maagang pahinga ang mga initiates. Magkakasama ang mga nasa hanay ng human innovations na kung saan ay may mga espekulasyon sa kani-kanilang mga sarili. Pare-parehas silang napahawak sa kanilang mga batok nang makaramdam sila ng kakaibang kirot ng sabay-sabay. Hindi man nila makita kung ano ang nasa kanilang batok, base sa paghawak dito, napag-alaman nilang mayroong nakalagay doon na tila nakatusok pa mismo sa kanilang balat. “Naramdaman niyo rin ba ‘yon, guys?” si Cherry saka napatingin sa mga kas