Third Person’s POV“Prince Ken told me about my sister right now. Humingi ng tulong sa kanya si Arthyrn dahil mayroon daw nagmamanman sa sarili niyang silid. Binigyan pa siya ng mga device ni Ken para makatulong sa pag scan ng mga inihahain na pagkain sa kanya,” si King Arthur habang nakatingin mula sa malayo na papalubog na araw. Kausap niya mula sa kabilang linya ay si Prince Nathan na ngayon ay kasama rin nina Emperor at Prince Patrick. “Mabuti at kay Prince Ken siya humingi ng tulong. Wag siyang lalapit sa akin dahil mayroong nakamasid din sa akin kung ako ba ay kakampi nila o kaaway. They will know if I help your sister regarding her situation.” TRENTA minutos ang nakalipas simula nang makaalis sa bloody access room si Arthyrn dala-dala ang mga pinahiram na device sa kanya ni Prince Ken. Ang prinsipe naman ay hindi na nagdalawang isip na i-report kay King Arthur ang mga natuklasan niya kay Arthyrn lalo na sa microchip na matagal na nasa loob ng katawan nito. Hindi naman mapakal
Third Person’s POVHindi pa man malalim ang gabi ay tila parang nasa kalagitnaan na ng gabi dahil sa madilim na paligid na bumabalot sa buong Sembrano’s Palace. Mas lumakas pa ang ulan sa labas na sinabayan ng mas malakas na hangin. Gumagawa naman ng paraan ang mga blood armies upang mapigilan ang pagpasok ng tubig na umaapaw sa malalim na parte ng gate sa bloody south kung saan naroon pinagganapan ang blood obstacle course. Dahil sa ipinagpaliban muna ang obstacle course ay nagkaroon ng maagang pahinga ang mga initiates. Magkakasama ang mga nasa hanay ng human innovations na kung saan ay may mga espekulasyon sa kani-kanilang mga sarili. Pare-parehas silang napahawak sa kanilang mga batok nang makaramdam sila ng kakaibang kirot ng sabay-sabay. Hindi man nila makita kung ano ang nasa kanilang batok, base sa paghawak dito, napag-alaman nilang mayroong nakalagay doon na tila nakatusok pa mismo sa kanilang balat. “Naramdaman niyo rin ba ‘yon, guys?” si Cherry saka napatingin sa mga kas
Third Person’s POVHindi mapakali si Sean. Oras na kasi para sila ay pumunta sa dormitoryo at trenta minutos pa bago ang eksaktong oras ng pagtulog ng mga initiates. Pagkatapos kasi ng sabay-sabay nilang hapunan sa mess hall, napansin niyang umaaligid si Alyana kay Grey. Mukhang may binabalak pa ang isang iyon para gamitin si Grey sa kanya. Kaya hindi niya pwedeng ipagkatiwala ang kanyang mga nalaman kina Damon at Aldrin, na mag-amang Villareal ito. Kaya maiging isarili na lamang ni Sean ang kanyang mga lihim na ipinagkatiwala ni Aldrin sa kanya. Kakapasok lang ni Sean sa silid ng Ice Breakers ay nakaramdam agad siya ng kakaibang awra. Hindi niya naabutan doon sina Grey o Dominic, wala rin doon si Damon. Hindi naman niya pinansin ang pagkawala ng presensya ng iba pa niyang kasamahan at dumiretso sa kanyang kamang hinihigaan. Alerto pa rin naman siya sa mga puwedeng mangyari lalo na’t nakita niya na nandoon si Alyana, nakatapis lamang ng tuwalya na nakaupo sa kama nito. Hindi naman n
Sean’s POVNAKAHANAY kami ng isang linya ngayon dito sa Bloody South. Nakapalibot sa amin ang sampung blood armies. Dapat ay natutulog na kami sa mga oras na ito pero dahil nga sa ginawa ng cyborg na ‘yon, heto kami’t mapaparusahan o kung ano pa man ni Prince Ken. Katabi ko si Dominic at si Damon este si Mr. Villareal sa katauhan ni Damon. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na alam ko na ang totoo nilang katauhan ni Aldrin na ito namang totoong si Damon. Alam kong nasa peligro silang mag-ama. At ang nakabantay sa kanila ay si Alyana o mas kilalang si Agatha na dati nitong pangalan. Hindi ko lang maunawaan kung bakit ginagaya nito ang kilos ni Arthyrn sa dati nitong pagkatao at mas lalong ginaya rin ang pangalan niya. Para saan? Para ba mamanipula niya ang mga taong nasa paligid noon ni Arthyrn? Kaming Ice Breakers? Aminado ako noong una ay nahiwagahan ako sa pagkatao niya. Nainis lang ako sa parteng nagiging papansin na siya. Tapos kapag hindi pinansin ay magpapakita ng emosyon na ka
Aldrin’s POVHindi ako mapakali sa nangyayari ngayon sa Ice Breakers. Alam kong nasa panganib si Sean. Dapat kong pigilan si Sean na makapasok sa silid. Dahil alam kong makokorner siya ni Alyana. Pagkatapos kasi ng obstacle ni Alyana, mukhang hinahanap niya si Sean. Hindi na kasi naipagpatuloy ang kanilang obstacle dahil sa sama ng panahon ngayon. Kaya minabuti ng mga Royalties na ipagpaliban muna ang pagsasanay. At iyon nga, hindi alam ni Dad na bawat gagawin ni Alyana ay binabantayan ko. Lalo na baka bigla niyang atakihin si Arthyrn na hindi ito alerto o masyadong nadala sa kanilang pagkakaibigan. Sa bawat pagbabantay ko sa kilos niya, palihim kong nakita kung paano niya nabuhusan si Sean sa damit at iba ang napag isipan na may sala nito. Gumamit siya ng teknik na kung saan ay ang ibang tao ang gagawa ng dapat niyang gagawin upang hindi mapaghinalaan. At mukhang nabasa ko ang kung ano ang nasa isip ni Alyana, na pupunta si Sean sa silid nila para magpalit ng damit. Kung kaya’t inuna
Jared’s POVHindi ako puwedeng magkamali. Kahit naman madilim eh alam ko ‘yong nakita ko at mas malinaw pa sa kapogian ko ang mga mata ko. Mukhang ayaw lang yata ni Aldrin na pansinin ko pa iyon o talagang iniiwasan niya ang topic na iyon? Nkita ko kasi na kumislap ang dalawang mata ng isang blood army na lumabas mula sa loob. Hindi lang basta-basta pagkislap ng mata ang nakita ko kundi may parang kulay pula pa itong kahalo. Parang… parang isang robot? Robot? Ugh… napapikit ako. Biglang kumirot ang ugat yata dito sa ulo ko. Parang may kung anong lumabas na hindi ko maintindihan. Parang pinipiga at mainit sa loob. Hindi ko maintindihan. “Jared, are you okay?” rinig kong pag-aalala ni Aldrin. Nag okay sign ako sa kanya pero mariin pa rin akong napapikit. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat hanggang sa inaalalayan na pala niya ako. Hahawiin ko sana ang kanyang kamay nang maramdaman kong nanghihina ang bawat galaw ko. “What happened to him?” rinig kong isa pang boses. Pili
Third Person’s POVNapalinga-linga si Prince Marvin o ang taong mapagpanggap sa katauhan ng prinsipe. Malakas ang kanyang pakiramdam sa mga naoobserbahan niya. Lalo pa’t nasisiguro niyang hindi basta-basta iiwanan ng hari ang Sembrano’s Palace sa ikalawa o ikatlong prinsipe. Hindi siya mapakali dahil may naaamoy siyang kakaiba sa kanyang paligid. Amoy na kung saan ay umuusbong dahil sa patuloy na patagong nangyayaring transaksyon sa pagitan ni Emperor at Prince Nathan. Mukhang hindi nga siya nagkakamali ng hinuha dahil sa pagsunod niya kila Aldrin at Jared na pasimpleng patago. Nakita niya mismo ang pagkawalan ng malay ni Jared at ang pagresponde nina Prince Nathan at Prince Patrick. Alam niya kasing nakita siya ni Aldrin kanina nang rumoronda siya sa labas ng bloody south at akala niya ay susundan siya ng dalawa ngunit mukhang iba ang mga pakay nito. Kaya siya na lang mismo ang sumunod sa dalawa. Nakita siya ng isang blood army na isang cyborg, papaputukan sana siya nang nag-scan an
Third Person’s POVThird Person’s POVKINABUKASAN. Wala na ang masamang panahon na magpapahinto sa blood obstacle course ng mga nagsasanay sa bloody training. Pinahupa kasi nila ang masamang panahon na may malakas na pag ulan dahil hindi nila masisilayan sa bawat monitor ang mga estratehiya at aksyon ng mga initiates kapag sumabay ang ulan. Makikita naman ang platform monitor na naglalaman ng mga nangunguna at nahuhuling mga initiates sa unang batch ng blood obstacle course. Halos may mga bumaba sa kanilang ranking at ang ilan naman na nagwagi sa obstacle ay nangunguna o tumaas ang ranking base na rin sa bilis na tinapos ang naturang obstacle. “Good job, Alyana…” bati ni Prince Justine nang madaanan niya si Alyana, papunta kasi siya sa stage na kung saan naroon na ang ibang royalties kasama sina Emperor, Prince Nathan, Prince Patrick, Prince Marvin at Prince Timothy. Napapatingin naman si Prince Marvin kila Emperor at Prince Nathan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nasaksiha