Third Person’s POVThird Person’s POVKINABUKASAN. Wala na ang masamang panahon na magpapahinto sa blood obstacle course ng mga nagsasanay sa bloody training. Pinahupa kasi nila ang masamang panahon na may malakas na pag ulan dahil hindi nila masisilayan sa bawat monitor ang mga estratehiya at aksyon ng mga initiates kapag sumabay ang ulan. Makikita naman ang platform monitor na naglalaman ng mga nangunguna at nahuhuling mga initiates sa unang batch ng blood obstacle course. Halos may mga bumaba sa kanilang ranking at ang ilan naman na nagwagi sa obstacle ay nangunguna o tumaas ang ranking base na rin sa bilis na tinapos ang naturang obstacle. “Good job, Alyana…” bati ni Prince Justine nang madaanan niya si Alyana, papunta kasi siya sa stage na kung saan naroon na ang ibang royalties kasama sina Emperor, Prince Nathan, Prince Patrick, Prince Marvin at Prince Timothy. Napapatingin naman si Prince Marvin kila Emperor at Prince Nathan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nasaksiha
Third Person’s POVSa lumipas na tatlong araw natapos ang naturang training para sa mga nagsasanay na maging opisyal na kapanig ng Blood Organization. Sa apatnapu na mga nagsasanay sa blood obstacle course ay nabawasan ng sampung initiates. Ang ilan sa mga ito ay binawian ng buhay. Ang tatlo sa mga ito ay nakain ng mga piranha dahil nahulog sa kanilang obstacle sa Tough one course. Ang dalawa naman ay nahulog sa hole na darkness and death na kung saan ay inakyat nila ang halos matayog na pader. Ang isa naman sa low belly over ay nahati ang katawan dahil naubos ang two attempts nito sa pag lift over ng katawan. Ang dalawa naman ay nahulog sa mga makamandag na ahas sa obstacle na confidence climb and ten vaults. At ang sa low belly crawl ay may isang nahati rin ang katawan dahil sa pag-iwas sa mga insekto at hindi nito namalayan ang mga laser sa ibabaw nito. At ang panghuli na nasawi ay sa Dangerous weaver and slide for life nang mahulog sa mga buwaya dahil sa presyon. At ang natitiran
Sean’s POVBinigyan kami ng isang oras bago kami makapagsimula ng panibagong test at sanayin. Masasabi kong sa susunod na pagsasanay namin ay bihasa ako rito. Dahil alam ko sa sarili ko kung paano ako makiramdam sa paligid ko at paano ako mag obserba. Sumulyap naman ako kila Arthyrn na magkakatabi sa isang korner. Kasama niya doon ang tatlong magkakapatid na Da Silva Brothers, si Jared, si Aldrin at si Alyana. Umiwas agad ako ng tingin nang mapansin kong titingin siya sa gawi ko. Mukhang napansin din ako ni Aldrin kaya palihim akong tumango sa kanya. Napatingin din ako kay Damon ay este kay Mr. Villareal nang tumayo ito. NMagkakatabi kasi kami dito sa isang hanay ng table. Katabi ko si Dominic na nasa kaliwa at itong si Mr. Villareal sa kanan. Si Grey naman ay kaharap namin na nakapokus ang mata sa dalawang diyamante na nakuha nito kanina. Nakita ko si Mr. Villareal na tinawag ang pansin ni Alyana. Nakunot-noo pa ako nang niyaya niya itong umalis sa kung saan base sa senyas nito. Muk
Third Person's POVKatulad nga ng nangyari sa sinabing anunsyo ay unang sumalang sa smell blood intruder ang mga nasa bottomline ranks. Ang bilang ng nasa mga bagsak na ranggo ay may sampu. At ang tatlo sa kanila ay hindi na muling nagising pa dahil sa hindi nila nakayanan ang delusional test na kanilang naranasan. Lupaypay ang mga katawan ng mga ito at namumutla. Kitang kita nilang lahat kung paano tumirik ang mga mata ng mga ito na hindi na biniyayaan pang muli magising sa pagkakaturok ng pampatulog. Hindi sila nagising sa kani-kanilang mga kinakaharap na delusyon na mula sa kanilang mga nakaraan. Ang pito namang mga nakaligtas ay mga natulala na lamang at ang ilan ay kakikitaan ng pagkamula ng mata marahil sa kakaiyak kahit na nakapikit ang mga mata. Nag uumpisa naman ngayon ang upperline sa pinakamababang ranggo na sinimulan sa hanay nina Jezreel, Rycko at Argon. Naunang tinawag si Jezreel. Pinasuot siya ng panibagong damit na kung saan ay fitted sa kanyang buong katawan. May kul
Third Person's POVNanalo si Jezreel sa kanyang sariling smell blood intruder. Na kung saan ay ang sarili niya mismo ang pinatay niya sa naturang test. Ang sarili niya mismo ang naging kalaban niya sa delusional test. Na kung mahina ka ay kawawa ka at kung malakas ka, kailangan mong limitahan ang iyong sarili. Iyan ang natutunan ni Jezreel. Nakita naman siya ng lahat na malalim ang paghinga mula sa pagkakagising niya sa delusional test nito. Pagkatapos naman ni Jezreel ay si Rycko ang nasunod na tinawag. Na kung saan ay kakikitaan ng pagkabalisa at kabado sa ano mang makakaharap niyang muli sa nakaraan. Mabagal ang kanyang kilos sa paglalakad kung kaya't may nasasayang na oras na naging dahilan para siya'y hatakin na ng isang blood army at puwersahang pasuotin ng damit para sa delusional test. Nang matapos siyang bihisan ay ipinasok na rin siya sa loob at pinahiga sa metal na higaan. Ilang segundo lang ay katulad ng mga naunang initiates ay makikitang kusang gumalaw ang mga wires na
Third Person's POVNagpatuloy ang smell blood intruder. Pagkatapos ni Rycko ay sumunod naman si Argon na sasabak sa naturang test. Sa mga oras na ito ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Ni hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya roon na delusional test. Binigyan naman siya ng ngiti ng kanyang dalawang kambal na sina Antimony at Bismuth. "You can do it, bro!" ani Bismuth sabay ng pagsaludo sa kapatid. Napatango naman si Argon saka napatikhim. Kitang-kita niya kung papaano na tila binabangungot ang mga nauna sa kanya. Sa mga nasa bottomline ranks ay nakita niya kung paanong nangisay ang mga initiates habang nalahiga sa metal na higaan. Kung papaanong nilabasan ng puting likido sa mga bibig at pag-angat ng katawan na tila may nilalabanan. Nang matapos niyang magpalit ng damit ay dumiretso na siya sa higaan at doon ipinikit ang mata. Nakaramdam naman siya ng pagturok sa kanya ng syringe at napabuntong hininga sa hapdi at kirot na bumabalot sa kanyang katawan hanggang sa tul
Third Person's POV Inalalayan nina Bismuth at Antimony ang kanilang kapatid na si Argon. Tulala pa rin kasi ang binata habang may tumutulong mga pawis sa noo nito at mapapansin ang basang katawan nito. "Come on, Argon. You won. It's alright there is nothing to worry," si Bismuth habang akay sa kaliwang balikat ang kapatid. Si Antimony naman na nasa gawing kanan na umaalalay. Nahihiwagaan siya sa kung ano ang naranasan ni Argon sa delusional test. Dahil kung ano ang naranasan nito, siguradong magkakonektado sila sa mga ito dahil sa kakambal niya ito. "Yeah… there is nothing to worry about…" bulong ni Antimony. UMILAW ang singsing ni Prince Nathan. Tanging nakakapansin nito ay ang katabi niyang si Emperor. Iisa lang kasi ang pag ilaw ng singsing na ito na konektado sa blood cemetery underground human innovation laboratory. Sa mga oras na ito ay nakaramdam ng kakaiba si Prince Nathan. Palihim niyang tinakpan ang ilaw sa singsing gamit ang kamay saka pinatay ang ilaw. "I have somethi
Third Person's POV Kalmado lamang si Prince Nathan sa bawat kilos niya. Hindi siya puwedeng magpakita ng ano mang paghihinalaan siya lalo na't nakikita ng mga ito ang kanyang mga galaw. Alam niya rin na may sumusunod sa kanya ngayon na isa sa mga tauhan ng Dark Organization ngunit hindi niya ito ipinapahalata at ipinagsasawalang bahala na lamang. Nang makalagpas sa perimeter na doon lang aabot ang sakop ng pag eespiya sa kanya dahil na rin sa kapwa Royalties lang ang puwedeng makapasok sa Sembrano's Empire, mabilis niyang pinindot ang elevator upang magbukas. Nang magbukas ay iniangat naman niya ang tagong button na nag uugnay sa blood cemetery underground base. Dahil ang tanging nakakaalam lamang ng button na mayroon nito sa elevator ay walang iba kundi sila lang tatlo nina King Arthur at Prince Patrick. Ngunit lingid sa kaalaman nilang tatlo ay mayroong patagong nag eespiya sa hidden entrance na konektado sa blood cemetery. Ang nagpapanggap na Prince Marvin o mas kilala na isa sa m