Third Person's POVNagpatuloy ang smell blood intruder. Pagkatapos ni Rycko ay sumunod naman si Argon na sasabak sa naturang test. Sa mga oras na ito ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Ni hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya roon na delusional test. Binigyan naman siya ng ngiti ng kanyang dalawang kambal na sina Antimony at Bismuth. "You can do it, bro!" ani Bismuth sabay ng pagsaludo sa kapatid. Napatango naman si Argon saka napatikhim. Kitang-kita niya kung papaano na tila binabangungot ang mga nauna sa kanya. Sa mga nasa bottomline ranks ay nakita niya kung paanong nangisay ang mga initiates habang nalahiga sa metal na higaan. Kung papaanong nilabasan ng puting likido sa mga bibig at pag-angat ng katawan na tila may nilalabanan. Nang matapos niyang magpalit ng damit ay dumiretso na siya sa higaan at doon ipinikit ang mata. Nakaramdam naman siya ng pagturok sa kanya ng syringe at napabuntong hininga sa hapdi at kirot na bumabalot sa kanyang katawan hanggang sa tul
Third Person's POV Inalalayan nina Bismuth at Antimony ang kanilang kapatid na si Argon. Tulala pa rin kasi ang binata habang may tumutulong mga pawis sa noo nito at mapapansin ang basang katawan nito. "Come on, Argon. You won. It's alright there is nothing to worry," si Bismuth habang akay sa kaliwang balikat ang kapatid. Si Antimony naman na nasa gawing kanan na umaalalay. Nahihiwagaan siya sa kung ano ang naranasan ni Argon sa delusional test. Dahil kung ano ang naranasan nito, siguradong magkakonektado sila sa mga ito dahil sa kakambal niya ito. "Yeah… there is nothing to worry about…" bulong ni Antimony. UMILAW ang singsing ni Prince Nathan. Tanging nakakapansin nito ay ang katabi niyang si Emperor. Iisa lang kasi ang pag ilaw ng singsing na ito na konektado sa blood cemetery underground human innovation laboratory. Sa mga oras na ito ay nakaramdam ng kakaiba si Prince Nathan. Palihim niyang tinakpan ang ilaw sa singsing gamit ang kamay saka pinatay ang ilaw. "I have somethi
Third Person's POV Kalmado lamang si Prince Nathan sa bawat kilos niya. Hindi siya puwedeng magpakita ng ano mang paghihinalaan siya lalo na't nakikita ng mga ito ang kanyang mga galaw. Alam niya rin na may sumusunod sa kanya ngayon na isa sa mga tauhan ng Dark Organization ngunit hindi niya ito ipinapahalata at ipinagsasawalang bahala na lamang. Nang makalagpas sa perimeter na doon lang aabot ang sakop ng pag eespiya sa kanya dahil na rin sa kapwa Royalties lang ang puwedeng makapasok sa Sembrano's Empire, mabilis niyang pinindot ang elevator upang magbukas. Nang magbukas ay iniangat naman niya ang tagong button na nag uugnay sa blood cemetery underground base. Dahil ang tanging nakakaalam lamang ng button na mayroon nito sa elevator ay walang iba kundi sila lang tatlo nina King Arthur at Prince Patrick. Ngunit lingid sa kaalaman nilang tatlo ay mayroong patagong nag eespiya sa hidden entrance na konektado sa blood cemetery. Ang nagpapanggap na Prince Marvin o mas kilala na isa sa m
Third Person’s POVHindi halos makapaniwala sina Prince Nathan at King Arthur sa pagkagising ni Prince Justine. Hindi rin kasi inaasahan na magigising ito lalo pa’t wala siyang sintomas na nagpapakita na puwede na siyang magkamalay. Nakaupo sila ngayon na magkatapat. HIndi naman mabasa ang awra ni King Arthur dahil sa kanyang mga plano na mukhang mapapaaga ang ganap. Ganun din nasa isip ni Prince Nathan, mukhang may babaguhin sila sa kanilang mga gagawin dahil sa hindi inaasahang pagkagising ng ikaapat na prinsipe. Nakasuot na rin si Prince Justine ng maayos na damit. Inaabangan lang nila dumating sina Emperor at Prince Patrick. “What really happened to me?” ungkat ni Prince Justine. Natuon naman ang pansin sa kanya ni King Arthur na wala balak na magsalita. Inayos naman ni Prince Nathan ang salamin saka ibinaba ang binabasa. “By an accident. Luckily, nakaligtas ka. And to make a story short, nilagay ka namin sa capsule incubator na tinatawag naming human innovations para maisalba
Third Person’s POVNatapos ang smell blood intruder ni Antimony na halos hindi nagtagal ng isang oras. Lahat din ay namangha sa kanyang mabilis na test na tila wala lang sa binata ang naranasan sa delusional test. Hindi kasi tulad sa kanyang dalawang kakambal ay tila na-trauma ang mga ito base sa ipinapakitang mga emosyon nito. Pero nang matapos si Antimony ay walang emosyon na mabigat itong ipinakita na tila nag enjoy pa sa kanyang mga karanasan sa delusional test. Sa mga nararanasan kasi ni Antimony ay masasabing nakuha niya ang lohika na sinabi ni Prince Nathan bago pa man magsimula ang smell blood intruder. Na kung saan ay malilito sila kung sino ang kalaban at kung sino ang dapat hindi pagkatiwalaan. Iyon ang tumatak kay Antimony at kahit na wala pa siya sa kalagitnaan ng kanyang delusional test ay nalaman niya na agad kung sino ang dapat niyang hindi pagkatiwalaan. Ang kanyang sarili sa delusional test. Natapos si Antimony sa test na ito na may oras na trenta minutos. Mas mab
Aldrin’s POVTiningnan ko ang screen na kung saan ay susunod na sasalang ay si Dad. Kinakabahan ako para sa kanya. Alam kong nagsanay naman siya para maging katulad ko pero iba pa rin kasi ang abilidad niya sa pakikipaglaban. Hindi ko alam pero talagang hindi ako mapakali. Ayokong matulad siya sa ibang namatay o hindi na talaga nagising sa delusional test. Baka dito pa mahalata ang totoo naming pagkatao lalo pa’t nararamdaman ko na nagmamanman ng pursigido si Alyana. Matapos ko silang sundan ni Dad noong nagkausap sila ay doon ko nalaman na binibigyan ni Alyana ng threats ang tatay ko. Ipinapakita niya sa pamamagitan ng palad nito ang itsura ng nakakabata kong kapatid na ngayon ay nakatali at walang malay. Kaya pala parang iba ang kilos niya sa mga oras na ito dahil minsan ko na siyang nakikitaan ng pagkatulala dahil iniisip niyang mapapahamak si Zyra. Hindi dapat ito makaapekto kay Dad dahil puwedeng ikapahamak niya ito at ito ang maisalang sa kanya sa delusional test. Kung hindi a
Third Person’s POV Maging si Sean ay nabunutan ng tinik sa nakitang matagumpay na naipasa ni Agustin o sa katauhan ni Damon na anak nito, ang delusional test. Buong akala rin niya ay hindi nito makakaya dahil sa nakikitaan ito kanina ng pagbilis ng tibok ng puso at panginginig ng katawan. Napatingin naman siya kay Aldrin na mapapansin ang pamumula ng mata nito marahil sa pagpipigil din ng emosyon. Nagkatanguan naman sila ng magkasalubong ang kanilang mga tingin. Mabilis naman niyang iniwas ang tingin kay Aldrin nang makita sa kanyang peripheral vision ang atensyon ni Alyana na napunta sa kanya. Pumunta naman si Alyana at Grey kay Damon ng makalabas na ito sa transparent stadium. Inalalayan naman ni Grey si Damon nang naiika ito sa paglalakad at makikita ang pagkahapo. Umiwas naman doon ng tingin si Sean dahil kahit saan siya tumingin ay tila nakabantay si Alyana sa kanya. Hindi niya dapat ito makatitigan dahil mapapahamak ang mag ama. “I’m next!” si Kiefer na itinaas pa ang dalawan
Third Person's POV Nagmamatiyag. Iyan ang ginagawa ngayon ng hanay ng Dark Organization. Habang nasa smell blood intruder test nakapokus ang atensyon ng lahat, sila naman ay umaaksyon para mapasailalim nila ang blood armies sa nalalapit na pag aalsa nila sa Blood organization. Mayroon na silang testing cyborg blood armies noong nakaraan. At ng wala naman nakahalata sa cyborg na iyon at hindi nabasa ng bloody access ni Prince Ken ang system nito, nagpatuloy sila sa pagmamanipula ng maparami nila ang hanay nila sa loob ng Sembrano's Palace. Lingid din naman sa kaalaman nila na mayroong nakapasok na hacker o sisira sa kanilang program system. Ito ay sa pamamagitan ni Prince Ken na palihim pa rin kung tumungo roon sa hidden hideout nito sa palasyo. Kailangan lang niyang maisalba si Antimony dahil natitiyak niyang mas mapapahamak ito kung hindi siya mag iingat. "We need the database of bloody access room para ma multihack natin ang buong technology ng blood organization. Mas mapapadali