Third Person's POV Nagmamatiyag. Iyan ang ginagawa ngayon ng hanay ng Dark Organization. Habang nasa smell blood intruder test nakapokus ang atensyon ng lahat, sila naman ay umaaksyon para mapasailalim nila ang blood armies sa nalalapit na pag aalsa nila sa Blood organization. Mayroon na silang testing cyborg blood armies noong nakaraan. At ng wala naman nakahalata sa cyborg na iyon at hindi nabasa ng bloody access ni Prince Ken ang system nito, nagpatuloy sila sa pagmamanipula ng maparami nila ang hanay nila sa loob ng Sembrano's Palace. Lingid din naman sa kaalaman nila na mayroong nakapasok na hacker o sisira sa kanilang program system. Ito ay sa pamamagitan ni Prince Ken na palihim pa rin kung tumungo roon sa hidden hideout nito sa palasyo. Kailangan lang niyang maisalba si Antimony dahil natitiyak niyang mas mapapahamak ito kung hindi siya mag iingat. "We need the database of bloody access room para ma multihack natin ang buong technology ng blood organization. Mas mapapadali
Third Person’s POVNakiramdam naman si Prince Justine sa hallway na papunta sa silid ni Arthyrn Sembrano. Busy ang lahat sa smell blood intruder kung kaya’t alam niyang walang makakapansin sa kanya kung pupunta siya sa kuwarto ng prinsesa upang magmanman. Napag alaman niya kasing hindi na niya nakikita ang footages sa kuwarto ni Arthyrn dahil maaring nadiskubre na ng prinsesa na mayroong nagmamanman sa kanya sa silid niya. Kailangan niyang malaman kung ano ang ginamit ni Arthyrn upang mapigilan muli iyon. Kailangan niyang magawa ito upang magpatuloy ang pagbabalik ng alaala ni Arthyrn. At kapag nangyari iyon, ang microchip ay nakaprogram para mabaliktad ang lahat ng naalala ni Arthyrn na kung saan ay magagawa nilang masama ang lahat ng nasa hanay ng Blood organization. Nang magbukas ang silid ni Arthyrn gamit ang device na nakakapag unlocked ng mga nakasaradong pinto, bumungad sa kanya ang maayos na kuwarto ng dalaga. Mapapansin din ang mga kinain ng dalaga sa sarili nitong kusina na
Third Person's POVDahil nahinto sa litrato ni Sean ang red arrow ibig sabihin lang ay siya na ang mauuna sa hanay ng kanilang ranggo. Sumunod naman sa kanya ay si Jared, pumapangatlo si Dominic at ang panghuli ay si Alyana. Biglang kinutuban ng kaba si Sean sa mga sandaling ito. Hindi dahil sa kahahantungan ng kanyang smell blood intruder delusional test kundi ay kinakabahan siya sa posibilidad na mangyari kay Dominic. Dahil bago si Alyana ay si Dominic muna ang sasabak sa test na iyon at base sa pagkakaalala ni Sean sa sinabi ni Sync sa kanya, ang total blackout ay mangyayari sa initiate na matatapatan bago kay Alyana. At si Dominic ang matatapatan ng total blackout. Nasa panganib ito. Napasulyap naman si Sean sa gawi nila Sync na ngayon ay nagiging maayos na rin ang pakiramdam matapos ang sariling delusional test nito. Mukhang naintindihan naman ni Sean ang ipinapakitang tingin sa kanya ni Sync kaya't napatango siya doon. "Good luck, Sean," ani Dominic at tinapik pa ang kanyang b
Red’s POVAlam kong hindi basta-basta ang smell blood intruder. Alam kong puwede ko itong ikamatay katulad ng mga naunang mga initiates. Kailangan kong magawa ang ginawa ni Antimony. Kung ano man iyon, hindi ko rin alam kung paano. Ang tanging clue lang kasi sinabi sa akin ni Antimony ay ‘yung sinabi raw ni Prince Nathan. Pero shit, hindi ko matandaan kung ano ang sinabi kanina ni Prince Nathan na may lohikal doon. Bakit pa kasi hindi sinabi ni Antimony ng diretsuhan eh! aish!Nang matapos naman na ako makapagpalait ng damit ay nahiga na ako dito sa metal na higaan. Kasunod naman non ay ang pakiramdam na tinusukan ako ng matulis na bagay sa iba’t-ibang parte ng katawan ko, yung mga wires na kusang gumalaw para pumunta sa katawan ko. Nilagay naman ng isang blood army yung device sa ulo ko. At pagkatapos mailagay ng mga iyon ay naramdaman ko ang makirot at mahapding pagtusok sa akin ng malaking syringe dito sa aking leegan. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng pagkadoble ng paningin ko
Third Person’s POVNaningkit ang mata ni Prince Ken nang makita niyang mayroong nakatayo sa may tabi ni Jared habang nakahiga ito sa may metal na higaan. HIndi pa man niya nailalagay ang backup nga kapag nagkakaroon ng total blackout ay may iba pang pumansin sa kanyang atensyon, sina Sync, Devon at Cherry, nasa ilalim ng stadium kung saan pinaggaganapan ang smell blood intruder delusional test. “Anong nangyayari? Bakit sila naroon?” bulong ni Prince Ken sa kanyang sarili. HIndi naman na siya nagpatumpik pa at inilagay na ang device na magiging suporta sa total blackout na nangyari. At doon na nga mas nasilayan ni Prince Ken ang katayuan ni Alyana. Ang kamay nito ay nag-iba… parang naging metal. Nakahawak sa device na nasa ulo ni Jared para sa delusional test. “Anong ginagawa ni Alyana? At tama ba itong nakikita ko? Bakal ang kamay niya? Parang may nakita na akong ganoong kamay….” napapaisip pa si Prince Ken sa nakikitang pamilyar na kamay na bakal. Ilang sandali ay mukhang naalala n
Dominic’s POV HIndi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Prince Ken. Mukhang bad trip siya sa nangyaring total blackout dahil maaaring siya ang sisihin sa kung ano man ang kapalpakan na nangyayari sa bloody training. Maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyaring total blackout samantalang makabago ang mga teknolohiya ng nandito sa Sembrano’s Palace. Kahit hindi naman sabihin ni Prince Ken, alam kong mayroon siyang naoobserbahan. Alam ko rin itong si Sean ay may lihim na itinatago. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala sa ginawa niya kay Alyana. Dahil kilala ko naman si Sean kumpara sa babaeng iyon. At pinalabas ko lang na kinakampihan ko si Alyana para hindi ito maghinala sa akin at pati si Grey na baka magtampo. Kailangan kong gumitna rin sa dalawang iyon dahil kung hindi baka hindi matantiya ni Sean si Grey. At mukhang nahuhulog na nga itong si Grey kay Alyana or baka inaakala niya lang or pinapalabas na ang Alyanang kasama namin ngayon ay ang dating Alyana na baby ng I
Red’s POV Hanggang ngayon ay hindi maganda ang pakiramdam ng ulo ko. Parang may kung anong nawala sa akin. Hindi ko maintindihan at mahanap kung ano ang nawala pero may mga parte sa alaala ko na parang lumabo. Muli ko pang ipinikit ang dalawa kong mata at ikalma ang aking sarili. “Are you okay?” napadilat ang isang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Si Arthyrn. Shit, bigla yata akong kinilig. Nag-aalala sa akin ang prinsesa ng mga Sembrano. “Uh-huh. Medyo makirot lang princess, salamat sa pag aalala,” wika ko sa kanya saka kinindatan. Nakita ko naman ang pagngiwi niya sa sinabi ko kaya palihim akong napangiti. Alam kong naiilang siya sa mga pagbabago sa sarili niya simula noong may mga malaman siyang patungkol sa aming dalawa. Maging ako man ay hindi makapaniwala na mahal namin ni Arthyrn ang isa’t-isa noon. Parang itinadhana na pagtagpuin ang mga landas namin kahit na wala kaming naaalala sa isa’t-isa. Medyo may mga bagay lang talaga na hindi ko maintindihan sa sarili
Third Person’s POV Halos hindi makahinga si Jared sa kanyang narinig. Kahit expected niya na dahil sa kanyang mga espekulasyon ay talagang nakakagulat pa rin kung maririnig ito sa ibang tao. Napahilamos pa siya ng kaniyang mukha saka muling tiningnan si Alyana na papahiga na sa metal na higaan. “Kung cyborg siya, paano siya nakaligtas sa screening test ng Sembrano’s Palace? Paano siya… paano siya magkakaroon ng delusion kung cyborg siya and her pulse rate na imomonitor ng blood army doon?” hindi na matiis ni Jared na hindi makapagtanong kahit na sinabi ni Nicole na siya muna ang magsasalita at makinig muna. Hindi niya makayanan na itikom na lang ang bibig sa mga oras na ‘to. “Iyon din ang hindi namin alam. Pakiramdam namin, base rin sa narinig ni Nicole… mayroong mga kalaban sa hanay ng Blood Royalties. Mukhang may pinaplano ang mga iyon laban sa Blood Organization at kay Arthyrn…” si Sync sabay tingin kay Arthyrn na ngayon ay nakatutok pa rin sa monitor. Maging si Jared ay napatut