Dominic’s POV HIndi na ako nagsalita pa sa sinabi ni Prince Ken. Mukhang bad trip siya sa nangyaring total blackout dahil maaaring siya ang sisihin sa kung ano man ang kapalpakan na nangyayari sa bloody training. Maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyaring total blackout samantalang makabago ang mga teknolohiya ng nandito sa Sembrano’s Palace. Kahit hindi naman sabihin ni Prince Ken, alam kong mayroon siyang naoobserbahan. Alam ko rin itong si Sean ay may lihim na itinatago. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala sa ginawa niya kay Alyana. Dahil kilala ko naman si Sean kumpara sa babaeng iyon. At pinalabas ko lang na kinakampihan ko si Alyana para hindi ito maghinala sa akin at pati si Grey na baka magtampo. Kailangan kong gumitna rin sa dalawang iyon dahil kung hindi baka hindi matantiya ni Sean si Grey. At mukhang nahuhulog na nga itong si Grey kay Alyana or baka inaakala niya lang or pinapalabas na ang Alyanang kasama namin ngayon ay ang dating Alyana na baby ng I
Red’s POV Hanggang ngayon ay hindi maganda ang pakiramdam ng ulo ko. Parang may kung anong nawala sa akin. Hindi ko maintindihan at mahanap kung ano ang nawala pero may mga parte sa alaala ko na parang lumabo. Muli ko pang ipinikit ang dalawa kong mata at ikalma ang aking sarili. “Are you okay?” napadilat ang isang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Si Arthyrn. Shit, bigla yata akong kinilig. Nag-aalala sa akin ang prinsesa ng mga Sembrano. “Uh-huh. Medyo makirot lang princess, salamat sa pag aalala,” wika ko sa kanya saka kinindatan. Nakita ko naman ang pagngiwi niya sa sinabi ko kaya palihim akong napangiti. Alam kong naiilang siya sa mga pagbabago sa sarili niya simula noong may mga malaman siyang patungkol sa aming dalawa. Maging ako man ay hindi makapaniwala na mahal namin ni Arthyrn ang isa’t-isa noon. Parang itinadhana na pagtagpuin ang mga landas namin kahit na wala kaming naaalala sa isa’t-isa. Medyo may mga bagay lang talaga na hindi ko maintindihan sa sarili
Third Person’s POV Halos hindi makahinga si Jared sa kanyang narinig. Kahit expected niya na dahil sa kanyang mga espekulasyon ay talagang nakakagulat pa rin kung maririnig ito sa ibang tao. Napahilamos pa siya ng kaniyang mukha saka muling tiningnan si Alyana na papahiga na sa metal na higaan. “Kung cyborg siya, paano siya nakaligtas sa screening test ng Sembrano’s Palace? Paano siya… paano siya magkakaroon ng delusion kung cyborg siya and her pulse rate na imomonitor ng blood army doon?” hindi na matiis ni Jared na hindi makapagtanong kahit na sinabi ni Nicole na siya muna ang magsasalita at makinig muna. Hindi niya makayanan na itikom na lang ang bibig sa mga oras na ‘to. “Iyon din ang hindi namin alam. Pakiramdam namin, base rin sa narinig ni Nicole… mayroong mga kalaban sa hanay ng Blood Royalties. Mukhang may pinaplano ang mga iyon laban sa Blood Organization at kay Arthyrn…” si Sync sabay tingin kay Arthyrn na ngayon ay nakatutok pa rin sa monitor. Maging si Jared ay napatut
Third Person’s POV Dahil sa nangyaring iyon ay pinahinto muna nina Prince Ken at Prince Timothy ang smell blood intruder dahil na rin sa kailangang ayusing muli ang metal na higaan at mga kagamitan na nagamit sa smell blood intruder. Sa mga sandaling ito ay nagpatawag ng meeting si Prince Timothy kaya’t kumpleto ang hanay ng blood royalties sa Sembrano’s Palace. Nakapalibot naman ang mga blood armies sa mga matataas na posisyon na kaharap nila. Tahimik ang buong paligid at wala pang nagbabadyang manguna sa pagsasalita. Nasa harapan naman ng mga ito ang tunay na kaanyuan ni Alyana na isang cyborg. Sa mga oras na ito nakaramdam na ng kakaibang kaba si Prince Justine at Prince Raymond ngunit si Prince Marvin ay nakikiramdam lang sa dalawa at maging kay King Arthur na tila nakikipag usap sa kanya gamit ang tingin na pinupukol dito. Ilang sandali pa ay tila hindi na nagpatumpik pa ang Emperor. Kahit alam na niya ang katauhan ni Alyana, sila nina Prince Nathan, Prince Patrick at King Ar
Third Person’s POVKatulad nga ng inaasahan matapos ang meeting ng mga nakatataas ay nagsagawa agad ng screening identity test sa pangunguna nina Prince Patrick at Prince Ken. At dahil sa walang kamuwang-muwang ang mga initiates sa mangyayaring ito ay nabigla sila nang ihinto muna ang smell blood intruder. Patuloy pa rin sa pagluluksa si Grey ngunit mayroong pagtataka sa kaniyang isipan. Hindi niya lubos maunawaan kung ano ang nakita niya kay Alyana nang halikan niya ito sa labi. “Ano ka ba talaga, Alyana…” bulong niya sa sarili habang nakayuko sa dalawang kamay. Nasa mess hall kasi silang lahat ng initiates. At nag-aabang sila ng panibagong anunsyo na manggagaling sa blood armies o sa kahit na sino mang prinsipe. Nabigla pa si Grey nang mayroong tumapik sa kanyang balikat. Nang mag-angat siya ng tingin ay lubos ang pagtataka niya kung bakit siya pinansin ng taong iyon. Si Sean. “What now? Masaya ka na? Wala na siya…” malungkot ngunit mariing wika ni Grey kay Sean. Ipinagsawalang ba
Third Person’s POV-A day before Antimony’s safety- Sa mga oras na ito ay hindi malaman ni Antimony ang kanyang gagawin dahil pinatawag na naman siya ng Dark organization sa kung ano ang dahilan? Hindi niya rin alam. Tumakas siya sa dalawa niyang kakambal na ngayon ay busy sa kanya-kanya nitong gawain. Pero ang ka busyhan ni Argon ay pansamantala dahil nakikiramdam lamang din siya para sa kung ano na namang balak ni Antimony. Nang makalabas na si silid si Antimony ay doon na lamang napansin ni Bismuth na wala ang kanilang kapatid. “Hey, where’s Antimony? Have you seen him?” anito saka nagpalinga linga sa buong silid. Hawak pa nito ang cellphone niya dahil naglalaro siya ng online games. Si Argon naman ay hawak ang laptop nito pero nakapatay naman. Nang wala namang makuhang sagot si Bismuth sa kakambal na nagpapaka busy kunwari ay napabuntong hininga na lamang si Bismuth saka ipinagpatuloy ang nilalaro. Makalipas naman ang halos sampung minuto ay si Argon naman ang lilisan sa mga sa
Third Person’s POVNaghihintay sila sa ano mang isasagot ni Aldrin. Nagpapakiramdaman sila dahil mas sumeryoso ang awra ng dalawang sinasabing mag-ama. Sa mga oras na rin naman na ito ay nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam si Jared. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang kinutuban ng kakaibang kaba o tensyon sa mga oras na ito lalo pa’t may sasabihin ang dalawang kakarating lang sa kanilang kinauupuan. Tila naikuyom niya pa ang kamao dahil sa alertong nararamdaman ng kanyang katawan. Mukhang naramdaman naman ni Sync ang nangyayari kay Jared dahil magkatabi lamang sila nito. Nakita niyang nakakuyom ang isang kamao nito at ang mata ay tila nanlilisik habang ang pansin ay nakatuon kay Aldrin. “We are family. He is–”“Aldrin, hold on… something is strange about him…” napalingon ang lahat kay Sync nang sabat nito sa pagsasalita ni Aldrin. Nilingon nilang lahat si Jared na ngayon ay napapikit na tila mayroong iniinda. Napatayo naman si Sean at Dominic. Si Grey naman ay nakikitaan ng pa
Third Person’s POV Sa mga sandaling ito ay may nalalabi na lamang isang oras bago magsimula ang screening identity test. Binabalak na uunahin ang hanay ng mga Initiates kasunod ang blood armies. At dahil sa nakita ni Prince Justine na sabwatan ni Prince Marvin sa kila Prince Nathan at Prince Marvin ay mukhang madedehado sila dahil tiyak na malalamang mayroong nagkalat na blood armies cyborg sa buong Sembrano’s Palace at mga nakaprogram ito sa war games bago magkaroon ng malawakang giyera ng dugo. Halos mapunit naman ang tela sa kakaimpit ng lider ng Dark Organization sa nabalitaan. Hindi nila tukoy kung ano ang nangyari kay Prince Marvin at bigla silang tinatraydor at patalikod kung gumawa ng aksyon para sila ay kalabanin. “Mukhang alam ko ang nasa isip niya, gusto niyang lamangan ang kanyang makukuha sa mafia council sakaling matagumpay ang plano natin,” si Prince Justine habang nakatiim bagang na minamanmanan ang mga monitors na nakikita si Prince Marvin. Napapansin din nila na ma