Third Person’s POV Dahil sa nangyaring iyon ay pinahinto muna nina Prince Ken at Prince Timothy ang smell blood intruder dahil na rin sa kailangang ayusing muli ang metal na higaan at mga kagamitan na nagamit sa smell blood intruder. Sa mga sandaling ito ay nagpatawag ng meeting si Prince Timothy kaya’t kumpleto ang hanay ng blood royalties sa Sembrano’s Palace. Nakapalibot naman ang mga blood armies sa mga matataas na posisyon na kaharap nila. Tahimik ang buong paligid at wala pang nagbabadyang manguna sa pagsasalita. Nasa harapan naman ng mga ito ang tunay na kaanyuan ni Alyana na isang cyborg. Sa mga oras na ito nakaramdam na ng kakaibang kaba si Prince Justine at Prince Raymond ngunit si Prince Marvin ay nakikiramdam lang sa dalawa at maging kay King Arthur na tila nakikipag usap sa kanya gamit ang tingin na pinupukol dito. Ilang sandali pa ay tila hindi na nagpatumpik pa ang Emperor. Kahit alam na niya ang katauhan ni Alyana, sila nina Prince Nathan, Prince Patrick at King Ar
Third Person’s POVKatulad nga ng inaasahan matapos ang meeting ng mga nakatataas ay nagsagawa agad ng screening identity test sa pangunguna nina Prince Patrick at Prince Ken. At dahil sa walang kamuwang-muwang ang mga initiates sa mangyayaring ito ay nabigla sila nang ihinto muna ang smell blood intruder. Patuloy pa rin sa pagluluksa si Grey ngunit mayroong pagtataka sa kaniyang isipan. Hindi niya lubos maunawaan kung ano ang nakita niya kay Alyana nang halikan niya ito sa labi. “Ano ka ba talaga, Alyana…” bulong niya sa sarili habang nakayuko sa dalawang kamay. Nasa mess hall kasi silang lahat ng initiates. At nag-aabang sila ng panibagong anunsyo na manggagaling sa blood armies o sa kahit na sino mang prinsipe. Nabigla pa si Grey nang mayroong tumapik sa kanyang balikat. Nang mag-angat siya ng tingin ay lubos ang pagtataka niya kung bakit siya pinansin ng taong iyon. Si Sean. “What now? Masaya ka na? Wala na siya…” malungkot ngunit mariing wika ni Grey kay Sean. Ipinagsawalang ba
Third Person’s POV-A day before Antimony’s safety- Sa mga oras na ito ay hindi malaman ni Antimony ang kanyang gagawin dahil pinatawag na naman siya ng Dark organization sa kung ano ang dahilan? Hindi niya rin alam. Tumakas siya sa dalawa niyang kakambal na ngayon ay busy sa kanya-kanya nitong gawain. Pero ang ka busyhan ni Argon ay pansamantala dahil nakikiramdam lamang din siya para sa kung ano na namang balak ni Antimony. Nang makalabas na si silid si Antimony ay doon na lamang napansin ni Bismuth na wala ang kanilang kapatid. “Hey, where’s Antimony? Have you seen him?” anito saka nagpalinga linga sa buong silid. Hawak pa nito ang cellphone niya dahil naglalaro siya ng online games. Si Argon naman ay hawak ang laptop nito pero nakapatay naman. Nang wala namang makuhang sagot si Bismuth sa kakambal na nagpapaka busy kunwari ay napabuntong hininga na lamang si Bismuth saka ipinagpatuloy ang nilalaro. Makalipas naman ang halos sampung minuto ay si Argon naman ang lilisan sa mga sa
Third Person’s POVNaghihintay sila sa ano mang isasagot ni Aldrin. Nagpapakiramdaman sila dahil mas sumeryoso ang awra ng dalawang sinasabing mag-ama. Sa mga oras na rin naman na ito ay nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam si Jared. Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang kinutuban ng kakaibang kaba o tensyon sa mga oras na ito lalo pa’t may sasabihin ang dalawang kakarating lang sa kanilang kinauupuan. Tila naikuyom niya pa ang kamao dahil sa alertong nararamdaman ng kanyang katawan. Mukhang naramdaman naman ni Sync ang nangyayari kay Jared dahil magkatabi lamang sila nito. Nakita niyang nakakuyom ang isang kamao nito at ang mata ay tila nanlilisik habang ang pansin ay nakatuon kay Aldrin. “We are family. He is–”“Aldrin, hold on… something is strange about him…” napalingon ang lahat kay Sync nang sabat nito sa pagsasalita ni Aldrin. Nilingon nilang lahat si Jared na ngayon ay napapikit na tila mayroong iniinda. Napatayo naman si Sean at Dominic. Si Grey naman ay nakikitaan ng pa
Third Person’s POV Sa mga sandaling ito ay may nalalabi na lamang isang oras bago magsimula ang screening identity test. Binabalak na uunahin ang hanay ng mga Initiates kasunod ang blood armies. At dahil sa nakita ni Prince Justine na sabwatan ni Prince Marvin sa kila Prince Nathan at Prince Marvin ay mukhang madedehado sila dahil tiyak na malalamang mayroong nagkalat na blood armies cyborg sa buong Sembrano’s Palace at mga nakaprogram ito sa war games bago magkaroon ng malawakang giyera ng dugo. Halos mapunit naman ang tela sa kakaimpit ng lider ng Dark Organization sa nabalitaan. Hindi nila tukoy kung ano ang nangyari kay Prince Marvin at bigla silang tinatraydor at patalikod kung gumawa ng aksyon para sila ay kalabanin. “Mukhang alam ko ang nasa isip niya, gusto niyang lamangan ang kanyang makukuha sa mafia council sakaling matagumpay ang plano natin,” si Prince Justine habang nakatiim bagang na minamanmanan ang mga monitors na nakikita si Prince Marvin. Napapansin din nila na ma
Third Person’s POVSumunod ang mga initiates papunta sa silid na paggaganapan ng screening identity test. Ang silid na paggaganapan ay hindi pamilyar sa kanila dahil ito ay naiiba sa kanilang mga napasukang silid sa pagsasanay. Kapwa mga blood armies na nakapila ng dalawang paunang linya na sinundan ng mga initiates. Nasa hulihang hanay ng pila ng initiates ay sina Damon at Aldrin kasunod naman nila ang mga blood armies na kung saan ay mga cyborg. Alam naman ni Aldrin na ang kasunod nila ay hindi mga tao katulad nila dahil sa palatandaan ng mga ito sa batok pati na ang mga mata nito na kapag nagagawi sa dilim ay kumikinang na katulad ng kay Alyana. Bawat madadaanan naman nila sa pasilyong iyon papunta sa silid ay nagbubukas ang mga kandila sa gilid at sumasaludo ang mga blood armies na may mas matataas na antas. Nagulat naman si Damon nang mayroon siyang napansin na kumuha ng atensyon niya. Hindi ito napansin ni Aldrin dahil nakatuon ang tingin niya sa harapan na naglalakad. Saglit
Third Person's POV Tensyon iyan ang nararamdaman ngayon ng mga nasa panig ng Dark Organization. Nakahanda na rin ang kanilang puwersa sa tulong ng mga cyborg na nakakalat sa buong Sembrano's Palace. Lahat ay naghihintay ng utos dahil nakaprogram sila na anytime ang kanilang system alert para sa giyera. Nakatutok naman ang lider ng Dark Organization at matamang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Damon. Kasunod nito sa likuran si Kiefer. At sa kaliwa nito si Aldrin. Mariin naman ang hawak ni Damon sa device na kanyang hawak-hawak. Kailangan niyang mailagay agad ang device bago magawa ang scanning sa buo niyang katawan dahil puwedeng mabuking siya na mayroong device siyang hawak. Natapos ang third batch na sina Nicole, Cherry, Teris na kapwa mga nagkaroon ng resultang pulang ilaw. Mga nagtataka kung bakit ganoon ag naging bunga ng kanilang scanning. Ngunit napapaisip na mukhang may kailangan nga silang malaman sa kanilang pagkatao dahil maging sila ay nalilito sa mga nangyayari sa kanil
Third Person’s POV Patuloy ang pagsasagawa ng screening Identity test kahit na inabot na ng hating gabi. Nangalahati naman ang bilang ng blood armies na natapos na sa test na ito at ang ilan ay bumalik na sa kanilang mga nakadestinong binabantayan. Nakaligtas sa screening ang mga cyborg na halos nasa isang daan ang bilang ng mga ito dahil sa ginawang paglalagay ng device ni Damon na siyang ipinag utos ng mga nagpapanggap na prinsipe. Hindi naman mapakaniwala si Prince Marvin dahil mukhang napaglaruan siya ng mga binabantayan at kung paano nalaman ang mga paghihinala nito, hindi niya rin tukoy. Sa ngayon ay hindi na siya makababalik pa sa hideout ng Dark Organization dahil na rin sa baka hindi na siya makalabas pa doon ng buhay katulad ng nasabi ni Prince Justine sa kanya. Dahil kumpleto na ang mga inaasahan na magpupula ang ilaw nila sa sphere bilang resulta ng kanilang screening ay nag umpisa naman na sina Emperor at King Arthur sa pakikipag usap sa mga initiates na naghihintay ng