Share

Chapter 3

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko. Muli kong naalala ang pagtataksil ng dati kong girlfriend sa akin.

***

It was a gloomy day. Hindi ko alam kong bakit makulimlim ngayon. Para nagbabadyang umulan pa ata. Kailangan ko pa namang puntahan ang fiance' kong si Shaina sa restaurant niya. Alam kong magtatampo ito sa akin kong hindi ko siya masusundo.

Habang nasa byahe ako, kanina pa ako 'di mapakali kong ano 'tong nararamdaman ko. Maayos naman ang tulog ko kagabi at gising ko.

Nang makarating ako ng restaurant nito kaagad akong nagpark ng kotse ko at ibinilin sa isang staff na kong sakaling may darating na customer sabihan niya kaagad ako. May nag park kasi sa pwesto ko, nakakainis lang talaga na may taong walang pakialam sa kapwa tao nila. Bitbit ang bulaklak na dala ko para ibigay sana sa pinakamamahal kong babae at ilang araw na lang ikakasal na rin naman kami. Siya na ang priority ko sa lahat ng oras.

Pag pasok ko sa loob ng restaurant nito binati kaagad ako ni Grace . Ang isa sa staff ng restaurant. Tinanong ko kong nasaan ang ma'am nila at tinuro niya ako sa VIP room na ipinagtaka ko naman. Ano namang gagawin ng babe ko doon, ang alam ko para sa mga couple lang 'yon na nagtatago sa mga partners nila. Bigla kong natutop ang mga bibig ko at nagmamadali na naglakad patungo roon at malalaking hakbang ng mga paa ang ginawa ko makarating lang sa may pintuan. Bumuga muna ako ng maraming hangin bago ko pinihit ang doorknob. I was schock when I saw her kissing another guy. Kitang kita ko siya, pero ang lalaking kahalikan niya ay hindi. Ilang minuto akong parang tanga na nakatunghay dito, habang nadudurog ang puso at puro tanong sa sarili. Nang sa wakas na mapansin ako nito at halos manlaki ang mga mata niya ng makita ako sa harapan niya, pero ang mas ikinagulat ko kong sino ang kahalikan niyang lalaki..

"M..Mark??? Shaina??? Anong ibig sabihin nito???

"Bro, magpapaliwanag ako.

"Babe, sorry! sorry!! sorry!"

"Anong i-explain mo Mark?? Gag* ka bakit mo nagawa sa akin 'to??" tanong ko sa itinuring kong kaibigan na parang kapatid na rin.

Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng tawagin ako ni Gracia nakabalik na pala ito galing sa baba. At sinabi nito na wala pa rin siyang nahahanap na secretary ko.

"Ano ba naman yan Gracia, ang simple simple lang naman ng ipinapagawa ko sayo. Bakit ba ang tagal tagal mong mag hired ng secretary ko." iritableng tanong ko dito.

"Sir, paano naman kasi agad ako makakahanap ng secretary mo. E, ang gusto mo yong pangit." reklamo ni Gracia.

"And so? Sundin muna lang ang gusto ko bago pa ako mainis at baka sayo ko pa mabunton ang galit ko." saway ko kay Gracia at kanina pa talaga ako iritable lalo na't pumasok na naman sa isip ko ang kalandian ng ex-fiance' ko at nang gago kong matalik na kaibigan na si Mark.

"Fine! Bukas magpapa hiring ulit ako sir cold." pabalang na sagot nito. Akala naman niya ay hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin. Pero, pinalagpas ko na lang at wala akong panahon makipag talo pa dito. It's nonsense and wasting time to argue with her.

May mahalaga pa akong kailangang puntahan ang launching ng beach resort na kaka tapos lang rin ng construction two months ago. At i-o-open ko na para sa mga tao after ng event.

Pagka alis ni Gracia umalis na rin ako. Naglakad ako palabas ng opisina at sumakay ng elevator. Pagtunog ng elevator sabay naman na bumukas ito at lumabas na rin ako. Nag tungo ako sa parking lot at agad na hinanap ang sasakyan at mabilis na sumakay sa loob at pinaharurot papalayo ng LJ$.

Patungo ako sa Batangas kong saan naroon ang resort ko. At kailangan ko nang buksan ito para sa mga tao ng kumita naman at mabawi ko ang perang nilabas ko dito. Malakas naman ang kumpyansa ko na dudumugin ang resort ko, dahil kakaiba ang pagkakagawa ko dito. Kumpara lahat ng kailangan nila ay naroon na. Pang masa lang rin ang mga bilihin na pagkain doon at swak sa mga budget nila kahit middle class o lower level ay sinisigurado ko na afford nilang mag stay sa beach resort ko.

Mahigit limang oras ang tinagal ng byahe ko bago ako nakarating sa Paradise Islands. Pangalan ng beach resort ko, para sa akin kasi isa siyang paradise at dito ako naglagi ng ilang taon para makalimot lang sa panloloko ni Shaina sa akin at ni Mark.

Pagpasok ko pa lang doon ay sumaludo na ang mga staff ko doon. Maging si Amara na katiwala ko sa beach resort ay nagulat sa pag dating ko. Wala kasi akong sinabihan na ngayon ang opening at blessing ng resort bago ko ito buksan.

"Sir Luis, mabuti naman nakapasyal kayo?" tanong ni Amara na may lihim na gusto sa akin pero, dedma lang ako.

"Bakit masama ba? The last time I checked. I'm still the owner here. Why did you ask me a nonsense question, Amara??" masungit na sagot nito.

Tila napahiya ang babae kaya natahimik na lang. Dire diretso naman ako sa loob para silipin ang bawat room doon para wala nang maging aberya pa. I want to be perfect and smoothly ang opening nito today.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status