Share

Chapter 6

Unang araw ko pa lang bilang secretary ng boss kong snob and cold. At heto nga naka sigaw na naman siya parang laging naka megaphone ang bibig at nakaka irita na sobra. Pero, wala akong magawa sapagkat malaki ang pasahod nitong bakulaw na 'to.

"Kristelllll!" malakas na sigaw nito at tamang tama lang para mayanig ang buong mundo. Kaya nagmamadali akong isuot ang mga madilaw kong ngipin at ang prosthetic make-up ko, para mag mukha akong chaka sa paningin niyo. Ewan ko ba sa baliw kong boss, iba din ang tama e' siya lang ang kilala kong lalaki na ayaw ng magagandang babae. Hindi ko alam kong anong history ng pagka weird niya at ayaw namang sabihin sa akin ni Ate Gracia.

Pag lapit ko rito kitang kita ko ang mga mata nito na nanlilisik.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita tinatawag ha. Bingi ka ba? o sadyang ta--" anyway, what my scheduled for today?" tanong nito.

"Uso kumalma bak---" bulong ko at baka marinig pa niya ako. Kinuha ko ang folder sa envelope na dala dala ko. Uhmmm! 8:30 a.m meeting with Mr. VillaCruz. 10:00 a.m presscon. 12:00 to 3:00 p.m onward no scheduled." wika ko.

"Are you sure??? Just make sure na wala kang kaliligtaan sa mga scheduled ko kundi palalayasin kita ora mismo. Do you understand ugly???" tanong nito at diniinan pa ang huling salita na ugly. Ang sakit niyang magsalita kong alam niya lang talaga, bweset siyang bakulaw na siya. Ang sarap niyang sakalin!!" sa isip ko.

"May sinasabi ka ba ugly???" tanong nito.

"Wala sir." nakayukong sagot ko.

"Just leave and lock the door." utos nito.

Kaagad akong tumalima at naglakad palayo pabalik ng cubicle ko na medyo malapit lang rin naman sa table nito para tanaw ko pa rin siya.

***

Nakaupo ako at nagche check ng email kanina ng biglang tumunog ang Ingramable ko at nakita ko ang post ng ex-fiance' ko kasama ang wala kong kwentang beastfriend, nabasa ko na ikakasal na pala sila kaya biglang uminit ang ulo ko at nang pumasok ang pangit kong secretary siya ang napag buntungan ko ng galit ko. Alam ko namang mali ang ginawa ko kaso nasabi ko na lahat at hindi ko na mababawi pa. Hindi naman ako masamang tao talagang nasaktan lang ako at ayoko nang maulit pa.

Nang pumasok si Gracia nakangiti pa ito. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Parating masaya kahit pagalitan ko tatawan lang. Parang baliw lang kainis talaga. Gusto ko tuloy ayain si Cris na mag inom ang pinsan ko kaso baka busy naman 'yon. Hindi ko maman matawagan si Drako at abala sa shooting 'yon. Balita ko nasa ibang bansa at may malaking project. Akalain ko bang sisikat talaga siya at ang akala naming biro lang na mag aartista siya ay tutuparin niya. Si Marcus naman busy rin sa pagiging sundalo. Malay ko ba sa mga 'yon sumunod sa yapak ng Lolo namin. Kaya ako hindi ko talaga kaya ang maging sundalo at tiwalag ako sa mga $anchez. Okay lang rin naman sa mga magulang ko kaya lahat ng napundar ko ay sariling sikap ko lang talaga. Napatingin ako sa suot kong wristwatch pass 9 a.m na pa at kailangan ko ng umalis para sa meeting namin ni Mr. VillaCruz, mahigit dalawang linggo ko ng nililigawan ang matandang 'yon napaka ilap talaga niya kaya sana ngayon ma closedeal ko na para tapos na at nanawa na rin ako kaka kausap dito. Kong hindi lang siya talaga malaking asset ng kumpanya ko pababayaan mo siya. Masyado na kasi siyang pa espesyal at marami na akong oras at panahon na nasayang dito.

Sumakay ako ng sasakyan ko at pinaharurot ko papalayo ng JL$ patungo sa hotel kong saan kami magkikita.

9:30 a.m nasa Heritage Park Hotel na ako somewhere in Pasay. Dito naisipan ng matandang 'yon na magkita kami. High Class Hotel ito sa kalakhang Manila.

Pumasok ako at agad akong sinalubong ng ngiti at bati ng mga staff. Tinanong lang din nila kong may reservation ba ako ngayon. Sinabi ko na lang na; "Under Mr. VillaCruz."

"This way sir." ani ng staff na babae at sinamahan na ako nito kong saan kami magkikita ng matanda.

"Thank you." sagot ko nang madala niya ako doon.

"You're welcome sir." nakangiting sagot nito bago umalis. Well in fairness maganda ang loob at labas ng hotel at magalang ang mga staff nila. Nauna pa ako sa matanda kaya hinintay ko ito.

Sakto 10 a.m ng tumawag sa akin ang secretary nito na; "Sorry Mr. $anchez, something came up. Mr. VillaCruz had an emergency." ani nito.

"W...What???" sagot ko at ayon lang ang nasabi ko. Wala naman akong magagawa kong may emergency siya. Pero, sana lang sinabi ng maaga hindi 'yong nandito na ako. Nakaka badtrip lang talaga yong matandang 'yon.

"Mr. $anchez are you in the line?" tanong ng secretary nito na nalimutan ko pa lang i-end ang call button.

"Yah! Just tell him that I'm willing to wait." sagot ko.

"Okay. Mr. $anchez. I will relay your messages to him. " sagot niya. Bago ko i-end ang call button.

At dahil sa inis ko umalis na lang ako sa hotel at wala rin namang sense para mag stay pa ako doon. Agad akong sumakay ng sasakyan at pinasibat ito papalayo ng hotel. Hindi muna ako bumalik ng office at nababadtrip pa din ako sa nangyari baka mapag buntungan ko lang ang mga tao doon sa inis ko.

Napadpad ako sa bar somewhere in Makati. At pumasok doon. Mag iinom na lang ako para mawala ang inis ko. Sinalubong ako ni Jonas ang bartender ng bar. Kilala na niya kasi ako at naka ilang balik naman na rin ako doon.

"One bottle of hard drink please, Jonas. Thank you.! sagot ko habang nakaupo ako sa harapan ng bar counter ng may pumasok na magandang babae. Sa tagal ngayon lang ako naka appreciate ng maganda sa paningin ko. Hindi pa naman din ako nakakainom ng alak.

Malamlam ang mga mata nito at maganda ang hugis ng mga mata nito parang nag hugis puso sa paningin niya. Natigil lang ang pagtingin niya sa babae ng tawagin ni Jonas ang pansin niya. Nang bumalik siya sa babae wala na ito. Napasimangot na lang siya sabay lagok ng alak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status