Share

Chapter 5

Samantalang ang saya saya naman ni Kristell, dahil sa wakas may trabaho na siya. At hindi nga siya nagkamali sa sinabi ni Gracia na kababata niya na basta magpapangit lang siya matatanggap na siya sa resort.

"Ewan ko ba kong anong trip ng boss don at gusto niya mga pangit ang secretary niya. Kainis tuloy kailangan ko pang magpapangit sa lahat, halos diring diri tuloy siya sa akin. Inalis ko na ang mga disguise ko ng makasakay ako ng tricycle baka magulat pa ang mga magulang ko kapag nakita nila ako mukhang timang ang itsura. Miski ako ay natatawa sa mga paglalagay ng make-up sa akin ni Gracia kanina. Pero, pasalamat dapat ako sa kaniya, dahil kong 'di niya ako tinulungan wala akong trabaho ngayon.

Nang malapit na ako sa bahay namin. Pinag masdan ko ang maliit naming tahanan at pumikit ako. Ini-imagine ko na mapapagawa ko 'to at mapapalaki sa oras na naka ipon ako mula sa sahod ko. Bukas ko pa naman malalaman kong magkano ang sasahurin ko at mukhang sobra sobra naman ito sa lahat ng gastusin namin sa bahay. Solong anak lang ako nila Mama at Papa, sabi pa nga nila Miracle baby daw ako kasi 40 years old na si Mama ng ipinanganak ako. Tumanda na na muna siya bago ako isinilang sa mundo. Kaya lahat ng pagmamahal at atensyon ay solo ko lang rin. Kong minsan gusto kong mainggit sa ibang bata noon, dahil may ate at kuya sila tapos ako wala. Pero, naiintindihan ko naman na delikado na para kay Mama na mag-anak pa, lalo na't nanganib ang buhay niya ng nanganak sa akin noon.

Pag hinto ng tricycle sa tapat ng bahay namin bago bumaba nag abot muna ako ng barya sa driver at nakita ko na ang pag salubong ni Mama sa akin mula sa pintuan.

Kaagad akong lumapit dito at nagmano.

"Mano po, Mama." wika ko.

"Kaawaan ka ng poon, anak. Teka, kumain ka na ba?" tanong ni Mama.

"Opo, Mama at may good news ako sainyo." masayang wika ko.

"Talaga anak, ano naman 'yon?" tanong ni Mama na hindi mapalagay sa sasabihin ko.

"May trabaho na po ako Mama." nakangiting sagot ko.

"Talaga anak, maraming salamat poon." anya.

"Opo, Mama at bukas na bukas rin magsisimula na ako, kaso--" sinadya kong putulin ang sasabihin ko kaya nag tanong ito na; "Kaso???

"Kaso kailangan kong mag disguise na pangit ako, Mama." ani ko.

"Ano??? Bakit naman anak??" naguguluhang tanong ni Mama.

"Kasi po 'yong boss doon ayaw ng secretary na maganda. Kaya para matanggap ako sa work nagpapangit ako." seryosong wika ko sabay tawa nito kasama si Papa na nakasunod na rin pala.

"Tara na po?" yakag ko sa mga ito. Kaya sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Pinaghanda na ako ni Mama ng makakain at alam daw niyang gutom na ako. Fresh graduate kasi ako at heto kailangan ko agad ng trabaho, dahil hindi na kaya ng kita sa palengke ni Mama ang mga gastusin sa bahay at natanda na rin naman sila kaya dapat lang ako naman ang bumawi sa kanila.

"Anak, paano yan araw araw kang pangit niyan? Paano ka magkaka nobyo at gusto na namin makita ang magiging apo namin ng Mama mo sayo." singit ni Papa sa usapan namin ni Mama.

"Si Papa talaga, masyado pa akong bata at kayo bata pa kayo ni Mama para magka apo sa akin." sagot ko pagkatapos kong magsalita sinubo ko na ang adobong manok na paborito ko.

"Anak hindi na kami nabata ng Mama mo. Gusto na naming makita talaga ang apo namin." giit ni Papa.

"Papa hindi pa nga tayo nayaman e," pabiromg sagot ko pero, totoo naman 'yon. Hindi ko pa napapagawa ang bahay namin kaya ayaw ko pang mag-asawa ng maaga. Bata pa naman ako kaya hindi ako nagmamadali.

Nang matapos ang aming hapunan. Ako na ang nagligpit at nag hugas nito tatatlo lang naman ang plato na ginamit namin kaya yakang yaka ko na ito.

Nang matapos ako sa aking ginagawa. Napatingin ako sa bintana namin at nakita ko ang ganda ng buwan sa langit. Napaisip ako na medyo tama si Papa pero, hindi pa talaga pwede.. Maaari lang na mag asawa ako ng maaga kong makahanap ako ng AFAM sa findher. Yong matanda na para madaling mamatay. Pero, hindi ko naman pangarap na mag asawa ng ganon. Tinigil ko na ang pag-iisip ko at nagpunta na ako sa kwarto ko.

KINABUKASAN

Nagising ako sa ingay ng telepono ko. Nang tingnan ko kong sino ang natawag. Si Ate Gracia pala na pinsan ko sa sides ni Mama.

"Kristell, ano handa ka na ba?" tanong nito.

"Po??? Anong handa??" tanong ko. Medyo naguluhan ako.

"Ha? Nag text ako sayo kagabi ah. Ang sabi ko mag empake ka na at luluwas tayo ng Manila. Doon ka magta trabaho sa boss ko." sagot nito.

Napabangon ako ng biglaan sa narinig ko. Wala naman sa usapan namin ang Manila.

"Ate, akala ko ba sa resort?" tanong ko.

"Ay! Naku! Kristell, ayaw mo ba ng trabaho? Para ibigay ko sa iba na lang. Nag hihintay na ang boss ko at hindi pwedeng malate ka." aniya.

"Hala! Ate gosh, ngayon ko lang nabasa." sagot ko ng ibaba ko ang telepono ko sabay check ng inbox ko. Napasabunot na lang ako ng buhok ko sa nangyari. Ang isa pang problema ko ay paano ako magpapaalam sa mga magulang ko na sa Manila ako magtatrabaho. Malayo ang Manila kaya baka hindi nila ako payagan.

"Ano ba naman yan Kristell bilisan mo na dyan at sira ang sasakyan ko kaya makikisabay lang tayo sa boss ko." sagot ni Ate Gracia.

"Sige, sige ate mag aayos lang ako." sagot ko.

"Kristell mag aayos ka pa lang." tanong nito sa akin.

"Ang ibig sabihin ko ate maliligo lang ako. Magkita na lang tayo sa resort. Sige na ate, mag aasikaso na ako." sagot ko.

Nang mawala na sa linya si ate Gracia nagmamadali na ako sa pag eempake. Unting damit lang inimpake ko sa backpack ko. Hindi ko pa rin alam kong papayagan ako nila Papa at Mama. Nakikinita ko na kong gaano ang magiging reaksyon ng Mama ko haixt. Pero, sayang naman 'to kong hindi ko iga grab.

Pagkatapos kong mag asikaso. Lumapit ako kanila Mama at Papa kasalukuyang nag aalmusal ito ng pandesal at kape ng makita ako.

"Oh! Anak, tara na't kumain ka na." alok ni Papa.

Naglakad ako palapit dito sabay upo sa tabi ni Mama.

"Ma, Pa, sa Manila po pala ang magiging trabaho ko sabi ni Ate Gracia." panimula ko. Nakita kong natigilan sa pag higop ng kape si Mama at nakatingin sa akin.

"Manila? Ang layo nyang anak, akala ko ba dyan lang sa bayan ang trabaho mo. At sinong Gracia ang ate Grace mo ba?" tanong ni Mama.

"Opo, Ma, sorry po hindi kami nagkaintindihan ni ate at naka pirma na ako ng kontranta Ma." sagot ko kahit hindi pa man. Kailangan ko lang mag sinungaling para mas kapani paniwala ang rason ko.

"Anak malayo yon pero, kong hindi ka na namin mapipigilan ng Papa mo sige." sagot ni Mama. Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi nito.

"Basta anak mag hanap ka ng asawa mo at pagbalik mo may apo na kami sayo dapat." sagot naman ni Papa.

"Papa naman e, magtatrabaho lang po ako doon. At isa pa magpapadala agad ako pag sahod ko." ani ko.

"Anak, unang sahod mo yon kaya bilhin mo ang gusto mo. Okay lang kami ng Mama mo dito. Kaya pa naman namin." sagot ni Papa na kahit kailan talaga parati na lang akong inuuna.

"Si Papa talaga papaiyakin pa ako. Sige na po, mag aaisikaso na ako at hihintayin na ako ni Ate Gracia." sagot ko.

Tumayo na ako at humalik sa kanila at diretso ako sa banyo. Maliit lang ang banyo namin at kasama na lahat dito. Pagkatapos kong maligo nag bihis agad ako at heto nga nagpaalam na ako kanila Papa at Mama. Naiiyak man pero wala akong magagawa. Sumakay agad ako sa tricycle na naghihintay sa akin patungong resort.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status