Delaney's POV"Good afternoon, Sir!" Bati ng dalawang saleslady nang makapasok kami sa loob ng isang boutique. Tango lang ang isinagot ni Lark."Good afternoon, ma'am!" Bati naman nila sa akin noong tumapat ako sa kanila. Hindi ko na sila nagawang batiin pabalik nang tuloy-tuloy akong hilahin ni Lark papasok. Kaya ngumiti na lang ako at bahagyang yumuko.Nagpumiglas ako kaya binitawan ni Lark ang kamay ko. Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "P'wede bang kumalma ka? Ano bang pinagmamadali mo? May sale ba ngayon at takot kang maubusan ng mura?" "Funny, Delaney," sarcastic niyang saad."Buti naintindihan mo," pabulong kung saad. Ang perception ko kasi sa mga mayayaman at English speaking na katulad niya ay hindi nakakaintindi ng humour na pang-mahirap."I am Filipino. I can understand Tagalog.""E, iyong joke ko, naintindihan mo ba?""Of course—enough with the useless chitchats," saway niya sa akin kaya napaikot na lang ang mga mata ko. Naupo ako sa naroong single sofa a
Delaney's POV Muling huminto ang kotse ni Lark sa tapat ng isang building. Akmang bubuksan ko na ang pinto para sana lumabas nang um-echo ang boses ni Lark sa loob ng sasakyan. "Stop!" Seryoso ang kaniyang boses. Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa pinto. "Okay?" Naunang bumaba si Lark at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya pa ang kaniyang kanang kamay at inalalayan ako na parang isang prinsesa. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng restaurant.Antique ang style ng restaurant. Sa labas pa lang ay malalaman mo na agad na mayayaman lang ang may afford na makakain sa ganitong klaseng kainan. Si Lark ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong pumasok bago siya sumunod. Amoy at lamig ng aircon ang unang bumati sa balat at ilong ko. Tuyong lavender ang halimuyak na kumakalat sa buong paligid. Halos bilang lang din ang mga taong naroon at halos lahat ay pawang magkasintahan, base na lang din sa kanilang kilos at kung paano sila ngumiti at
Delaney's POV"One more time," utos ni Veron. Nakatayo siya sa gilid ko habang hawak ang isang magazine na kalaunan ay idinagdag niya rin sa dalawang magazine na nakapatong sa ulo ko. I tried my very best na hindi mahulog ang magazines sa ulo habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng living room ng bahay ni Lark.Magka-cross ang mga braso ni Veron habang bahagyang nakataas ang kaniyang kilay at kinikilatis ang bawat lakad at galaw ko. Isa iyong dahilan upang ma-conscious ang katawan ko. Pa-uga-uga ang katawan ko dahil sa taas ng heels na pinasuot niya sa akin. Malapit na ako sa may pader nang biglang mahulog ang magazine na kalalagay niya hanggang sa nahulog na rin ang dalawa pa. "I'm sorry," hingi ko agad ng paumanhin dahil baka magalit siya. Ako na mismo ang pumulot sa mga magazine at mabilis iyong ibinalik sa ulo ko. Akmang lalakad ulit ako nang magsalita siya. "We can do it again later . . . or tomorrow." Kinuha niya ang magazines sa akin at itinapon sa sofa. "Just keep pract
"Nakikita mo ba 'yang kano na 'yan?" Mas lumapit si Madam Flori kay Delaney saka itinuro ang daliri nito sa isang direksyon.Sinundan ni Delaney ang daliri ng babae at tumama ang kaniyang paningin sa isang lalaki na nakaupo sa harap ng counter. Kahit blurry ang kaniyang paningin dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumisilaw sa kaniyang mata, pinilit niyang aninawin ang tinutukoy nito. Nakatalikod ito sa kanila, pero alam niyang may edad na rin ito. Malaking lalaki ito at sa tansya niya'y nasa 6'0 feet o mas higit pa ang height nito."Virgin ang hanap n'ya. Fit na fit sa requirements n'ya ang pangangatawan, kutis at mukha mo." Pumunta si Madam Flori sa likuran ni Delaney at minasahe ang magkabila niyang balikat habang nakatingin sa kano na mag-isang umiinom sa counter ng nightclub na kanilang kinaroroonan. "Don't worry, baby girl. Mayaman 'yan. Loyal customer ko 'yan dito. Hindi ka malulugi r'yan."Hindi na nakapalag si Delaney nang itulak siya ni Madam Flori. Unti-unting umuusbong a
"Ugh! Ahhh! . . . A-ang sakit!" Magkakasunod na pumatak ang luha ni Delaney mula sa kaniyang antok na mga mata nang tuluyang makapasok ang intruder sa kaniyang lagusan."Fuck, you're a virgin?" Nangingibabaw ang pagkagulat ngunit may halong excitement sa boses ng lalaki. Hindi niya akalain na berhin ang makakatalik niya ngayong gabi."Hindi ba obvious! Pakiramdam ko napunit pati kaluluwa ko." Reklamo ni Delaney habang marahas na pinapahid ang luha na bumasa sa mamula-mula niyang pisngi."I'm sorry, baby." Halos magtayuan ang mga balahibo ni Delaney sa kaniyang katawan dahil sa sinabi ng lalaki. Napakalambing ng boses nito at kalmado pero mahahagilap pa rin ang pag-aalala. "I-I didn't know." Dagdag pa nito.Hindi na nagsalita si Delaney. Hinila niya ang batok nito at walang pag-aalinlangan na hinalikan ang labi ng lalaki. Nagsimula siyang gumalaw sa ilalim nito kahit pa gumuguhit pa rin sa kaniyang sensitibong parte ang hapdi. Hindi niya akalain na barko pala sa laki ang susuungin niy
Umiikot ang ceiling. Parang may tornado sa kaniyang tiyan at dibdib at anumang oras ay maduduwal siya. Sumusuntok sa kaniyang buong pagkatao ang sakit ng kaniyang ulo na waring pinukpok ng matigas na bagay.Ilan lang iyan sa mga bagay na unang naramdaman ni Delaney ng imulat niya ang kaniyang mga mata sa sandaling magkaroon ito ng malay. Namamanhid ang kaniyang mga binti na nakadantay sa hita ng kaniyang katabi at mabigat ang bahagi ng kaniyang tiyan kung saan nakadantay ang mabigat na braso ng lalaki na mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Nanghihina ang kaniyang katawan na waring hindi siya kumain at uminom ng tubig sa loob ng ilang araw. Pikit mata at pigil hininga ang ginawang pagkilos ni Delaney upang makawala mula sa pagkakayapos ng lalaki. Noong mga sandaling iyon ay hindi pa masyadong nag-si-sink in sa utak ng dalaga ang mga pangyayari. Basta ang tanging ibinubulong sa kaniya ng kaniyang isip ay umalis sa lugar na iyon bago pa magising ang may-ari ng kwartong kaniyang ki
Nagising si Lark dahil sa labis na katahimikan sa kaniyang kwarto. The room felt empty as well. Groggy pa ang pakiramdam ng kaniyang katawan dahil sa alak na kaniyang ininom at bitin na oras ng kaniyang pagtulog. Instinctively, kinapa niya ang kaliwang bahagi ng kaniyang higaan, umaasang mararamdaman pa rin niya ang init ng katawan ng babaeng kasama niya buong magdamag. Ngunit, wala. Ang tanging dumampi sa kaniyang balat ay ang malamig at gusot-gusot na kumot dahil sa digmaang naganap sa nakalipas na gabi—digmaan sa pagitan ng dalawang magkasundong katawan. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso, parang alon na humampas sa kaniya ang pagkabalisa sa hindi niya mapaliwanag na dahilan. Umuugtol ang kaniyang paningin sa bawat furniture na nasa loob ng kaniyang kwarto, sa mataas at malawak na bintana kung saan mula sa kinatatayuan ng kaniyang kama ay kitang-kita ang matataas na skyscrapers. The silence in his room was mocking him. The girl he had slept with was gone. The
"Anong kailangan mo?" Bagot na tanong ni Felix nang makababa siya sa motor na kaniyang sinakyan papunta sa bahay ni Lark. "Make sure lang na may thrill 'yang ipapagawa mo, ah. I sacrificed my own happiness just for you." "Lame," tipid at malamig na saad ni Lark. Nakapamulsa itong naglakad papasok ng bahay at iniwan na si Felix sa labas na napailing na lang. "Don't leave me, Lark!"Ma-dramang sigaw ni Felix saka humabol kay Lark papasok. Hindi na niya ipinasok ang sasakyan at maging ang helmet ay iniwan niya na rin sa labas. Mahigpit ang security sa subdivision at kampante siya na walang kukuha niyon, and if ever somebody stole his helmet even his bigbike; then he can just buy another one. Dumeritso si Lark sa second floor ng kaniyang bahay habang si Felix naman ay lumiko sa kusina at naghanap ng inuming nakalalasing sa naroong fridge. Naka-dekwatro siyang naupo sa sofa at hinihintay na bumalik ang kaibigan. As usual, nasa bar siya na kaniyang pagmamay-ari, he was having a good tim
Delaney's POV"One more time," utos ni Veron. Nakatayo siya sa gilid ko habang hawak ang isang magazine na kalaunan ay idinagdag niya rin sa dalawang magazine na nakapatong sa ulo ko. I tried my very best na hindi mahulog ang magazines sa ulo habang dahan-dahang naglalakad sa kahabaan ng living room ng bahay ni Lark.Magka-cross ang mga braso ni Veron habang bahagyang nakataas ang kaniyang kilay at kinikilatis ang bawat lakad at galaw ko. Isa iyong dahilan upang ma-conscious ang katawan ko. Pa-uga-uga ang katawan ko dahil sa taas ng heels na pinasuot niya sa akin. Malapit na ako sa may pader nang biglang mahulog ang magazine na kalalagay niya hanggang sa nahulog na rin ang dalawa pa. "I'm sorry," hingi ko agad ng paumanhin dahil baka magalit siya. Ako na mismo ang pumulot sa mga magazine at mabilis iyong ibinalik sa ulo ko. Akmang lalakad ulit ako nang magsalita siya. "We can do it again later . . . or tomorrow." Kinuha niya ang magazines sa akin at itinapon sa sofa. "Just keep pract
Delaney's POV Muling huminto ang kotse ni Lark sa tapat ng isang building. Akmang bubuksan ko na ang pinto para sana lumabas nang um-echo ang boses ni Lark sa loob ng sasakyan. "Stop!" Seryoso ang kaniyang boses. Mabilis kong inilayo ang kamay ko sa pinto. "Okay?" Naunang bumaba si Lark at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya pa ang kaniyang kanang kamay at inalalayan ako na parang isang prinsesa. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob ng restaurant.Antique ang style ng restaurant. Sa labas pa lang ay malalaman mo na agad na mayayaman lang ang may afford na makakain sa ganitong klaseng kainan. Si Lark ang nagbukas ng pinto at pinauna niya akong pumasok bago siya sumunod. Amoy at lamig ng aircon ang unang bumati sa balat at ilong ko. Tuyong lavender ang halimuyak na kumakalat sa buong paligid. Halos bilang lang din ang mga taong naroon at halos lahat ay pawang magkasintahan, base na lang din sa kanilang kilos at kung paano sila ngumiti at
Delaney's POV"Good afternoon, Sir!" Bati ng dalawang saleslady nang makapasok kami sa loob ng isang boutique. Tango lang ang isinagot ni Lark."Good afternoon, ma'am!" Bati naman nila sa akin noong tumapat ako sa kanila. Hindi ko na sila nagawang batiin pabalik nang tuloy-tuloy akong hilahin ni Lark papasok. Kaya ngumiti na lang ako at bahagyang yumuko.Nagpumiglas ako kaya binitawan ni Lark ang kamay ko. Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "P'wede bang kumalma ka? Ano bang pinagmamadali mo? May sale ba ngayon at takot kang maubusan ng mura?" "Funny, Delaney," sarcastic niyang saad."Buti naintindihan mo," pabulong kung saad. Ang perception ko kasi sa mga mayayaman at English speaking na katulad niya ay hindi nakakaintindi ng humour na pang-mahirap."I am Filipino. I can understand Tagalog.""E, iyong joke ko, naintindihan mo ba?""Of course—enough with the useless chitchats," saway niya sa akin kaya napaikot na lang ang mga mata ko. Naupo ako sa naroong single sofa a
Delaney's POV"Masarap ba?" Nakangiti kong tanong habang pinapanood si Mikas na kumakain sa harap ko."Sarap, Ate Nani! Hihi!" Tumawa pa siya sabay subo ng spaghetti. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang drumstick at kinakaway-kaway niya iyon. Gumagalaw-galaw pa ang kaniyang katawan na animo'y bulate—sa kaniyang kilos ay alam kong masaya siya at nag-eenjoy siya sa kinakain niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal habang pinapanood siya. Hindi ako malungkot. It was more like being emotional out of happiness. Bago rin ang kaniyang gupit. Noong huli kong bisita sa kaniya ay malago na ang kaniyang buhok. Palagi na rin siyang mabango at nakakakita ako ng damit na suot niya na wala naman siya dati. Mukhang binilhan siya ni Mother Eliza ng bagong mga damit at mukhang alagang-alaga talaga siya rito. Hindi katulad noong magkasama kami na palagi siyang amoy araw."Kelan mo ako sundo, Ate Nani?" Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko ang cute niyang boses. Hindi siya nakati
Delaney's POV Pagkatapos kong basahin at pirmahan ang agreement na binigay sa akin ni Lark ay kumain na muna ako. Bigla akong nawalan ng gana, pero hindi ko matiis ang gutom na pilit pa ring sumasagi sa tiyan ko. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas. Wala roon ang kwarto ko. Ibibigay ko lang kay Lark ang papel. Nang makarating ako sa tapat ng kaniyang kwarto ay nagdalawang isip pa ako kung kakatok ba ako o bukas ko na lang iaabot sa kaniya dahil baka nagpapahinga na siya, pero naisip ko na baka hindi ko na naman siya maabutan bukas. Hindi pa lumalabas ang araw ay umaalis na siya at bumabalik kapag nakalubog na ang araw. Hindi ko alam kung may lahi bang bampira itong si Lark. Masyado siyang dedicated sa kanilang kompanya.Ilang beses akong kumatok, pero walang sumasagot. Tinapat ko sa pinto ang tenga ko at pinilit pakinggan sa loob, pero useless lang din dahil mukhang makapal ang kahoy na nagsisilbing pinto. Hindi ko rin alam kung bakit nanatili pa ako ng ilang minuto sa h
Delaney's POV Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula nang magsimula akong magtrabaho sa bahay ni Lark. All-in-one at all-around ako sa bahay niya dahil pagkadating na pagkadating ko roon ay pinaalis niya ang mga katulong niya. He literally fired all of them. Naghalo ang iba't ibang emosyon sa dibdib ko noong mga oras na iyon: nagalit ako sa kaniya, nainis, nairita. Gusto ko siyang pagsabihan, pero parang nagkaroon ng silencing spell ang bibig ko—hindi ko magawang magsalita at ipagtanggol ang mga dati niyang katulong. Na-guilty ako ng sobra. Inagawan ko sila ng trabaho. Pakiramdam ko ako mismo ang nagpalayas sa kanila. The elder woman even asked me for help para lang pabalikin sila o huwag ng paalisin, pero wala rin akong nagawa kahit umiiyak na siya sa harap ko. Hindi ko alam na ganoon pala siya kasama. He's a cold-hearted person who doesn't care about the feelings of others basta nakukuha at nagagawa niya ang mga gusto niya.Later that night, hindi pa man nagsisimula ang kal
Lark's POV (taglish language ahead)— 5 months ago —I was standing near the window of my room, staring blankly at the sky. I don't know what time it is already. Hindi ko alam kung malapit na ba ang pagsapit ng gabi o talagang madilim ang kalangitan kaya madilim din ang paligid. I can still feel the heaviness on my chest every time I think about my family's expectations on me—they are pressing against my chest like a hydraulic press. Making it hard for me to breathe easily. I clenched my right fist tightly inside my pocket while I gripped at the edge of the window sill.Nakuha ng isang mahinang tunog ang aking atensyon. Agad kong nilingon ang kamang kinaroroonan ni Janessa. She was already sitting on the bed behind me. Nababalutan ng makapal na kumot ang kaniyang katawan at kita ko ang panghihina sa malungkot niyang mukha. Her body looked thinner than before. Her face was as pale as silver. The yellowy light of lamp shade casting over the whole room makes her look even more fragile."
Delaney's POV"Sa'n ikaw punta? I-Ikaw alis?"Hindi ko magawang sagutin si Mikas sa mga tanong niya. Nanatili akong nakayuko habang hawak siya sa magkabilang braso. Mahigpit na nakatikom ang bibig ko at mariin ang pagkakapikit ng aking mga mata—pinipigilan ang mga luha sa paglaya. Ngunit mas ibayong sakit lang ang naramdaman ko dahil sa ginawa ko."Bakit—bakit hindi ako pede sama? Sama ako, ate Nani." Mas lalo lang akong naiyak nang i-pat niya ang ulo ko. Hindi ko na itinago sa kaniya ang aking mukha, nag-angat ako ng ulo at tiningnan siya ng mataman sa mata. Puno ng pagtataka ang kaniyang inosenteng mga mata—nagtatanong kung bakit ako umiiyak. "Mikas . . ." hirap na hirap kong bigkas."Bakit ikaw iyak na naman?" Umiling ako, pilit nilalabanan ang pagtangis sa kaniyang harap ngunit hindi ako nagtagumpay. My mind was flooded with thoughts. Daig pa ang sinulid na nagkabuhol-buhol. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung saan ba ako magsisimula. O kung uumpisahan ko pa ba. Nahahati
Delaney's POV"Take off your clothes and look at me."Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto na ngayon ay nakasara na. Hawak ko pa rin ang malamig na busol. Halos manigas na ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na iyon at ang mga salitang sinabi niya. Ayokong lumingon. Ayoko siyang tingnan. Ayokong masaksihan ang mga bagay na hindi ko dapat makita. Mariin akong pumikit at pilit na napalunok kahit nanunuyo na ang aking lalamunan. Pakiramdam ko ay nasaid na ang laway sa aking bibig.Bumalik sa aking gunita ang gabi kung kailan una kong nakita at nakilala si Lark na siyang tumulong sa akin makaalis sa sitwasyon na ako rin mismo ang gumawa. I didn't believe it when he said that he was not a good person and I should not trust him even if he saved me. Still, I believe that he was nice and kind, and it turned out that he would only take advantage of me and my weakness. At dahil doon ay muli akong nakagawa ng isang pagkakamali na hindi ko akalaing mas magpapabaon pa sa akin sa l