Tulala si marigold nang bumalik sa kumpanya. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Jonas. Tila hindi ito sigurado sa kanyang narinig. 'Tama ba ang naring ko kay Jonas? Pero p-paano?'Dismayado man ay hindi na hinintay pa nila Jessy si Marigold kaya umalis na ang mga ito sa pag-aakalang baka may importanteng pakay si Jonas sa dalaga. Kaya mag-isa lang kakain si marigold sa canteen.Natu-tulala ang dalaga habang sumusubo kung kaya hindi nito napapansin ang mga bulungan ng mga babae sa paligid. "Bakit mag-isa siyang kumakain ng lunch? Don't tell me, break na agad?"Sarkastikong nagtawa ang isang bitter na babae. "O baka naman nagising at natauhan na rin agad si papa Ceo at na-realize na hindi bagay si marigold sa kanya.""Ang bilis naman, hindi man lang umabot ng isang linggo? Hayy..... kunsabagay, langit at lupa ang pagitan nila ni Mr. Atanante." May panghihinayang na wika ng isang may-edad na babae.Tila biglang naalimpungatan si Marigold nang maulinigan
"Sir, tatanggapin mo ba agad ang cooperation sa Wanda? Ang balita ko ay mataas daw mag-demand 'yon, porke isa sila sa mga nangungunang group of companies, aside sa C.A." ani Mr. Javier sa amo.Nakasakay ang dalawa sa personal elevator ni Chardon at pababa ngayon."We will find out when the negotiations happen." Paglabas ay nagtungo agad sa lounge area si chardon habang nauna naman sa sasakyan si Mr. Javier, bitbit ang may kalakihang leather bag na naglalaman ng mga dokumento."Si Mr. Atanante!""Sir~"Good afternoon, sir~"Wika ng mga taong natitira pa sa lobby nang dumaan si chardon."M-Mr. Atanante.... Hello, s-sir..."Natigilan at napalingon si Rosalie kay geraldine nang marinig ito. Nang makita ang papalapit na Ceo ay tumayo muna ito sa isang tabi.Nagpalinga-linga si Chardon habang naglalakad sa lounge area. Inayos ni Geraldine ang sarili at kiming lumapit. "Um, sir.... Mr. Atanante, may hinahanap ka po ba? Puwede ko po ba'ng itanong, baka kasi alam ko." Ani nito habang
Kumunot ang noo ni Chardon nang biglang takpan ni marigold ang kanyang mukha at nang dumistansya ito sa kanya.Lumapit ang binata. "It's okay. Let me see it." Aniya habang tinatanggal ang nakatakip na kamay ng nobya sa mukha nito. "Marigold...." Ngunit matigas ang kamay ng dalaga."Please.... Chardon.... a-ayoko ipakita." Magkahalong pag-aalala, pagka-ilang at hiya ang nararamdaman ng dalaga. Ang totoo ay hindi rin niya alam kung ano ang nasa mukha niya, ngunit dahil sa OA na reaksyon ni Sofia, pakiramdam niya'y may kung anong nakakadiri sa kanyang mukha."My god. What was that? Is that a blisters or..... galis?" Ani Sofia na nakahawak sa kanyang dibdib. "But, bakit ka biglang tinubuan niyan, and.... sa mukha pa?" Tatawa-tawang wika nito.Tiningnan ito ni chardon nang masama. "Shut your mouth if you can't say anything nice. You only scaring my girlfriend."Natigilan si Sofia at biglang natahimik. Tama ang sinabi ni Chardon, dahil.... dahil sa sinabi ni Sofia ay lalong nag-ala
Ang totoo ay alam na ni Chardon na si Rosalie ang nag-dala ng poison sumac kay marigold. Nang bumalik siya sa kumpanya kagabi kasama si Mr. Javier ay nagsiyasat siya sa opisina ng dalaga. Nang nagawi siya sa mesa nito ay nakakita siya ng kaunting pulbos na para na rin'g alikabok doon. Mabuti na nga lang at hindi iyon agad hinawakan ni Chardon. Sa halip ay nagtaka ito at binalingan si Mr. Javier. Nagtanong ito kung meron bang nagliliinis ng opisina ng nobya at bakit ganun karumi.Sinabi ni Mr. Javier na pang-gabi ang taga-linis nila. Kapag nakauwi na ang mga nasa opisina ay saka ito pumapasok para magtrabaho, para hindi nito ma-abala ang mga empleyado. Doon nagkaroon ng hinala si chardon. May nagliliinis naman pala ngunit, bakit marumi ang lamesa? Nakaligtaan kaya ito ng naglilinis?Saka naisip ng binata ang babaeng nagdala ng mga files kay marigold. Tumingin siya sa mesa at na-imagine ang mga files na nakapatong doon.Ipinakuha n'ya ang nasabing files kay Mr. Javier sa kany
"Are you really not going to stand up?"Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Sofia Kay Chardon. "No! I know you need me. You need woman." Isinandig niya ang ulo sa dibdib ng binata habang ikinikiskis ang kanyang katawan dito.Sa kabila ng ginagawa ng babae ay tila wala itong epekto kay chardon, lalo lang itong nasuya. "Fine...." At walang sabi-sabing tumayo bigla ang binata.Hindi iyon inaasahan ni Sofia at kahit naka-hawak ito nang mahigpit ay nahulog pa rin ito. Pagkalaglag sa sahig ay hindi lang ang matambok na puwit nito ang nasaktan, damay maging ang kanyang balakang.Pagtayo ay hindi nilingon ni chardon si Sofia. Dumiretso ito sa kinaroroonan ng banyo.Tatayo sana si Sofia para sundan ang binata, sa pagbabakasakaling baka doon niya maisagawa ang kanyang plano. Ngunit napa-ngiwi ito at hindi na nakatayo habang sapu-sapo ang balakang.Nang maka-alis si Chardon ay lumapit si lalaine na naka-kubli lang sa di-kalayuan at tinulungan ang pinsan. "Sofie! Ayos ka lang? Anong nangya
Sa isang sulok ng maingay na bar ay mag-isang umiinom ang isang lalaki. Hindi nito alintana ang maingay na tugtugan at ang paglapit ng ilang babae para magpakilala dito. Tila may sarili itong mundo.Nakayuko ito, tanda na may tamà na ito ng alak. Maya-maya ay nag-angat ito ng ulo. Dinampot nito ang isang bote at tutungga sana, nang malaman'g wala na palang laman iyon.Tinawag nito ang papadaang waiter at umorder ng beer. Napakamot sa ulo ang waiter pagbalik dahil natu-tulog na ang lalaki. Kinalabit pa niya ito at ginising.Nang magising ay muli na naman itong uminom. Dinampot nito ang isang bote at itinaas iyon. "Con... Congratulations....sa (hik) inyong dalawa..... K-kuya Chard at.....(hik) Marigold....." At tinungga nito ang bote.Pinahid nito ang alak sa gilid ng kanyang labi at sumandal. Maya-maya ay tumayo na ito para umuwi na. Nang papa-alis na ay hinabol ito ng isang waiter at ibinigay ang bills nito. Hindi inalam ng lalaki ang bayarin niya. Dumukot lang ito sa bulsa p
Tuwid na tuwid ang pagkaka-upo ni Mr. Javier habang naka-siksik sa gilid sa loob ng Bentley. Sinisikap nitong mabawasan ang kanyang presensya, at gaputok man ay pinipilit nitong hindi makagawa ng ingay. Kahit nangangati ang kanyang lalamunan at kahit gusto na niyang iubo iyon ay hindi niya magawa. Napapasulyap ito sa amo na may madilim na mukha.Hindi niya nalaman kung ano ang ibinulong ng may-edad na banyagang iyon kanina at nawalan na rin siya ng pagkakataon'g tanungin ang amo na'ng magbago't sumamâ bigla ang mukha nito. "Jonathan...."Halos magitla si Mr. Javier nang biglang tawagin ng amo."Y-y....yes.... sir.""Investigate them...... I know, they are illegal syndicate."Nang makabalik sa kumpanya, pagbaba ni Chardon ng sasakyan ay saka lang naka-hinga nang maluwag si Mr. Javier. Sumunod ito sa amo nang may tatlong metro ang layo.Pagbukas ng pinto ng opisina ay bigla na lamang may humahangos papunta kay chardon. Hindi naman nagdalawang-isip ang binata na saluhin iyon."Surpris
Biglang nagkaroon ng katahimikan. Napayuko si marigold at umalis sa pagka kandong sa nobyo. Tumayo ito. "B-bakit.... Anong dahilan at kailangan mong umalis?"Hindi muna umimik si chardon, ngunit makikitang hindi nito masabi-sabi ang sagot sa katanungan ng nobya. "I'm sorry mari.... But this's highly confidential and no one should know about this–""Kahit ba ako?"Tumango ang binata. "Um, including you..... I'm sorry."Napahimutok sa inis si marigold. "Puro ka I'm sorry, I'm sorry..... Ako naman ito e, hindi naman ako ibang tao. Baka naman puwede kong malaman kung saan pupunta ang boyfriend ko para hindi naman ako mag-alala, 'di ba?"Lumambot ang mga mata ni Chardon sa sinabi ng nobya at sa pag-aangkin nito sa kanya bilang nobyo nito.Tumayo ito't niyakap ang dalaga. "Just trust and believe your boyfriend, okay? I didn't tell you about it because I don't want you to worry.... Okay....." Bumuntong-hininga ang binata. "Because I can't disclose it to you, I'm giving you a clue in