“Andrei, anak! Nakita mo ba ang kapatid mo?”
Lumapit ako sa anak kong lalaki sa sala. Huminto siya sa pagbabasa ng kaniyang paboritong comics at tumingin sa akin.
“H-Hindi po, mommy. But I think she’s playing outside,” magalang na sagot nito. “Wait, I’ll call her.”
Pinagmasdan ko na lamang ang pagtakbo nito palabas. Ang bilis ng panahon at mag-a-apat na taon na sila sa taong ito.
“I hate you, Drei!” Rinig na ring ko mula rito ang sigaw ng isa ko pang anak na babae bigla naman siyang tumakbo papunta sa akin nang makita ako.
Agad ko naman siyang binuhat. “Mommy, I s-still want to play.”
“You can continue playing later with Andrei but for now the both of you should listen first to mommy, okay?”
Sabay silang tumango. Umupo ako sa sofa sa harapan ni Andrei at sinabak naman sa legs ko si Andrea. Kambal ang naging anak ko. Lalaki at babae. Sa tuwing mas lumalaki sila ay mas nagiging proud ako sa sarili ko. Kailan man ay hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko noon.
Pinaliwanag ko sa kanilang dalawa na kailangan kong umalis para sa trabaho ko at para sa kanila.
Ngumiti ako ng maintindihan nila ang ibig kong sabihin.
“I love y–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sabay nila akong yakapin ng mahigpit.
“We love you too, Mommy,” sabay nilang sabi.
“Mom, I don’t want to see you crying.” Napa-ngiti na lang ako sa sinabi ni Andrei.
Ginulo ko ang buhok niya at tumawa na lamang. “Sorry, nakalimutan ni mommy.” Pinigilan ko tuloy ang mga luha ko at huminga ng malalim.
Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang kapatid niyang si Andi na naiiyak rin. “What’s wrong with you, Andi? Stop crying.”
“I still hate you, Drei! Stop talking to me!” ang tanging sagot ni Andrea.
Pinatahan ko na si Andi at paniguradong hindi matatapos ang pagtatalo nilang dalawa. Madalas man silang mag-away pero wala akong problema ro’n dahil mabilis naman silang magkabati at never silang nagka-pisikilan ng away. Pero pareho naman silang may pagka-tampuhin.
Sa tuwing sumosobra na sila at nagagalit ako ay sila na mismo dalawa ang nag-so-sorry sa isa’t isa.
Mabilis niligpit ni Andrei ang mga coloring materials nila ni Andi sa mesa nang dumating si mama.
“Bukas ka ba aalis?” panimulang tanong nito at dumeretso sa kusina. “Ako, Sien, sinasabi ko sa’yo iyang mga anak mo, papano ‘yan.”
Binaba ko si Andi at inutusang tulungan ang kapatid niya sa pagliligpit ng kanilang mga kalat. Sumunod ako kay mama.
“Ma, pangako ko sa inyo. Kung magiging maayos ang simula ko sa trabaho ‘ron ay kukunin ko ang kambal dito. At isa pa, malapit na rin ang pasukan at mag-aaral na sila.”
Wala na siya iba pang sinabi kundi ang tumango. Gusto ko man siyang yakapin ay hindi ko magawa. Sobra-sobra rin ang problemang binigay ko sa kanya lalo ng umuwi akong buntis dito.
Maagang nawala si papa pero kahit papaano ay hindi niya rin ako iniwan kahit man halos ipagtabuyan ako ng mga nakakatanda kong kapatid.
Malapit na rin umuwi si Ate kasama ang kaniyang pamilya galing abroad. Dapat kaya ko ng buhayin at alagaan mag-isa ang mga anak ko.
*******
“Mommy, hahanapin niyo rin po ba si Daddy?”
Napatigil ako sa tanong ni Andrea. Ngumiti na lamang ako ng pilit, hanggang ngayon ay wala akong ibang sinasabi tungkol sa Daddy nila kundi ay ang nagta-trabaho sa malayong lugar.
Nagpaalam ako sa aking anak na tatawag na lamang ulit mamaya. In-end ko ang video call at pumasok na sa malaking building. Pansin na pansin ko ang malaking pangalan ng kumpanya. ‘Villamor’s Finance Company.’
Kompleto ang ginawang kong research tungkol sa kumpanya na ito at kailangan kong masiguradong hindi kami magkikita kahit man alam kong imposible iyon. Dapat hindi niya ako makilala at sana wala na siyang matandaan pa sa nangyari.
“Yes, sir.” Sabay kami ng mga ka-team kong sumang-ayon sa gaganaping meeting mamaya.
Inayos ko ang mga documents na hinanda ko para sa business proposal ng aming team. Isa ako sa mga importanteng tao para sa project na ito kaya kahit man ayoko sa mismong kumpanya na ito ay wala akong nagawa.
“Ano ba yan ma’am Legazpi. Sobra naman ata ang make-up mo, paniguradong imbes na ma-approve ang proposal natin sure ball ligwak agad.”
Napairap ako sa biro ng ka-trabaho kong si Mei. Napahinto ako sa ginagawa ko at tiningnan ang itsura sa salamin, sobra nga. Baka assumera lang talaga ako, hindi naman siguro niya ako makikilala. Mag-apat na taon na ang nakalipas, imposible naman atang maalala niya ako saka for sure kasal at may pamilya na siya nga’yon.
“Okay na, buburahin ko na lang ito,” sagot ko sa kanya.
“Mas mabuti ‘yon para ako lang ang mas maganda mamaya. ‘Di ba hindi pa married si Mr. Ace Villamor? Oh my G, sana makasama natin siya palagi and what if isa sa atin ang magiging asawa niya. I’m excited.”
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at kunwaring ibabato sa kanya. “Pinagsasabi mo d’yan, bumalik ka na nga sa trabaho mo.”
“Oo, na! Ito naman hindi mabiro.” Bigla na siyang umalis at napaisip tuloy ako sa sinabi niya.
Tama naman, base sa ni-research ko ay hindi siya married. Mas na-curious tuloy ako sa kung ano ang nangyari noon at kung bakit hindi natuloy ang kasal nila.
“Everyone, please introduce yourself to Mr. Hidalgo. He’s the most trusted secretary of Villamor’s company.”
Pamilyar man sa akin ang pangalan na sinabi ng secretary ng kumpanyang pinag-ta-trabahuan ko ay hindi ko na lang iyon pinansin.
Sunod-sunod ang paglapit namin sa lalaking nakatayo sa dulo ng upuan ng malaking mesa. Nasa limang ka-tao lang kami kasama na ang aming secretary kaya nang ako na ang sumunod ay napatitig ako sa itsura nito.
Mabilis akong nakipag-shake hands. Natatandaan ko, siya ang lalaking pilit na pinapabukas ang pintuan noon. Mabilis akong naghanap ng mauupuan ko at pilit na lamang ngumiti rito.
Hindi pa rin ako mapakali at kanina pa ako kinakabahan. Ilang beses na ako nag-represent ng mga business projects at ayaw kong pumalya nga’yon.
“Can I see your presentation?”
Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang boses na iyon.
“Yes, sir. We’re also prepare some proof and documents.”
Hindi ko tuloy mabilang kung ilang beses ako kumurap nang maramdaman kong nasa akin lahat ang tingin nila. Pero nananatili paring deretso ang tingin ko sa labas ng building.
Kinalabit naman ako ni sir Lance, ang aming secretary.
“Y-yes sir? Ah, the presentation? O-Okay.” Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako makapag-concentrate lalo na nang magtama ang tingin namin.
Parang kanina pa ako wala sa wisyo ko dahil hindi ko man lang naramdaman kung kailan siya dumating. Mabilis akong tumayo pero dahil sa natataranta ako ay hindi inaasahan ay may natabig akong baso.
Nagulat man ang lahat sa nalikha kong ingay pero nanatili siyang walang emosyon at hindi pa rin pinuputol ang tingin sa akin. Mabuti na rin at mabilis ang kilos ng mga kamay ko at hindi tuluyang natapon ang kape.
“S-Sorry. H-Hindi ko po sinasadya,” paumanhin ko.
Halos lahat naman sa amin ay may mga tasa sa gilid at hindi ko alam kung kaninong tasa ng kape ang nasagi ng braso ko kaya tiningnan ko na lang kung sino ang katabi ko.
“It’s alright. Are you okay? Please be comfortable and present our presentation.”
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-tango sa sinabi ni Sir. Sinubukan kong mag-concentrate at sinimulan ang presentation sa harapan ng lahat.
“Uhmm…any questions or clarifications? W-What do you think, Sir V-Villamor?” Tanong ko at tiningnan siya.
Naka-itim siya na polo at naka-dekwatro ang upo. Nasa labi niya rin ang kaniyang hintuturo at parang pinipisil ang kaniyang labi na sa tingin ko ay isa sa senyales na boring ang presentation ko.
Napayuko na lamang ako nang wala itong sinabi at nanatili lang ang tingin sa folder na hawak niya. Tumayo naman ang kaniyang kasamang lalaki na si Secretary George Hidalgo.
“Oh, sorry to tell you everyone but I think we should talk about this future projects maybe at the right time so this will be our first and last–”
“No!” mabilis na sabi niya na ikana-tigil ng kaniyang secretary. Binaling niya ang kaniyang tingin sa akin.
“As the CEO and the future owner of this company, I accept and I-Im w-willing to work–”
Hindi niya naman natapos din ang kaniyang sasabihin ng sumabat ulit ang kaniyang secretary. Sa mismong harapan pa namin sila nagtalo sa kung ano ang nararapat na desisyon. Para tuloy silang magkaibigan lang.
Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Naalala ko ang itsura niya noon parang walang pinagbago. Medyo lumaki lang ng husto ang kaniyang braso. Sumagi rin sa isip ko ang itsura niya noon habang walang saplot.
Pero imbes na matuwa ay naisip kong p’wede kong gamitin ang pagkakataon na ito para hindi matuloy ang projects.
“Uhmm.. excuse me, actually it’s not a big deal for us if you’ll not gonna accept sir. O, what I m-mean is taos puso po naming tatanggapin kung sakaling ano man po ang magiging desisyon niyo,” magalang na sabi ko at ngumiti ng pilit.
Pinagsisisihan ko naman ang ginawa ko dahil nag-iba ang kaniyang itsura at masama akong tiningnan.
“Okay, then meeting is done and my decision will not change. Everything is now settled.”
Hindi ko inasahan ang sinabi nito. Mabilis siyang tumayo at biglang umalis ng meeting office.
Tanging ang kaniyang secretary na lang ang nagpaalam ng maayos sa aming team. Inayos ko na rin ang mga gamit ko. Masaya akong parang normal lang ang nangyari at mukhang hindi niya ako naalala at mukhang wala rin siyang pake kung sino ako.
Napangiti ako dahil masaya si sir Lance sa naging resulta nang pagpunta namin dito. Nauna na akong umalis at nagtungo sa office ng finance team namin pero sumunod si Sir Hidalgo.
“Excuse me, Miss Legaspi. Ace Villamor, the CEO of this company wants to talk to you privately.”
“S-Sir, pasensya na po talaga pero w-wala po akong alam sa mga s-sinasabi ninyo." Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangang sabihin sa lalaking ito na wala akong alam sa kanyang mga sinasabi. Ginulo niya ang kaniyang buhok at malakas na nilapag sa harapan ko ang isang folder. “Don't you dare to deny!” madiin niyang sabi. “I also have the copy of CCTV footage in my condo before.” Napahigpit ang hawak ko sa aking bag. Hindi ko inaasahan ang mga sasabihin at ipapakita niya. Dapat hanggang ala-singko lang kami sa trabaho, ready na rin akong umuwi at hindi ko inaasahan na kakausapin niya na naman ako tungkol sa bagay na iyon. Tinapunan ko siya ng tingin bago buksan ang lumang white folder sa harapan ko. Masama ang tingin niya sa akin na para bang isang deny ko pa ay sasabog na siya sa inis. Dati kong resume form ang nasa folder. Sa pagkakatanda ko ay ito ang folder na naiwan at hindi ko na nakuha pa doon sa bar. Hindi ko rin p'wedeng sabihin na hindi ako iyon dahil nasa kanila ri
“Huy, ma'am. May problema po kayo? Anyare? Kanina pa kayo tulala.” Umayos ako ng upo nang sumulpot si Mei sa tabi ko. “Ayos lang ako, ano ka ba kung ano-ano sinasabi mo. Medyo pagod lang ako." “Naku, kanina pa kayo hinahanap at tinatawagan ni Sir Lance. Yong cellphone niyo po oh nandyan lang." Tinuro niya ang cellphone ko gamit ang nguso niya. Mukhang namimilosopo pa nga siya. Nang buksan ko ang phone ko ay 5 missed call kaya agad na akong tumayo. “Una na ako, salamat Mei." Iniwan ko siya at mabilis na umalis. Naabutan ko si sir Lance kasama ang lalaking ayaw kong makita muli. Pumasok na ako sa meeting office at umupo sa tabi ni sir Lance. “Good morning, sorry I'm late. Hindi ko po napansin ang tawag niyo sir," aniya ko. Nginitian niya ako. “Don't worry everything is good—” “No!" Pareho naman kaming napatingin ni Sir sa kaniya. ”Mr. Lance, I don't like your employers behavior. It's look that the both of you lacks the important qualities we look for in our business partners."
It's been 3 days nang umuwi ako sa amin para makuha ang mga anak ko. Hindi ko rin inaasahan na mas pinili ni mama na sumama sa akin kaya mas lalong lumaki ang galit ni Ate sa akin. Hindi ko siya masisi sa kung ano ang gusto niyang isipin at paniwalaan. Pero maipapangako ko sa kanya na aalagaan ko rin ng mabuti si mama. Sa tatlong araw na ibinigay ng CEO para sa ni-request kong leave ay nakalipat kami agad ng maayos sa isang maliit na apartment at napa-enroll ko na rin ang dalawa kong anak sa malapit na kindergarten school. Napahikab ako habang nag-ta-type ng documents sa computer. I was worried kung matatapos ko ba ngayong araw ang pinapagawa ng CEO dahil bukas na bukas ay isasama ako ng company para sa gaganaping meeting event. Nang mapansin kong natapos ko na ang kalahating documents na kakailanganin bukas ay mabilis na akong tumayo. “Ma'am, Sien. Sa inyo ba ito?" Napahinto ako sa pagbukas ng pintuan ng kausapin ako ni Mei. Medyo na-shock pa ako ng kaunti nang makita
“Let her choose everything she likes to wear.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng marinig ang kaniyang sinabi sa isang babae na nagmumukhang manager ng dress section na aming kinaroroonan. Still I was stunned to speak dahil dinala nya ako rito sa malaking mall at pinapapili ng damit na isusuot para sa meeting event bukas. Matapos ang nangyari sa amin kanina sa elevator ay pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa. Wala rin sa amin dalawa ang may balak na maunang magsalita. “Ma'am, dito po tayo,” ang sabi ng babae sa akin na kinausap niya kanina. Pero I excused my self to her at sinundan si Mr. Villamor palabas ng dress section na ito. “W-Wait," panimula ko. Huminto naman sya pero hindi man lang humarap sa akin. “I guess I don't need to wear something—” “Suit yourself. Please, just this time stop complaining," sagot niya ng mahinahon. “Within 10 minutes dapat nakapili at naka-ayos ka na. We'll have a partial dinner meeting with someone.” Nanatili siyang n
Secretary George Hidalgo. A 52 year old man. He really looks young para sa edad nya. At base sa nabasa ko sa isa sa mga articles ay mag-30 years na siya naninilbihan sa pamilyang Villamor. Napaiwas ako ng magtama ang mga tingin namin sa side mirror ng kotse. Narinig ko ang kunwaring pag-ubo niya. “I'm sorry again, for what the CEO did to you this past days. I hope someday you'll forgive him.” “No, it's okay Sir. You don't need to apologize. Uhm, I guess I understand why he's acting weird,” sagot ko at mabilis na lamang tumingin sa labas at pinagmasdan ang dinadaanan namin. “He's not acting weird. He's just doing what he wants to. You better not to lie on him. Things got worst about the issues you made before—” Mabilis ko siyang binigyan ng hindi makapaniwalang tingin kaya hindi niya naituloy pa ang sasabihin. “S-sir, hindi ko rin ginusto ang nangyari. And it's been 4 or 5 years, why's everyone can't move on?!” Agad naman akong napahinto dahil sa si
“Naku ma'am, kung ayaw niyo sa sandwich akin na lang ah! Uubusin ko to.” Mabilis na kinuha ni Mei ang sandwich at kinain iyon. Nandito kami ngayon sa isang small cafe, malapit lang sa building ng Villamor. Niyaya ko si Mei na lumabas at naisipan na ilibre siya. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ay malaking gulo ang pinasok ko kung maipagpapatuloy pa ang mga nangyayari. Hindi man sabihin ni Mr. Villamor ang gusto niyang mangyari ay may naiisip nako. Paniguradong balak niya akong gamitin para magawa ang gusto niya. Gaya na rin nang nabanggit ni Secretary Hidalgo ay gusto niya gawin ang mga gusto niya, dapat ko na lang alamin ay kung ano iyon. Mukhang mapagkakatiwalaan ko rin si Secretary Hidalgo, sa nga'yon siguro ay magpapatulong ako sa kanya ma-assign sa ibang trabaho or branch ng company nila. “Ma'am, look. Hindi ba ‘yon ay si miss Michelle Tan ng Lao's Company?” Nataranta ako sa bulong ni Mei sa akin. Mabilis akong lumin
Umaabot ng isang oras bago ako makauwi sa tinutuluyan namin ni mama at ng mga anak ko. Maaga nga akong umalis sa trabaho nga'yon para maisundo ko ang mga anak ko sa school nila. Sobrang hirap dahil araw-araw akong nag-co-commute buti na lang rin ay sobrang lapit ng kindergarten school sa amin. Walang ibang nakakaalam tungkol sa kambal kong anak maliban sa pamilya ko at sa mga taga doon sa probinsya namin. Hindi narin nakakapagtaka na alam ni Mich ang tungkol don. Panigurado ay alam niya rin kung sino ang ama ng mga anak ko. Kailangan ko pa rin malaman ngayon kung sino nga talaga ang nagpapahanap sa akin noon. Dahil kung ang CEO nga siguro ay pwede ko siyang pagkatiwalaan. Huminto na nga ang taxi na sinasakyan ko at mabilis na akong bumaba. Medyo paloob nga ang inuupuhan kong bahay kaya hindi rin masyadong nakikita kung saan ako banda tumutuloy. “Ma?” tawag ko habang papasok ng bahay. Naaamoy ko ang niluluto niyang biko. “Mommy!” Nagulat ako sa biglan
Bago mag 6 AM ay umaalis nako ng bahay. Tulog pa nga ang kambal kaya ibinilin ko na lamang kay mama na siya na ang maghatid sa kanila sa school at ako naman ang kukuha sa kanila mamaya pag-uwian na. Half-day lang naman ang class nila at 1 pm sila nagsisimula kaya mga alas kuwatro na rin sila umuuwi. Saktong 7 AM ang madalas kong dating dito sa kumpanya. Ito rin ang unang araw na magsisimula ang project ng mga Lao's sa Villamor's Company. At bilang head ng finance marketing ng aming team ay bale magiging doble na nga ang trabaho ko. “Hi, Mei. Good morning,” bati ko kay Mei nang makasalubong kami sa elevator. “Good morning din ma'am,” sagot niya sa akin. Tinapik ko siya sa braso sabay ngiti. “Hay, huwag mo na nga akong tawaging ma'am. Sien, na lang.” Napansin ko na masaya siya. Simula noong una naming pagkikita at hanggang ngayon ay hindi nagbago ang ngiti niya sa akin. Mga ilang taon na rin ang naging pagsasama namin. “Talaga? Sobrang tagal kong hinin
First time kong marinig na tinawag niya ako sa pangalan ko, pero complete name nga lang. Gusto kong tumigil at humarap sa kanya dahil binigkas niya pati middle name ko pero hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon.“I said stop, what’s wrong with you?” sigaw nito.Malapit na ako sa elevator at natatanaw ko ang halos takbo niya na mga hakbang.“H-hindi mo naman ito pipirmahan diba? Huwag mo na akong habulin,” saad ako habang pinapakita ang folder.“Yes, I won’t sign that. But wait, I need my coat…”Hays, talaga ba ang coat ang kailangan niya? Balak ko sanang hintayin siyang makalapit dahil nagbabakasakali akong nagbago ang isip niya pero hindi pala.“Isasauli ko lang ito bukas..”“So, you’re saying you want to meet me tomorrow?”Napairap ako sa tanong niya. Nagbukas na ang elevator at medyo malayo pa siya sa akin. Hindi na rin naman siya nagmamadali, cool pa siyang naglalakad palapit.“No, wala akong suot na underwares and I need your coat. Hindi ko naman kasalanan, bye.”Agad na ako puma
Kring kring***Nagising ako nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Nag-inat ako ng katawan at humikab. Nang maramdam kong wala akong suot na damit ay naalala ko ang nangyari.“Sh*t! A-anong ginawa mo Sienna, god..” Napahawak ako sa ulo at ginulo ang buhok ko.Hinahanap ko siya sa buong paligid nang hindi ko sya mahagilap ay mabilis na akong bumangon. Napadaing pa ako ng bahagya nang makaramdam ng sakit sa katawan ko.Suot ko ang kumot ay nagtungo ako sa sala. Bigla kong chineck ang phone ko, 5 calls galing kay Ken at nag-text naman galing kay mama.“6 pm?” tanong ko sa sarili dahil hindi ako makapaniwala. Mga mag 4 na nong pumunta ako rito, so bale mahigit isang oras ba akong tulog.Ang mga anak ko, ang sabi ko ay isusundo ko sila.Nagtungo ako sa pool area pati sa banyo ay nag-check ako pero hindi ko makita. Umalis ba siya?Nang mapansin kong may box sa couch ay agad ko itong binuksan. May damit sa loob pero inuna kong kinuha ang isang pirasong papel.‘Get dressed and meet me at the
“In exchange, pwede kitang pahiramin ng masusuot and I will sign that right away but you must admit it first.”“Okay fine, yes, its true.”Matapang akong humarap sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso. Alam kong alam niya kung ano ang totoo, sadyang gusto niya lang aminin ko pa. Hindi ko na maintindihan ang sarili niya, para akong mababaliw.Yakap ko ang katawan ko habang nakaharap pa rin sa kanya. “Bigyan mo na ako ng pamalit, p-please,” pakiusap ko.Hindi siya sumagot at lumapit lang sa akin."I do have a hot shower," sambit niya. "Take the towel, or maybe you want to get out naked."Napatingin ako sa baba niya, gusto niyang ako mismo ang kukuha sa towel na suot niya? Mas nakaramdam ako ng lamig at mas lalong nanginig ang kamay ko. Alam kong wala siyang ibang suot kapag kukunin ko ang towel, wala rin akong nakikitang extrang damit niya.“Go. I will call for the clothes, so better hurry.” May halong pang-iinis na sabi niya, sabay smirk.“P-pwede mo naman iabot sa akin… “"No, you're
“You don’t know how to knock?!”“Excuse me? Hindi ka ba aware? Halos computerized ang mga gamit niyo rito sir, Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako pinapasok ng pintuan na yan,” naiinis na sagot ko sa kaniya. Kanina pa siya maingay at isang ingay niya pa ay baka hindi nako makatimpi pa, nanginginig na ako rito sa gilid ng pool. Buti ay hanggang dibdib ko lang ang tubig kanina kaya agad akong nakaahon. Hindi niya rin ako sinubukang tulungan nong nahulog ako sa pool dahil mabilis siyang tumakbo palabas, parang bata. “Sana doon ka lang naghintay, you don’t even know this whole room.”“Sorry kung naging pakialamera ako? Ang akala ko nasa banyo ka, diba? Hindi naman maingay dito ‘yong isang room lang don so nag-expect..”“It was my shower and I don’t care if let it on or I didn’t turn it off. You could just sit there and wait.” Hays. Napalingon na lang ako sa kung saan, tinitigan ko ang suot niyang tuwalya, nagbabakasakali akong pahihiramin niya ako. Ayoko na patulan pa ang inaast
Tumango sa sinabi ni Secretary hildalgo at kinuha ko ang ibang papers rito, agad na ako nagpaalam dahil mas nagmamadali siya. I know na gusto niyang lumipat o umalis ako rito sa maagang panahon, hindi ko na rin papatagalin pa kung iyon ang nakakabuti para malayo ako sa gulo.Maiintindihan naman ako ng mga anak ko na hindi nila makikilala ang ama nila.“Sumunod po kayo sa akin ma’am,” ang sabi ng guard ng makarating ako sa nasabing resort. “Room 43 po si sir Villamor, hindi ko na po kayo masasamahan ma’am.”“It’s okay, maraming salamat,” aniya ko rito.Masyado naman marami ang room rito, pumasok na nga ako ng elevator at pinindot ang pinakataas na floor. Wala rin katao-tao rito.Narito na ako sa tapat ng pintuan, sinugurado ko ngang tama ang room na kakatukin ko. Nang kumatok ako ay parang may maliit na sensor or scan ang tumunog at bigla na itong bumukas.“Sir?” sambit ko ng wala akong taong makita.Masyadong malawak ang lugar sa loob ng kwarto, malinis na sala ang nadatnan ko nang m
Makalipas ng isang araw. Nakapag-desisyon na ako, gusto ko subukan ang inalok ni Ken. Iba rin ang pakiramdam ko sa mga sinabi nga ni Mich noong nakaraang mga araw. What if totoo nga ang tungkol sa mga Lao? Nakapagtataka naman at hindi pa sila kasal ni Ace.Bale 3 days na lang at babalik na rin ang Chairman ng Villamor finance company.“Hi Sien, good morning!” Bati ni Mei. “Naayos ko na mga papers din namin, waiting na lang kami sa go signal mo, ma’am.”“Sienna na lang diba?”“Oops..my mistake, pero seryoso na ba talaga? Kung sakaling officially ma-cancel ang project natin dito hindi ka na ba sasama pabalik? Kayo pa naman ang inaasahan ni sir Lance kung sakaling ma-promote na sya ulit..”“Paano mo nalaman?” tanong ko dahil hindi ko pa naman nababangit sa kanya na hindi ako makakasama sa kanila pabalik.“S-sinabi sa kin ni ma’am Mich, ang sabi niya rin ay siya ang nag-offer sa inyo ng trabaho. Gusto ko rin sana manatili muna rito, alam nyo na medyo goods ang pa sweldo rito. At alam nyo
“Can I get your number? Or I’ll give my number na lang to you, basta call me anytime pag nakapag-desisyon ka na.”Nagpasalamat ako sa in-offer niya, medyo matagal din kami nag-usap about sa naging successful niyang business. May 10 branches na siya ng well known coffee shop and ang sabi niya may bagong i-open ulit sila na branch, pwede niya raw akong kunin para maging manager sa branch na iyon and if maging permanent ako mabilis niya lang akong ma-promote para hindi raw masyadong mabigat ang trabaho ko. Sobrang laking opportunity ito at ayokong sayangin pa.“Anyway, kamusta si tita. Ang sabi ni Ate sumama raw siya sayo rito.”“Kaya nga, ayoko sana na narito siya mas lalo lang kami nagkakagulo ni Ate pero hindi ko rin siya pwede iwan don, gusto ko makabawi sa pamilya ko lalo na kay mama…”“I know your situations before and I’m sorry if I wasn’t there to help you..”“Ano ka ba, tapos na yon. Ayoko na rin pag-usapan pa.” Sinusubukan kong maiba ang topic namin at baka mapunta pa kami tun
“Dito lang po, salamat.“ Bumaba ako rito sa tapat ng kindergarten school, para masundo ang mga anak ko. Napaupo ako sa malaking swing nila dito habang hinihintay magsilabas ang mga bata. Maaga nga akong nag-out sa office dahil ang totoo ay parang pinilit na lang kami bigyan ng mga gawain. “Hi, ma'am, kayo na po susundo sa kambal?" Napatayo naman ako bigla nang may lumapit sakin. Sya din pala ang kumausap sakin nong nakaraan. “Ay oho, napa-aga ang uwi ko, salamat nga pala at naisasabay nyo minsan ang kambal sa pag-uwi,“ aniya ko. “Ay wala ho yon ma'am, natutuwa ako kasi nagkakasundo sila pati ng alaga ko. Ay nga pala, minsan rin ay naisasabay sila nong lalaking iyon.” Mabilis akong lumingon sa tinuro nito, pero hindi ko ganon makita ang itsura dahil kabababa lang ito ng sasakyan. Tanaw ko lang ang tangkad at kisig ng katawan nito. “Nakilala nyo rin ho ba? Ano raw pangalan?“ tanong ko. “'Yon ang nakalimutan ko, sir pogi lang kasi ang sigaw ng mga bata sa kanya. May hin
“Mommy, let's go! I'm ready!” Nataranta ako sa sigaw ng anak kong babae. Linggo nga'yon at wala akong trabaho. Ipapasyal ko ang kambal, niyaya ko si mama na sumama pero magpapa-iwan lang daw sya sa bahay. Maging si Andrei ay mas gustong magpa-iwan na lang din. Ang kapatid niya lang naman ang may gustong pumunta ng Mall dahil si Andrei ay mas gusto sa park na malapit lang dito sa amin. Nagpaalam na nga ako kay mama na aalis na kami at lumabas na nga kaming tatlo ng bahay at nagpara ng taxi. Napansin ko nga na sobrang luma na ng sapatos ni Andrei, isa lang din ang pares niya ng sapatos. Mabuti si Andi dahil may dalawang pares siya ng sandal. Hindi ko pinangarap na ganito ang sasapitin ng mga anak ko. Sobrang nagtitipid nga rin ako dahil alam kong darating ang araw na kakailanganin ko ng malaking halaga ng pera. Pero kahit man gano'n ay hindi iyon pwedeng gawing rason ko para hindi ko maiparanas sa kambal ang mga bagay na gusto nila. Binilhan ko sila par