Share

Six

Maaga akong nagising kahit alas diez pa naman ang biyahe namin patungong Siargao. Hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang dibdib ko sa sobrang excitement.

Ngunit ang excitement na iyon ay napalitan ng pagkabwiset nang tumawag sakin ang boss ko na nangakong susunduin ako na nasa Siargao na daw siya at humabol nalang ako. Minsan talaga gusto ko nalang magmura dahil sa araw araw na ginawa ng Diyos, wala itong ibang ginawa kundi ang bwesitin ako. Kahit nga wala siyang ginagawa ay talagang nabwibwisit na ako.

Hila hila ang maleta ay sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa airport ngunit anak ka ng magaling, nasa boss ko nga pala ang aking ticket kaya halos magwala na ako sa lobby ng airport dahil doon. Paano ako pupunta kung wala akong ticket?

I dialed my boss' number but it was unattended! Nanadya ba siya? Wala pa naman akong extra money, puta.

Bagsak ang balikat ay tinanggap ko nalang ang kapalaran ko. Mukhang hindi talaga ito para sa akin. Hanggang pangarap nalang talaga na makakaabot ako ng Siargao.

Napaigtad ako nang biglang pag-ikot ko ay hindi ko inakalang mayroon palang tao sa likuran ko dahilan upang bumangga siya sa akin. Dahil sa lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig at nabitawan ko ang hawak na maleta.

"Fuck, are you okay?" Rinig kong mura siya at kaagad na dinaluhan ako. Mumurahin ko na sana siya dahil sa nangyari ngunit kaagad na natutop ko ang bibig ko dahil sa nakita.

Gwapo.

Pero kamukha ni boss.

"Miss? Naalog ba pati utak mo sa pagbagsak?" Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o sarkasmo lamang iyon.

"I'm okay," wika ko at pinilit na tumayo. Inalalayan niya naman ako ngunit masakit pa rin ang bewang ko sa lakas ng pagkabagsak. Siya na rin ang pumulot ng maletang hawak ko.

"I'm sorry talaga, I'll just pay for compensation." Wika niya ngunit kaagad ko siyang inilingan, nakakahiya naman pero pag pinilit niya ay tatanggapin ko, grasya din iyon.

Akmang bubunot na siya ng wallet niya at ako naman ay nag-aabang nang biglang tumunog ang telepono niya. He looked at me apologetically asking if he could answer the phone and I just nodded.

Uuwi nalang siguro ako.

Tumalikod na ako at iiwan na sana ang lalaki nang kaagad niya akong pigilan.

"Wait Miss, are you Miss Janine?" tanong nito na ikinatango ko. Magtataka na sana ako nang bigla siyang ngumiti ng malaki sa akin. Hindi naman siguro siya kidnapper ano? At wala naman siguro siyang planong patayin ako? Tatakbo talaga ako sa oras na humakbang siya palapit sa akin.

Handang handa na akong tumakbo palayo sa takot nang magsalita siya.

"You're my brother's secretary. He called me to ask if I can pick you up, isabay na raw kita at nasa akin na ang ticket mo. Let's go" Aya niya sakin. I looked at him suspiciously. Paano kung hindi iyon totoo at plano niya talagang patayin ako tapos itapon sa dagat?

Mukhang napansin niya naman iyon kaya natawa siya.

"I promise, hindi ako masamang tao. Hindi ka ba naniniwala?" Natatawang aniya.

"Sinong kapatid mo?"

"Si Kyler, duh?" inirapan niya pa ako. Dahil sa sinabi niya ay kaagad kong napagtanto na nagsasabi pala talaga siya ng totoo.

Lahat ng excitement ko sa katawan ay bumalik sa oras na nakasakay kami sa eroplano ni Kristan. Kristan daw ang pangalan niya at masyado siyang madaldal.

Kahit gusto kong enjoyin ang biyahe ay hindi ko magawa dahil panay ang kausap niya sa akin.

"Bakit mo piniling magtrabaho sa kumpanya ni Kuya? Doon kana lang kaya sakin, tritriplehin ko ang sahod mo." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya ngunit nang maalala na professional nga pala ako at hindi magpapabulag sa pera ay umiling ako kahit magandang offer na sana iyon.

"Sorry, pero hindi ako cd para magpapirata." Mataray na wika ko at inirapan siya na muli niya na namang ikinatawa.

Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang oras at maglalanding na ang eroplano sa Siargao.

Hindi ko na pinansin ang pagdadaldal ni Kristan at pinalibot ko nalang ang tingin ko sa lugar, nasa airport palang kami pero ramdam na kaagad na sa hangin na maganda sa lugar na ito. Hindi ko alam kung paano iyon nag work, pero basta. Siguro dahil ay walang masyadong polusyon dito?

"Si Kuya talaga mahaba ang sungay niyan, buti nga nagtagal ka sakanya ng dalawang buwan. Halos karamihan ay hindi kinakaya ang ugali niya at nagreresign. O kaya naman ay tinatanggal niya kasi hindi niya daw bet. Buti hindi ka niya tinanggal." Pag-uusisa ni Kristan aka chismoso.

"Kapag ba nawalan ako ng trabaho kay kuya mo ay tatanggapin mo ako sa kumpanya mo?" Nakataas kilay na tanong ko rito.

"Of course, kahit ngayon palang tatanggapin na kita."

"Gago, loyal ako. Saka nalang pag wala na akong choice." Napahawak naman siya sa dibdib niya na animo ay nasasaktan.

"Sakit mo naman, second option lang ako, ganun ba?"

Nakarating kami sa resort at halos takbuhin ko na ang dagat dahil sobrang tagal na mula nang huli akong makapunta sa dagat. Iyong totoong dagat ha, na kulay asul at may pinong buhangin. Manila Bay lang kasi ang madalas kong makita at sawanh sawa na ako sa dumi noon. Gusto ko ng ganito, fresh ang hangin at hindi amoy basura.

The turquoise water seems like calling me. Talagang lalangoy ako mamaya pag nakapagpalit na ako.

"Huy mamaya kana diyan, naghihintay na sila mommy sa restaurant. Doon na tayo didiretso after makapag check in." Tawag sakin ni Kristan na tinanguan ko naman.

Binigyan kami ng susi sa front desk nang banggitin namin ang pangalan namin. Wala ring masyadong tao dito maliban sa mangilan ngilang guest at mga staff ng resort. Ang sabi ni Kristan ay nirentahan ng magulang niya ang buong resort sa buong linggo.

Yaman talaga. Naghahanap kaya sila ng bagong anak? Pwede kaya akong magpaampon?

Gusto kong magtatalon sa kama dahil sobrang lambot noon tingnan ngunit kailangan ko nang bumaba, nakakahiya naman kung ako lang ang hihintayin nila.

Nagtataka man dahil may nakita akong duffle bag sa ilalim ng kama ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at lumabas na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status