Share

The CEO's Favorite Toy
The CEO's Favorite Toy
Author: zailamary

One

New Secretary

Madaling sabihin para sa ibang tao na 'huwag ka diyan, dito kana lang', 'huwag diyan, pangit dyan' tuwing nalalaman nila kung saan ko balak mag-apply ng trabaho. Hindi ko nga alam pano nila nalaman hindi ko naman iyon pinagsasabi.

Napabuntong hininga nalang ako nang paglabas ko ng aking bahay ay napadaan ako sa tindahan ni Aling Hershey at ganun din ang sinasabi niya.

"Basta mag-iingat ka." Iyon pa ang huli niyang sinabi na akala mo naman ay papatayin ako doon sa pag-aapplyan ko.

Pangarap ko na ito nasa college palang ako. Una, dahil malaki ang sweldo, at pangalawa, gwapo daw ang boss. Kahit pa sinasabi nilang baliw daw iyon. Naniniwala kasi ako na kapag magaganda ang nakikita mo sa pinagtatrabahuhan mo ay magiging maganda din ang mood mo at sisipagin magtrabaho.

Baliw na nga din siguro ako.

Nang makapasok ako sa kumpanya ay mukhang normal lang naman ang lahat, wala namang unusual. Nagtanong lang ako sa reception kung saan iyong interview para sa position na sekretarya. Nginitian niya lang ako at tinuro kung saan iyon.

Ako lang ba o may weird sa ngiti niya? Hayst, kasalanan ito nung mga taga-saamin. Bigla tuloy akong nag-overthink dahil sa pinagsasabi nila.

Pinapasok ako noong sekretarya sa loob ng opisina ng CEO. Siya raw ang pansamantalang tumatayong sekretarya nito habang wala pang nahahanap. Nalaman ko rin na sekretarya talaga siya ng ama ng CEO at pinahiram lang siya dito.

Hindi ko alam bakit biglang kumabog ang dibdib ko pagkaapak na pagkaapa ng paa ko sa loob ng opisina. Bigla ring nagtaasan ang balahibo ko dahil sa sobrang lamig sa loob noon. Hindi ko alam kung dahil sa takot ko o sadyang malamig talaga roon dahil sa malakas na aircon.

Malaki ang opisina ng CEO ngunit wala siya roon. Ang sabi ni Miss Yanna, ang sekretarya sa labas ay hintayin ko nalang daw dahil parating na din iyon.

Pinalibot ko ang paningin ko sa kabuoan noon. Malinis at maaliwalas ngunit may kakaiba talaga dito. I don't know, maybe the masculine energy?

Black and white ang theme ng opisina at halatang karamihan sa mga gamit doon ay mamahalin. Magkano kaya ang mga ito kung ibebenta?

Mula dito sa kinauupuan kong visitor's chair ay tanaw na tanaw ang kalakihan ng syudad. Kitang kita ang mga sasakyan na halos hindi na makausad dahil sa traffic. Maganda siguro dito kapag gabi.

Napaigtad ako at mula sa pagkakatulala ay napalingon ako sa may pinto nang bumukas iyon at nasalubong ko ang pinakamagandang mata na nakita ko sa buong buhay ko. Napalunok ako.

Tumunog pa ang lock nang pindutin niya iyon bago siya naglakad palapit sa akin. Shit, oo nakita ko na siya sa mga picture ngunit hindi noon nabigyan ng hustisya ang itsura ng taong ito. He's not just gorgeous, he's drop dead gorgeous.

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtitig ko sakanya nang bigla siyang tumikhim.

"Janine Ardina Flores?" halos lumutang ako mula sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses niya. Parang boses palang ay alam mo na talagang gwapo. Halos malaglag ang panty ko sa sobrang pagka manly noon. Nagtaas siya ng kilay. "Tititigan mo nalang ba ako?"

"Y-yes." wala sa sarili kong sagot.

"If you're not serious about applying, makakaalis kana." Bigla akong natauhan dahil sa lamig ng boses niya.

"S-sorry sir. Uhm, seryoso po ako sayo. I mean, sa pag-aapply sa position na 'to." Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil sa pagkakautal.

Halos hindi ko siya matingnan ng diretso dahil ang titig niya ay parang tatagos hanggang sa kaluluwa ko. Ito yung titig na kahit wala pa siyang ginagawa ay kayang kaya kang paluhudin sa pamamagitan noon.

"Then you're hired. You can start now." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at magbubunyi na sana ang diwa ko nang bigla siyang magsalita na nakapagpatahimik sakin. "I just only have one question. Are you good in bed?" hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.

"Sir? Virgin pa po ako." Wala sa sarili kong wika. Nakita ko ang pag-ngisi niya.

"You can start now. Si Yanna na ang bahala sayong magturo ng mga gagawin mo."

"Salamat po." yumuko pa ako bilang pag galang. Tinanguan niya lang ako at nag-umpisa nang magbasa ng mga dokumento sa harapan niya.

Nakangiting si Miss Yanna ang sumalubong sa akin paglabas ko. Tinuro niya sakin ang mga dapat kong gawin at sinabi niya rin na iyon ang magiging pwesto ko, ang table sa labas ng opisina.

"Kung may request man si sir na unusual, huwag mo nalang pansinin. Goodluck, kaya mo yan." Wika niya at akmang tatalikuran na ako para umalis nang pigilan ko siya.

"Hindi ba ako masisesante kung hindi ko siya susundin." Umiling lang siya bago ngumiti at tuluyan nang nagpaalam.

Pinagkaabalahan kong gawin ang mga kailangang iencode na siyang ginagawa ni Miss Yanna bago ako mahire at ngayong andito na ako ay ako na ang gumagawa.

May karamihan din iyon kaya halos sumakit na ang batok ko. Nagulat na lamang ako nang biglang tumunog ang intercom at nagsalita doon si Sir Kyler David Murray, and CEO nitong kumpanya na boss ko na ngayon.

"Book a table for two in Rustica Steak House for tonight."

"Okay sir." Kaagad kong ginawa ang inutos niya at nag-book ng reservation sa pangalan ni Sir.

Wala namang unusual na nangyari hanggang sa matapos ang araw ko. Alas singko ang out ko ngunit paalis na lamang ako ay hindi pa rin lumalabas ng opisina si Sir. Hindi ko nga alam kung nag-lunch ba siya.

Inayos ko ang mga dala kong gamit at naghanda na para umuwi nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir at lumabas siya roon.

"Good afternoon po Sir." Bati ko sakanya at tumango naman siya.

"Join me for dinner," iyon lang ang sinabi niya at tuloy tuloy na naglakad. Nabato naman ako sa kinatatayuan ko, hindi pa lubos maproseso ang sinabi niya nang lingunin niya ako, nakakunot na ang noo at halatang iritado. "What are you still doing? Gusto mo bang buhatin pa kita para sumama sa akin?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status