Share

Five

Natahimik ako, fiancee niya si boss Kyler? Tsk. Hayup, tapos ang lakas ng loob niya na landi landiin ako. H*******k talaga. Napairap nalang ako sa hangin at tinawagan si sir.

"Sir, your fiancé is here." ani ko sa intercom.

"Huh? Kelan pa ako nagka-fiancee? Hindi naman ako nagpropose sayo." Halos mag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tangina. Napalingon ako sa kinatatayuan ni Miss Trina at nakita ko kung paano siya nagpupuyos sa galit. Malamang, nakaloud speaker ang intercom at narinig niya ang sinabi ni sir. Harap harapan siyang tinanggi nito.

Nakita ko pa ang galit na tingin niya sa akin.

Oh no, bakit bigla akong nainvolved. Hayop talaga si Sir, pahamak sa buhay ko.

"Miss Trina Gonzalo is here sir." madiing wika ko, tumikhim ito at saglit na natahimik. Mukhang narealize na andito pala talaga ang totoong fiancé niya at lagot siya. Tumikhim itong muli bago nagsalita, ngayon ay malamig na ang tono.

"Papasukin mo," giniya ko si Miss Trina at akmang pagbubuksan sana ng pinto nang padabog niyang tinanggal ang kamay ko roon at siya na ang nagbukas para sa sarili niya. Malakas niya pang sinarado ang pinto, doon binunton ang galit niya. Tsk, tsk.

Idol ko pa naman siya, magaspang pala ang ugali niya. Pero hindi ko naman siya masisisi, tinanggi lang naman siya ng fiancé niya, kahit ako ay magwawala rin kung ganoon.

Tinapos ko ang ginagawa ko bago ako bumaba sa canteen para maglunch. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ng opisina si Miss Trina. Tsk, mabuti na lamang at sound proof ang opisina ni boss dahil ayokong makarinig ng mga ungol mula roon. Kahit hindi ko makita ay alam ko namang ganun ang ginagawa nila. Two hours sila sa loob, imposibleng usap lang. Lalo na at pinaglihi ata sa higad itong amo ko dahil hindi maalis ang kakatihan sa katawan niya.

Nakakasira talaga ng araw itong boss ko.

Nakabalik na ako't lahat mula sa canteen ngunit hindi pa rin lumalabas si Miss Trina. Oh God, ganun ba kalakas ang stamina nila na hindi man lang nila nagawang mapagod? Oh God talaga dahil napakadumi ng isip ko. Hindi mo ako masisisi dahil sa ugali ng boss kong makati.

Halos mapasigaw ako nang mula sa malalim kong pag-iisip kung anong ginagawa nila sa loob ay biglang tumunog ang intercom at nagsalita doon si sir Kyler.

"Come inside," napakunot ang noo ko. Ako ba ang sinasabihan niya o ang kasex niya? Pero diba dapat siya yung ma come inside hindi yung babae? tanga lang. Tsk, masyado na talagang madumi utak ko.

"Ayoko pong makipag threesome sainyo." Hindi ko napigilan ang bunganga ko at lumabas iyon. Narinig kong tumawa siya dahil sa sinabi ko. Sana mabilaukan ka at mamatay para mabawasan naman ang malalandi dito sa mundo.

"Damn, threesome with who? Dildo?" Mas lalo akong naeskandalo dahil sa sinabi niya. "Kung makapagsalita ka naman Miss Flores, parang ang landi landi ko. Walang tao dito sa loob, wag kanang magselos." Napairap ako.

"Fuck you." mura ko sakanya na ikinatawa niya.

"Later, marami pa akong trabaho. Damn it pumasok kana lang may iuutos ako." Napabuntong hininga ako, may parte ng utak ko na nagsasabing wag ko siyang sundin dahil alam kong may kabastusan na naman siyang gagawin ngunit may parte pa ring dapat ko siyang sundin kasi boss ko siya. At ayaw kong mawalan ng trabaho kaya pumasok nalang ako kahit labag sa loob ko.

"She's not my fiancee." Bungad niya kahit hindi ko naman tinatanong.

"Sino?"

"Si Trin--"

"Sinong nagtanong?" putol ko sa sasabihin niya na ikinasama niya ng tingin sakin. "Ano pong kailangan mo?"

"Bakit sobrang layo mo. Hindi naman kita kakainin." pansin niya nang hindi ako umalis malapit sa pinto. Aba mahirap na.

"Ginawa mo na kagabi," wika ko na ikinatawa niya. Happy pill niya ba ako? Huwag niya namang ipahalata masyado na masaya siya sakin.

"Yeah, I can't resist it. You're addictive." Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "By the way, cancel all my apointments this week, aalis tayo." Nagtaas ako ng kilay.

"Saan tayo pupunta?"

"Wedding anniversary ng magulang ko. It'll be celebrated in Siargao." Mas lalong napataas ang kilay ko.

"It's a family matter, bakit kailangang kasama ako?"

"Kasi you're my secretary? I need you twenty four seven." walang kwenta niyang sagot na ikinairap ko.

"Bakit nung may business trip ka abroad ay hindi mo ako sinama?" natawa siya doon.

"Wala ka namang passport." nanlaki ang mata ko at natahimik. Oo nga pala.

Mabuti nalang at walang kalandian siyang ginawa at nakalabas pa ako ng opisina niya ng buhay at humihinga. Mas gusto ko tuloy na sobrang dami niyang trabaho para mawalan siya ng time na landiin ako. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang napili niyang paglaruan. Paulit ulit ko tuloy pinapaalala sa sarili ko na wag madala sa mga kalandian niya dahil pinaglalaruan niya lang ako at hindi siya seryoso sa mga pinagsasabi niya sa akin.

I can't fall for him. Ayokong maiwang luhaan at laspag. Ayokong masaktan.

Kagaya ng sinabi niya ay kinansela ko lahat ng appointment niya sa buong linggo. Hayst, iba talaga pala ang mayayaman, halos isang linggo ang celebration ng anniversary kahit pa isang araw lang naman talaga dapat iyon.

Kaagad kong hinanda ang susuotin ko, di ba ay beach iyon kaya naghanda ako ng mga two piece swimsuit na susuotin ko. Dapat laging prepared dahil baka makakita ako ng AFAM doon tapos siya na pala ang soulmate ko, eh dapat maganda ako. Kinabukasan ang alis namin kaya hindi ako mapakali dahil sa sobrang excitement.

Ito ang unang beses na makakarating ako ng Siargao dahil wala naman akong panahon at pera para pumunta doon. Buong buhay ko nga ay hindi ko man lang naranasang magtravel at mag-enjoy. Parati nalang akong nagtatrabaho, noon para may pantustos ako sa aking pag-aaral at ngayon ay para may pantustos ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Medyo nakakapagod din pala ang ganito pero masaya naman ako tuwing nakikita kong matataas ang marka ng mga kapatid ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status