Share

Two

Wala akong ginawa kundi ang sumama sakanya. Ganito ba talaga siya sa mga bago niyang sekretarya? Nililibre niya ng dinner. Gusto kong mapangiti. Ako ang nagpareserve ng restaurant na iyon without knowing na ako pala ang kanyang isasama dito. Nakakakilig naman.

Tahimik akong sumunod sakanya papasok sa restaurant nang mapatigil ako dahil nay sumalubong sakanyang babae at bigla silang naghalikan sa harapan ko. Matapos iyon ay nakangisi siyang humarap sa akin at inabot ang black card niya sakin.

"You can find a table, enjoy yourself Miss Flores." nakangisi niyang wika bago naglakad patungo sa table sa may gilid habang nakakapit sakanya ang babae. What the fuck?

Dahil purely reservation lang doon sa restaurant na iyon ay napilitan akong umalis at maghanap ng iba. Mabuti na lamang at sa hanay na iyon ay maraming restaurant, bukas ko nalang ibabalik ang card ni Sir. Bwiset siya.

Nang makapasok ako sa isang korean restaurant ay inorder ang lahat ng gusto ko dahil hindi ko naman pera ang gagastusin ko. Medyo kinabahan pa ako dahil baka hindi gumana ang card at trippings lang si sir ngunit kaagad din akong nakahinga ng maluwag nang gumana iyon, wala pa naman ako ipapambayad sa mga inorder ko kung sakali.

Hindi mawala ang pagkainis ko kay Sir hanggang sa maubos ko ang mga pagkain ko. Nag-order pa ako ng isang bote ng soju hanggang sa maging lima iyon dahil sarap na sarap ako. Celebration ko na rin ito dahil sa pagkatanggap ko sa trabaho.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at unregistered number iyon. Hindi ko nalang pinansin dahil baka scammer na naman na nanghihingi ng pera. Madalas pa naman iyon. Kunyare nanalo daw ako ng relo sa raffle tapos may babayaran daw akong shipping fee na five hundred tapos malalaman ko ay iyon pala mismo ang totoong presyo ng relo. Hayst.

Ilang beses na tumawag ang number na iyon at dahil sa sobrang kulit niya ay blinock ko na para hindi na makatawag. Hindi nga ako interesado sa relo!

Nang maubos ko ang ikalimang bote ng soju ay nagpasya na akong umuwi. Maaga pa naman ang pasok ko bukas kaya kailangan ko na ring matulog.

Maglalakad nalang ako pauwi dahil malapit lang naman iyon dito, isa pa ay wala na akong pamasahe. Di ko naman pwedeng gamitin ang card ni sir dahil hindi naman noon tumatanggap ang mga tricycle driver.

Nadaanan ko pa ang Rustic Steak House kung saan naroroon ang boss kong nakakainis kaya inirapan ko iyon na para bang siya ang may kasalanan sa akin bago ako nagpatuloy sa paglalakad ngunit napaigtad ako nang may biglang bumuhat sakin at isinakay ako sa sasakyan.

Sisigaw na sana ako nang pumasok sa driver seat ang boss ko kaya hindi ko naituloy.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" inis na tanong ko ngunit hindi niya iyon pinansin at nag-umpisa nang magmaneho.

"Why did you block my number?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Sayo pala yun? akala ko scammer."

"You deserves to be punished." Madilim na sabi niya bago nakakatakot na ngumisi sa akin. Bigla naman akong kinilabutan.

"Anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko.

"Dadalhin sa langit." Simpleng sagot niya at nakita ko na naman iyong nakakaloko niyang ngisi na animo ay walang gagawing maganda. Bigla naman akong natakot para sa buhay ko.

"Papatayin mo ba ako sir?" hindi pwede, marami pa akong pangarap para sa pamilya ko.

"Oo, sa sarap." Halos mag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Nagulat ako nang biglang pumasok ang sasakyan niya sa loob ng mataas na building.

"Anong kailangan mo sakin?" Kinakabahang tanong ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nakita kong napairap siya.

"I need my secretary, may ipapagawa ako sayo. Andun sa condo ko."

"Hindi na oras ng trabaho."

"I'll pay extra, damn it. Sumama kana lang." wala akong nagawa kundi sumama sakanya papasok. Kahit papano ay boss ko pa rin naman siya at kailangan ko siyang sundin.

Tahimik kaming pareho sa loob ng elevator. Hayst, dapat ay nasa bahay na ako ngayon at natutulog ngunit heto ako, papunta sa bahay ng boss ko para gawin ang iuutos niya. I cannot.

Inaantok na ako marahil dahil nakainom din ako ngunit hindi naman ako pwedeng magreklamo, baka tanggalin niya pa ako sa trabaho.

Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang napakagandang sala. Ibig sabihin ay sakanya itong buong palapag? Wow, hindi naman nakakapagtaka dahil mayaman siya.

"Ano sir kailangan kong gawin?" Tanong ko sakanya, nag-iwas siya ng tingin.

"It's inside my room." napakunot ang noo ko.

"Hihintayin nalang po kita rito, kunin mo nalang po para magawa ko na at nang makauwi na ako. Inaantok na po ako."

"Come with me, nasa kwarto ko."

"Bakit kailangang kasama pa ako?" Pinanlakihan niya lang ako ng mata na tila nagsasabing makinig nalang ako at sumunod.

Dahil sa takot na baka sisantehin niya ako ay tahimik nalang akong sumunod.

"It's on that table." Turo niya sa table doon sa may maliit na living room sa loob ng kwarto niya. Nagamamadali akong lumapit doon dahil gusto ko nang umalis, hindi ko gusto ang kabang nararamdaman ko.

Nagulat ako nang marinig ko ang pag-lock ng pinto na mas lalong nakapagpadagdag sa kabang nadarama ko.

"Asan dito Sir?" wala namang kahit na anong pwedeng gawin sa table at nagulat ako nang pagharap ko ay andun na siya.

Marahan niya akong tinulak sa ibabaw ng lamesa, dahil sa gulat ay kaagad akong natumba doon at hindi na nakaprotesta.

"I'll do you on this table," nakangising aniya bago marahas na tinanggal ang suot na necktie. Napalunok ako.

Totoo nga ata talaga ang sinasabi nila na baliw ito. Shit.

Napaurong ako nang akma siyang lalapit sa akin ngunit kaagad akong nanghina nang yumukod siya at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.

"A-anong gagawin mo?" hindi ko na naitago pa ang panginginig ng boses ko. Mas lumapit pa siya sa akin dahilan upang maramdaman ko ang kagaspangan ng kanyang suot na pantalon sa aking hita nang bahagyang tumaas ang suot kong palda.

"Let's play."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
zailamary
aisussuaususu
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status