Tinabig ni Bella ang kamay ni Jace. Tila siya napaso sa haplos ng binata.“Stop teasing me! Hindi mo ako makukuha sa pang-aakit mo.”“Sinungaling ka, Bella. Ang sabi mo sa noon, mamahalin mo ako habangbuhay. Nasaan na ang pangako mo?” anitong muling lumapit sa kanya. Nakakaakit ang malamlam nitong mga mata.“Jace, we’re done! Kaya tigilan mo na ako. Ikakasal ka na kay Maecy!”“Ikaw ang papakasalan ko!”“Dahil sa kumpanya? Come on, Jace. Money is not everything. Iba kapag kasama mo ang taong mahal mo.”“Exactly, iba pa din kapag matutupad mo na ang matagal mo ng ilusyon na matali sa akin.”“Matagal na akong nagising mula sa ilusyon ko. Bumuo kayo ng pamilya ni Maecy. Magkaroon kayo ng madaming anak. I will be happy to see you happy.”Hindi katulad niya na baka hindi na magkaanak dahil sa chemotherapy na pinagdaanan niya. Maaaring naapektuhan ang fertility niya.“Bakit feeling ko hindi sincere ang pagkakasabi mo. Are you sure, you want to see me happy with Maecy?”Umikot ang mata niya. N
“Wala akong ninanakaw. Isang araw maiintindihan mo din kung bakit ganito ang naging desisyon ng daddy mo,” sabi ni Bella. Siya yata ang hindi nakahandang masaktan si Jace. Buong buhay nito ay naniwala ito na anak ito ni Don Ricardo. It will be too painful for him kung malalaman nito ang katotohanan.“Isa lang naman ang punto dito. Ninakaw mo ang kumpanyang wala kang karapatan!”“Tapusin na natin ang presentation para bukas at ng makapagpahinga na tayo,” aniyang walang emosyon.“Saan ka matutulog? Sino ang katabi mo?” sa halip na tanong ni Jace.“Wala ka ng pakialam. Jace, sa totoo lang napapagod na akong kausapin ka. Mag-usap na lang tayo sa dapat gawin para bukas sa presentation, please?” aniyang nagmamakaawa.Nagbaba ng tingin ang binata at tumango.Nag-usap sila ng seryoso sa presentation. Iyon naman ang magkasundo sila. Kapag tungkol sa trabaho ay pinagbubutihan nilang dalawa. Dala nila ang pangalan ng Land Sheperd Corporation. Hindi sila papayag na mapahiya sila kasama ang pangal
Nahintakutan si Bella. Napatingin siya sa seryosong mukha ni Jace. Ngunit wala siyang balak magpakasal at masakal sa relasyon nila. Ginawa na niya ito noon at ilang baldeng luha ang naubos niya.Kilala niyang magaling itong magmaneho. Nagulat sila ng may isang kotse na nasa tabi nila. Ibinaba ng driver ang car window.“Ihinto mo ang sasakyan!” sabay silang lumingon sa pinangalingan ng tinig. Si Matthew!Ngunit mas binilisan ni Jace ang andar.“Papatayin kita kapag napahamak si Bella!” sigaw ni Matt.Ngunit matigas si Jace. Itinodo nito ang gas. Halos lumipad sila. Hindi iilang beses silang muntik mabangga.Humahagulgol na siya. “Tama na, please. Tama na.”Hindi na siya makahinga sa sobrang takot.Nang makaita nitong umiiyak siya ay tsaka lamang ito tila natauhan. Unti-unting bumagal ang pagmamaneho nito hanggang sa tuluyan ng huminto.Kumatok sa car window si Matthew. Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan at sumakay sa kotseng dala ni Matt.“Maraming salamat, Matt,” aniyang malakas pa
“Jace, hindi na kita mahal. Sino ba ang nagsabing minahal nga kita? Pera lang ang habol ko sa’yo noon. Nakita mo naman, nakuha ko na ang gusto ko. Hindi na kita kailangan,” buong tapang na sabi ni Bella. Lumapit siya kay Matthew. Awtomatikong inilagay nito ang kamay sa kanyang balikat.Nawalan ng kibo si Jace. Tila ito natalo sa laban.“Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Sana ay maging masaya na din kayo ni Maecy.”Nakita niya ang lungkot sa mata ni Jace ngunit hindi na niya pinansin. Katahimikan ng isip at puso niya ang mahalaga.Hinila niya ang kamay ni Matthew upang makalayo na.***Pumasok siya sa opisina kinabukasan. Hindi niya nakita ang anino ni Jace na ipinagpapasalamat niya.Iniluwa ng pinto si Maecy. “Where’s Jace?”“Hindi ko alam. Hindi lost and found ang opisina ko.”Sa halip na umalis ay pumasok ang babae. Maiksi ang paldang suot nito na halos kita na ang singit. Masakit sa mata.“Nawawalan na ng oras sa akin si Jace. Pero wala naman akong pakialam. I just want his money,
Bumibilis ang tibok ng puso ni Bella. Madilim sa loob ng kwarto. Nagtatanim ng halik si Jace sa kanyang leeg at balikat. Umaabot na ito sa kanyang punong dibdib. Nag-iiwan ng marka ang bawat daanan ng labi nito. Bumabangon ang damdaming matagal na niyang ibinaon sa limot.“Kung panaginip ka, ayoko ng magising. Huwag mo akong iwan, please,” ani Jace na nakikiusap dala ng kalasingan.Bahagya itong tumayo upang mag-alis ng damit. Tatayo na din sana siya ngunit muli sitong dumagan sa kanya. Ang labi naman niya ang pinuntirya nito. Kinuyumos siya nito ng halik. Naging mainit ang halikan nila. Ipinasok ng binata ang dila sa kanyang bibig at nakipagsipsipan siya ng laway. Napakasarap ng halik nito. Ginigising ang natutulog niyang damdamin.Nagpumiglas siya. Ngunit nanghihina siya sa matamis na halik na iginagawad nito. Pinilit niya itong itulak ngunit hindi sapat ang kanyang lakas.Ibinaba ni Jace ang zipper ng kanyang dress sa harapan. Inalis din nito ang strap ng kanyang bra. Nahantad ang
Kinabukasan ay nagkasabay sa pagpasok sila Bella at Jace. Humahabol si Maecy sa kanila. As usual, kita ang singit nito sa iksi ng skirt.“Jace, babe. Bakit hindi mo sinasagot ang chat at tawag ko?”“Tapos na tayo, Maecy,” malamig na sabi nin Jace habang naglalakad patungo sa elevator.Nagulantang si Maecy. Kitang kita niya ang gulat sa mukha nito.“Babe, hindi magandang biro iyan. Wala naman tayong pinag-awayan.”“Hindi ako nagbibiro. We’re over.”Napatingin si Mecy sa kanya. “Dahil ba sa babaeng ito?” anitong nanlilisik ang mata. Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na siya.Bumukas ang elevator. May ilang empelyado silang nakasabay kaya natahimik ang dalawa sa pag-uusap.Napalingon siya kay Jace. Patay malisya siya sa nangyari kagabi. Wala naman siguro itong naaalala.Laking gulat niya ng paglabas niya ng elevator ay nag-aabang si Matthew at may dalang flowers at regalo para sa kanya. Nilagpasan sila ni Jace na bakas ang iritasyon sa mukha na patuloy na sinusundan ni Maecy.
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
“Honey, kumain ka na,” malambing na sabi ni Bethany kay Jace.“Bethany, I will send your last allowance and additional bonus. Ayaw na kitang makita,” sabi ni Jace.“Nagkabalikan na ba kayo? Imposible naman ‘yan. May asawa na ang ex-wife mo.”“Makakaalis ka na.”“Well, you can use me to make her jealous. Kaming mga babae, selos ang ikakamatay namin. Hindi namin kayang makitang ang lalaking mahal namin ay nagbibigay ng atensyon sa iba.”Napatingin siya sa babae. May punto ito. “Sige, tatawagan kita kapag kailangan.”Dumating si Donya Carmelita.“Kumusta ka anak? Ano ba ang nangyari?” nag-aalalang sabi nito.Naikwento niya sa ina ang tangkang pagkidnap kay Bella.“Jace, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganyang bagay. Dapat tumawag ka ng pulis. Paano kung napahamak ka? Naospital ka pa dahil sa babaeng iyon.”“Hindi ko papabayaan si Bella.”Huminga ng malalim ang kanyang ina.“Jace, bakit nabawasan ang parte ko sa kita ng Land Sheperd Corporation this month? May pagkakamali sa accounting.”
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, naging busy lang. Tinignan ko ang kumpanya at hindi maganda ang sitwasyon, so I decided to go back.”Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Matthew. “Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo kailangang bumalik sa trabaho.”“Hindi naman ako mahihirapan. Mag-momonitor lang ako. Importante sa akin ang Land Sheperd Corporation.”“Okay, I’m just worried. Ihahatid na kita pauwi.”“Hey, madami pa kaming dapat pag-usapan ni Bella,” singit ni Jace.“Mr. Malvar, mag-uumpisa ako ng trabaho bukas. Uuwi na ako,” aniyang humawak sa braso ni Matthew.Nasa parking na sila ng magsalita si Matt.“Bella, sigurado ka ba sa desisyon mo? Parang bumalik ka sa umpisa. Makikita mo si Jace at guguluhin ka niya.”“Malaki ang kai
“Okay, mananatili ako as long as tutulungan mo ako. Nakakapanghinayang talaga kung babagsak ang Land Sheperd Corporation. Hindi ito magugustuhan ni daddy sa langit,” sabi ni Jace.“Deal! Pagtulungan nating iahon ang kumpanya,” sagot ni Bella. Nahuli niya ang ngiti sa labi ng dating asawa.“Mr. Malvar, this is purely business. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa akin.”Itinaas ni Jace ang dalawang kamay. “Of course. I have already moved on. May asawa ka na at ako naman ay may Bethany na. Magpapakasal na din kami soon.”Hindi niya mawari na tila may pumana sa puso niya na may lason at unti-unting kumakalat sa kanyang puso. Inawat niya ang sarili sa nararamdaman. Mainam at titigil na ito sa paghabol sa kanya. At isa pa, gusto din niya itong makitang masaya at magkaroon ng sariling pamilya.Niyaya siya nito sa dati niyang opisina na mukhang pina-renovate at bago ang interior design. Maganda ang bagong opisina niya.“Wow, hindi ka naman ready sa pagbabalik ko.”“Matagal ko ng ipinagawa ito. Y
Kasabay ng lagabag ni Jace sa lapag ang pagbangon ni Bella kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng kama.Nakita niya ang mga paa ni Bella na bumaba sa kama. Masikip sa ilalim. Para siyang maso-soffucate ngunit tiniis niya. Humiga ulit si Bella sa kama. Naghintay siya ng ilang minuto bago lumabas at pagmasdan ang natutulog na dating asawa.She fell in love first but he fell in love harder. Parang sasabog ang puso niya sa labis na pagmamahal sa asawa. At hindi siya papayag na hindi niya ito mabawi.Binili niya ang isang bahay na nasa compound kung saan nakatira si Bella. Nakita niya itong naglalakad. Ibinigay ni Lyneth ang schedule sa buong araw ni Bella. Nag-mask siya at nagsuot ng jacket na may hoodie. Susundan niya lang ito mula sa malayo. Sapat na sa ngayon na matanaw niya ito. Lumiko ito sa kanto at bigla itong sumulpot na may dalang malaking sanga ng puno na inihampas sa kanya.“Sino ka?! Bakit mo ako sinsusundan?”Inawat niya ito. “Sino nagsabing sinusundan kita? Hindi
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth