“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
Hindi matanggap ni Jace na nagpakasal si Bella sa iba! Bakit parang dinurog ang puso niya ng ilang libong beses?Tinawagan niya si Anthony. “Pinsan, pagalawin mo ang tao mo. Saan ang kasal nila Matthew at Bella?”“Wala kong ideya. Napaka-private ng wedding. Talagang nagpakasal lang sila at susunod na lang daw magpapakasal ng engrande at ayaw pumayag ng pamilya ni Matthew sa simpleng kasal.”“Gawaan mo ng paraan na malaman. Nasaan sila ngayon? Hindi pwedeng matuloy ang kasal!”“Pinsan, tama na ‘yan. Hayaan mo na si Bella. Ibinalik na niya ang kumpanya hindi ba? Ano pa ang hinahabol mo?”“I will not let her go. Gagantihan ko siya sa mga kasalanan niya.”“Pinsan, para sa katahimikan mo. Forgive and forget.”“Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Kailangan ko ang impormasyon. Madami kang kilala hindi ba? At isa pa ay kapwa mo lawyer si Matthew. Bibigyan kita ng isang oras upang alamin ang detalye sa kasal.”“Pamilya ng lawyer ang mga Sandoval. Imposible maging peke ang kasal ng dalawa. Ano pa
Bakas ang kalituhan sa mukha ni Lyneth.“Sumagot ka! Buntis si Bella?” ani Jace na hindi alam kung ano ang mararamdaman.“Ano ang nakakapagtaka kung buntis man siya? May asawa siya.”Tila may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. “Ilang months na? At sino ang ama?”Bakit may bahagi ng puso niya na naiisip na baka siya ang ama pero imposible dahil matagal na nung huling may nangyari sa kanila.“Sir Jace, aalis na po ako.”“Nasaan si Bella? Gusto ko siyang makausap.”“Sir Jace, tama na po at huwag ninyong bigyan ng stress si Ms. Bella. At isa pa hindi ko din po alam kung nasaan siya. Iaabot ko lang po ito kay Sir Matt.”“Binabalaan kita, tigilan mo ang pakikipareglasyon mo sa asawa ng kaibigan mo. Masasaktan si Bella kapag nalaman niya,” babala niya kay Lyneth.“Huwag kang mag-alala. Mahal ni Matthew si Bella. Hindi naman ako magtatagal bilang secretary ni Sir Matthew.”“Kumusta si Bella? Okay lang ba siya? Gawan mo ng paraan para malaman ko kung nasaan siya. Magbabayad ako. Work for m
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Honey, kumain ka na,” malambing na sabi ni Bethany kay Jace.“Bethany, I will send your last allowance and additional bonus. Ayaw na kitang makita,” sabi ni Jace.“Nagkabalikan na ba kayo? Imposible naman ‘yan. May asawa na ang ex-wife mo.”“Makakaalis ka na.”“Well, you can use me to make her jealous. Kaming mga babae, selos ang ikakamatay namin. Hindi namin kayang makitang ang lalaking mahal namin ay nagbibigay ng atensyon sa iba.”Napatingin siya sa babae. May punto ito. “Sige, tatawagan kita kapag kailangan.”Dumating si Donya Carmelita.“Kumusta ka anak? Ano ba ang nangyari?” nag-aalalang sabi nito.Naikwento niya sa ina ang tangkang pagkidnap kay Bella.“Jace, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganyang bagay. Dapat tumawag ka ng pulis. Paano kung napahamak ka? Naospital ka pa dahil sa babaeng iyon.”“Hindi ko papabayaan si Bella.”Huminga ng malalim ang kanyang ina.“Jace, bakit nabawasan ang parte ko sa kita ng Land Sheperd Corporation this month? May pagkakamali sa accounting.”
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, naging busy lang. Tinignan ko ang kumpanya at hindi maganda ang sitwasyon, so I decided to go back.”Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Matthew. “Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo kailangang bumalik sa trabaho.”“Hindi naman ako mahihirapan. Mag-momonitor lang ako. Importante sa akin ang Land Sheperd Corporation.”“Okay, I’m just worried. Ihahatid na kita pauwi.”“Hey, madami pa kaming dapat pag-usapan ni Bella,” singit ni Jace.“Mr. Malvar, mag-uumpisa ako ng trabaho bukas. Uuwi na ako,” aniyang humawak sa braso ni Matthew.Nasa parking na sila ng magsalita si Matt.“Bella, sigurado ka ba sa desisyon mo? Parang bumalik ka sa umpisa. Makikita mo si Jace at guguluhin ka niya.”“Malaki ang kai
“Okay, mananatili ako as long as tutulungan mo ako. Nakakapanghinayang talaga kung babagsak ang Land Sheperd Corporation. Hindi ito magugustuhan ni daddy sa langit,” sabi ni Jace.“Deal! Pagtulungan nating iahon ang kumpanya,” sagot ni Bella. Nahuli niya ang ngiti sa labi ng dating asawa.“Mr. Malvar, this is purely business. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa akin.”Itinaas ni Jace ang dalawang kamay. “Of course. I have already moved on. May asawa ka na at ako naman ay may Bethany na. Magpapakasal na din kami soon.”Hindi niya mawari na tila may pumana sa puso niya na may lason at unti-unting kumakalat sa kanyang puso. Inawat niya ang sarili sa nararamdaman. Mainam at titigil na ito sa paghabol sa kanya. At isa pa, gusto din niya itong makitang masaya at magkaroon ng sariling pamilya.Niyaya siya nito sa dati niyang opisina na mukhang pina-renovate at bago ang interior design. Maganda ang bagong opisina niya.“Wow, hindi ka naman ready sa pagbabalik ko.”“Matagal ko ng ipinagawa ito. Y
Kasabay ng lagabag ni Jace sa lapag ang pagbangon ni Bella kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng kama.Nakita niya ang mga paa ni Bella na bumaba sa kama. Masikip sa ilalim. Para siyang maso-soffucate ngunit tiniis niya. Humiga ulit si Bella sa kama. Naghintay siya ng ilang minuto bago lumabas at pagmasdan ang natutulog na dating asawa.She fell in love first but he fell in love harder. Parang sasabog ang puso niya sa labis na pagmamahal sa asawa. At hindi siya papayag na hindi niya ito mabawi.Binili niya ang isang bahay na nasa compound kung saan nakatira si Bella. Nakita niya itong naglalakad. Ibinigay ni Lyneth ang schedule sa buong araw ni Bella. Nag-mask siya at nagsuot ng jacket na may hoodie. Susundan niya lang ito mula sa malayo. Sapat na sa ngayon na matanaw niya ito. Lumiko ito sa kanto at bigla itong sumulpot na may dalang malaking sanga ng puno na inihampas sa kanya.“Sino ka?! Bakit mo ako sinsusundan?”Inawat niya ito. “Sino nagsabing sinusundan kita? Hindi
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango