I dedicate this chapter to Ms.Mardie S Balatbat and Ms/Mr. laysamaesuleik! Yey! Kayong dalawa ang nakahula kung sino ang lalaki at kung nasaan si Luna at Celine. Yes, nasa Pilipinas lang sila ang tanong paano? Para sa Price po ninyong dalawa kontakin niyo po ako sa f___b ko Nicole Alejo. Violet po ang profile ko while nakahawak sa pisnge ko. Pakisabi po na kayo ang nanalo at sa mag a-add sakin na readers sabi lang po na readers ko kayo para ma confirm ko po. Thank you sa pagbabasa!
“THANK you talaga at pumunta ka dito Riri. Hindi ko na alan ang gagawin ko e,” Malungkot na sabi ni Luna sa kaniyang kaibigan habang sila ay nasa terrace at nagkakape. Kauuwi lang ni Luna mula sa trabaho at inabot na siya ng gabi kung kaya pag dating niya sa bahay ay tulog na ang anak. Si Riri ang nadatnan niya sa kanilang tinutuluyan sa hindi inaasahang pagkakataon. Malaki pa nga ang pasasalamat ni Luna sa kalang dalawa ni Rocky dahil sa pagtulong nila sa kaniya na hindi makita ni Sebastian. Ang tunay na nangyari noong nasa airport sila habang nag-uusap sila ni Rocky ay nahagip ng mata nito si Sebastian. Noong una akala ni Rocky namamalik mata lang siya pero ang kaibigan nga. Naisip agad ng lalaki na alam na ng kaibigan ang totoo kaya siya nasa airport. Kung patutuluyin niya ang mag-ina sa Canada ay mabilis na matutunton ng kaibigan ang dalawa dahil bff ng girlfriend niya si Luna. Doon niya naiisip na magpanggap na umalis ng bansa ang dalawa. Dali-daling pinagtago ni Luke ang mg
NANG dahil sa sinabing iyon ni Sebastian ay mas lalong naging maingay ang mga press na naroroon at mas lumakas ang flashes ng camera. Pare-pareho nilang alam na big news ang bagay na iyon lalo na at involve doon ang nangungunang pinaka batang business man sa mundo. Isama mo pa na kasama na nito ang babaeng maaaring maging asawa nito gayong alam naman ng lahat na mailap sa babae ang lalaki. “OMG! May anak na si Sebastian!” “Aww akala ko pa naman mabibingwit ko pa siya.” “Asa ka naman girl! Tignan mo naman ang itsura ni Ms.Luna, kuko ka lang niya sa paa!” “Pero aminin niyo bagay silang dalawa kyahhh!” “Yes, tama ka jan!” Sari-saring reaction ang nakuha ni Sebastian at Luna mula sa ibat-ibang parte ng Pilipinas. Siguradong matapos iyon ay sa buong mundo naman kakalat ang balita. “T-totoo ba ‘yun Luna?” Sa gitna ng maingay na paligid at nagkakagulong mga press ay rinig na rinig ni Luna ang boses ni Luke. Dahil nga magkalapit lang silang dalawa kahit medyo mahina iyon ay rinig niya.
“DITO na kayo titira simula bukas, kaya dapat mong sabihin sakin kung nasaan ang anak ko.”Kusang napakunot ang noo ni Luna dahil doon. Biglang pumasok sa isip niya ang ginawang pag-amin nito sa mga press at sigurado siya ngayon na pinag-uusapan na siya ng mga tao. Okay lang sana kung siya lang ngunit damay na doon ang anak niya.Ang anak niyang muntik ng mapahamak ng dahil kay Sebastian.“This is all your fault! This is all your fault!” sigaw ni Luna at pinaghahampas si Sebastian na nagulat.“W-wait–Luna stop it!”“Stop it?! No! Alam mo ba kung bakit kami nagtatago sa’yo huh?! Dahil ayokong mapahamak ulit ang anak ko! Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit muntik ng mapahamak si Celine! Ikaw ang dahilan kung bakit siya na-kidnaped!” iyak na sigaw ni Luna na siyang ikinatigil ni Sebastian.Kusa namang huminto si Luna at dinuro ang lalaki.“Pasalamat ka hindi ko sinabi kay Celine na ikaw ang dahilan dahil sigurado ako na malulungkot ang anak ko… d-dahil gustong-gusto ka niya.”Pahina ng
INABOT silang dalawa ng hapon sa pag kukwentuhan dahil muling umiyak si Lun ang ikwento niya kay Sebastian ang lahat. Matapos ang tungkol sa kanila ni Luke ay tungkol naman kay Celine ang kinuwento nito. Ipinakita niya ‘rin ang mga larawan ni Celine simula baby hanggang sa paglaki nito para kahit papaano ay alam nito.Maging ang paburito ng bata ay sinabi lahat ni Luna para mas makilala nito ang anak. Dahil nga hapon na ipinagluto nalang ni Sebastian si Luna ng makakain ngunit pagbalik niya sa sofa ay nakatulog na ito.“Luna, wake up you have to eat.” Sabi niya dito ngunit bumaling lang sa kabilang si Luna at hindi siya pinansin.Napangiti ng bahagya si Sebastian dahil doon at napailing. Ibinaba nalang niya ang pagkaing dala sa lamesa sa sofa at nagpasyang buhatin nalamang ito at dalhin sa kwarto niya. Hindi pa kasi niya napapalinis ang kwarto nila ni Celine kaya doon na muna ito.Namangha siya na hindi manlang nagising o naalimpungatan ang babae kaya napailing siya ng isara niya ang
“SINO ang—” hindi naituloy ni Riri ang sasabihin niya ng sumalubong sa kaniya si Sebastian at Rocky. “B-babe, Ian!” gulat na sabi niya sa mga ito. “Babe how are you I miss you,” ngiting sabi ni Rocky at hinalikan sa pisnge ang nobya. Sa cellphone palang kasi sila nagkakausap simula ng umuwi ito sa Pilipinas. “I-I’m good babe. Bakit kayo nandito?” imbis na matuwa dahil nakita na niya muli ang boyfriend matapos ang ilang buwan ay nalilito pa siya dahil andoon si Sebastian. “I’m here to talk to my daughter, Riri. Where is she?” Lalong nagulat si Riri dahil doon at napatingin sa kaniyang nobyo. Kita niyang tumango ito sa kaniya na tila sign na sabihin niya dito kung nasaan si Celine kaya napatango ‘din siya. “N-nasa loob,” tanging sabi niya at binuksan ng malaki ang pinto. Tumabi siya para makadaan si Sebastian at nagpasalamat ito sa kaniya na ikinagulat niya. Sa ilang taon ‘rin nilang nagkikita kapag kasama ang boyfriend niya ay ni minsan hindi ito nagpapasalamat sa kaniya kaya lak
INALALAYAN ni Sebastian si Celine na makapunta sa sofa upang doon sila mag-usap. Hindi pa ‘rin humihinto ang anak kakaiyak kung kaya pinainom niya muna ito ng tubig upang kumalma.“Calm down my daughter. Wala ng makakapaghiwalay pa satin ngayon,” nakangiting sabi ni Sebastian at sa pangalawang pagkakataon ay nakita ni Rocky na ngumiti ito.Nagkatinginan silang dalawa ni Riri na pareho ang nasa isip ng isa’t-isa.Hindi mapunan ang sayang naramdaman ng puso ni Celine ng marinig niya ang salitang ‘my daughter’ mula sa kaniyang ama. Hindi nalang ang ina niya ang tumatawag sa kaniya ng ganon kundi pati na ‘rin ang daddy niya.“A-akala po namin ni mommy hindi mo ako tatanggapin kaya itinago namin ang totoo sa’yo. Okay na po saakin ang makita ka at nakakausap kung kaya hindi ko sinasabi sa inyo ang totoo.”Nakayukong sabi ni Celine na tila mayroon itong malaking kasalanan. Si Sebastian naman ay napabuntong hininga dahil doon at inaangat ang muka ng anak upang magtagpo ang mata nilang dalawa.
“WHAT do you mean po?” kunot noo na tanong ni Celine.Humugot ng lakas ng loob si Sebastian bago niya sabihin ang totoo. “Isang mafia ang daddy mo. Kaya ‘rin marami ang gustong pumatvy saakin ay dahil hawak ko ang isa sa pinakang malaking organization sa underworld.”“Mafia?!” gulat na sabi ni Riri at Celine.Alam ni Celine ang mafia dahil napapanood niya iyon sa sa TV. Sila ‘yung mga taong gumagawa ng illegal na bagay at sobrang yaman.“Kung ganon masama kang tao daddy?”Nagulat si Sebastian sa sinabi ng anak.“No! Hindi ganon ‘yun anak. Oo, isa akong mafia pero never akong gumawa ng illegal na bagay. Ang dahilan kung bakit ako sumali ng palihim sa mafia world ay para mahanap ang ate ko.”“Ate? You have sibling po?” napatango si Sebastian sa tanong ng anak.“Teka sandali!” biglang sumingit si Riri na ikinatingin nila dito. “Kung mafia ka edi pati…” hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng ituro niya ang boyfriend na hindi na makatingin sa kaniya.“At wala kang balak sabihin saaki
NAGISING si Luna sa hindi familiar na kwarto sa kaniya. Ang unang pumasok agad sa isip niya ay si Sebastian, ito lang naman ang huling kasama niya ng siya ay gising pa kaya dali-dali siyang napabangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Gulat na napahawak siya sa kumot na nakapalibot sa kaniya at tinignan mula sa ilalim niyon kung mayroon pa siyang suot na damit. Tila nakahinga siya ng maluwag ng makitang mayroon pa siyang suot na damit. Doon niya nasimulang maamoy ang natural na amoy ni Sebastian na lagi niyang na-aamoy sa lalaki. Hindi niya mapigilan kundi aminin na mabango ito. Napangiti siya ng bahagya dahil doon at ipinalibot ang kaniyang mata sa paligid. Black and white ang theme ng silid at maayos na naka-ayos ang mga gamit nito. Mayroong mini sala sa may gilid at mayroon ‘ding maliit na lames anito kung saan nasa ibabaw ang ilang magazine. Kita niya ‘rin ang isang bookshelf na punong-puno ng libro at sa gilid nito ang isang malaking table na tingin niya ay mayroong nagbasa doon da