HINDI lang iyon, nagkaroon sila ng problema ni Caroline at ang ina nito ay ang siya palang ina ni Sebastian na hindi talaga namatvy. Sa daming nangyari sa kanilang pamilya ay hindi mo aakalain na ganoon na sila kasaya at karami ngayon.Tama nga na darating ang part ng buhay na puno ng pagsubok at mahirap ngunit mag tyaga ka lang at lilipas ‘din ang lahat. Hindi maglalaon ay nasa ibabaw ka nang muli sa ikot ng mundo. Kaya kung nasa ibaba ka man ngayon o pakiramdam mo ay masakit ang ibinibigay na pagsubok sa’yo, lilipas ‘din ang lahat at makakaya mo.Magtiwala ka lang sa sarili mo at sa may kapal.“So, maaari na ba tayong magsimula?” panimulang sabi ng daddy ni Luna na ikinatahimik na nila at tumingin dito.“Pero bago ‘yun mauna na muna kayo anak sa sasabihin niyo.”“No, daddy. Mauna na po kayo, mamaya na ‘yung saamin.” Agad na sabi ni Luna na ikinatango naman ni Lorenzo at lumingon sa asawa.“Go, on sweetie.” Ngiting sabi ni Isabel na ikinatango ni Lorenzo at seryosong humarap sa mga i
“MAYROON ‘rin kaming ibabalita sa inyo,” biglang sabi ni Luna at tumingin sa anak para kunin ang envelope kung saan nakalagay ang ultrasound niya.“Kahapon lang namin nalaman ang tungkol dito,” panimula ni Luna at iniabot nito ang envelope sa ama.“What is this?” kunot noo na tanong ni Lorenzo pero nang buksan nila ito ay nanlaki ang mata ni Isabel at napatingin kay Luna.“Are you pregnant?! No! Is it?!”Dahil doon ay tila nagkaroon ng commotion sa loob ng kinalalagyan nila lalo na at nagkumpulan ang mga ito kung nasaan ang ultrasound niya.Si Sebastian naman ay nakangiti at inapit ang bewang ng asawa palapit sa kaniya.“Daddy, we have a surprise to you two. Look at the ultrasound!” sabi ni Celine na ikinakunot ng noo ng ama.Ngunit hindi na nagtanong pa si Sebastian at lumapit sa mga ito at tinignan ang ultrasound.“A, B, C? Ano ‘yun?” takang tanong ni Sebastian at maging ang iba ay hindi nila maintindihan ang ibig sabihin niyon.Natawa si Luna dahil doon at hindi na niya napigilan an
TAHIMIK lang sina Kate at Kim habang nasa byahe sila papunta sa lugar na pagdadalhan sa kanila ng babaeng dumukot sa kanila. Marunong itong magtagalog kaya isa lang ang nasa isip nila, mga Filipino ito. Ngunit hindi naman mukang Filipino ang kasama ng babae kaya ang hula nila ay ang babae lamang.Ang katanungan ay sino ang babaeng kumuha sa kanila at ano ang pakay nito sa kanila. Maraming rason ang maaaring dahilan kung bakit sila nito kinuha ngunit ang kauna-unahan doon ay ang pagiging myembro nila ng organization ng mga Moon.Hindi iyon ang unang beses na nakarinig na sila ng encounter na maraming nagtatangkang dumukot sa mga tauhan ng Moon. Bakit? Sa kadahilanan na gusto nilang makuha ang impormasyon tungkol sa mga bagong gamit ng kanilang organization.Kung iyon ‘man ang balak sa kanila ng mga dumukot sa kanila ngayon ay walang mapapala ang mga ito sa kanila.“Get off!”Napakunot ang noo ni Kim ng itulak siya ng isa sa mga lalaki doon pababa ng sasakyan. Kung hindi siya nakapagtim
NABAHALA ang kambal dahil sa sinabing iyon ni Vivian at nagsimula na silang hindi mapakali sa kanilang upuan.“Mayroon kasing malaking utang ang pamilya Moon sa boss namin.” Tila pabulong na sabi ni Vivian sa kanila na tila nang chichismiss lamang at tumawa pa.“Now, ang gusto namin ay kayo ang maging daan para makuha namin si Luna. Sa madaling salita tatraydorin niyo ang pamilya Moon, ganon lang kasimple at mabubuhay kayo.”“And paano mo nasiguro na susunod kami sa’yo?” tanong ni Kate na ikinangisi naman ni Vivian na ikinatayo ng balahibo nila.Mayroon itong pinindot sa kaniyang laptop at muling nag appear ang magulang nila sa screen katulad ng nakita nila bago sila sumuko.“Mommy! Daddy!” sabay na tawag nila sa mga ito at nagsimula na silang magwala sa kanilang kinalalagyan ngunit hindi naman sila makaalis doon.Natawa si Vivian sa kaniyang nakikita at tinignan ng tila nakaka-awa ang mga ito.“Poor you guys. Kapag hindi niyo kami sinunod siguradong puputok ang ulo ng magulang niyo.
NATAHIMIK sila dahil sa sinabi ni Luna. Nilapitan ni Apollo ang kaniyang pamangkin para tanungin kung ayos lang ba si Celine.“Nag-aalala ako kay mommy, tito. Baka kung anong mangyari,” sabi ni Celine habang nakatingin sa ina.Napangiti naman si Apollo dahil doon at bahagyang ginulo ang buhok nito dahilan para mapalingon sa kaniya ang bata.“’Wag kang mag-alala Celine. Kilala ko ang mommy mo, magaling siya. Silang dalawa ng daddy mo ang pinakang magaling saamin dito.”Napatango si Celine dahil sa sinabi ni Apollo dahil tama naman ito.“Papunta na ‘daw dito ang kambal,” sabi ni Princess ng makausap niya ang mga ito.“Si Seera ‘din pinapunta ko dito.” Segunda na sabi ni Riri matapos makausap si Seera.“Tama ang ginawa niyo. Mas mabuti ng sama sama na muna tayo para walang mapahamak satin. Nag sisimula na ang gera sa pagitan ng Moon at mga Velasquez kung kaya ihanda niyo ang inyong sarili.”Seryosong sabi ni Luna na ikinatango ng mga ito. Kapwa kinakabahana ng mga ito sa maaaring mangyay
Habang nasa loob ng library at nagbibigay ng utos si Luna ay nag vibrate ang cellphone nila na nagsasabing palabasin na nila si Luna. Pinagplanuhan na nila ang kanilang gagawin kung kaya naghiwalay na muna silang dalawa.Si Kim ay pumunta sa may garden habang si Kate ay sumunod kay Luna ng magpaalam ito para mag banyo.Sabi pa nga ni Sebastian na sasamahan niya ang asawa ngunit tumanggi si Luna dahil sandali lamang siya. Habang nasa daan papunta sa banyo ay mayroon ng napapansin na kakaiba si Luna. Pilit niyang inaalam kung ano iyon ngunit alam niyang nasa ayos ang lahat lalo na at marami ng bantay sa paligid na pinakalat ng kaniyang magulang.Wala dapat siyang ikabahala sa paligid. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at patuloy na naglakad papunta sa banyo. Ngunit nagulat siya ng biglang sumulpot si Kate.“Ate Luna! Help me! Sa garden nandoon si Kim, tulungan mo ako!” naiiyak na sabi ni Kate at doon tumama ang pakiramdam ni Luna na mayroong kakaibang nangyayari.Hindi na siya nagtanong p
“OKAY, dito na kayo dumeretsyo sa bahay ng magulang nila Luna.”Ibinaba na ni Sebastian ang kaniyang telepono matapos niyang kausapin sila Vince at Rocky na papunta na ngayon sa Canada. Mabuti nalang at naroroon si Caroline para magbantay sa magulang nila at pati na ‘rin sa kanilang mga kumpanya.Hindi hahayaan ni Sebastian na madamay ang mga ito sa gulong mangyayari kaya mabuti na ‘rin na sa Canada iyon gaganapin.“Wala pa ‘rin po ba si Luna?” tanong niya sa magulang ni Luna ng makitang wala pa ‘rin ito doon.Napahinto ‘rin si Selene sa kaniyang ginagawa dahil doon.“Wala pa, baka nasira ang tyan niya?” tanong ni Isabel kung kaya nag desisyon si Sebastian na sundan na ang babae.Ngunit napahinto siya ng mapansin na wala na doon ang mga kasama nila. Tanging si Selene, Ivan at ang magulang nalang ni Luna ang natitira doon.“Nasan ang mga kasama natin dito?”Dahil busy rin ang mga ito ay ngayon lang nila napansin na wala na ang iba pa nilang kasama.“We don’t know,” sagot ni Selene sa k
SI Luna naman ay tahimik lang na nasa loob ng van habang masama ang tingin kay Luke na siyang nagmamaneho nito. Ang anak niyang si Celine ay kapit na kapit sa kaniyang braso dahil na ‘rin nakita niyang muli ang lalaking nagtangka sa kaniyang buhay.Ngunit hindi dahil natatakot siya kaya siya nakakapit sa ina kundi para pigilan ang kamay niya na batuhin ang lalaki. Baka mapahamak pa sila dahil ito ang driver. Nasa paanan pa naman niya ang isang water bottle na may laman na siyang balak niyang ipambato dito.Napapatingin ‘din si Luna kila Kate at Kim na hindi na makatingin sa kaniya ng deretsyo. Katulad kay Seera hindi niya akalain na tatraydorin siya ng mga ito. Kung ano man ang dahilan nila ay hindi niya alam kung mapapatawad pa niya ang mga ito pagkatapos.Walang nagsasalita sa loob ng kotse kung kaya tahimik ang kanilang naging byahe hanggang sa makarating sila sa isang bahay na siyang pinagdalhan kila Kate at Kim noong kinuha sila ni Vivian.“Baba!” sigaw na sabi ni Luke sa kanila