Nakangiti si Nanay habang tinitingnan isa-isa ang mga pasalubong sa akin ni Sir Angus. Matagal bago niya sinatinig ang alam kong kanina pa niya gustong sabihin. "Nobyo mo ba si Angus?" tanong niya na kinalaglag ng aking panga. Nobyo? "'Nay, hindi po."Kumunot ang kaniyang noo at ilang sandali na nanahimik bago muling nagtanong. "Nanliligaw?""Hindi din po, 'Nay." Wala namang sinasabi si Sir Angus sa akin at lalong hindi ko naiisip ang bagay na iyon. "Bakit pala siya nagpunta dito sa probinsya kung ganoon?"Nagkamot ako ng ulo dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong ni Nanay. Wala namang sinabi si Sir Angus. Marahil naaawa siya sa akin kaya niya ako binilhan nitong mga bagay na 'to. "Naglilihim ka ba kay Nanay?""'Nay, hindi po." Hindi ba kapani-paniwala ang sagot ko? Eh, iyon naman ang katotohanan. "Hindi ko nga po siya ka-text, e. Wala akong ka-text kahit na isa sa kanila. Kagabi lang nag-text si Sir sa akin..."Nakagat ko ang aking dila at hindi na nais pang ituloy ang ak
May sasabihin ako, ito ang sinabi ni Angus sa akin kagabi pero bigla na lang naputol ang tawag. January two na ngayon. Bagong taon at bagong pag-asa. Hindi pa din umuuwi si Tiyong at sana ay huwag na talaga siyang umuwi pa. Pagkatapos magtinda ng kakanin, nagsimba na muna ako. May pagkain naman na si Nanay sa bahay at napaliguan ko na ang kapatid ko kanina bago ako nagtinda. Tahimik akong nagdasal. Iniyak ko sa Kaniya ang lahat ng frustrations ko. Sinabi ko sa Kaniya ang ninanais ng aking puso. Alas-dose na ng lumabas ako ng simbahan. At saktong pagsakay ko ng jeep ay nakatanggap ako ng text galing kay Angus. Tinatanong kung nasaan ako. Para na naman akong nabuhayan dahil sa text niyang iyon. Pakiramdam ko ay uuwi siya ulit dito sa probinsya!Nagpababa ako sa mansyon. Hindi ko din alam kung bakit dito ako bumaba. Nilabas ko ang aking celphone. Ngayon pa lang ako nag-reply kay Angus. "Nandito ako sa labas ng mansyon." Hindi ko alam pero umaasa talaga ako na nandito siya ngayon.
Lagi kaming magka-text ni Angus, kahit nasa klase siya ay nagte-text pa din siya sa akin. Binigay niya ang schedule niya kaya alam ko ang oras ng kaniyang klase. Hindi na ako nag-re-reply kapag nasa klase siya at baka mapagalitan pa siya ng kaniyang professor. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang bumisita siya dito at walang araw na nagmimintis siya sa pangungulit sa akin sa text. Karga ko ngayon ang aking kapatid habang hinihintay ko si Nanay na matapos sa pagligi. Kauuwi ko lang galing sa pagtitinda ng kakanin. Matapos magpahinga ay mangunguha ulit ako ng gulay. Paulit-ulit at wala namang bago sa buhay ko, pero sanay na ako. Nakakasawa, oo, pero hindi puwedeng tumigil dahil mahirap lang kami. Mas magpupursigi pa ako sa buhay. Makakaahon kami sa hirap. Inspirasyon ko sina Nanay, ang kapatid ko at ganoon na din si Angus. Balang araw, magiging karapat-dapat din ako sa kaniya, hindi ko man mapantayan ang estado niya pero sisiguraduhin ko na magbabago ang buhay ko. Darating ang
Wala na akong naintindihan sa palabas. Windang ang aking isip dahil sa ginagawa ni Angus sa aking leeg. Kaya nang magtapos ang palabas at magbukas ang ilaw mabilis ko siyang naitulak. Sana lang ay walang nakakita sa amin. "Tara na?" alanganing aya ko sa kaniya. Nauna na akong tumayo. Sabay kaming naglakad sa exit, habang magkahawak ng kamay. Panay ang tingin niya sa akin nang makalabas kami. Nakayuko ako at minsan ay napapaiwas ng tingin kapag nagkakasalubong ang aming mga mata. Nangangatog pa din ang tuhod ko dahil sa ginawa niya kanina. Ano'ng plano niyang gawin? Hindi pa umabot sa puntong iyon ang iniisip ko tungkol sa relasyon namin. "Gusto mong kumain?" "H-Huh?" "You're spacing out. Are you okay?"Ngumisi siya. "Sorry about earlier, I got carried away."Dahan-dahan akong tumango. "Huwag mo ng uulitin, huh..."Kumunot ang kaniyang noo pero kalaunan ay tumango naman siya. "Okay. So, you don't want me to kiss you?"Nag-init ang aking pisngi. "H-Hindi naman kiss ang ginawa mo
Maaga akong lumabas upang magtinda ngayon. Dalawang bilao ng biko ang dala kong paninda, kapag hindi ko napaubos, didiretso ako sa bayan at doon 'to ititinda sa labas ng munisipyo. At bago pa nga mananghalian, napaubos ko ang paninda ko. Binilang ko ang aking pinagbentahan sa public cr. Nagpalit na din muna ako ng damit dahil pinagpawisan ako kanina. Naglagay ako ng polbo sa aking mukha, leeg at sa aking leeg upang bumango naman ako kahit paano.Sumakay na ako agad sa jeep. Plano kong umuwi na muna para iwan ang bilao sa bahay. Wala pa namang text si Angus. Baka mamayang hapon pa ang dating niya. Pagbaba ko ng jeep ay sakto namang tumawag si Angus. "Hello?""Nasa mansion na ako..." Uuwi pa ba ako? "Nasaan ka?""Dito sa malapit... sa waiting shade.""Punta ka na dito. I'll be waiting for you."Kabado akong naglakad papuntang mansion. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to kaya naman ganoon na lang ang kalabog ng aking dibdib dahil sa saya. Nasa gate siya, nag-aabang sa akin. Naka
Hindi nagtagal ang pagkakadikit ng kaniyang labi sa akin. Lumayo din siya agad at doon pa lang ako nakahinga. "You want to watch movie?" Kaysa magtungangaan kami dito at makagawa ng ibang bagay, mas mabuti nga siguro na manood na lang kami. Tumango ako at tumayo. Pumili ako sa mga dvd ng magandang palabas. Action romance ang napili ko. Wala namang ibang mapagpipilian. Siya ang nagsalang dahil hindi ko naman alam kung paano. Wala kami nito. Wala kaming tv sa aming bahay.Kumuha siya ng tubig at naglabas siya ng mga tsokolate sa mga pasalubong niya. May mga pasalubong din siyang damit para kina Nanay at baby. Hindi niya sila kinalimutan. Nakaakbay siya sa akin habang nanonood kami. Nakatutok sa telebisyon habang ang isip ko naman ay naglalakbay. Naiisip ko ang buhay ko, kung ano na ang estado ng buhay ko next year at sa mga susunod pang mga taon. "You're bored?" Umiling ako. Napansin yata niya na nakatulala ako. "May naisip lang ako.""Hmmm?" Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aki
Kinuha ni Tiyong iyong pera na naitabi ni Nanay kasama na din ang mga pasalubong ni Angus sa kaniya. Siguro ibebenta niya ang mga iyon at ipambibisyo lang. Ayaw ko ng mangunsumi, kaya hindi na din ako nagbigay ng aking komento tungkol sa nangyari. Kailangan pa ba? Paulit-ulit na lang kami ni Nanay. Malungkot kong nginitian si Nanay bago ako umalis ng bahay upang maglako ng biko. Iyong kalahati ng bilao ay naka-reserve na. Tanghali na ng matapos akong maglako, nakaabang naman sa akin si Angus sa gate ng mansyon. Sasamahan niya ako sa bayan. Araw ngayon ng pamimili ko, dahil bukas may lakad kaming dalawa. "Dito ka na lang," bilin ko sa kaniya. Nakasimangot siya pero wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa hiling ko. Hindi na din naman ako nagtagal pa at bumalik ako agad sa sasakyan. "Ikot-ikot muna tayo, hanap tayo ng makainan. Iyong liblib," may pahaging niyang sabi kaya natawa na lang ako. "Sana lang hindi mo ako ipagpalit dahil sa ginagawa ko sa'yo," biro ko na kinasimangot niya
Laking pasalamat ko nang tumila na ang ulan. Ginaw na ginaw na ako at nilabanan ko ang sarili na huwag magpadala sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa sitwasyon. Mabuti na lang din at hindi nanamantala si Angus. Tahimik lang niya akong niyakap at nakatulog pa nga. "Umuwi na tayo bago pa tayo abutan ng dilim." Naglakad kami sa madulas at maputik na daan. Ngayon ko lang napagtanto na hindi talaga ganoon kaarte si Angus. Hindi sanay pero sa ganito pero mukhang nag-e-enjoy naman siya. Nadulas pa kaming dalawa kaya ayun ang putik ng aming puwetan na dinaan na lang namin sa pagtawa. Malayo pa lang pero natatanaw na namin ang aming bahay. Nasa pintuan sina Nanay at kapatid ko at mukhang inaabangan na ang pag-uwi namin ni Angus. "Maligo na kayo agad, baka magkasakit pa kayo," sabi ni Nanay pagkababa namin ng aming mga dala. Nag-igib kami ng tubig ni Angus. Ako ang pinaunang maligo kaya binilisan ko na lang para makaligo na din siya agad. Mabuti at may dala siyang ilang damit kagabi, may