Kinuha ni Tiyong iyong pera na naitabi ni Nanay kasama na din ang mga pasalubong ni Angus sa kaniya. Siguro ibebenta niya ang mga iyon at ipambibisyo lang. Ayaw ko ng mangunsumi, kaya hindi na din ako nagbigay ng aking komento tungkol sa nangyari. Kailangan pa ba? Paulit-ulit na lang kami ni Nanay. Malungkot kong nginitian si Nanay bago ako umalis ng bahay upang maglako ng biko. Iyong kalahati ng bilao ay naka-reserve na. Tanghali na ng matapos akong maglako, nakaabang naman sa akin si Angus sa gate ng mansyon. Sasamahan niya ako sa bayan. Araw ngayon ng pamimili ko, dahil bukas may lakad kaming dalawa. "Dito ka na lang," bilin ko sa kaniya. Nakasimangot siya pero wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa hiling ko. Hindi na din naman ako nagtagal pa at bumalik ako agad sa sasakyan. "Ikot-ikot muna tayo, hanap tayo ng makainan. Iyong liblib," may pahaging niyang sabi kaya natawa na lang ako. "Sana lang hindi mo ako ipagpalit dahil sa ginagawa ko sa'yo," biro ko na kinasimangot niya
Laking pasalamat ko nang tumila na ang ulan. Ginaw na ginaw na ako at nilabanan ko ang sarili na huwag magpadala sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa sitwasyon. Mabuti na lang din at hindi nanamantala si Angus. Tahimik lang niya akong niyakap at nakatulog pa nga. "Umuwi na tayo bago pa tayo abutan ng dilim." Naglakad kami sa madulas at maputik na daan. Ngayon ko lang napagtanto na hindi talaga ganoon kaarte si Angus. Hindi sanay pero sa ganito pero mukhang nag-e-enjoy naman siya. Nadulas pa kaming dalawa kaya ayun ang putik ng aming puwetan na dinaan na lang namin sa pagtawa. Malayo pa lang pero natatanaw na namin ang aming bahay. Nasa pintuan sina Nanay at kapatid ko at mukhang inaabangan na ang pag-uwi namin ni Angus. "Maligo na kayo agad, baka magkasakit pa kayo," sabi ni Nanay pagkababa namin ng aming mga dala. Nag-igib kami ng tubig ni Angus. Ako ang pinaunang maligo kaya binilisan ko na lang para makaligo na din siya agad. Mabuti at may dala siyang ilang damit kagabi, may
"Huwag mo na akong ihatid, umuwi ka na. Ayos lang ako. Hindi na ako nagseselos."Para kaming mga ewan dito sa may kakahuyan, ang init-init pero nakayakap siya sa akin at ayaw akong bitawan. "Promise, hindi ka na nagseselos?""Opo, hindi na po." Hinalikan niya ako at muli na namang naglabana ang mga labi at dila namin. Napapapikit ako ngunit pigil ang sarili na madala sa bugso ng aming damdamin dahil hindi puwede. At bukod doon nandito kami sa kakahuyan. Hindi naman kami basta-basta makikita dito dahil sa malalaking dahon ng mga higanteng gabi. "Umuwi ka na. Uuwi na din ako," masuyo kong sabi bago ko siya hinalikan sa kaniyang pisngi. Inuuto ko para umuwi na siya at nang makauwi na din kami. May mga nagagawing tao dito kaya hindi ko din masasabi na safe kami dito. "Gusto pa kitang makasama, e." Natatawa na lang ako. "Bukas, mamasyal tayo," pangako ko sa kaniya. Ihahanda ko na lang lahat ng pagkain nina Nanay sa maghapon bago ako umalis para magtinda, tapos didiretso na kami ni Ang
"A-Anak..."Huminga ako nang malalim bago ko binitbit ang aking mga paninda. "Aalis na po ako, 'Nay." Hindi puweseng masayang ang mga 'to. Ang iba dito ay order kaya kahit wala akong lakas dahil sa nangyari kailangan ko pa ding umalis. Pilit kong pinatatag ang aking dibdib at mga binti na nanghihina habang ako ay naglalakad. May bente piraso pa ang natira sa aking paninda, hindi na ako tutuloy sa bayan, plano kong ilako na lang ito hanggang sa karatig na barangay. Tirik na tirik na ang araw pero tiniis ko. Nang mapaubos ko sumakay ako ng tricycle at nagpababa sa may highway papasok sa amin. Nataon din na dumaan ang tricycle ng kinakasama ni Aling Minerva, lulan sa loob ang ginang na nang makita ako ay pinahinto ang asawa. "Chelle..." Nahihiya akong tumingin sa ginang. Para akong matutunaw. Alam kong alam na din ng mga tao rito ang nangyari pati na din sa naging relasyon ng Daddy ni Angus at Nanay. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na umalis na si Angus. Kani-kanina lang." Tumango ak
Naiiyak ako nang makasakay ako ng van. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita ni Angus. Umaasa ako na magkikita pa ulit kami, pero batid ko na ito na ang huli naming pagkikita. Hindi ako nagsisisi na nabigay ko ang sarili ko sa kaniya, kahit pa ito na ang huli naming pagkikita. Gabing-gabi na ng makarating ako sa bahay. Hinatid ako ng tricycle ng kinakasama ni Aling Minerva sa bahay. Nagbukas naman ang pintuan nang mapansin ni Nanay ang humintong tricycle. May mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Niyakap niya ako na naging dahilan ng aking paghikbi. Wala akong sinabi pero umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako. "Magpapahinga na po ako, 'Nay. May mga pagkain po ata dito, tingin na lang po kayo ng gusto niyo," tukoy ko sa dalawang malaking tote bag na bigay sa akin ni Angus. Hindi ko pa natitingnan ang mga laman nito. "Bukas na lang, Anak. Magpahinga ka na."Nahiga ako sa lapag. Nilatag ko ang comforter ni Angus. Niyakap ko din ang ginamit niyang unan. Tahimik akon
Pagkatapos ng dalawang araw bumalik ako para abangan ulit si Angus. Maaga pa lang, nasa labas na ako sa gate ng kanilang subdivision. Kaso bigo na naman ako. Inabot na ako ng gabi pero hindi talaga kami magtagpo ni Angus. Sinubukan kong tawagan ang kaniyang numero ngunit hindi na din talaga 'to ma-contact. Nagtanong-tanong na din ako sa mga tao kung ano ang malapit na mga university dito sa kanilang lugar. Limang malalaking university ang sinabi nila. Nilista ko ang mga 'to. Plano kong puntahan kaso nang sumunod na araw nagkasakit ako. "Magpahinga ka na muna, Anak. Magpalakas ka, isipin mo na nagdadalang tao ka." Ayaw ko namang mapahamak ang pinagbubuntis ko, kaya minabuti ko ng magpahinga muna at huwag umalis. Hinang din talagang ang pakiramdaman ko. Nagugutom ako ngunit sinusuka ko naman ang aking kinakain. Naiiyak na lang ako sa aming sitwasyon. "Huwag ka ng umiyak, Anak. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka at magtiwala lang. Saka nandito si Nanay. Hayaan mo at ako nam
Dinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ko tinapunan ng tingin si Nanay na pumasok. "Ba't hindi ka kumain, Anak? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain na iniwan ko sa'yo?"Lumapit si Nanay at niyakap ako. Pumatak ang aking mga luha. Tahimik akong umiyak habang yakap ako ni Nanay ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya tumayo upang makapag-asikaso na. Kinuha niya ang mga pagkain na natakpan sa aking tabi at nilagay sa may lababo bago niya binitbit ang karton na naglalaman ng aming mga maruming damit. Nagpunas ako ng luha habang nakasunod ng tingin sa kaniya. Alam kong pagod na siya sa trabaho ngunit siya pa din ang maglalaba. Napatingin ako sa aking mga paa. Mga paa ko na ngayon ay wala ng silbi. Napahikbi ako nang maalala ko na naman ang nangyari. Dahil sa aksidente, nawala ang anak ko at ang kapatid ko. At ang masaklap pa, nalumpo din ako. Inabot ko ang tubig pero masyadong malayo ito sa akin kaya pinilit kong gumapang palapit rito. Ayaw ko ng abalahin pa si Nanay
Sinundo kami ng driver ng magiging amo ni Nanay. Ito na din ang nagbuhat sa akin. Wala pa kasi akong wheel chair. "Hayaan mo, Anak. Sa sahod ko, iyon ang unang-una kong bibilhin, wheelchair," pangako ni Nanay habang nasa byahe kami. Ilang oras na lang ay magdidilim na.Walong libo daw ang sahod ni Nanay. Libre naman lahat, ultimo shampoo, sabong panlaba at panligo at iba pa. Sana lang ay mabait ang magiging amo ni Nanay. Kulang isang oras ang byahe namin hanggang Manila. At nang pumasok sa gate ang sasakyan ay napanganga ako dahil sa laki ng bahay sa aking harap. Tatlong palapag ang bahay. Kayanin kaya ni Nanay ang trabaho dito? Ang laki ng bahay na lilinisin niya. Nagbukas ang pintuan at lumabas doon ang isang ginang na tantya ko ay nasa kaniyang 50's. Mukha siyang mabait, hindi siya mukhang mataray. Nauna nang bumaba sina Nanay at ang driver. Naiwan naman ako sa sasakyan dahil hindi naman ako makapaglakad. Pagkatapos mag-usap sandali nina Nanay at ang magiging amo niya, binali