Hindi nagtagal ang pagkakadikit ng kaniyang labi sa akin. Lumayo din siya agad at doon pa lang ako nakahinga. "You want to watch movie?" Kaysa magtungangaan kami dito at makagawa ng ibang bagay, mas mabuti nga siguro na manood na lang kami. Tumango ako at tumayo. Pumili ako sa mga dvd ng magandang palabas. Action romance ang napili ko. Wala namang ibang mapagpipilian. Siya ang nagsalang dahil hindi ko naman alam kung paano. Wala kami nito. Wala kaming tv sa aming bahay.Kumuha siya ng tubig at naglabas siya ng mga tsokolate sa mga pasalubong niya. May mga pasalubong din siyang damit para kina Nanay at baby. Hindi niya sila kinalimutan. Nakaakbay siya sa akin habang nanonood kami. Nakatutok sa telebisyon habang ang isip ko naman ay naglalakbay. Naiisip ko ang buhay ko, kung ano na ang estado ng buhay ko next year at sa mga susunod pang mga taon. "You're bored?" Umiling ako. Napansin yata niya na nakatulala ako. "May naisip lang ako.""Hmmm?" Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aki
Kinuha ni Tiyong iyong pera na naitabi ni Nanay kasama na din ang mga pasalubong ni Angus sa kaniya. Siguro ibebenta niya ang mga iyon at ipambibisyo lang. Ayaw ko ng mangunsumi, kaya hindi na din ako nagbigay ng aking komento tungkol sa nangyari. Kailangan pa ba? Paulit-ulit na lang kami ni Nanay. Malungkot kong nginitian si Nanay bago ako umalis ng bahay upang maglako ng biko. Iyong kalahati ng bilao ay naka-reserve na. Tanghali na ng matapos akong maglako, nakaabang naman sa akin si Angus sa gate ng mansyon. Sasamahan niya ako sa bayan. Araw ngayon ng pamimili ko, dahil bukas may lakad kaming dalawa. "Dito ka na lang," bilin ko sa kaniya. Nakasimangot siya pero wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa hiling ko. Hindi na din naman ako nagtagal pa at bumalik ako agad sa sasakyan. "Ikot-ikot muna tayo, hanap tayo ng makainan. Iyong liblib," may pahaging niyang sabi kaya natawa na lang ako. "Sana lang hindi mo ako ipagpalit dahil sa ginagawa ko sa'yo," biro ko na kinasimangot niya
Laking pasalamat ko nang tumila na ang ulan. Ginaw na ginaw na ako at nilabanan ko ang sarili na huwag magpadala sa kakaibang nararamdaman ko dahil sa sitwasyon. Mabuti na lang din at hindi nanamantala si Angus. Tahimik lang niya akong niyakap at nakatulog pa nga. "Umuwi na tayo bago pa tayo abutan ng dilim." Naglakad kami sa madulas at maputik na daan. Ngayon ko lang napagtanto na hindi talaga ganoon kaarte si Angus. Hindi sanay pero sa ganito pero mukhang nag-e-enjoy naman siya. Nadulas pa kaming dalawa kaya ayun ang putik ng aming puwetan na dinaan na lang namin sa pagtawa. Malayo pa lang pero natatanaw na namin ang aming bahay. Nasa pintuan sina Nanay at kapatid ko at mukhang inaabangan na ang pag-uwi namin ni Angus. "Maligo na kayo agad, baka magkasakit pa kayo," sabi ni Nanay pagkababa namin ng aming mga dala. Nag-igib kami ng tubig ni Angus. Ako ang pinaunang maligo kaya binilisan ko na lang para makaligo na din siya agad. Mabuti at may dala siyang ilang damit kagabi, may
"Huwag mo na akong ihatid, umuwi ka na. Ayos lang ako. Hindi na ako nagseselos."Para kaming mga ewan dito sa may kakahuyan, ang init-init pero nakayakap siya sa akin at ayaw akong bitawan. "Promise, hindi ka na nagseselos?""Opo, hindi na po." Hinalikan niya ako at muli na namang naglabana ang mga labi at dila namin. Napapapikit ako ngunit pigil ang sarili na madala sa bugso ng aming damdamin dahil hindi puwede. At bukod doon nandito kami sa kakahuyan. Hindi naman kami basta-basta makikita dito dahil sa malalaking dahon ng mga higanteng gabi. "Umuwi ka na. Uuwi na din ako," masuyo kong sabi bago ko siya hinalikan sa kaniyang pisngi. Inuuto ko para umuwi na siya at nang makauwi na din kami. May mga nagagawing tao dito kaya hindi ko din masasabi na safe kami dito. "Gusto pa kitang makasama, e." Natatawa na lang ako. "Bukas, mamasyal tayo," pangako ko sa kaniya. Ihahanda ko na lang lahat ng pagkain nina Nanay sa maghapon bago ako umalis para magtinda, tapos didiretso na kami ni Ang
"A-Anak..."Huminga ako nang malalim bago ko binitbit ang aking mga paninda. "Aalis na po ako, 'Nay." Hindi puweseng masayang ang mga 'to. Ang iba dito ay order kaya kahit wala akong lakas dahil sa nangyari kailangan ko pa ding umalis. Pilit kong pinatatag ang aking dibdib at mga binti na nanghihina habang ako ay naglalakad. May bente piraso pa ang natira sa aking paninda, hindi na ako tutuloy sa bayan, plano kong ilako na lang ito hanggang sa karatig na barangay. Tirik na tirik na ang araw pero tiniis ko. Nang mapaubos ko sumakay ako ng tricycle at nagpababa sa may highway papasok sa amin. Nataon din na dumaan ang tricycle ng kinakasama ni Aling Minerva, lulan sa loob ang ginang na nang makita ako ay pinahinto ang asawa. "Chelle..." Nahihiya akong tumingin sa ginang. Para akong matutunaw. Alam kong alam na din ng mga tao rito ang nangyari pati na din sa naging relasyon ng Daddy ni Angus at Nanay. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na umalis na si Angus. Kani-kanina lang." Tumango ak
Naiiyak ako nang makasakay ako ng van. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita ni Angus. Umaasa ako na magkikita pa ulit kami, pero batid ko na ito na ang huli naming pagkikita. Hindi ako nagsisisi na nabigay ko ang sarili ko sa kaniya, kahit pa ito na ang huli naming pagkikita. Gabing-gabi na ng makarating ako sa bahay. Hinatid ako ng tricycle ng kinakasama ni Aling Minerva sa bahay. Nagbukas naman ang pintuan nang mapansin ni Nanay ang humintong tricycle. May mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Niyakap niya ako na naging dahilan ng aking paghikbi. Wala akong sinabi pero umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako. "Magpapahinga na po ako, 'Nay. May mga pagkain po ata dito, tingin na lang po kayo ng gusto niyo," tukoy ko sa dalawang malaking tote bag na bigay sa akin ni Angus. Hindi ko pa natitingnan ang mga laman nito. "Bukas na lang, Anak. Magpahinga ka na."Nahiga ako sa lapag. Nilatag ko ang comforter ni Angus. Niyakap ko din ang ginamit niyang unan. Tahimik akon
Pagkatapos ng dalawang araw bumalik ako para abangan ulit si Angus. Maaga pa lang, nasa labas na ako sa gate ng kanilang subdivision. Kaso bigo na naman ako. Inabot na ako ng gabi pero hindi talaga kami magtagpo ni Angus. Sinubukan kong tawagan ang kaniyang numero ngunit hindi na din talaga 'to ma-contact. Nagtanong-tanong na din ako sa mga tao kung ano ang malapit na mga university dito sa kanilang lugar. Limang malalaking university ang sinabi nila. Nilista ko ang mga 'to. Plano kong puntahan kaso nang sumunod na araw nagkasakit ako. "Magpahinga ka na muna, Anak. Magpalakas ka, isipin mo na nagdadalang tao ka." Ayaw ko namang mapahamak ang pinagbubuntis ko, kaya minabuti ko ng magpahinga muna at huwag umalis. Hinang din talagang ang pakiramdaman ko. Nagugutom ako ngunit sinusuka ko naman ang aking kinakain. Naiiyak na lang ako sa aming sitwasyon. "Huwag ka ng umiyak, Anak. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka at magtiwala lang. Saka nandito si Nanay. Hayaan mo at ako nam
Dinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ko tinapunan ng tingin si Nanay na pumasok. "Ba't hindi ka kumain, Anak? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain na iniwan ko sa'yo?"Lumapit si Nanay at niyakap ako. Pumatak ang aking mga luha. Tahimik akong umiyak habang yakap ako ni Nanay ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya tumayo upang makapag-asikaso na. Kinuha niya ang mga pagkain na natakpan sa aking tabi at nilagay sa may lababo bago niya binitbit ang karton na naglalaman ng aming mga maruming damit. Nagpunas ako ng luha habang nakasunod ng tingin sa kaniya. Alam kong pagod na siya sa trabaho ngunit siya pa din ang maglalaba. Napatingin ako sa aking mga paa. Mga paa ko na ngayon ay wala ng silbi. Napahikbi ako nang maalala ko na naman ang nangyari. Dahil sa aksidente, nawala ang anak ko at ang kapatid ko. At ang masaklap pa, nalumpo din ako. Inabot ko ang tubig pero masyadong malayo ito sa akin kaya pinilit kong gumapang palapit rito. Ayaw ko ng abalahin pa si Nanay
Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n
Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala
Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray
Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami
"Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa
Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw
Isang enggrandeng kasal na mula pa nang unang makilala ko si Chelle ay pinangarap ko na ibigay sa kaniya. Isang church wedding, beach wedding dito sa Pinas at garden wedding naman sa ibang bansa. She deserve it, at ito ang paulit-ulit kong sinasabi at pinaparamdam sa kaniya kahit pa sinasabi niya na kahit simpleng kasal lang masaya na siya. Hindi ko gusto ang simpleng kasal. Kaya nga hindi ko siya pinakasalan nang mga bata pa kami dahil hindi niya deserve ang isang simple o kaya ay secret wedding. Nag-aral akong mabuti at pinalago ang business namin, para sa pangarap ko para sa aming dalawa. That's because she deserve the best. She deserve a grand wedding. Nakapag-announce na ako sa public, nang maging okay kami. I announced that she and I are engage. I wanted the world to know. Madami ang nagulat. Madami ang nagtaka at nagtanong. Madami ang nanghusga dahil wala naman silang alam. Pero lahat ng opinyon ng mga mapanghusgang tao ay hindi mahalaga. "What matters is that I love you so
ANGUS Sa halip na sumama kina mommy at daddy sa ibang bansa, pinili kong magbakasyon sa probinsya. Ako lang dapat ang magbabakasyon doon, dahil gusto kong mapag-isa pero sumama ang mga kaibigan kong sina Huxley at Caius. At habang nasa biyahe ay nakagawa na agad sila ng plano. *Magpakilig ng maganda at inosenteng probinsyana. *Makipag-sex sa virgin na probinsyana. Fuck and leave. Iyon ang plano nila na kalaunan ay sinang-ayunan ko na lang din dahil pinilit nila akong um-oo. Wala din namang mawawala kung subukan. Napatingin ako sa baba nang mapansin ko na may kausap si Manang Minerva, ang aming caretaker dito sa mansyon. Isang babae na sa tingin ko ay nasa high school pa lang ang kausap niya. Nagtitinda daw ito ng biko.Una kong napansin sa kaniya ang kaniyang tsinelas na bukod sa maputik ay magkaiba din ang kulay. Luma na ito at tiyak kong hindi siya nagkamali ng nasuot na pares ng kaniyang tsinelas. Luma na din ang malaking tshirt na suot at may mga maliliit na ding butas. Maga
After one week umuwi na muna kami ng Pinas. After one month ulit kami magta-travel, para makapagpahinga si Angel at para na rin makapag-start na siya sa kaniyang tutor. Kami naman ni Angus ay magtatrabaho. Hindi puwedeng pabayaan ang business dahil madaming empleyado ang umaasa sa amin at para na rin 'to sa future ni Angel at ng iba pa naming magiging mga anak. Lumipat kami sa bahay ni Angus. Isang three storey modern house na mayroong magandang garden. "Ampalaya?!" Gulat na gulat ako na makakita ng napakaraming tanim na ampalaya, na kalaunan ay nauwi sa malakas na paghalakhak. "May mga kabute din, Ma'am," singit naman ni Manang Erna, ang matandang maid na nagpalaki kay Angus. Nanunukso kong tiningnan si Angus. Gosh! Grabe, baliw ang lalakeng 'to. Baliw na baliw sa akin. "Paborito ko po ang ampalaya," sabi naman ni Angel, habang ginagala ang paningin sa buong paligid. "Talaga? Paborito ko din iyon, pero ang daddy mo hindi kasi iyan kumakain ng gulay, lalo na ang ampalaya." Naala