Share

UNANG KABANATA

Nagliliwanag ang buong kapaligiran habang nakakaaliw naman ang maririnig na musika. Anong meron? Ngayon lang naman ang 20tg anniversary ng Holomone Corporation, ang company na pinatatakbo ni Harry.

Napatingin si Julia sa kanya na malayo ang tingin. Napatingin siya sa kamay ng asawa at tinangka niyang hawakan ito pero kaagad niyang tinabig ang kamay ng babae. Magsasalita sana ito pero malayo talaga ang tingin ng asawa kaya napadako din ang tingin niya sa tinitingnan niito. Ngayon ay parang binibiyak ang puso niya nang makita kung saan ito nakatingin.

Walang iba kundi sa kanyang kalaguyo. Ang babaing sumira ng kanilang pagsasama.

Matangkad si Daniella at hindi hamak na mas maganda. Maayos sa sarili at hinahangaan ng marami sa angking alindog niya. Ngunit ang hindi alam ng lahat ay marumi ang naging trabaho nito. Isa siyang prostitute nang makilala ni Harry.

Sa totoo lang nung una ay kahit ako ayokong makasal kay Harry. Pareho namin itong hindi ginusto. Kundi lamang dahil sa daddy ni Harry at kundi lang din dahil sa mababang estado ko sa buhay ay hindi ako pakakasal sa kanya. At isa pa masyado pa akong bata that time.

Ngunit nung nagsasama na kami ay nagbago ang lahat. Sino nga ba ang hindi iibig sa tulad niya. Hindi naman pala mahirap mahalin ang tulad niya.

"Excuse me"sabi ni Harry bago tumayo kaya Lalo akong hindi nakagalaw. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko nagawa. kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano siya dali-daling lumapit sa babae niya. Bigla akong nakaramdam ng sakit at kirot sa aking dibdib Lalo na ngayon na nakikita ko silang masaya sa piling ng isa't isa. Muli sa pagkakataong ito at iniwan na naman niya ako. Dapat talaga na masanay na ako sa ganitong senaryo.

Hindi makapaniwalang tumingin ang lahat sakin nang Iwan ako ni Harry sa kinauupuan ko at lumapit siya sa kanyang babae. Inimbitahan niya ang babae dito sa hotel para ipangalandakan sa iba ang pambabae niya at ang oambabalewala niya sakin.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin mahanap ang kasagutan kung bakit niya ginagawa sakin ito. Okay naman ang pagsasama namin. Ibinigay ko na sa kanya ang lahat pero bakit parang kulang pa?

Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa sakin. Naging maayos naman akong asawa sa kanya. Ibinigay ko na ang lahat aking buong pagmamahal sa kanya pero tila ba kulang pa Ngayon ang mga tao dito ay Hindi naiwasang magbulung-bulungan.

"Masanay kana Julia"bulong ko sa aking sarili. Bigla akong nakaramdam nang sakit nang makita ko siyang ngumiti sa kanyang kalaguyo. Mga ngiti na noon ay sakin lang niya ipinapakita.

Isa lamang siyang prostitute at hindi ko inakala na katulad niya ang babaing sisira sa aming dalawa

Hindi ko inakala na magagawa ni Harry na ipagpalit ang aming pagsasama nang dahil lang sa Isang babaing bayaran.

Bumaba ako para kumuha ng wine nang may narinig akong dalawang lalaking nag-uusap.

"Alam mo ba kung bakit inabandona ni Mr. Warner ang asawa niya? Dahil boring siya at hindi man lang nag-aayos ng sarili. He deserve someone better!"sabi ng lalaki.

"Huwag kang maingay baka marinig ka ni Mrs. Warner nakakahiya!"sagot ng kasama niya.

"bakit? totoo naman ahh"

Isa lang iyan sa mga naririnig Kong usap-usapan tungkol sakin ng mga bisita.

Natahimik silang dalawa nang dumaan ako sa harap nila at napatingin ako sa kanila. Napaiwas Sila ng tingin at hindi na sila makaimik pa. Iniwasan ko na Sila ng tingin at dumeretso.

Mas pipiliin ko pang kumuha ng alak kaysa pansinin ang mga sinasabi nila. Hindi ako ang tipo ng tao na sasayangin angvoras ng Dahil sa walang kwentang bagay.

Kung wala lang ako dito sa event ay tiyak na kanina pa ako umiiyak at nagwawala. Pinipigilan kong magpakita ng kahit na anong emosyon dahil ayokong magmukhang weak sa paningin ng iba.

Kukunin ko sana ang Isang bote ng wine nang may lalaking lumapit sakin.

"Hayaan mong ako na ang magsalin para sayo Mrs. Warner"sabi nito bago nagsalin ng alak.

"Thank you-"hindi na natuloy ang sasabihin ko nang nagsalita pa siya.

"Nabalitaan ko na inabandona kana ni Harry. Siguro naman ay may chance na ako"bulong niya sakin. ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. Hindi ako nakakibo at makapagsalita.

Matangkad siya, gwapo at matipuno. Magarbo ang kasuotan. Kapansin-pansin din ang asul nitong mga mata at matangos na ilong.

Ilang sandali pa ay doon ko lamang napansin na lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin. Doon ko lamang napagtanto na ang lalaking nakaharap ko kanina lamang ay ang special guest na hinihintay namin. Si Herbert, ang nakakatandang kapatid ni Harry sa ama.

"Nandito na si Mr. Herbert Warner"

Kaagad namang nagdiwang ang lahat ng tao maliban kay Harry na ngayon ay masama ang tingin sa kapatid. Kundi lamang dahil sa mga staff sa company ay hindi niya ito iimbitahan.

Simula pa lamang ay Hindi na maganda ang samahan ng dalawa dahil kakompitensya ni Harry si Herbert sa lahat ng bagay. Ang sabi mas matalino si Herbert kay Harry at ito daw ang paborito ng daddy nila ngunit gumawa si Harry ng paraan para siraan si Herbert sa ama.

Ngayon ko lamang nakita si Herbert dahil sa States ito nakatira at hindi ko nga din inakala na pupunta siya dito dahil dati ay lagi siyang gumagawa ng excuse para hindi makadalo. Kesyo busy siya at maraming ginagawa.

Ngayon ko lang siya nakita pero kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Tingin ko mahilig gumawa ng gulo ang Isang ito.

May mga babaeng nakapalibot sa kanya ngayon pero hindi inaasahang nagtama ang aming mga paningin. Napaiwas ako nang bigla siyang ngumisi sakin.

Well bukod sa pagiging matalino niya ay may mga naririnig din akong balita tungkol sa kanya. lahat ng nakakaaway niya ay itinutumba niya pero hindi naman ako naniniwala sa rumors lang.

Muli akong napatingin sa kanya at napansin ko na nag-uusap Sila ni Harry. Parang pareho naman silang kalmado. Pero nagulat ako nang muling nagtama ang aming mga paningin.

Napansin iyon ni Harry kaya biglang sumama ang awra nito. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila. Tama ba ang nakita ko Na nagagalit siya? As if naman na may pakialam siya!

Muling nagdiwang ang lahat at nagtoast. Bakas sa mukha ng lahat ang saya maliban kay Harry na masama parin ang tingin. Pero bahagya itong kumalma bago nagsalita.

"Alam nyo namang lahat na marami akong struggles na pinagdaanan sa pagpapatakbo ng kompanya ngunit ang lahat ng iyon ay aking nalampasan ng dahil sa babaeng aking pinakamamahal"

"Ang babaing bukod tangi na nagbigay ng support sa akin"dagdag pa niya. Lahat kami ay nag-iisip kung sino ang babaing tinutukoy niya.

Aaminin ko na umaasa ako na ako iyon. Pero nawala ang pag-asang nararamdaman ko nang tumingin ito sa babae niya at hinalikan niya ito sa harap ko at ng marami. Bagay na ikinawasal ng puso ko.

Hindi ko na napigilan ang aking sariling tumakbo paalis ng event. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak sa sobrang bigay ng aking nararamdaman. Nagtatanong ako sa aking sarili kung deserve ko ba ito? Nakakaoanliit ng pagkatao.

Sa labas ng venue ako naglabas ng sama ng loob at ibinuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Mayamaya pa ay napagdesisyunan kong bumalik sa loob kaya inayos ko muna sandali ang sarili ko. Pabalik na sana ako nang biglang may tumawag sakin.

"Julia"

Napalingon ako at nabigla sa nakita kung sino ang tumawag sakin. Si Herbert.

"Hey are you okay?"tanong nito sakin.

"No I'm not"sagot ko at tatalikuran na sana siya nang muli siyang magsalita.

"Kahit magsinungaling kapa ehh kita naman sa mata mo na namumugto pa iyan"Sabi niya.

"It's none of your business Herbert"sagot ko pero lumapit siya sakin.

"Bakit ba?"iritadong tanong ko.

"I'm such a fool for worrying about you"sagot nito.

"Kung Wala ka din lang magandang sasabihin ay aalis na ako"at nilampasan siya.

Ngunit narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya nilingon ko siyang muli. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Palagay mo ba tama ang ginagawa mo Herbert?"inis na tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako bago siya nagsalita muli

"You're so gorgeous tonight Mrs. Warner"ang nakangisi pang Turan niya.

Ngunit nagulat kami nang biglang may sumuntok sa mukha niya, si Harry!

"Stay away from my wife Herbert!"

Kinuwelsyuhan niya ito bago pinagbabtaan.

"Huwag na huwag kang lalapit sa Asawa ko dahil kung hindi ay Ako mismo ang tatapos sa buhay mo"sabi nito bago binitiwan si Herbert at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palayo. Pagdating namin sa likuran ng pinaggaganapan ng venue ay galit na galit niya akong hinarap.

"kasal na tayo Julia. Pero pati ba naman kuya ko gusto mong landiin?"galit na galit na tanong niya. Sa kabilang Banda ay nabawasan ang kirot na nararamdaman ko dahil alam kong nagseselos siya. Pero kaagad ding nawala ang tuwang naramdaman ko nang magsalita pa siya.

"Darating ba talaga sa Punto na pati ang brother in law mo at papatulan mo?? Ganyan ka na ba kakati hah Julia?"tanong nito na muling dumurog sa puso ko

Tatalikuran ko na siya pero bigla akong nagsalita. "Wala na akong oras pa para makipagtalo Sayo. Sabihin mo nalang kung ano ang gusto mong sabihin!"ang madiing turan ko

"Kailangan pa bang sabihin ko Sayo??"

"Alam mo ba kung ano ang sinabi sakin ng bastardong iyon?? Hinahamon niya ako!"galit pang wika niya.

Muli kong naalala na kahit magkapatid sila ay hindi sila magkasundo. Magkakompitensya sa lahat ng bagay at baligtad ang personality nila.

"Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko. Muling nanlisik ang mga mata niya bago nagsalita.

"Aagawin niya ang lahat sakin. Pati Ikaw"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status