Home / Romance / The CEO'S Abandoned Wife / IKALAWANG KABANATA

Share

IKALAWANG KABANATA

Matapos ang mga nangyari ay hindi na ako bumalik pa sa venue at nagdesisyon na akong umuwi dahil sa totoo lang ay nakakapagod na.

"Mang Carlos uuwi na po ako"sabi ko sa driver ko bago sumakay sa kotse. Tahimik kaming dalawa ni Mang Carlos habang nagmamaneho siya nang magtanong ako sa kanya. "Mang Carlos gaano mo kakilala si Herbert?"

"Mga bata pa lamang sila ay driver na nila ako. Si Sir Herbert ay yung tipo ng tao na matalino, may pagkatuso din siya pero sa kanilang dalawa ni Sir Harry ay mas paborito siya ni Don Rafael. Mas malapit sila sa isa't isa kaysa kay Sir Harry"Sabi niya.

"Ngunit paano nasira ang samahan. ng dalawang magkapatid?"tanong ko pa. "Mga bata pa lamang ang dalawa ay lagi na silang pinagkokompitensya ng kanilang ama"sagot nito kaya naguluhan ako

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinagkokompitensya niya silang dalawa at kung sino ang panalo ay siya ang higit na binibigyan ng pabor. Halimbawa katulad nung mga nag-aaral pa sila. Kung sino ang makakuha ng pinakamataas na marka ay pinupuri niya at binibigyan ng pabuya samantalang si Sir Harry na hindi naman ganon katalino ay minamaliit niya"sagot nito dahilan para matahimik ako saglit. Ganon pala kalupit ang ama nila?? Pagdating kasi sa akin ay mabait ito at parang tunay na anak ang Turing sakin. Siguro ay dahil sa ginawa kong pagligtas sa anak niya sa car accident 10 years ago

"May pagkakataon pa nga na pinaglaban niya ang dalawa sa horseback riding sa rantio nila. Natalo si Sir Harry kaya bilang gantimpala kay Sir Herbert ay siya ang namalakad sa rantio Paradiso. May mga nagsasabing dinaya ni Sir Herbert si Sir Harry kaya siya ang nanalo. Pero mahirap paniwalaan ang mga sabi-sabi lang"Saad pa niya.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hindi ko malubos maisip na ganon pala kalupit ang Papa sa kanyang mga anak. Ang Papa sa ngayon ay nasa hospital at kasalukuyang comatose dahil sa pagkahulog niya dati sa hagdan. Pagpasok ko sa mansion ay nakatingin sakin ang mga kasambahay.

.Hindi siguro nila inakala na uuwi ako agad dahil 11pm pa ang tapos ng event. Nilampasan ko sila at dumeretso ako sa bedroom ko. Isang taon na kaming kasal ni Harry pero magkabukod kami ng kwarto. Dati nung ang Papa ay hindi na nacocomma at pumapasyal siya dito ay napipilitan si Harry na patulugin ako sa kanyang kwarto. Umaarte kami sa harap ng Papa na masaya kami sa aming pagsasama.

Kaagad akong nagbihis ng nightgown at pumasok sa CR sa loob ng room ko para maghilamos. Pagkatapos ay humiga ako sa kama at inalala ang mga nangyari. Kung paano hinalikan ni Harry ang babae niya sa harap naming lahat at ang naging reaction niya nang lapitan ako ni Herbert at isa pa, totoo kaya ang sinabi niya?? Na kukunin ni Herbert ang lahat sa kanya pati ako?

——

Biglang may kumatok sa kwarto ko kaya nagising ako. Sa sobrang lalim ng iniisip at sa sobrang pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.. Tumayo ako at binuksan ang pinto nakita ko si Chela.

"Ma'am sinabi po ni Sir na sa bedroom ka daw po niya matulog"sabi nito kaya napatingin ako sa wall clock at 11:30 pm na pala! Nandito na nga si Harry!

"Ahh sige mag-aayos lang ako sandali!"ang nakangiting sabi ko bago bumalik sa loob ng kwarto. Nakakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan dahil gusto niya akong makasama ngayong gabi. Kailangan ko itong paghandaan ng husto! Marahil ay gusto na niyang magkaanak sakin. Sana nga magkaanak na kami dahil kung mangyayari iyon ay baka mahalin din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Inayos ko ang aking sarili, nag shower ako at pagkatapos ay nagsuot ng sexy dress. Naglagay din ako ng paborito kong perfume at nagmake din ako pero hindi naman makapal. Gusto ko siyang isurprise.

Pagkatapos ay dali-dali akong naglakad papunta sa bedroom niya. Nasalubong ko naman si Manang Minda. "Hija saan ka pupunta?"

"Sa bedroom po ni Harry manang ipinatatawag daw kasi niya ako sabi ni Chela"sagot ko. Nagtataka naman siyang tumingin sakin.

"May problema ba Manang?"tanong ko pa kaya napailing na lamang siya. "Sige po Mauna na ako"sabi ko bago dumeretso sa bedroom ni Harry.

Ganon na lamang ang pagkagulat ko nang buksan ko ang pinto. Nakita ko siya at ang kabit niya na magkapatong. Kinuha niya ang bed sheet para matakpan ang hubad nilang katawan.

"Ano ito Harry?"walang emosyong tanong ko, actually nagpipigil nalang ako ng emosyon.. Sinalubong niya ako ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito Julia?"malamig na Turan niya habang ang babae niya ay nakaub-ob sa dibdib niya. "At talagang nagtanong kapa?? Ipinatawag mo ako para lang ipakita sakin ang kababuyan nyo??"

Tumingin ito sakin na para bang nalilito. "Ikaw? Ipinatawag ko? Wala akong naaalala. Baka naman guni-guni mo lang iyon"

Nananatili akong nakatayo at nakatingin sa kanila. Pinoproseso pa ng isip ko ang mga nangyayari. "Oh Bakit andito kapa? Gusto mo bang sumalu samin?"ang panunuya pa ni Harry.

"No, wala akong panahong makisalamuha sa mga mabababang uri na tulad nyo*ang malamig na sagot ko kaya napatingin siya sakin. Tila ba nagulat siya sa isinagot ko, hindi niya siguro iyon inakala. Tumalikod na ako at akmang aalis na nang lumingon akong muli at Nakita ko si Daniella na nakatingin sakin at pasimpleng ngumisi. Ngayon ay naiintindihan ko na ang nangyayari, siguro at siya ang nag-utos kay Chela na papuntahin ako dito.

Dali-dali akong lumabas ng silid at patungo na sana sa bedroom ko nang masalubong ko si Chela at nagkatinginan kami. Umiwas siya at lalampasan na ako nang bigla ko siyang tinanong. "Si Daniella ba ang nag-utos sayo na papuntahin ako sa bedroom ni Harry?"

Bigla siyang yumuko at kita sa kanya ngayon na kinakabahan siya. "Opo Ma'am sorry po natakot po kasi ako sa kanya kaya napilitan akong sumunod"ang sabi niya habang nakayuko.

"Okay lang, sige na magpahinga kana"sabi ko bago dumeretso sa bedroom ko. Pagpasok ko doon ay kaagad na nanlabo ang mata ko at hindi ko napigilang mapaiyak.

"Paano mo ito nagagawa sakin Harry? Ano bang ginawa ko sayo para tratuhin mo ako ng ganito?"tanong ko sa kawalan habang umiiyak. "Hija okay ka lang ba?"

Hindi ko pala nailock ang pinto ng kwarto at nakapasok na pala siya ng hindi ko napapansin. Kaagad kong pinunasan ang luha ko bago siya hinarap. "Manang andyan ka po pala"

Lumapit siya sakin at umupo sa aking tabi. "Alam kong nahihirapan kana Hija. Hindi mo naman kailangang magpakahirap ng ganito, isipin mo ang halaga mo Julia"

"Ano ba ang dapat kong gawin Manang?"Wala sa sariling tanong ko sa kanya."Pwede kang umalis at kumawala. Hindi mo kailangan Ang taong hindi ka kayang pahalagahan. Alam kong masakit pero hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka pinahahalagahan"

"Hindi ko siya kayang iwan Manang. Mahal na na mahal ko ang asawa ko"ang naiiyak na turan ko.

"Kayanin mo hija! Para din ito sayo. Malay mo kapag umalis ka dito Bigla niyang maisip ang halaga mo? O baka sa pag-alis mo ay mahanap mo ang taong tunay na magpapahalaga Sayo!"Saad pa niya. Biglang pumasok si Chela na hawak ang cellphone niya.

"Ma'am tingnan mo ito!"sabi niya at iniabot ang phone niya kaya kinuha ko at tiningnan ito. Nakapost sa F******k ang kaganapan sa event nung Wala na ako. Nagsasalita si Harry sa video.

"Kaya nagpapasalamat ako sa aking pinakamamahal, siya ang lucky charm ko"ang sabi ni Harry habang nakangiti. "Oo nga tiyak na napakaswerte niya kay Ms. Julia, masipag kasi iyon"sabi ng Isang babae pero sinagot ito ni Harry.

"Hindi si Julia ang babaing tinutukoy ko kundi ang babaing nasa tabi ko ngayon. Actually gusto na nga naming magkaanak"ang nakangiti pang turan niya habang nakangiti at hinalikan muli si Daniella. Tuluyan nang nadurog ang puso ko sa napanood. "Tama ka Manang Wala nga akong halaga sa kanya kaya kailangan Kong magdesisyon para sa sarili ko"ang nanlulumong sambit ko.

"Anong Plano mo ngayon?"tanong ni Manang sakin. "Pwede nyo ba akong tulungan ngayong gabi? Aalis na ako dito, aalis ako nang hindi napapansin ni Harry"

"Mabuti naman at natauhan ka. Saan ka pupunta?"tanong ni Manang. "Sa kaibigan ko pong si Kyla, doon Muna ako. Sa ngayon tulungan nyo po Muna akong mag-impake"

Kinuha ko ang maleta at tinulungan nila akong mag-impake at pagkatapos ay bumaba na kami at nakita kami ni Mang Carlos. "Ma'am saan ka pupunta? bakit ang dami mong dala?"

"Aalis na ako Mang Carlos, pwede bang humingi ng pabor?"tanong ko sa kanya. "Ano po iyon Ma'am?"

"Kung maaari ay ihatid mo ako kina Kyla. Mahihiraoan na kasi akong magcommute"sabi ko kay Mang Carlos at hindi naman siya tumanggi. "Sige Ma'am ihahatid po kita"sabi niya at inilagay sa loob ng kotse ang mga gamit ko. Humarap ako kina Manang at Chela.

"Manang, Chela masakit ito para sakin pero kailangan ko nang umalis"sabi ko habang nagpipigil ng emosyon. "Mag-iingat ka hija, sana matagpuan mo na ang iyong kaligayahan"

"Ma'am paalam na po, mamimiss kita"Saad naman ni Chela. "Mamimiss ko din kayo, lagi kayong mag-iingat hah"sabi ko bago sumakay ng kotse.

"Ma'am sorry kung Wala kaming magawa para sayo. Alam kong napakahirao ng pinagdaraanan mo"sabi ni Mang Carlos habang nagdadrive. "Hindi mo kailangang mag sorry sakin Mang Carlos, nagpapasalamat nga ako dahil dinadamayan nyo ako"sabi ko. Kanina ko pa gusto umiyak pero Hindi ko magawa dahil ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay ni Kyla, hindi na siya nagulat nang Makitang may dala akong mga maleta. "Ma'am Mauna na po ako"sabi ni Mang Carlos.

"Salamat Mang Carlos, ah teka may sasabihin pa ako"

"Ano po iyon Ma'am?"tanong niya.

"Salamat sa lahat at sana huwag mong sasabihin kay Harry ang kinaroroonan ko"sabi ko sa kanya. "Opo Ma'am makakaasa kang hindi ko sasabihin"Sabi nito bago umalis.

Pagkaalis niya ay bigla Kong niyakap si Kyla at umiyak. Sobrang bigat at sobrang sakit na ng aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay parang nahihirapan akonh makahinga sa pag-iyak. Tinapik niya ang likod ko. Kumuha siya ng panyo at iniabot sakin. "Hindi bagay sayo ang umiiyak at isa pa hindi ang tulad ni Harry dapat iniiyakan Julia"Sabi nito kaya pinunasan ko ang aking luha. Tama siya, sino nga ba ang lalaking iyon?

Biglang may kumatok sa pinto ng bahay. Hindi kaya si Harry iyon? Imposible, hindi naman siguro.. "Ako na ang magbubukas Kyla"sabi ko bago binuksan ang pinto at nagulat ako sa nakita kung sino ito.

"Herbert? Anong ginagawa mo dito?"tanong ko. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Kyla kakausapin ko lang ito sandali sa labas"sabi ko bago lumabas ng bahay. Kita pa sa mukha niya ang pasa na dulot ng pagkakasuntok sa kanya ni Harry

"Talaga ngang iniwan mo na si Harry"

"Paano mo nalaman? at ano ang ginagawa mo dito??"inis na tanong ko. Ngumisi ito bago sumagot. "Dumalaw ako kay Papa sa hospital at nung pauwi na ako ay Nakita ko ang kotse mo kaya sinundan ko"

Ano bang trip ng Isang ito?? Ano ang kailangan niya sakin?? "Bakit mo ang sinundan? May kailangan kaba?"tanong ko.

"Meron, at Ikaw iyon Julia"sabi nito kaya napatingin ako sa kanya at halatang seryoso siya. Baliw na ata ang Isang ito. "Alam mo Julia pwede ka namang makaramdam ng kaligayahan mo ehh. Sumama ka sakin at aalis tayo sa bansang ito! Ilalayo kita sa Lugar na ito at magsasama tayo!"sabi pa niya.

"Asawa ako ng kapatid mo at kasal parin kami Herbert kaya kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"inis na sabi ko ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "I love you Julia at Wala akong pakialam kung ikinasal ka man sa kanya!"

Hindi na ako makaimik pa, Hindi ba dapat na magalit ako at ipagtabuyan siya? Bakit nga ba nakikipag-usap pa ako sa Isang ito? Magsasalita sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko na ikinagulat ko.

"Nandito ka lang pala"

"H-harry?"

"Ohh bakit parang nagulat ka??" Teka paano niya nalaman ba nandito ako?? Napatingin siya sa aming dalawa ni Herbert at napadako din ang paningin niya sa mga kamay namin ni Herbert na magkahawak. "Mukhang nasira ko ata ang moment ninyo. Sorry pero andito ako para kunin ang ASAWA KO"

"Okay Sige Kunin mo siya, sulitin mo na Ang pagkakataong Kasama mo siya dahil baka dumating Ang Araw na ako na Ang Kasama niya"sabi ni Herbert bago sumakay ng kotse at umalis Hinawakan ako ni Harry sa kamay at hinila ako papasok ng kotse. Paano niya nalaman na nandito ako??

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status