(Angie POV)
“I will give you five million dollars to keep silent about this night.”
Inilapag niya sa mesa ang cheque. Anong ibig niyang sabihin?
Tumalikod na siya sa akin para lumabas sa silid.
“Teka lang!” Natigilan siya sa paglalakad. Hinihintay ang susunod kong sasabihin ngunit di ko mahanap ang aking boses. Hangang siya na nga itong nagsalita.
“Don’t tell me Miss, hindi pa sapat ang perang yan.” Nanginginig ang buo kong katawan. Ang lamig ng boses niya. Sa tingin ba niya isa akong bayarang babae? At biglang tumulo ang luha ko sa aking pisngi.
“Nagkakamali ka sa inaakala mo.” At bago pa man siya humarap sa akin, pinunasan ko ang aking pisngi. Malabo ang paningin ko, at medyo nga nahihilo ako. Kailangan ko ang aking salamin, ngunit di ko alam kung saan ko ito hahanapin.
“Paano ka nakapasok sa silid ko?” Naitanong ko sa kanya. “Kasama pa ba ito sa mapapanalunan ko na may… Edi sana di na lang ako sumali at naghulog ng entry ko.”
“Tss. Let me correct you Miss, ikaw ang nasa silid ko.” Kaya pakiramdam ko parang sinampal niya ako o hindi kaya, binuhusan ako ng malamig na tubig. Pilit kong hinahanap ang aking salamin… Para kumpirmahin nga ang sinasabi niya. Di ako lumabas sa aking silid simula ng lumabas si Julius at Trisha. Anong nangyari…
Nataranta akong mangapa, ng bigla akong nahulog sa kama. Nagsanhi ng malakas na tunog dahil may natabing ako na ikinabasag ng vase. Palabas na sana ang lalaki ng muli itong napalingon sa akin.
“*Fuck.” Mahina niyang mura. Pilit kong bumangon ng siya mismo ang humila ng kamay ko. Kaya naman mahigpit akong napahawak sa kumot.
“Are you that really stupid?!” Sigaw niya. Hangang sa bumukas bigla ang pinto… At pareho kaming napalingon ng may mga lalaking pumasok. Nagulat yung lalaking nasa unahan ng makita kaming dalawa. “Damn you Michael!” Kaya agad itong napatalikod at inutusan ang mga kasamahan niyang magsilabas. Nahuli yung lalaking nakasalamin…
“Master Sayruz, di ko inaasahan na mainit pala ang naging gabi niyo. Akala ko kung ano na ang ginagawa niyo. Baka kako nagpakamatay na, dahil binigo ni Miss Sasa. Ahem.”
“What are you talking about?!” Saka kami nilayasan nito. “Michaelllllllll!” At hinabol niya ito.
Naiwan ako mag-isa sa silid. Nang mahaligilap ko na nga ang salamin ko. May basag… Dahil ba… walang-wala ako sa sarili ko ng may nangyari sa amin kagabi… Kaya nagkaganito ang salamin ko? Pero… alam kong mali talaga ang nangyari sa akin… Alam kong hindi rin ito panaginip. At nakumpirma ko ngang, hindi ito ang silid ko. Napakalaki nito kesa sa silid na mayroon ako dito. Napaka-elegante ng boung paligid. Para akong masusuka sa ginawa ko. Pumasok ako sa silid na hindi ko naman? Paanong nangyari to?!
Narinig kong nagkakagulo sila sa labas, kaya kinuha ko na ang pagkakataon para magbihis. Ngunit bumukas ulit ang silid.
“Sinasabi mong hindi mo ito kagagawan?! Paanong nakapasok ang babaing yan sa silid ko!” Sabay turo niya sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya. Yung lalaki na tinutukoy niyang si Michael, kinukwelyuhan niya. Pareho silang nakatitig sa akin. Mga mata nila na ang paningin sa akin, parang isang b****a. Ngunit binitiwan ng lalaki ang titig niya sa akin.
“Young Master---.”
“Ipaliwanag mo sa akin kung paa—.”
“Di ko rin alam kung bakit ako naririto.” Bigla kong singit. At di ko mapigilang umiyak. Nakita ko sa mesa ang cheque na hindi kinuha ng lalaki. Kinuha ko ito… at kahit nanginginig ang aking kamay… “At di ko rin matatangap to. Isa ko atang pagkakamali kung bakit ako naririto. Pasensya na.” Bahagyan pa akong napayuko sa lalaki habang nakaabot sa kanya ang kamay ko na hawak ang cheque. Nanginginig ako. Sobra. Parang panaginip na gusto ko talagang magising.
“Keep that.” Yung lalaki na pinakawalan na nga niya ang lalaking sini-sindak niya. Umiling ako sa harapan niya. Kung hindi man niya kukunin, inilapag ko na lamang ito sa mesa ulit. Nahihiya. At pakiramdam ko ang dungis-dungis ko. Anong ginawa ko sa silid ng isang stranghero?!
Pinulot ko ng madalian ang damit ko sa sahig, habang sila naiwang hindi makapagsalita.
“Lumabas ka nga muna, Michael.” Narinig kong sumara ang pinto. May hinahanap ako, ngunit hindi ko mahaligilap. Humarap ako sa kanya, yung kasamahan niya… wala na.
“Magbibihis lang ako. Mabilis lang.” Nanginginig ang katawan ko sa sobrang hiya.
“Sabihin mo sa akin, kulang pa ba talaga ang perang yan!” Bulyaw nito sa akin. “Kailangan ko masiguradong mananahimik ka dahil kapag may naka-alam sa nangyaring to. Masisira mo ang buhay ko!”
Nakatalikod ako sa kanya. Pumatak ulit ang luha ko. Diba ako ang masisira nito kay Julius? Di’ba ako ang nawalan? Bakit parang ako pa itong kailangan humingi ng kapatawaran?
“Oo, wag kang mag-alala. Promise wala akong pagsasabihan.” Yun ang salitang lumabas sa bibig ko. Di ko na kinayang magbihis sa silid niya ng tumakbo na ako palabas sa silid nito. Kahit nga nakapulupot lang ang kumot sa katawan ko, at pilit na niyayakap ang mga damit ko… pumatak parin sa sahig ang luha ko. napakalamig ng sahig, hindi dahil sa walang saplot ang paa ko, kundi sa nangyari sa akin. Wala akong mukhang ihaharap kay Julius.
Sinubukan kong walang mga matang makatitig sa mukha ko. Nang biglang may humila sa akin. Saka isinandal ako sa dinding. Narinig ko ang grupo ng mga taong paparating. Hinarang nito ang sarili niya para maitago nga ako.
“Di tayo magkakilala pero parang alam ko na ang pagkatao mo kaagad. Napaka-tanga mo.” Siya ulit. Yung strangherong lalaki. “Akalain mo, may pagkakataon ka naman magbihis muna, bago lumabas ng ganito? Gusto mo ba talagang mapahiya ang sarili mo?! Ako na mismo ang naawa sa buo mong pagkatao. Shit. I have no idea why I am doing this. Siguro dahil may nangyari sa atin. Kung ayaw mo tangapin ang pera, hayaan mo na iligtas ko muna ang sarili mo sa kahihiyan dahil pabaya ka. Michael~!”
Ngunit ang sumulpot dalawang babae. Nakayuko sila. “Tulungan niyo siya, hangang maayos siyang makalabas sa gusaling to.” Patalikod niyang inutos sa kanila. Hangang sa tinitigan niya ako ng madiin, at napa-ismid. Saka tumalikod na rin siya sa akin.
Sumama na lamang ako sa dalawang babae. Walang salitang lumalabas sa bibig nila… Hangang sa nakapagbihis nga ako ng maayos… ngunit, walang saplot ang aking paa. Nang bumukas ang pinto, at di ko inaasahan na muli kaming magkikita. Dala niya ang sapatos ko. Diretso siyang nakatitig sa aking mga mata. Ako na lang talaga ang mapapalunok dahil para siyang anghel na bumaba mula sa langit. Tahimik na lumapit sa akin, at mula sa aking paanan, nilapag niya ang sapatos ko. Naalala ko ang kwento ni Cinderella… At ganito ata ang naramdaman niya ng nahanap siya ng kanyang Prince Charming.
“Isuot mo. A good shoes take you good places. But who the hell purchased this shoes to you. Such a cheap. Let your man know that, giving a girl the right shoes will make her confidently conquer the world.” Nakatitig lang ako sa mga mata niya at halos ilang segundo kaming nagkatitigan. Nang ako na ang bumitaw at sinuot nga ang sapatos ko.
“Sigurado ka bang hindi mo kukunin ang pera? Kung sa tingin mo kulang yun, pwede ko naman bigyan ka ng blangkong cheque at ikaw na ang bahalang—.” Umalis na ako sa harapan niya. Lumabas na hindi man lamang pinakingan ang sasabihin niya. Hindi ako bayarang babae. Hindi. Di ako pinalaki ng mga magulang kong ganoon.
May importante akong nawala ngayong araw, at yun ang mahalagang bagay na dapat lang i-aalay ko sa aking mapapangasawa. Di ko alam kung may mukha pa akong ipapakita kay Julius. Di ko talaga maintindihan kung ano ang ginagawa ko sa silid na yun. Pinabayaan ba ako ng mga kasama ko pumunta doon?
Nagdadalawang isip ako bumalik sa aking silid. Ngunit kailangan dahil naroroon ang mga gamit ko. Pero di ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Julius. Magdamag akong wala sa silid diba? Anong sasabihin ko sa kanya? Nanginginig parin ang aking katawan. Bawat hakbang, napakabigat ng paa ko. Hangang nasa tapat na nga ako ng pinto. Di ko alam kung kakatok ba ako, o bubuksan dahil silid ko naman ‘to diba?
Kumatok ako… Ilang beses akong kumatok, at habang tumatagal nga lumalakas.
“Julius.” Mahina kong nabangit ang pangalan niya. Hangang sa napasandal ako sa pintuan. Tuliro ako. Natatakot akong harapin siya. Sobra. Nahihiya ako. Di ako marunong magsinungaling, kaya nga di ko maintindihan kung bakit maraming taong nagagalit sa akin. Akala ko ba kapag matapat ka, walang magagalit sayo?
Naninikip ang d****b ko. Naawa ako kay Julius dahil sa nangyari sa akin. Anong gagawin ko…
Pumatak ulit ang mga luha ko. Huminga ng malalim. Kailangan kong lakasan ang aking loob. Kahit sa sarili ko hindi ko mapaliwanag kung ano ba talaga ang nangyari. Huli kong alaala, hinatid na ako ni Julius at Trisha sa higaan diba?
Muli kong pinunasan ng mga kamay ko ang aking luha, saka nga binuksan ang pinto. Agad na hinanap ko si Julius… ngunit wala akong makita kundi ang magulong higaan… ang nagkalat na mga damit… Yung damit na hiniram sa akin ni Trisha. Pinulot ko ito… hangang sa makita ko ang mga pang-ilalim na hindi naman sa akin. Kay Trisha, pati ba yun, nakalimutan niya?
Narinig kong may gumagamit ng shower. Si Julius… baka naliligo siya. At muli na naman akong napapikit kung ano ang sasabihin sa kanya. Nang napamulat ako dahil may halakhak ng babae akong narinig… Lumapit ako sa banyo… Babae ang naririnig ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng lock ito… Natigilan din ang tawa ng isang babae.
“Julius…” Nagkaroon ng katahimikan. Di ko alam kung ano ang nangyayari sa loob. May kasama ba si Julius…
Nang kinabahan na ako. Napatitig ulit ako sa nagkalat na damit sa sahig… Kay Trisha at Julius… Saka ako napasinghap. May naramdaman akong ngayon ko palang nararamdaman. Ito ba ang sinasabi nilang galit? Kaya naman di ko na kontrolado ang sarili ko ng kumatok na ako sa pinto at umiiyak na tinatawag ang pangalan ni Julius.
Nang bumukas, kalahating hiwa lang ang binuksan ni Julius. “Babe… Naliligo ako.”
Napapasilip ako sa loob pero hinaharang ni Julius ang kanyang sarili. “Buong magdamag kitang hinanap Babe, saan ka ba nagpunta? At bakit parang… Magbibihis muna ako Babe at mag-usap tayong dalawa. May kailangan kang ipaliwanag sa akin diba?” Mga mata niyang nagulat biglang naging kampante sa sinasabi niya.
“Si Trisha?”
“U-umalis na. Pwede ba patapusin mo muna ako maligo—.”
“Pero… May narinig akong halakhak ng isang babae sa loob.” Biglang tumawa si Julius.
“Ganyan ba ang narinig mo? Ako yun? Halos mabaliw na ako kung saan kita hahanapin. Naghintay ako Angie sayo boung gabi. Ang sabi mo sasagutin mo lang sa labas yung tawag ng Mama mo, tapos hindi ka na bumalik. Saan ka ba nagpunta?”
Ganoon ba ang nangyari? Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi ko rin alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya.
“Baka naman Angie, may lalaki kang pinuntahan kagabi.” Na may ngisi sa kanyang mga labi. “Ano binigay mo na yung bagay sa kanya na dapat akin?”
Di ko man alam, biglang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Binigyan niya ako ng ngising ngayon ko pa lang nakita. Nandidiri siya sa akin. Parang alam niyang may nangyari sa akin. “Huwag mo akong sasagutin ng pag-iyak-iyak mo Angie, mamaya ipapaliwanag mo sa akin. At galingan mo, kung makukumbinsi mo ako, di kita iiwan.”
“Julius.”
“Para nga may chansa ka, at ipakitang pinagsisihan mo ang ginawa mo kagabi, ikuha mo naman ako ng agahan. Magpahanda ka. Sige na, hayaan mo na munang tapusin ko ang panliligo ko.” Saka niya sinarhan ang pinto.
Ni isang salita di ko alam ang sasabihin sa kanya. Di ko alam kung ano at paano ko ipapaliwanag ang nangyari. Ngunit wala akong magagawa kundi sabihin sa kanya ang bukod tanging alam ko. Na-aksidente ang pagkababae ko… May nangyari sa amin ng isang lalaking stranghero sa akin at di ko kilala.
Lumabas na ako ng silid. Nakayuko at wala man lang akong kagana-ganang humarap sa mga taong nagkakasalubungan ko. Hangang sa narinig ko na lang na…
“Ayun siya Michael!” Narinig ko na naman ang boses niya. At namalayan ko na lang napapaligiran na ako ng mga lalaking nakablock suit. Hangang sa humawi sila upang pagbigyan ng daan ang lalaking… ngayon lang nag-cross ang landas namin at sa isang iglap may nangyari sa amin kagabi.
“Hindi ka sa akin makakatakas.” At hinila nga niya ang kamay ko. Di na ako nakapagsalita ng kaladkarin niya ako, at nakarating kami sa isang hardin. Binitiwan niya ang kamay ko, at naupo siya sa upuan na hinila sa kanya ng isa sa mga tauhan niya.
“Have a seat Miss.” Yung lalaki na ang pangalan si Michael. Napa-iling ako sa kanya. Habang yung stranghero naupo ngang mala-principe at inilapag sa harapan niya ang kanyang tsaa.
“Akala ko ba tapos na yung pag-uusap nat—.” Natigilan ako ng biglang tumawa yung lalaking stranghero. Napayuko ang mga tauhan niya habang si Michael, bahagyang napapikit at napabuntong hininga.
“Pagkatapos mo hindi pakingan yung sasabihin ko sayo kanina, sa tigin mo ba natapos na ang pag-uusap natin?” Tinitigan niya ako, at eleganteng inabot ang tsaa niya. Napahigop.
“Ano pa ba ang kailangan ko mapakingan? May kailangan din kasi akong ayusin.”
“Ayaw mo ba muna maupo Miss?” Si Michael. Napa-iling muli ako.
“Nagmamadali ako.”
“Nagmamadaling ano? Kaya ba hindi mo tinatangap ang pera dahil tinangap mo na yung bayad sayo ng nag-utos sayo upang umakyat ka sa higaan ko? Malaki ba? Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sayo habang meron pa akong pasensya sayo. Alam kong biktima ka rin, pero magbabago ang isipan kong yan kung hindi mo sa akin sasabihin kung sino ang nasa likuran nito!” Bulyaw niya ng huling salita. Saka ipinikit niya ang kanyang mga mata.
“Katulad ng sinabi ko, wala akong maalala kung paano ako nakapasok sa silid mo. Lasing ako… Di ko alam kung sapat na ba yang paliwanag sayo para paniwalaan mo ako. Pero yun ang totoo. Kung nag-aalala ka man sa nangyari sa atin. Promise, walang makakaalam.”
Bilang tugon niya, humalakhak ulit ito. Napapalakpak, at tumayo sa kinaka-upuan niya. Nilapitan ako…“Alam mo bang may natangap akong tawag kanina na may hawak daw silang sex video natin, at ipapakalat nila kapag di ko ginawa ang kailangan nila!”
Nakakasindak ang boses niya lalo na kung paano manlisik ang kanyang mga mata.
“Si-sino?” Napapikit ito sa tugon ko. “Mister, talagang wala akong alam. Sex video? Wag naman sana.” Saka muli na namang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. “Dahil masisira ang pagkatao ko. Pagkatao mo rin. Talagang wala akong alam.”
“Wag mo nga akong inaartehan ng ganyan. Sh*t. Alam kong may alam ka kung sino ang gumawa nito.”
“Wala talaga!” Bigla ko na ring sigaw dahil di ko na makontrol ang emotion ko. Naguguluhan din ako sa nangyari. Sobra. “Please… gawin mo ang lahat basta wag lang kumalat ang video na yun.”
“Ahhh… Yan ang arte mo. Gusto mong gawin ko ang gusto nila. Yun ba ang huli mong mission?”
“Wala talaga akong alam sa pinagsasabi mo. Wala.” Saka muli akong tumalikod sa kanya, ngunit humarang ang mga tauhan nito.
“Di pa ako tapos Miss… Hindi mo ako madadala sa ganyan. At talagang tatalikuran mo ako ulit.” Kaya wala na akong nagawa kundi humarap sa kanya.
“Sabihin mo sa akin anong gusto mong sabihin ko sayo. Sabihin na may alam ako, at di ko nga alam. Sinasabi ko sayo ang totoo… wala akong alam.” At tuluyan na naman itong tumawa. Baliw na ata siya. “Nagsasayang lang tayo ng oras Mister. Nalaman mo na ang dapat niyo malaman. Kung dahil ito sa mga kaaway niyo kung bakit may nangyari sa tin, ibig lang sabihin kayo talaga ang may kasalanan. Inosente akong nadamay sa problema niyo Mister. Kaya siguraduhin niyong wag na wag kumalat ang video kung meron man.”
Nagkatitigan kaming dalawa. Di niya alam ang sasabihin, kaya napayuko na lamang ako. “Kung wala na kayong sasabihin, hayaan niyo akong maka-alis na. Panghahawakan ko ang pangako ko.”
At tumalikod ulit ako sa kanya. Nang may tumunog… Kilala ko ang ringtone ng phone ko. Ang voice record ni Chin at Tin na uma-awit sila pareho. Kinuha ko sa bulsa, at ang tumatawag… Nanay ni Julius. Bigla na namang nataranta ang puso ko. Anong dahilan para tumatawag ang Mama ni Julius sa akin? Huminga ako ng malalim, ng di ko magawang sagutin, dahil nakapaligid parin sila sa akin, lalo na ang stranghero.
“Sagutin mo.” Utos nito sa akin. “Baka yan na ng employer mo diba? Baka nilagay na sa account mo ang pinangakong pera para sayo.”
Napa-iling ako sa kanya. Ngunit sinagot ko ang tawag at sinadyang i-loudspeak ito para marinig nilang lahat.
“Mrs. An, napatawag po kayo.”
“Angie, hiwalayan mo sa lalong madali ang anak ko! Isa kang malandi! Niloloko mo ang anak ko! Walanghiya ka! Hiwalayan mo ang anak ko. At hindi ko makita ang pagmumukha mo! Bilang nanay ni Julius nasusuka ako sa kahayupan mo! Akala ko pa naman napaka-inosente. Sobrang hinhin… Pero ano itong kumakalat sa internet! Mukha mo na nakipagtalik sa isang mayamang lalaki! Ano?! Nagkulang ba ang anak ko sayo para gawin mo to! Walanghiya ka! Hiwalayan mo ang anak ko! Diyos ko naman Angie! Di nababagay sa anak ko ang isang kagaya mong p****k!”
Ni isang salita sa sinabi ng Auntie… parang binabangungot parin ako. Napakabait ni Mrs. An sa akin. Ngunit ano itong naririnig ko… Napatitig ako sa mga mata ng stranghero… Mga mata nito, hindi rin alam kung ano ang gagawin.
“Hindi ako papayag na madungisan ang napakagandang pangalan ng pamilya namin Angie dahil sayo. Kaya paki-usap hiwalayan mo ang anak ko!”
“Mrs. An…”
“Ah! Huwag mo nang susubukang magpaliwanag. Nakakadiri kang babae ka!” Nang biglang hinablot ng stranghero ang phone ko saka nito sa harapan ko binasag. Napapikit ako sa ginawa niya at ang ilang bubog tumalsik sa akin.
“Michael! Ano pa ang ginagawa mo!” Gigil nitong utos sa lalaki. Habang ako, nanatiling nakatulala sa wasak at nabasag kong phone. “*Fuck!”
@DeathWish
Chapter 3: I’m not Slut (Angie POV) Nang magising ako sa katotohanan na, yung binasag ng lalaki… Yun ang regalo ni Mama sa akin ng makapagtapos ako sa kolehiyo. Nataranta akong pulutin ito, at di namalayan na basang-basa na talaga ang pisngi ko ng aking luha. Lahat ng bagay na ibinibigay sa akin ng mga mahal ko, pinapahalagaan ko. Bakit kailangan pa basagin ng lalaking to ang phone ko. Umangat ang paningin ko sa kanya. Siya naman, napapasabunot sa sarili, hangang sa napatitig siya sa akin. Nang biglang kinampihan ng ulan ang aking luha, lalo na… ang hardin na’to wala namang bubong. “Anong ginawa sayo ng phone ko… Bakit mo binasag!?” Nangangalaete kong tanong sa kanya. May nagtangkang payungan siya ng tinulak niya ito palayo sa kanya. Hinayaan niyang mabasa rin ang sarili. “Di naman yan mamahalin para mangalaete ka ng ganyan Miss. Kahit ilang unit ng phone at kahit yung mamahalin pa, kayang-kaya ko ibigay sayo!” “Nagkak
Chapter 3 (2) I’m Not Slut (Angie POV) Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito. “Ayokong may manakit sa kanila.” “Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero. “Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa
Chapter 3 (3) I’m Not Slut (Angie POV) “Talo ka na Pre.” Si Julius. “Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!” Biglang tumawa ang katabi ko. Ang mga tao sa paligid namin, nakatitig na rin sa akin. Sobra akong nahihiya. “My dear open it.” Ulit niyang utos sa akin. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko nang ipakita sa kanila… Napapikit ako… Muling tinanong sa nakakataas kung talaga bang deserve ko na mapahiya ng ganito. Na talaga bang ang malas-malas ko. Sana naman ang kamalasan ko hindi ko nahawaan ang kasama kong stranghero na gusto lang naman niyang bigyan ako ng hustisya. Yung kagustuhan niya, ay sapat na sakin, pero sana hindi na niya ito ginawa. “Trust me.” Napatitig ako sa kanya… at napatango ako. Nang binuksan ko… napahiyaw ang dalawa sa tuwa… at napatitig ako sa kanila… Panalo ba silang dalawa? P
Chapter 3 (4) I’m Not Slut (Angie POV) Hinatid ako ng driver sa aking nirerentahang apartment na mas mura nga kesa sa apartment na kinuha ni Julius. Mas minahal ko nga siya kesa sa sarili ko. “Angie!” Biglang bungad sa akin ng custodian. “Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap ka.” “Po? Bakit po?” “Walang sinabi pero galit na galit. Siguro dahil sa nagkalat na sex scandal kaninang umaga. Hindi ka yun diba? Medyo kasi malabo na ang paningin ko. Alam ko naman na hindi mo yun magagawa. At sabi mo may seminar lang kayo, kaya di talaga ako naniwala na ikaw yun. Sinabi ko sa Papa mo na umattend ka ng seminar, hindi naniwala. Kaya sinabi niyang umuwi ka daw sa inyo. Lasing na lasing ang papa mo nang pumunta dito.” Bigla akong natigilan. Napasugod si Papa dahil sa… Kaya pumara ulit ako ng taxi, at kailangan ko umuwi para nga linawin sa kanila na… Yun ang totoo, naaksidente ako. Ako pa naman ang panganay na babae at baka m
Chapter 4 The CEO is Coming (Angie POV) “Angie, siguraduhin mong ma-encode lahat ng kailangan sa meeting bukas. Pati yung sasabihin ni Manager Peng.” Napatango ako sa katrabaho ko na pinatungan nga ulit ang tambak na folder sa mesa ko. Saka ang monitor ko… puno na ng sticky notes. Di pa sapat ang monitor, pati yung dingding ng dingding na humahati sa katabi ko. Halos di parin nagbago nga ang ikot sa opisina at lalong lumala. “Angie, di pumasok yung janitress, maari mo bang linisin muna yung restroom?” Medyo di maganda ang gising ng supervisor namin at di ko naman maaring tangihan. “Sige po.” Kaya binitiwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta na nga sa restroom. Habang kinukuha ko yung panlinis sa may pinakadulo ng restroom, at may dalawa ngang babae na abala sa harapan ng salamin. “Siya ba ang maglilinis? Kawawa naman.” Ani ng isang babae. “Sus. Wag ka dyan maawa. Nararapat lang yan sa kanya. Malandi yan. Alam m
Chapter 5 The Unexpected Pregnancy(Sayruz POV)Bumukas ang elevator at tumampad kaagad sa paningin ko ang babaeng napakaraming dala. May dumaang mga lalaki sa kanya, at mga bastos, ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Anong klase silang mga lalaki. Bwisit.Nang kukunin ko sana ang pansin ng mga bastos ng biglang nawala sa balanse ang dala ng babae dahilan upang sinalo ko siya bago pa man ito bumagsak sa sahig. Ngunit di ko inaasahan na ang mukha niya… pamilyar sa akin. At di ko rin inaasahan na muling magku-cross ang landas namin. Sa katunayan nga… di ako pupunta dito, kung di lang dahil sa pangungulit nga ng matanda. At kung may anong enerheyang humihila rin sa mga paa ko.Pero ang di ko maintindihan… Kung bakit ng makita ko mukha ng babaing ‘to… ay parang napawi ang uhaw ko sa loob nitong nakaraan na buwan. Natatawa ako sa sarili ko. Ngunit ang babaing ‘to ngayon… wala ngang ma
Chapter 6: Escaped(Angie POV)Easter Sunday, at nasa parke ako. Masaya ang mga bata na nagtatakbuhan at abala magsihanap ng mga nakatagong itlog. Meron akong dalang basket, at di ko maintindihan kung bakit parang kasali ako sa larong to. Hangang sa may nakita nga akong itlog. Kinukuha ko ang pansin ng ilang bata para ituro ang itlog na nakikita ko, ngunit sadyang hindi ata nila ako napansin. Kaya lumapit na lamang ako at aktong pupulutin ko ng biglang inunahan ako… Umangat ang paningin ko kung sino man ang pumulot…Isang lalaking matipuno… at talagang pamiliar sa akin. “Sa tingin mo, kailangan mo ba talaga ng itlog na’to?”At naalala ko ang mukha niya… Yung stranghero! Ngumisi siya sa akin at bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari.Kaya bigla na lamang ako napabalikwas ng bangon… Naghahabulan ang aking hininga dahil nga sa mga mata niyang nakakamatay.Ng
(Angie POV)“Anong resulta?”Parang pinaglalaruan ng kaba ang puso ko.“Master Sayruz, Madame Sunshine… Sumailalim sa mahigpit na pagsusuri ang dugong kinuha namin kay Ms. Reblando, at ang resulta…” Biglang hinablot ni Sayruz ang folder na hawak ng doktor…“Pa-suspend masyado kayo.”“Tsk! Ikaw tong patagal masyado Sayruz. Ano ba ang sabi riyan?” Binuksan ni Sayruz ang folder…“Positive.” Parang binasa lang niya… At si Grandma sa narinig niya sa sariling apo… biglang tumalon sa tuwa at tumakbo sa kinalalagyan ko para yakapin ako. Habang kami ni Sayruz… nagkatitigan. Parang hindi pa nga pumapasok sa isipan niya na buntis ako. Hangang sa nabitiwan niya ang folder, at natawa na parang hindi siya makapaniwala.“Sigurado ba kayo?!” Harap niya sa mga doktor… Natahimik ang mga ito, at lumingon ulit s
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon