(Angie POV)
Dalawang taon na kaming magka-relasyon ni Julius. Nakilala ko siya sa unibersidad namin. Talaga namang tagahanga niya ako. Matalino, isang atleta at siya pa ang Student President sa campus namin. Maraming nagkakagusto sa kanya at hindi lang ako. Pero sa dami ng babaeng magkandarapa sa kanya, ako yung maswerteng pinili niya. Di ko alam kung ano ang nakita niya sa akin. Mas magaganda naman yung mga babaeng naghahabol sa kanya kesa sa akin. Pero ako talaga ang pinili niya. Biyaya na sa tingin ko pinagtadhana nga talaga kaming dalawa. Naniniwala ako sa tadhana. Napakabait niya sa akin.
Nasa probinsya ang kanyang mga magulang habang siya naman nangungupahan at naghihintay ng result ng board exam niya. Parang tanga man pakingan, ngunit ako ang nagbabayad ng upa niya. Minsan pinag-gogrocery ko pa siya at lahat ng maibigan niyang bagay na nais niyang bibilhin, sinusupresa ko siyang mabili ko ito.
Bakit ko ito ginagawa?
Kasi yung sahod niya bilang apprentice ng isang attorney sa Legal Department ng kompanyang pinapasukan ko rin ay nilalaan niya para sa plano namin. Magpapakasal, sasakyan at ang condo unit na pareho naming binabayaran para matirhan namin kapag naisipan na nga naming lumagay sa tahimik.
Tinutulungan ko siya dahil meron siyang plano sa aming dalawa. Alam ko malaki-laki na din ang ipon niya. Ako kasi nauubos din ang sahod ko sa pagiging Assistant Admin Secretary ng Leasing Department. Napakarami ng boss ko doon. Kaliwa kanan ang mga utos na kung minsan hindi na pasok sa description ng trabaho ko. Kahit pagpapalabada ng damit, inuutos sa akin. Ngunit malaki ang pinapasalamat ko sa trabahong to. Kahit paano na-itatawid ko ang ilang bayarin sa bahay namin, at medyo tipid ako sa aking sarili pagdating sa allowance ko. Kaya nga siguro, napaka-liit ko lang na babae. Manang kung tignan at dahil maagang napahilig sa pagbabasa ng libro noon, nagkaroon ng depekto ang aking mga mata, kaya ngayon nakasalamin ako na halos sumasakit ang ulo ko kapag nakakalimutan ko isuot. Napaka-manang ko man sa paningin ng ibang tao, wala akong paki-alam basta ba ang ayos kong to ay sinabi ni Julius An ang cute ko. Sapat na yun para di ako makinig sa ibang tao.
Ngayong araw ang ika-dalawang taong anniversary ng relasyon namin ni Julius. Kunti lang ang nakakaalam… Yung bestfriend ko lang ata na si Trisha. Kalimitan nga sila palagi ang kasama ko kapag lumalabas. Oo, palagi naming kasama si Trisha. Kung mahuli man ako ng dating sa tagpuan namin, nadaratnan kong magkasama silang dalawa. O kung ako man yung maaga, magkasama silang dumarating. Supportado yan si Trisha sa aming dalawa.
Malungkot nga ako na wala akong pera na may magawa man lang supresa para kay Julius sa pangalawang taon namin. Sinabi din sa akin ni Trisha na malulungkot si Julius kapag di ako nag-effort na bigyan ito ng regalong hindi niya makakalimutan.
“Ikaw din, baka mawala niyan sayo si Julius. Remember, maraming umaaligid-aligid na babae sa gwapo mong boyfriend. At dalawang taon ka nang pakipot kay Julius.”
Sa inaalagaan ko nga ang aking pagka-birhen at plano ko talagang ibigay ito kapag ikinasal na kaming dalawa ni Julius. Ngunit sa tingin ko wala na talaga akong magagawa.
“Bes Angie, noong panahon pa ang prinsipyong yan. Hahayaan mo na lang bang manlaway si Julius sa ibang babae? At alam mo ba kapag may nangyari sa inyo ni Julius, talagang titibay ang pundasyon ng relasyon ninyong dalawa.”
Wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa plano ng aking kaibigan.
“Pero wag niyo naman gawin sa apartment niya Bes. Wala kayong privacy doon. Plus, alam mong special ang pagiging virginity mo, dapat makuha niya yan sa magandang lugar. Yung mafefeel mo nasa heaven ka? Ganito na lang bakit hindi mo pag-ipunan at sa five-star hotel niyo gawin yan?”
Di ko masabi sa kaibigan ko na wala akong sapat na pera para nga gawin ang sinabi niya. Pero isang hulog sa langit ang isang araw sa pagsakay ko sa bus. Nakita ko sa estante ang isang magazine na may… Free accommodation sa isang sikat na Five-star hotel dito sa lugar namin kapag… Binili ko na para mabasa ko ang boung detalye.
Labis akong natuwa dahil madali lang ang pagsali sa contest nila. Bibili ka ng special card para sa darating na valentine’s day sa brand na naka-sponsor sa contest. Tapos magsusulat ka ng Pagpapahayag ng pagmamahal mo para sa isang tao. Kung sino man ang may sulat na mas nakaka-antig at nagmula sa puso, siya ang mananalo. At ang mapapanalunan ay dalawang passes para sa libreng accommodation sa Hotel na merong presidential suit at service.
Kaya di na ako nagdalawang isip na bumili ng Valentines Card sa isang malapit na convenience store. Sana ako ang mapili nila dahil ito na lang talaga ang aking pag-asa. Tadhana nga naman, gagawan ako ng paraan para mapasaya ko si Julius An.
At heto nga ako ngayon, nagawa ko. Ako ang nanalo. Napakabait talaga ng tadhana sa amin ni Julius. Pero kahit paano, madami rin akong ginastos para lang di makalimutan ni Julius ang gabi naming dalawa. Isang mamahaling seductive perfume, plus itong lingerie na kasama ko pa nga si Trisha bumili nito. Sobra kasi akong nahihiya. Pero nakita ko rin na bumili si Trisha ng mas daring na lingerie para sa kanya. Di na ako nagtanong kung para saan. Saka alam namin mahal yung mga room service sa Hotel kaya pinilit kong ma-ipuslit ang alak na sabi ni Trisha mas gaganahan si Julius kapag meron noon. Ang mahal… at lahat ng perang pinagbili ko ay halos isang buwan kong sahod. Saka inaalala ko kung paano ko babayaran yung upa ni Julius. Yun ang gumugulo ngayon sa isipan ko.
Nauna akong dumating sa hotel para ayusin ang silid namin ni Julius. Ang ganda ng silid namin. Pang-mayaman ng husto. Nilapag ko sa kama ang maletang dala ko. At bahagyang nalunok laway ako sa lingerie na isusuot ko mamayang gabi. Wala akong alam kung paano yun gagawin, pero bahala na. Tiwala naman ako sa sinabi ni Trisha.
Yung alak… Inilabas ko at nilapag ko sa mesa kasama ng dalawang wine glass. Kakain na lang kami ng hapunan sa dining hall at naka-reserved na rin ang mesa para sa amin. May isang bouquet din ako ng bulaklak… Noong bata ako, simple lang naman ang hiling ko sa future na manliligaw ko na kahit man lang isang bouquet ng bulaklak mabigyan ako at talagang masusupresa ako ng husto. Pero si Julius never niya ako binigyan ng bouquet. Pero ayus lang dahil sobrang biyaya na sa akin ang maka-relasyon ang isang kagaya niya. Sa tuwina naman, kinakantahan niya ako at siya palagi ang nagpapalakas ng loob ko. Kaya wala na akong hahangarin pa sa kanya.
Nang biglang tumunog ang phone ko. Ang hinihintay ko, si Julius.
“Babe, sa tingin ko kailangan mo munang bumaba dito.” Dahil nakarehistro narin naman ang pangalan niya. Hindi ba siya pinapasok?
Wala na akong nagawa kundi bumaba at puntahan siya sa reception desk. Sa loob ng elevator na gawa sa salamin, namangha ako sa nakita ko sa ibaba… Abala ang mga tao sa pag-ayos ng lugar para sa isang special na occasion ata. Isang napakalaking air balloon sa di kalayuan ng stage ang pilit nilang itinatayo. Kung para kanino man yung supresa, alam ko masusupresa siya ng husto.
Gusto ko man hilingin na balang araw masupresa ako ng ganoon, pero dapat lang maging kuntento kung ano ang maibibigay lang ng taong mahal mo. Normal na babae lang ako, kaya dapat para lang din ako sa normal na lalaki. Pero si Julius sobra-sobra para sa akin. Kaya wala na akong hihilingin pa.
Nang bumukas ang elevator, tumampad ang paningin ko sa isang lalaking… ibinaba ko na lang ang aking paningin. Lumabas ako at halatang nagmamadali silang pumasok.
…yung mga mata niya, nakikita kong mapagmahal siyang tao at masayahin din.
Malayo pa nga ako sa reception desk ng makita ko ang dalawang tao na pamiliar sa akin. Mali ba ako sa nakikita ko? Kasama ni Julius si Trisha?
“Babe!” Kaway sa akin ni Julius, at napangiti din si Trisha sa akin ng makita ako. Lumapit ako sa kanila…
“Anong problema?”
“Angie, nagkataon na wala pa dito yung kasama ko mamaya. Alam mo na.” Napakindat siya sa akin. “Hindi pa siya nakapag-reserved ng kwarto para sa amin. Kung maari maki-tuloy muna ako sa inyo? Promise, aalis naman ako kaagad kapag dumating siya.”
Napatango ako kahit nagdadalawang isip ako.
“Kung ganoon babe, kailangan mo munang bayaran ang entrance fee niya dito.” Ani ni Julius.
“Babayaran na rin kita mamaya o bukas.”
“Ah ganoon ba. Pero di ko sigu—.”
“Wag mo naman Bess sabihin na wala kang pera. Nakakahiya.” Akbay sa akin ni Trisha at binulong nga yun sa akin. Wala na akong nagawa kundi kunin ang debit card ko… at sana man lang di nga ako mabaon sa utang sa ginagawa kong to.
Masaya ngang pumasok ang dalawa sa elevator. Nahuli ako kaya ako itong nasa harapan ng pinto, habang yung dalawa sa likuran ko, kahit nga napakalaki naman nito para sa aming tatlo. Nang bumukas ang elevator sa 7th floor, tinignan ng isang lalaki ang espasyo, pero napatango na lang sa akin na ibig sabihin tumuloy na kami sa pupuntahan namin dahil hindi sila magkakasya. Napansin ko lang na nagkalat sa palapag na yun ang mga lalaking naka-black suit. May kanya-kanya silang earpiece na parang may VIP guest silang binabantayan.
Bago ko ma-isara narinig ko ang isang utos na… “Make sure na di mapansin ni Miss Sasa ang pinaplano ni Master Zayrus na pagtatapat sa kanya.” At may mangyayari talagang proposal. Ang sweet naman. Napatitig ako sa aking palasingsingan, wala paring singsing kahit nga may boyfriend ako. Habang si Trisha, kumikislap ang singsing nito. Napakaswerte niya kung sino man nga ang kanyang kasintahan.
“Saang room kayo Angie?” Gising sa akin ni Trisha at si Julius na nga rin ang nagdala ng bagahe niya.
“Uhmm Room 906.”
Pagdating namin sa silid… agad nakita ni Trisha ang hinanda kong mesa, kaya itinabi ko na muna. “Buti na lang di mo pa ginawang romantiko ang silid na’to Angie.” Bahagyan akong namula sa kumento ni Julius. “Kundi masisira ang supresa mo.”
Saka tumawa ang dalawa.
“Ang lambot ng higaan Julius!” Si Trisha na nakahiga na pala.
“Sa sobrang lambot niya, mamayang gabi baka isipin mo nasa ulap ka at yumuyugyug.” Sinabi ni Julius ngunit natigilan siya.
“Syempre boyfriend ko ang may gawa. Sa tingin ko ganito ring silid ang kukunin niya. Mabuti pang kabisaduhin ko na.”
“Sigurado yan.” Segundo ulit ni Julius.
Normal lang ito sa akin, dahil kalimitan na kasama ko sila, tahimik lang talaga ako. Napaka-mahiyain ko. Ngumingiti na lang ako sa kanila. At kita ko naman kay Julius na ayos lang ang pagkatao kong to sa kanya. Sinabi pa nga niya sa akin, wag na wag akong magbabago. Kasi itong ugali ko ang nagustuhan niya.
“Alam mo ba Bess hindi lang pagkukulong sa silid na ito ang dapat mong subukan. Maraming magagandang amenities ang lugar na ito. At talagang mag-eenjoy tayo!”
“Babe, subukan natin. Since nga andito na rin naman ang pagkakataon, bakit di natin subukan.”
“At…”
“Sa casino babe.”
“Ay wag doon Julius.” Singit ni Trisha. “Mapapahiya lang tayo dahil wala nang pera si Angie.”
“Wala ka na bang pera?”
“Uhmmm…”
“Yung debit card mo. Magkano ang maximum niya? Baka dumuble ang pera mo Angie kapag sinubukan natin.” Gusto kong umiling dahil… di ako naniniwala sa swerte ng sugal. Ngunit nakikita kong magiging masaya si Julius kapag sinang-ayunan ko siya sa nais nito. Kaya may ngiti sa aking labi na napangiti ako.
“Ayun! Talagang napaka-swerte ko sayo Babe!”
“Napakabait mo talaga Bess. Tara! Nang masubukan natin ang swerte ni Angie.” Ngunit imbes na ang kamay ko ang kunin ni Julius, yung kamay ni Trisha. Nagkamali ba siya?
“Julius.” Kuha ko ng attention nila bago pa sila makalabas sa pinto. Saka nagkatitigan sila at itinulak ni Trisha pabalik si Julius sa akin.
“Ay heto pala ang kamay ng babe ko.”
Pumunta nga kami sa Casino pero sa pinto pa lang natigilan na kami. Parang merong dress code at halatang mga mayayaman lang ang maaring pumasok.
“Makakapasok ba tayo? Saka tignan mo Julius…” May itinuro si Trisha na nakasulat… Ang tanging makakapasok lang yung talagang VIP guest sa Hotel na’to. “Ibig sabihin di ako maaring pumasok.” Napatameme si Trisha. Dahil kami lang ni Julius ang maaring pumasok.
Bumalik kami sa elevator para nga magpalit ng damit. May damit ako na nakahanda para sa hapunan namin ni Julius at parang maari ko rin yun isuot ngayon.
“Bess… Kakapalan ko na ang mukha ko. Baka kasi nandoon lang yung boyfriend ko sa loob ng Casino, di rin niya ako makontact kasi lowbat yung phone ko. At sinubukan na namin ni Julius kanina tawagan di niya matawagan kasi naka-block siya. Nagseselos kasi ang boyfriend ko kay Julius kaya nakablock siya. Uhmmm… Maari bang ako na lang ang sumama kay Julius?”
“Oo nga Babe. Pagbigyan mo na ang bestfriend mo at magiging maid of honor mo. Saka mahihiya ka lang sa loob ng casino. Matao doon. Kilala kita Babe napakamahiyain mo. Which is okey naman sa akin. Saka alam kong pagod ka. At kailangan mo na munang magpahinga. Alam mo na may gagawin tayo mamayang gabi.” Bigla akong namula.
Ulit… napapayag ako. Since nga tama naman ang sinabi ni Julius. Mahihiya lang ako at concern siya sa akin upang isipin na magpahinga muna ako.
Pero naisipan din ni Trisha isuot ang damit ko. Yung damit ko naman alam kong may kalakihan sa akin, pero parang binili ko lang para kay Trisha dahil tamang-tama sa kanya.
“Pahiram ng alahas mo ha.” Nakita pa niya yung jewelry box na binigay sa akin ni Mama noong debut ko. “Saka hetong sapatos mo.” Di na ako nakapagsalita ng isinuot niya.“Wow. Ang ganda mo sa suot mo Trisha.” Si Julius na nakapagpalit na rin. Ang gwapo niya sa suit na binili ko sa kanya. Ang suit na gagamitin niya sa pictorial kapag nakapasa nga siya sa Board Exam.
“Bagay tayong dalawa Julius!”
“Hahaha. Maid of honor ka lang namin syempre ni Angie. Diba Angie?” Nagawa ko na lang… napathumbs up ako sa kanilang dalawa. May ngiti sa labi ko ngunit… parang may mali akong nararamdaman. Alam kong hindi ito maganda… Mabigat sa pakiramdam. Ngunit kasintahan ko si Julius at si Trisha naman ay bestfriend ko, kaya dapat lang meron akong tiwala sa kanilang dalawa, kasi sila yung nagpapalakas ng loob ko.
“Babalik kami Angie na mayaman ka na.”
“Balik kayo kaagad. Maghahapunan na. May…” Ayoko man sabihin… “May naka-reserved na hapunan sa ating dalawa, Julius.”
“Wow. Mahal talaga ako ng babe ko. Si Trisha di mo ba isasama?” Di ko alam ang sasabihin ko.
“Ano ka ba Julius, syempre para sa inyong dalawa yun. Babalik kami kaagad Angie.”
Umalis silang dalawa na magkahawak-kamay na hindi ata nila namamalayan. Bigla akong pinagpawisan ng malamig at nanginginig ang aking katawan. Ayokong umiyak. Mali ang iniisip ko. Mali. Para nga di ako mag-isip ng masama sa kanila, kinuha ko na lang yung laptop ko at sinubukan ilaan ang focus ko sa trabahong kailangan ko tapusin sa araw na ito. Kaya wala din pala talaga akong oras para samahan si Julius.
Pero natapos ko na gawin yung ginagawa ko hindi parin sila bumabalik. Madilim na rin sa labas… mailaw. Napakaganda ng tanawin sa silid na’to, kitang-kita ang boung lungsod. Napatitig ako sa orasan… Six-twenty-two. Walong minuto na lang…
Pupuntahan ko na sana sila ng bumukas ang pinto…
“Angie…” Pilit na ngiti ang inabot sa akin ni Julius at napakamot pa sa kanyang ulo. May sasabihin sana siya sa akin ng hinila ni Trisha ng palihim ang kamay niya.
“Nanalo kami ng kunti at alam naming nasa card mo na.” Si Trisha na ang nagpatuloy. “Alam ko Bess makakatulong sayo ng husto kung mababayaran ni Julius sayo ang mga ginastos mo dito. Kaya…”
“Gutom na ako… Mabuti pang kumain na lang tayo. Diba nakapagpa-reserved ka na Angie?” Napatango ako. Nakita kong isinilid pabalik ni Trisha sa bulsa ni Julius ang card ko.
“Ngunit…” Nakalimutan ba nilang kami lang ni…
“Ano pala Bess, pahiram muna ng damit na’to. Hazzle na kasing hubarin. Kung gusto mo ipapadala na lang natin yung pinareserve mong dinner date dito sa silid. Para pati ako makakain. Wala pa talaga yung makakasama ko ngayon.” Si Trisha.
“Alam ko Angie na para sa atin yung dinner date, pero mas komportable na dito na lang tayo kumain diba?”
“Oo nga Angie.” segundo ulit ni Trisha. Dahil nakikita ko naman na masaya ngang kumain na lang kami sa silid, napatango ako. Napakontact na ako sa ibaba na ipadala na lang yung ni-reserved ko.
Nang dumating, masaya ko ngang inayos yung magiging hapag namin sa Terrace. Napakaganda ng gabi at may kalamigan ang hangin. Bumalik ako para yayain na ang dalawa, ng madatnan ko ngang parang may hindi sila mapagkasunduan. Natigilan lang sila ng makita ako. Bahagyang nahiya pa nga ako sa kanila kaya wala akong magawa kundi ngumiti.
“Kain na tayo.”
“Mabuti pa nga.” Si Julius na bumangon na sa pagkahiga sa sofa. Sumunod na rin si Trisha papunta sa Terrace. Masaya kaming kumain. Nag-uusap silang dalawa habang ako mas pinili kong manahimik at tumango na lang kapag hinihingi nila ang opinion ko. Dahil di ko alam kung bakit dalawang taon na kaming nagsasama-sama, nahihiya pa ako sa kanila. O sadyang ito ang ugali ko.
“Yung wine! May binili kang wine diba Angie?” Muli na naman akong napatango kay Trisha.
“Uhmm. Kukunin ko lang.” Kaya tumayo na ako sa pagkaka-upo ko. Kinuha ang alak na para sana sa amin ni Julius. Nang maalala ko ang sinabi ni Trisha nang binili namin ‘to na malakas to makalasing. Maari ba naming inumin itong tatlo? Saka di talaga ang umiinom ng alak…
Bumalik ako na parang may binubulong ang dalawa sa isa’t-isa. At tumayo na nga si Julius para kunin ang dala ko at siya mismo ang nagbukas noon. Tumilamsik yung ilang bula sa akin, pero masaya naman dahil lahat kaming naririto ngayon sa Terrace masaya.
Yung wine glass na hinanda ko para sana sa amin ni Julius, si Trisha ang aksidenteng gumamit ng akin. Kaya yung naturang baso lang ang gamit ko. Di na lang ako umimik. Nang bigla nila akong dalawa gustong uminom. Nagdadalawang isip man, at naalala ko ang sinabi sa aking ng aking ina, na kapag may alak, may balak…
Sorry Ma, kung maari hayaan niyo munang gawin ko ‘to. Saka mga malalapit na tao rin naman sila sa akin. Mapagkakatiwalaan.
“Cheers!”
“Go Angieeee!” Si Trisha. Kaya ininom ko na nga ang ibinigay sa aking inumin ni Julius. Hindi lang isang beses akong napatagay, halos di ko na mabilang. Di ko alam kung umiinom ba yung dalawa. Pero ang klaro pa ng mga salita nila. Parang hindi pa sila lasing, habang ako… ang sakit na ng aking ulo; umiikot na rin ang aking paligid. Di ko na nakayanan itinukod ko na sa mesa ang siko ko at pilit na sinasalo ang aking ulo. Nang binigyan ako ni Julius ng maiinom ulit…
Nais kong tumangi… Pero mapilit sila. Kaya ininom ko. Bago umikot ang paningin ko, naramdaman kong inakay na ako ni Julius. May sinasabi silang dalawa sa isa’t-isa ngunit wala na talaga akong naintindihan pa. Dahil nga hilong-hilo na ako…
“Julius, pahingi ng pabor… Maari mo ba akong ihatid sa higaan… Parang di ko na kayang… maglakad. Umiikot na ang paligid… At sobrang init ng nararamdaman ko…”
Yun ang huli kong mga salita… At ang naalala ko, mag-isa kong kinapa sa madilim na silid ang higaan. Di pa nga ako makakahiga ng maayos ng matutumba sana ako kung hindi sa bisig na sumalo sa akin. At ang akala kong si Julius ang kasama ko… ay mali ako… Kundi ang strangherang to!
@DeathWish
(Angie POV) “I will give you five million dollars to keep silent about this night.” Inilapag niya sa mesa ang cheque. Anong ibig niyang sabihin? Tumalikod na siya sa akin para lumabas sa silid. “Teka lang!” Natigilan siya sa paglalakad. Hinihintay ang susunod kong sasabihin ngunit di ko mahanap ang aking boses. Hangang siya na nga itong nagsalita. “Don’t tell me Miss, hindi pa sapat ang perang yan.” Nanginginig ang buo kong katawan. Ang lamig ng boses niya. Sa tingin ba niya isa akong bayarang babae? At biglang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. “Nagkakamali ka sa inaakala mo.” At bago pa man siya humarap sa akin, pinunasan ko ang aking pisngi. Malabo ang paningin ko, at medyo nga nahihilo ako. Kailangan ko ang aking salamin, ngunit di ko alam kung saan ko ito hahanapin. “Paano ka nakapasok sa silid ko?” Naitanong ko sa kanya. “Kasama pa ba ito sa mapapanalunan ko na may… Edi sana di na lang ako
Chapter 3: I’m not Slut (Angie POV) Nang magising ako sa katotohanan na, yung binasag ng lalaki… Yun ang regalo ni Mama sa akin ng makapagtapos ako sa kolehiyo. Nataranta akong pulutin ito, at di namalayan na basang-basa na talaga ang pisngi ko ng aking luha. Lahat ng bagay na ibinibigay sa akin ng mga mahal ko, pinapahalagaan ko. Bakit kailangan pa basagin ng lalaking to ang phone ko. Umangat ang paningin ko sa kanya. Siya naman, napapasabunot sa sarili, hangang sa napatitig siya sa akin. Nang biglang kinampihan ng ulan ang aking luha, lalo na… ang hardin na’to wala namang bubong. “Anong ginawa sayo ng phone ko… Bakit mo binasag!?” Nangangalaete kong tanong sa kanya. May nagtangkang payungan siya ng tinulak niya ito palayo sa kanya. Hinayaan niyang mabasa rin ang sarili. “Di naman yan mamahalin para mangalaete ka ng ganyan Miss. Kahit ilang unit ng phone at kahit yung mamahalin pa, kayang-kaya ko ibigay sayo!” “Nagkak
Chapter 3 (2) I’m Not Slut (Angie POV) Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito. “Ayokong may manakit sa kanila.” “Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero. “Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa
Chapter 3 (3) I’m Not Slut (Angie POV) “Talo ka na Pre.” Si Julius. “Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!” Biglang tumawa ang katabi ko. Ang mga tao sa paligid namin, nakatitig na rin sa akin. Sobra akong nahihiya. “My dear open it.” Ulit niyang utos sa akin. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko nang ipakita sa kanila… Napapikit ako… Muling tinanong sa nakakataas kung talaga bang deserve ko na mapahiya ng ganito. Na talaga bang ang malas-malas ko. Sana naman ang kamalasan ko hindi ko nahawaan ang kasama kong stranghero na gusto lang naman niyang bigyan ako ng hustisya. Yung kagustuhan niya, ay sapat na sakin, pero sana hindi na niya ito ginawa. “Trust me.” Napatitig ako sa kanya… at napatango ako. Nang binuksan ko… napahiyaw ang dalawa sa tuwa… at napatitig ako sa kanila… Panalo ba silang dalawa? P
Chapter 3 (4) I’m Not Slut (Angie POV) Hinatid ako ng driver sa aking nirerentahang apartment na mas mura nga kesa sa apartment na kinuha ni Julius. Mas minahal ko nga siya kesa sa sarili ko. “Angie!” Biglang bungad sa akin ng custodian. “Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap ka.” “Po? Bakit po?” “Walang sinabi pero galit na galit. Siguro dahil sa nagkalat na sex scandal kaninang umaga. Hindi ka yun diba? Medyo kasi malabo na ang paningin ko. Alam ko naman na hindi mo yun magagawa. At sabi mo may seminar lang kayo, kaya di talaga ako naniwala na ikaw yun. Sinabi ko sa Papa mo na umattend ka ng seminar, hindi naniwala. Kaya sinabi niyang umuwi ka daw sa inyo. Lasing na lasing ang papa mo nang pumunta dito.” Bigla akong natigilan. Napasugod si Papa dahil sa… Kaya pumara ulit ako ng taxi, at kailangan ko umuwi para nga linawin sa kanila na… Yun ang totoo, naaksidente ako. Ako pa naman ang panganay na babae at baka m
Chapter 4 The CEO is Coming (Angie POV) “Angie, siguraduhin mong ma-encode lahat ng kailangan sa meeting bukas. Pati yung sasabihin ni Manager Peng.” Napatango ako sa katrabaho ko na pinatungan nga ulit ang tambak na folder sa mesa ko. Saka ang monitor ko… puno na ng sticky notes. Di pa sapat ang monitor, pati yung dingding ng dingding na humahati sa katabi ko. Halos di parin nagbago nga ang ikot sa opisina at lalong lumala. “Angie, di pumasok yung janitress, maari mo bang linisin muna yung restroom?” Medyo di maganda ang gising ng supervisor namin at di ko naman maaring tangihan. “Sige po.” Kaya binitiwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta na nga sa restroom. Habang kinukuha ko yung panlinis sa may pinakadulo ng restroom, at may dalawa ngang babae na abala sa harapan ng salamin. “Siya ba ang maglilinis? Kawawa naman.” Ani ng isang babae. “Sus. Wag ka dyan maawa. Nararapat lang yan sa kanya. Malandi yan. Alam m
Chapter 5 The Unexpected Pregnancy(Sayruz POV)Bumukas ang elevator at tumampad kaagad sa paningin ko ang babaeng napakaraming dala. May dumaang mga lalaki sa kanya, at mga bastos, ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Anong klase silang mga lalaki. Bwisit.Nang kukunin ko sana ang pansin ng mga bastos ng biglang nawala sa balanse ang dala ng babae dahilan upang sinalo ko siya bago pa man ito bumagsak sa sahig. Ngunit di ko inaasahan na ang mukha niya… pamilyar sa akin. At di ko rin inaasahan na muling magku-cross ang landas namin. Sa katunayan nga… di ako pupunta dito, kung di lang dahil sa pangungulit nga ng matanda. At kung may anong enerheyang humihila rin sa mga paa ko.Pero ang di ko maintindihan… Kung bakit ng makita ko mukha ng babaing ‘to… ay parang napawi ang uhaw ko sa loob nitong nakaraan na buwan. Natatawa ako sa sarili ko. Ngunit ang babaing ‘to ngayon… wala ngang ma
Chapter 6: Escaped(Angie POV)Easter Sunday, at nasa parke ako. Masaya ang mga bata na nagtatakbuhan at abala magsihanap ng mga nakatagong itlog. Meron akong dalang basket, at di ko maintindihan kung bakit parang kasali ako sa larong to. Hangang sa may nakita nga akong itlog. Kinukuha ko ang pansin ng ilang bata para ituro ang itlog na nakikita ko, ngunit sadyang hindi ata nila ako napansin. Kaya lumapit na lamang ako at aktong pupulutin ko ng biglang inunahan ako… Umangat ang paningin ko kung sino man ang pumulot…Isang lalaking matipuno… at talagang pamiliar sa akin. “Sa tingin mo, kailangan mo ba talaga ng itlog na’to?”At naalala ko ang mukha niya… Yung stranghero! Ngumisi siya sa akin at bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari.Kaya bigla na lamang ako napabalikwas ng bangon… Naghahabulan ang aking hininga dahil nga sa mga mata niyang nakakamatay.Ng
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon