Chapter 3: I’m not Slut
(Angie POV)
Nang magising ako sa katotohanan na, yung binasag ng lalaki… Yun ang regalo ni Mama sa akin ng makapagtapos ako sa kolehiyo. Nataranta akong pulutin ito, at di namalayan na basang-basa na talaga ang pisngi ko ng aking luha. Lahat ng bagay na ibinibigay sa akin ng mga mahal ko, pinapahalagaan ko. Bakit kailangan pa basagin ng lalaking to ang phone ko.
Umangat ang paningin ko sa kanya. Siya naman, napapasabunot sa sarili, hangang sa napatitig siya sa akin. Nang biglang kinampihan ng ulan ang aking luha, lalo na… ang hardin na’to wala namang bubong.
“Anong ginawa sayo ng phone ko… Bakit mo binasag!?” Nangangalaete kong tanong sa kanya. May nagtangkang payungan siya ng tinulak niya ito palayo sa kanya. Hinayaan niyang mabasa rin ang sarili.
“Di naman yan mamahalin para mangalaete ka ng ganyan Miss. Kahit ilang unit ng phone at kahit yung mamahalin pa, kayang-kaya ko ibigay sayo!”
“Nagkakamali ka…” Nahihirapan na akong huminga dahil sa kakaiyak. “Walang-wala sa ipapalit mo sa akin ang phone na’to.” Saka tumayo na ako. Muli siyang tinitigan… pero wala na akong lakas para magsalita pa. Basang-basa na ako. Tinalikuran ko na siya, at mabuti na lang wala nang humarang sa dadaanan ko. Nanatiling hawak ko ang pira-pirasong phone ko.
Nais ko nang magising sa bangungot na’to. Ano bang ginawa ko, para deserve kong mangyari ang lahat ng ‘to. Siguro nga may masama akong ginawa, at di piniling patawarin ako ng poong maykapal.
Lutang ang isipan at nakalimutan na ang pabor sa akin ni Julius ng bumalik ako sa silid. Hindi ko na nagawang kumatok at binuksan na ang pinto.
Nang biglang… hindi ko na maihakbang ang aking mga paa dahil sa nakikita ko. Si Julius at Trisha… naghahalikan. Hangang sa tinulak na nga ni Trisha si Julius sa kama. Hinayaang malaglag ang twalyang nakapulupot lang sa katawan niya. Suot niya… yung lingerie na binili namin para sa akin. Para maisuot ko sa harapan ni Julius.
“Trisha, sa kabila ng boung gabi nating lampungan at kaninang naliligo tayo… Ngayon, gusto mo parin?”
“Sa ito naman talaga ang plano natin diba Julius? Ibigay ng tanga kong kaibigan at fiancée mo ang lahat ng ‘to?”
“Ang tanga nga talaga niya. Hindi ko nga halos maisip Trisha kung bakit hindi niya tayo nahahalata.”
“Dahil nga tanga siya diba?” Saka muling niyapos ni Trisha si Julius at ang halikan nilang… sana malunod na silang dalawa.
Tuluyan nang nawala ang lakas ng kamay ko para hawakan ang phone ni Mama, dahil sa nakikita ngayon at narinig ko. Nakuha ko ang attention nila, pareho silang napatitig sa akin, at si Trisha nagmadaling pulutin ang twalya. Ang walanghiya… dapat akin ang twalyang yun.
“Sinong tanga?” Tanong ko na may pilit na ngiti sa aking labi kahit gusto ko na silang sugurin at saktan. Ngunit… wala na talaga akong lakas, lalo na nang ngumiti sa akin si Trisha at traydor na humalakhak. Habang si Julius, napahila lang ng kumot at walang emotion sa mukha niya. Mas piniling isinandal ang likuran niya sa headboard… ng ngumiti rin ito sa akin, at sinabayan nga si Trisha.
Pakiramdam ko talaga, binabangungot parin ako.
“Kamusta ang gabi mo Bess? Unfair naman diba kung ikaw nag-eenjoy sa bisig ng ibang lalaki habang si Julius naghihintay dito mag-isa.” May panunuya sa mga mata ni Trisha.
“Di ko alam ang ginawa ninyo kung bakit nangyari ‘to sa akin. Ano ba ang ginawa ko para pagtaksilan niyo ako ng ganito. Oo na tanga ako. Matagal ko na ngang napapansin na may kakaiba sa inyong dalawa. Ngunit napaka-tanga ko kasi mas pinili kong paniwalaan kayong dalawa. Ikaw Trisha, tinuring kitang matalik na kaibigan, di ko aakalain na gagawin mo ‘to sa akin.” Wala nang luhang tumulo sa aking mga mata… siguro manhid na. Sobrang naninikip na ang puso ko para saluhin ang mga nangyayari sa akin ngayon.
“Hubarin mo ang damit ko!”
“Angie…” Si Julius na bumangon na sa kama, at naka-underwear lang ito. Ang underwear din niyang binili namin ni Trisha para sana kagabi. “Sayang naman kung hindi maisusuot ang damit na yan. Saka mas bagay kay Trisha ang lingerie na yan kesa sa’yo. Sabi ko di’ba sa’yo, yung mga manang na style, yun lang ang nababagay sayo.”
“Julius…”
“Ngunit kahit ano man ang nangyari kagabi sayo… at sa nakita mo ngayon, patas lang diba? Wala kang rason upang magalit ka sa amin, dahil kasalanan mo din naman. Naghintay ako sayong pagbabalik Angie, pero ayun nga nakipaglandian ka sa ibang lalaki. Nagustuhan mo bang iba yung kumuha ng kayamanan mong ini-ingatan? Dapat di’ba ako ang magalit sa’yo?”
Nagpipigil ang kamay ko na saktan ang isa sa kanila. Ngunit… sadyang mahal ko lang sila para nga hindi sila saktan lalo na si Julius.
“Papatawarin kita Angie. At lilipas ang araw na ito na parang walang nangyari. Mananatili tayong nasa relasyon. Mahal mo ako. At ayaw mo akong nakikitang nahihirapan diba? Saka may plano na tayo. Kailangan ba nating sirain yun? Ilang buwan na lang makukuha ko na ang resulta ng board exam, at makukuha ko na din ang lesensya ko sa pagiging abogado. Manghihinayang ka sa akin kapag pina-iral mo ang kitid ng ulo mo. Saka mawawala kami ni Trisha sa buhay mo.”
“May punto nga naman Bess si Julius. Makinig ka sa kanya. Para rin naman sa kabutihan mo.”
Hinawakan ni Julius ang baba ko… “Babe, nasaan na ang hinihingi kong agahan? Gutom na ako.”
“Yung agahan mo… Nakalimutan ko.”
“Hahaha. Yan ang nagagawa ng lutang Julius. Saka basang-basa siya, saan siya galing? Wag mong sabihin Angie bumalik ka sa lalaking yun?”
“Angie naman… Ako ang priority mo diba? Alam mo naman importante ang agahan ko. Sige na, ikuha mo na ako.” Napatalikod naman ako sa kanya… ng hindi ko pala nasarhan ang pinto, di ko inaasahang meron palang nakasunod sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata… hindi sa akin, kundi sa mga kasamahan ko.
“Oh! Siya ba ang umangkin sayo kagabi Angie?” Pang-aasar na tanong ni Julius nang mapansin rin niya ang strangherong nakatayo sa labas.
“Kamusta naman pare ang performance ng girlfriend ko?” Ngumisi ang stranghero sa kanya. “Mga walanghiya kayo. Pero kahit ganito ang ginawa ng girlfriend ko papatawarin ko siya. Lalo na di ko naman kayang pakawalan ang mapagmahal kong girlfriend. Andito ka ba para samahan siya magpaliwanag sa akin?”
“Julius…” Si Trisha. Napasinghap siya ng makita niya kung sino itong nasa pintuan. “Siya ba? Infairness bess di ka lugi.” Ngunit hindi parin maalis ang masamang titig nito sa dalawa.
“Pare wala nang kailangan ipaliwanag pa. Naintindihan ko. Babe, ikuha mo na kami ng agahan.”
“Yung mabubusog kami Angie.” Si Trisha. Di ko alam ang gagawin ko, kundi sundin sila at hilain na rin ang stranghero paalis. Ngunit pinigilan ako ni Julius…
“Wag ka munang babalik dito Angie, may kailangan lang kami tapusin ni Trisha.” Kung sukatan nga ng talino sa pagmamahal, ako yung wagas kung umibig… at napakatanga. Gusto ko man umiyak sa harapan ni Julius ngunit di ko magawa… Naninigas ang puso ko para pairalin ang emotion ko ngayon.
Napatango ako.
Pero… Nagulat na lamang ako ng biglang tinulay ng stranghero ang distansya namin, at hinila ako kay Julius saka malakas niyang sinuntok sa mukha si Julius dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Di ako makakilos… hawak niya ang kamay ko… mainit. Habang si Trisha, siya na itong umalalay kay Julius na napamura sa inis at bumangon upang gumanti, ngunit humarang na sa kanya ang ilang tauhan ng stranghero.
“Gulpihin niyo sila.” Utos ng stranghero na halos kumilos kaagad ang mga tauhan niya.
“Tumigil kayo!” Inalis ko mismo ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Tarantang nilapitan si Julius.
“Di mo alam kung sino ang binabanga niyo!” Si Julius na pilit bumangon at susugurin ang stranghero ngunit parehong pinigilan namin siya ni Trisha. “Kakasuhan kita! Sino ka ba para maghimasok sa di mo naman silid! P*****a!”
Ngunit bigla na naman siyang sinuntok ng isa sa tauhan ng stranghero, kaya muling bumagsak sa sahig. Nilapitan kami ng stranghero, at inapakan nito ang binti ni Julius na ako na mismo ang nagmamakaawa sa kanya dahil hinila na kami ni Trisha palayo sa kanila.
“Mr. Julius An ang pangalan mo diba? At ang tumawag kanina sa babaeng tanga ay si Mrs. An, ang nanay mo. Sinabi lang naman niya sa tangang girlfriend mo na hiwalayan ka na niya sa lalong madaling panahon. Ngunit dahil tanga siya at handang magpakatanga… Ahahaha. Mananatili siya sayo. That’s exactly a bulsh*t~!” Saka isang malakas na sipa upang mamilipit si Julius.
“Hoy tangang babae. Nararapat lang to sa kanya, wag kang maging concern kasi kahit kailan hindi siya naging concern sayo. Huling-huli mo na kanina ang kahuyapan na ginawa nila sa’yo. Matalik mo siyang kaibigan…” Turo niya kay Trisha. “At heto ang lubos mong minamahal na lalaki kesa sa sarili mo, ay talaga bang deserve nila ang kapatawaran mo. Ngayon lang ako nakakita ng tangang katulad mo. Kung ako sayo sinabunutan ko na ang babaeng yan.” Nang lumapit siya sa akin. “Matagal ka na nilang ginagamit, ayun na rin sa nadatnan nating pinag-usapan nila.”
Saka nito hinablot ang kamay ko, at kinaladkad ako nito palabas ng silid, kahit ng pumu-protesta ako. Sinalubong siya ni Michael at ilang kasamahan nitong lalaki, inabot sa kanya ang twalya ngunit hindi nito pinansin. Bumukas ang VIP elevator. At di ko alam kung saan niya ako dadalhin… Hangang sa bumukas ang pinto, at narito kami ngayon sa rooftop. Sumalubong kaagad sa akin ang malamig na hangin.
Hinila ako nito palabas. Ramdam ko ang inis niyang nararamdaman… O ang sarili ko ata.
“Sumigaw ka.” Biglang bitaw niya sa akin sa pinaka-gitna ng helipad. “Pakawalan mo ang katangahan mo.” Sinasabi niya ito sa akin habang nakatalikod siya. At ako, nakatitig sa kanya. “Hayaan mong umiyak ka. Ibuhos ang lahat ng mapapait na nangyari sayo.”
Sa mga sinasabi niya sa akin, namumuo na ang luha ko ulit sa aking mga mata. “Minsan hindi naman natin talaga kasalanan maging tanga. Sadyang naniwala lang tayo sa mga taong akala natin inaalala nila ang ating nararamdaman. Yun pala… hindi. Paulit-ulit lang tayo bibiguin, hangang sa maging tanga na nga tayo.” Napamulsa siya… Habang ang mga mata ko abala na ngang umiyak.
“Hindi tayo ang tanga… Sila. Tayo yung nagmamahal sa kanila ng lubos… tayo yung handang maging tanga sa paningin ng iba. Pero di natin alam yung mahal natin, tinatrato tayong tanga. Pero sabi ko nga sila ang tanga, dahil sa oras na magising tayo sa katotohanan na nagmamahal sa kanila, di tayo magdadalawang isip na talikuran sila. Wag natin hayaan na paulit-ulit na lang natin ginagawa nila tayong tanga.”
Humaguhol ng iyak. Nanghina ang tuhod ko, dahilan upang mapa-upo ako. “Sige lang… Umiyak ka lang. At pagkatapos, ipunin mo ang lahat mong lakas para harapin sila ulit ng malinaw ang mga mata at di nagbubulagbulagan sa katotohanan. Wag mo na silang hayaan na gawin ka pang tanga. Maawa ka naman sa sarili mo.”
Di ko na napigilan… bigla na lang ako napasigaw sa sobrang galit na hindi ko napansin kanina. At naalala ko ang mga bagay na ginawa ni Trisha at Julius na tinakpan lang ng paliwanag nilang mas pinili kong pakingan kesa sa sarili kong kutob. Sa nagtiwala nga ako sa kanila diba?
Nang bigla ring sumigaw ang stranghero. Saka humarap siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. Tumawa siya na parang pinagtatawanan nga talaga niya ang katangahan ko. Napapa-iyak akong tumatawa rin. Bakit masyado akong nabulag sa pagmamahal at tiwalang ibinigay ko sa aking matalik na kaibigan at sa kasintahan ko na kahit kailan hindi man lang niya sa akin ipinaramdam ang pagmamahal. tama. Ginamit lang nila ako.
Di ko namalayan nakalapit na sa akin ang stranghero at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. “Kung di mo tatangapin ang perang ibibigay sayo, hayaan mo na ipaghiganti kita. Di naman sa naniniwala akong innosente ka sa nangyari sa ating dalawa kagabi. Sadyang kailangan mo ng tulong para turuan ng leksyon ang mga taong tinuring mong mas mahalaga pa sa buhay mo. Com’on, get up.”
@DeathWish
Chapter 3 (2) I’m Not Slut (Angie POV) Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito. “Ayokong may manakit sa kanila.” “Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero. “Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa
Chapter 3 (3) I’m Not Slut (Angie POV) “Talo ka na Pre.” Si Julius. “Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!” Biglang tumawa ang katabi ko. Ang mga tao sa paligid namin, nakatitig na rin sa akin. Sobra akong nahihiya. “My dear open it.” Ulit niyang utos sa akin. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko nang ipakita sa kanila… Napapikit ako… Muling tinanong sa nakakataas kung talaga bang deserve ko na mapahiya ng ganito. Na talaga bang ang malas-malas ko. Sana naman ang kamalasan ko hindi ko nahawaan ang kasama kong stranghero na gusto lang naman niyang bigyan ako ng hustisya. Yung kagustuhan niya, ay sapat na sakin, pero sana hindi na niya ito ginawa. “Trust me.” Napatitig ako sa kanya… at napatango ako. Nang binuksan ko… napahiyaw ang dalawa sa tuwa… at napatitig ako sa kanila… Panalo ba silang dalawa? P
Chapter 3 (4) I’m Not Slut (Angie POV) Hinatid ako ng driver sa aking nirerentahang apartment na mas mura nga kesa sa apartment na kinuha ni Julius. Mas minahal ko nga siya kesa sa sarili ko. “Angie!” Biglang bungad sa akin ng custodian. “Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap ka.” “Po? Bakit po?” “Walang sinabi pero galit na galit. Siguro dahil sa nagkalat na sex scandal kaninang umaga. Hindi ka yun diba? Medyo kasi malabo na ang paningin ko. Alam ko naman na hindi mo yun magagawa. At sabi mo may seminar lang kayo, kaya di talaga ako naniwala na ikaw yun. Sinabi ko sa Papa mo na umattend ka ng seminar, hindi naniwala. Kaya sinabi niyang umuwi ka daw sa inyo. Lasing na lasing ang papa mo nang pumunta dito.” Bigla akong natigilan. Napasugod si Papa dahil sa… Kaya pumara ulit ako ng taxi, at kailangan ko umuwi para nga linawin sa kanila na… Yun ang totoo, naaksidente ako. Ako pa naman ang panganay na babae at baka m
Chapter 4 The CEO is Coming (Angie POV) “Angie, siguraduhin mong ma-encode lahat ng kailangan sa meeting bukas. Pati yung sasabihin ni Manager Peng.” Napatango ako sa katrabaho ko na pinatungan nga ulit ang tambak na folder sa mesa ko. Saka ang monitor ko… puno na ng sticky notes. Di pa sapat ang monitor, pati yung dingding ng dingding na humahati sa katabi ko. Halos di parin nagbago nga ang ikot sa opisina at lalong lumala. “Angie, di pumasok yung janitress, maari mo bang linisin muna yung restroom?” Medyo di maganda ang gising ng supervisor namin at di ko naman maaring tangihan. “Sige po.” Kaya binitiwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta na nga sa restroom. Habang kinukuha ko yung panlinis sa may pinakadulo ng restroom, at may dalawa ngang babae na abala sa harapan ng salamin. “Siya ba ang maglilinis? Kawawa naman.” Ani ng isang babae. “Sus. Wag ka dyan maawa. Nararapat lang yan sa kanya. Malandi yan. Alam m
Chapter 5 The Unexpected Pregnancy(Sayruz POV)Bumukas ang elevator at tumampad kaagad sa paningin ko ang babaeng napakaraming dala. May dumaang mga lalaki sa kanya, at mga bastos, ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Anong klase silang mga lalaki. Bwisit.Nang kukunin ko sana ang pansin ng mga bastos ng biglang nawala sa balanse ang dala ng babae dahilan upang sinalo ko siya bago pa man ito bumagsak sa sahig. Ngunit di ko inaasahan na ang mukha niya… pamilyar sa akin. At di ko rin inaasahan na muling magku-cross ang landas namin. Sa katunayan nga… di ako pupunta dito, kung di lang dahil sa pangungulit nga ng matanda. At kung may anong enerheyang humihila rin sa mga paa ko.Pero ang di ko maintindihan… Kung bakit ng makita ko mukha ng babaing ‘to… ay parang napawi ang uhaw ko sa loob nitong nakaraan na buwan. Natatawa ako sa sarili ko. Ngunit ang babaing ‘to ngayon… wala ngang ma
Chapter 6: Escaped(Angie POV)Easter Sunday, at nasa parke ako. Masaya ang mga bata na nagtatakbuhan at abala magsihanap ng mga nakatagong itlog. Meron akong dalang basket, at di ko maintindihan kung bakit parang kasali ako sa larong to. Hangang sa may nakita nga akong itlog. Kinukuha ko ang pansin ng ilang bata para ituro ang itlog na nakikita ko, ngunit sadyang hindi ata nila ako napansin. Kaya lumapit na lamang ako at aktong pupulutin ko ng biglang inunahan ako… Umangat ang paningin ko kung sino man ang pumulot…Isang lalaking matipuno… at talagang pamiliar sa akin. “Sa tingin mo, kailangan mo ba talaga ng itlog na’to?”At naalala ko ang mukha niya… Yung stranghero! Ngumisi siya sa akin at bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari.Kaya bigla na lamang ako napabalikwas ng bangon… Naghahabulan ang aking hininga dahil nga sa mga mata niyang nakakamatay.Ng
(Angie POV)“Anong resulta?”Parang pinaglalaruan ng kaba ang puso ko.“Master Sayruz, Madame Sunshine… Sumailalim sa mahigpit na pagsusuri ang dugong kinuha namin kay Ms. Reblando, at ang resulta…” Biglang hinablot ni Sayruz ang folder na hawak ng doktor…“Pa-suspend masyado kayo.”“Tsk! Ikaw tong patagal masyado Sayruz. Ano ba ang sabi riyan?” Binuksan ni Sayruz ang folder…“Positive.” Parang binasa lang niya… At si Grandma sa narinig niya sa sariling apo… biglang tumalon sa tuwa at tumakbo sa kinalalagyan ko para yakapin ako. Habang kami ni Sayruz… nagkatitigan. Parang hindi pa nga pumapasok sa isipan niya na buntis ako. Hangang sa nabitiwan niya ang folder, at natawa na parang hindi siya makapaniwala.“Sigurado ba kayo?!” Harap niya sa mga doktor… Natahimik ang mga ito, at lumingon ulit s
Chapter 6 (3) Escaped(Angie POV)Pero ng umangat ang paningin ko sa kanya, nakangiti ito sa akin. Diretso siyang nakatitig sa aking mga mata. Parang dismayado siya dahil nga sa sitwasyon ko ngayon. Ngayon paano ko naman sa kanya mapapatunayan na magiging ayos lang ako, kahit wala siya sa tabi ko?Bawat apak ng kanyang mga paa, halos masilaw ako sa flash ng camera… Di ko na maintindihan ang mga sinasabi ng reporter, at nanatiling pinipigilan sila ng mga tauhan ni Sayruz. Nang makarating siya sa harapan ko… Masuyo niyang inilapit sa mukha ko ang kanyang daliri para lang, alisin ang buhok na gumugulo sa mukha ko at ipitin ito sa aking tenga. Hitsura ko, basang sisiw at nanliliit talaga ako sa aking sarili.At walang salitang lumabas sa bibig niya ng hinubad nito ang coat niya, at nilagay sa magkabila kong balikat. Nagulat ako sa nararamdaman
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon