Home / Romance / The CEO Compensation / Chapter 3 (2) I’m Not Slut

Share

Chapter 3 (2) I’m Not Slut

Author: Death Wish
last update Huling Na-update: 2021-11-22 14:23:06

Chapter 3 (2) I’m Not Slut

(Angie POV)

Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito.

“Ayokong may manakit sa kanila.”

“Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero.

“Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa ang sarili mo. Nangigil ako sa kasintahan mo at sa kaibigan mo. Klarong matagal na silang nagtaksil sayo. Yung kasintahan mo, sa tingin mo ba deserve na mahalin siya ng ganoon. F*ck. Ang ganoong klaseng lalaki sila lang naman ang dahilan kung bakit maraming babae ang nawawala sa tamang landas. Yung mga babae naman na kagaya ng kaibigan mo, sila naman ang dahilan kung bakit maraming tahanan na nawawasak. Sabihin mo sa akin, paano mo sila nakilala? Ang layo ng utak nila sayo. Ahahaha.”

Napasinghot-singhot ako. Huminga ng malalim.

“Ang importante ngayon malinaw nang hindi ko na sila dapat pagkatiwalaan.”

“Natural. Wag kang tanga. Dapat maging matalino ka sa kahit anong situation na papasukin mo. Wag mong hayaan na apak-apakan ka ng iba at gawin ka nilang basahan. Dapat lang na mas nirerespeto natin ang sarili kesa sa ibang tao. Sarili muna. Hindi ko naman sinasabi na maging selfish ka, dapat maging patas ka lalo na sa sarili mo.”

Ngumiti ako sa kanya. Napatango. Bigla siyang tumawa.

“Ayan. Ang ganda mo pala kapag nakangiti kang ganyan. Lakihan mo pa.” Kaya mas lalo akong ngumiti. “Ayan. Always wear your genuine smile, pero pakiramdaman mo parin ang sarili mo kung may umapak na sayo.”

“Maraming salama— Achooo!” Nang inabot niya sa akin ang tuyo nitong panyo. “Salamat. Pero ayos na ako.”

“Kunin mo. Walang halaga yan kapag isinangla mo. Pero sa namumuong sipon mo… meron.” Kaya kinuha ko na dahil tumawa na naman siya na parang siya ata ang lalaking walang problema sa mundong ito. Ngunit akala ko talaga sa kanya napakasungit nito.

“Salamat.”

“Itago mo yan. At kapag muli mo yang nakita… Alalahanin mo na ang pag-iyak at pagsigaw malaking tulong din sa nararamdaman nating bigat sa d****b. At tatandaan mo rin pagkatapos mong umiyak, ipunin mo ang buo mong lakas ulit para harapin ang mga taong gumawa ng kamalian sayo. Okey lang magpatawad, pero wag mo nang hahayaan ang sarili na gawan ka pa nila ng kamalian. Naiintindihan mo ba?” Napatango ako.

“Tungkol sa sex scandal na lumaganap sa internet, mahirap man gawin para pigilan ito sa paglaganap, pero wala sa aking impossible. Unbelievable, that’s my second name. Ahahaha.”

“Ibig sabihin… agad mong…”

“Oo. Pero di ko maipapangako na mabubura ng mga nakakita sa alaala nila yung sex scandal natin. Ahem. At ginagawan na rin ni Michael ang trabaho niya para hanapin ang may salarin nito. Naniniwala na akong aksidente ka nga atang umakyat sa higaan ko. Lalo na sinabi mong lasing ka. Kung ako ang boyfriend mo at alam kong lasing ka na lumabas, di ako magdadalawang isip na sundan ka kahit ano man ang ginagawa ko. Halatang hinayaan ka lang. Di man lang sila naging concern sayo. Sa susunod sana naman, wag ka nang maging tanga. Walang isinilang sa mundong to na ang papel niya, forever lang maging tanga. Naiintindihan mo ba?”

Muli akong tumango.

Nang hinawakan nito ang kamay ko. Saka siya napapikit at ng magmulat… “Alam mo, mabigat ang damdamin ko kung di mo talaga tatangapin ang pera.”

Umiling ako. “Kapag tinangap ko yun Mister… ibig lang sabihin naging bayaran akong babae.” Hindi siya makapagsalita. Binitiwan niya ang kamay ko saka tumingin sa ibang direksyon. Parang nasampal ko ata siya sa salitang binitawan ko. “Talagang aksidente ang nangyari Mister. Ako rin kailangan ko humingi ng kapatawaran sayo kasi nga dahil sa nangyari.”

“Ano ka ba. Patas lang tayo, hindi ako naging maingat din kagabi. Akala ko kasi…” Natigilan siya sa pagsasalita, ngunit ipinagpatuloy niyang… “Lasing din ako kagabi.” Bahagyang napakamot siya. Napatango na lang ako. “Sabayan mo lang akong kumain ng agahan, okey na yun sa akin. Para naman mawala itong guilty na nararamdaman ko.”

“Agahan…” Nang kumulam ang tiyan ko. Saka natawa siya.

“Narinig mo? Tiyan mo na mismo ang tumugon para sa’yo.”

Kaya di na nga ako nakatangi sa kanya. Pero di ko inaasahan na kailangan pa niya ako paayusan para sa agahan naming dalawa. “Kalimutan mo muna ang mga nangyari, hayaan mong gumawa tayo ng maayos na simula.” Saka tumalikod na siya sa akin. “Kahit magkano ang aabutin sa kanya, gawin niyo para mas lalong humubog ang ganda niya.” 

Iniwan niya ako. Ang mga babae naman na nag-aayos sa akin, tahimik na sinasagawa ang trabaho nila. Ipinikit ko ang aking mga mata. At ng imulat ko… Halos di ko makilala ang aking sarili. Nilagyan nila ng special contact lens ang mga mata ko upang di ko na nga kailanganin ang aking salamin. Hinarap nila sa akin ang ilang nakahelerang damit… Nang hindi pa ako pumipili, yung manager nila ang kumilos dahil nga sa oras na kailangan nila tapusin ang trabaho kaagad. Di na agahan ang mangyayari kung tanghali na sila matatapos diba?

Isang baby blue cocktail dress ang pinasuot nila sa akin. At ang sapatos ko yun parin. Nang marinig ko ang palapit na tawa ng stranghero. Saka nga sumulpot na nga siya sa harapan ko.

“Yan ang gusto ko sa mga tauhan ko, ang gagaling.” Ibig lang sabihin nagustuhan niya ang ginawa nila sa akin. “At syempre Miss, kailangan mong hubarin ang sapatos na yan. Ito ang isusuot mo.” May lalaking nakasunod sa kanya at may hawak itong kahon. Bahagyang naupo sa paanan ko ang stranghero at sinenyasan ang lalaki lumapit sa kanya. Kinuha nito sa kahon ang isang high heels na may palamuting mamahaling mga bato.

Nagdadalawang isip man ako na isuot ito, pero wala na akong nagawa. Inalis na niya ang paa ko sa lumang sapatos. Saka isinuot sa akin ang mamahaling sapatos.

“Ayan… bagay na bagay sayo. Hiling ko na ang sapatos na’to dalhin ka sa landas na magpapasaya sayo.” Ang akala ko talaga sa strangherong to… napakasungit… Ngunit ngayon parang nagiging fairy godmother ko na siya… since nga bawal na siya ang maging prince charming ko sa sarili kong kwento. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

“Maraming salamat.” Tumayo na siya. Natutuwa siya sa nakikita ngayon.

“Shall we?” Lahad niya ng kamay sa akin. Napatango ako at inilapag ko nga ang kamay ko sa kanya. Hinawakan niya ito… hangang sa makapunta nga kami sa hinandang hapag-kainan. Ngunit di ko inaasahan na makikita ko si Julius at Trisha na suot nito ang damit ko ulit. “Wag na wag mong tatangkahin na burahin ang ngiti mong napakaganda dahil lang sa kanila. Ang sabi ko sayo kalimutan mo muna ang mga nangyari. Nangako ka.”

Kaya nanatili ang ngiti ko sa aking labi at di pinansin ang dalawa na halos mahulog na ang mga mata sa kakatitig sa akin. Bumaba kami sa hagdan… at napansin ko hindi ito simpleng kainan lang kundi… sugalan. Pero nilahad niya ako sa isang mesa na nakahanda na nga ang ilang masasarap na pagkain.

Naupo ako… at kahit nga masasarap ang naka-ahin, parang wala akong ganang kumain. Kaya ngumisi ang kasama ko.

“I know wala kang gana.” Bulong niya sa akin. Napalingon ako sa direksyon nila Julius kung saan masaya nga siyang napahiyaw dahil parang nanalo siya. Masayang-masaya din nakayakap si Trisha sa kanya. Mga mata niya tumama sa akin.

“Alam ko na, mas mabubusog ka kapag natalo natin sila.”

“Hindi… Sa totoo lang, parang pera ko ang winawaldas nila.” Agad kong sagot sa stranghero. Nang tinugunan ako nito ng isang malutong na tawa upang makuha ang attention ng mga tao sa loob. Napapalakpak pa ang stranghero.

“Ikaw na talaga ang pinakatangang nakilala ko.” Saka nagpatuloy siya sa kakatawa. Napayuko na lamang ako, dahilan upang huminahon siya sa kakatawa. Pero may pabaon pang bungisngis at napapa-iling siya sa akin. 

“Walanghiya talaga ang boyfriend mo. Ikaw lang ang di nakakapansin na ginagamit ka lang niya. Bulsh*t.” Kinuha niya ang wine glass saka pina-ikot-ikot ang laman. “Sabihin mo sa akin, kahit isang araw lang ba, nagpakalalaki ba ang bwisit na yun?” na siyang narinig ko na namang tumawa si Julius. Di rin ako tumugon sa tanong sa akin ng stranghero. “Ilang buwan na ba ang relasyon niyo?”

“Hindi buwan, kundi ika-dalawang taon namin kahapon.”

“Wow. Tumagal kayong dalawa na ikaw lang talaga ang nagmamahal sa relasyon niyo. Sasabihin ko ito sayo Miss. Walang sino mang babae ang may deserve na lalaking kagaya niya. Kumukulo ang dugo ko sa kanya na hindi ko maintindihan. Gusto kong ipalapa siya sa buwaya. Mas masahol pa siya sa asong ulol at ikaw, ang katangahan mo ang sisira ng husto sayo.” Galit na ang mga mata niya.

“Sa tingin ko nga kailangan ko siyang turuan ng leksyon.” Saka niya ininom ang alak. Tumayo siya… At pipigilan ko sana siya ng hinila nito ang kamay ko at lumapit kami sa kinalalagyan nila Julius. Lalo na may sumuko na nga itong kalaban. Ang stranghero ang pumalit sa kanya… Nakangiti lang sa amin si Julius at Trisha na parang walang nangyari kaninang madaling araw.

“Gusto mo rin ba matalo Mister?” Panghahamon ni Julius sa stranghero. Ngumisi lamang ang kasama ko. Ang laro ay madalian lang… Laro ng baraha. Wala akong ideya sa mechanics… at kinakabahan ako para sa kasama ko. Matalino si Julius at matinik din sa sugalan si Trisha. Sa totoo nga silang dalawa ang tinaguriang King and Queen Gamble.

Nagsimula na ang unang laro… ng manalo si Justin. Ang dami na niyang chips na kapareho din ng value nang perang makukuha nila. Hindi lang isang o dalawang beses natalo ang kasama ko… kundi ilang beses na upang pagtawanan kaming dalawa ni Julius at Trisha. Pinipilit ko ang stranghero na tigilan na niya… dahil ako ang nanghihinayang sa perang winawalgas niya para lang… mabigyan ako ng hustisya.

Nang manalo na naman si Justin. Lahat ng mga mata sa kanila na nakatitig… painit ng painit ang laban, ang napakalaki na ng halagang isinusugal nila.

“Naniniwala ka na bang kamalasan ang dala ni Angie, Mister?” Si Trisha na parang tukong nakalambitin kay Julius.

“At ngayon ko lang yun napansin. Ikaw pala ang malas sa akin, Angie.” Saka tumawa si Julius. Napayuko ako. Hinarap naman ako ng stranghero…

“Trust me, sarili ang gumagawa ng kamalasan sa kanilang buhay hindi ang ibang tao. Mind to blow this my lucky charm.” Kinuha niya ang isang chip… saka inilapit sa akin… Wala na akong nagawa ng sinunod ko nga ang gusto niya. Nang biglang…

“All In.” Lahat ng taong nanunuod… lalo na ako, nagulat ng isaboy ng stranghero sa mesa ang buo niyang pera. Ang laki ng halaga noon. Natawa bigla si Julius.

“Dahil sayo Trisha, parang lalabas tayo sa hotel na’tong mayaman.”

“Syempre naman. Sakin nangaling ang perang pinuhunan mo ngayong umaga.”

“Dahil yun sa katalinuhan mo Trisha. Kaya… All in!” Saboy din ng mga poker chips ni Julius. Di ko namalayan mahigpit akong napakapit sa braso ng stranghero…

“Sigurado ka?” Tanong ko ulit sa kanya habang tinitignan niya ang baraha niya.

“Shhh…” Sagot niya sa akin. “Heto ang tatandaan mo Miss Angie…” Nang marinig kong bangitin niya ang pangalan ko… may kung anong kuryenteng pumasok sa systema ko. “Changes are constant.”  Mahina niyang tugon sa akin. Mga tao sa paligid rin nanabik kung sino ang matatalo sa labanang ito.

“Ako na ang mauunang magreveal ng Card ko, since nakita mo na rin naman ang iyo.” Si Julius na bakas ang kayabangan sa mukha niya. At ng ipinakita niya… biglang napatalon sa tuwa si Trisha. Dahil parang siguradong panalo na sila.

Ngunit ang katabi ko… kampanteng nakatitig sa kanila. Saka ngumiti siya… “My lady mind to open the card for them.” Sinabi niya sa akin na hindi man lang tumititig sa akin kundi nakapako ang titig niya sa dalawa.

“Talo ka na Pre.” Si Julius.

“Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!”

@DeathWish 

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Edwin Sablay-gatus
Ang mahal naman ng Isang chapter, parang ayaw ng ipabasa sa mahirap. pang mayaman Ang story na to.
goodnovel comment avatar
Gerosel Aculla
paunlock naman
goodnovel comment avatar
Elizabeth Orcullo
damot naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The CEO Compensation   Chapter 3 (3) I’m Not Slut

    Chapter 3 (3) I’m Not Slut (Angie POV) “Talo ka na Pre.” Si Julius. “Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!” Biglang tumawa ang katabi ko. Ang mga tao sa paligid namin, nakatitig na rin sa akin. Sobra akong nahihiya. “My dear open it.” Ulit niyang utos sa akin. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko nang ipakita sa kanila… Napapikit ako… Muling tinanong sa nakakataas kung talaga bang deserve ko na mapahiya ng ganito. Na talaga bang ang malas-malas ko. Sana naman ang kamalasan ko hindi ko nahawaan ang kasama kong stranghero na gusto lang naman niyang bigyan ako ng hustisya. Yung kagustuhan niya, ay sapat na sakin, pero sana hindi na niya ito ginawa. “Trust me.” Napatitig ako sa kanya… at napatango ako. Nang binuksan ko… napahiyaw ang dalawa sa tuwa… at napatitig ako sa kanila… Panalo ba silang dalawa? P

    Huling Na-update : 2021-11-22
  • The CEO Compensation   Chapter 3 (4) I’m Not Slut

    Chapter 3 (4) I’m Not Slut (Angie POV) Hinatid ako ng driver sa aking nirerentahang apartment na mas mura nga kesa sa apartment na kinuha ni Julius. Mas minahal ko nga siya kesa sa sarili ko. “Angie!” Biglang bungad sa akin ng custodian. “Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap ka.” “Po? Bakit po?” “Walang sinabi pero galit na galit. Siguro dahil sa nagkalat na sex scandal kaninang umaga. Hindi ka yun diba? Medyo kasi malabo na ang paningin ko. Alam ko naman na hindi mo yun magagawa. At sabi mo may seminar lang kayo, kaya di talaga ako naniwala na ikaw yun. Sinabi ko sa Papa mo na umattend ka ng seminar, hindi naniwala. Kaya sinabi niyang umuwi ka daw sa inyo. Lasing na lasing ang papa mo nang pumunta dito.” Bigla akong natigilan. Napasugod si Papa dahil sa… Kaya pumara ulit ako ng taxi, at kailangan ko umuwi para nga linawin sa kanila na… Yun ang totoo, naaksidente ako. Ako pa naman ang panganay na babae at baka m

    Huling Na-update : 2021-11-22
  • The CEO Compensation   Chapter 4 The CEO is Coming

    Chapter 4 The CEO is Coming (Angie POV) “Angie, siguraduhin mong ma-encode lahat ng kailangan sa meeting bukas. Pati yung sasabihin ni Manager Peng.” Napatango ako sa katrabaho ko na pinatungan nga ulit ang tambak na folder sa mesa ko. Saka ang monitor ko… puno na ng sticky notes. Di pa sapat ang monitor, pati yung dingding ng dingding na humahati sa katabi ko. Halos di parin nagbago nga ang ikot sa opisina at lalong lumala. “Angie, di pumasok yung janitress, maari mo bang linisin muna yung restroom?” Medyo di maganda ang gising ng supervisor namin at di ko naman maaring tangihan. “Sige po.” Kaya binitiwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta na nga sa restroom. Habang kinukuha ko yung panlinis sa may pinakadulo ng restroom, at may dalawa ngang babae na abala sa harapan ng salamin. “Siya ba ang maglilinis? Kawawa naman.” Ani ng isang babae. “Sus. Wag ka dyan maawa. Nararapat lang yan sa kanya. Malandi yan. Alam m

    Huling Na-update : 2021-11-22
  • The CEO Compensation   Chapter 5 The Unexpected Pregnancy

    Chapter 5 The Unexpected Pregnancy(Sayruz POV)Bumukas ang elevator at tumampad kaagad sa paningin ko ang babaeng napakaraming dala. May dumaang mga lalaki sa kanya, at mga bastos, ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Anong klase silang mga lalaki. Bwisit.Nang kukunin ko sana ang pansin ng mga bastos ng biglang nawala sa balanse ang dala ng babae dahilan upang sinalo ko siya bago pa man ito bumagsak sa sahig. Ngunit di ko inaasahan na ang mukha niya… pamilyar sa akin. At di ko rin inaasahan na muling magku-cross ang landas namin. Sa katunayan nga… di ako pupunta dito, kung di lang dahil sa pangungulit nga ng matanda. At kung may anong enerheyang humihila rin sa mga paa ko.Pero ang di ko maintindihan… Kung bakit ng makita ko mukha ng babaing ‘to… ay parang napawi ang uhaw ko sa loob nitong nakaraan na buwan. Natatawa ako sa sarili ko. Ngunit ang babaing ‘to ngayon… wala ngang ma

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • The CEO Compensation   Chapter 6 ESCAPED

    Chapter 6: Escaped(Angie POV)Easter Sunday, at nasa parke ako. Masaya ang mga bata na nagtatakbuhan at abala magsihanap ng mga nakatagong itlog. Meron akong dalang basket, at di ko maintindihan kung bakit parang kasali ako sa larong to. Hangang sa may nakita nga akong itlog. Kinukuha ko ang pansin ng ilang bata para ituro ang itlog na nakikita ko, ngunit sadyang hindi ata nila ako napansin. Kaya lumapit na lamang ako at aktong pupulutin ko ng biglang inunahan ako… Umangat ang paningin ko kung sino man ang pumulot…Isang lalaking matipuno… at talagang pamiliar sa akin. “Sa tingin mo, kailangan mo ba talaga ng itlog na’to?”At naalala ko ang mukha niya… Yung stranghero! Ngumisi siya sa akin at bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari.Kaya bigla na lamang ako napabalikwas ng bangon… Naghahabulan ang aking hininga dahil nga sa mga mata niyang nakakamatay.Ng

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • The CEO Compensation   Chapter 6 (2) Escaped

    (Angie POV)“Anong resulta?”Parang pinaglalaruan ng kaba ang puso ko.“Master Sayruz, Madame Sunshine… Sumailalim sa mahigpit na pagsusuri ang dugong kinuha namin kay Ms. Reblando, at ang resulta…” Biglang hinablot ni Sayruz ang folder na hawak ng doktor…“Pa-suspend masyado kayo.”“Tsk! Ikaw tong patagal masyado Sayruz. Ano ba ang sabi riyan?” Binuksan ni Sayruz ang folder…“Positive.” Parang binasa lang niya… At si Grandma sa narinig niya sa sariling apo… biglang tumalon sa tuwa at tumakbo sa kinalalagyan ko para yakapin ako. Habang kami ni Sayruz… nagkatitigan. Parang hindi pa nga pumapasok sa isipan niya na buntis ako. Hangang sa nabitiwan niya ang folder, at natawa na parang hindi siya makapaniwala.“Sigurado ba kayo?!” Harap niya sa mga doktor… Natahimik ang mga ito, at lumingon ulit s

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • The CEO Compensation   Chapter 6 (3) Escaped

    Chapter 6 (3) Escaped(Angie POV)Pero ng umangat ang paningin ko sa kanya, nakangiti ito sa akin. Diretso siyang nakatitig sa aking mga mata. Parang dismayado siya dahil nga sa sitwasyon ko ngayon. Ngayon paano ko naman sa kanya mapapatunayan na magiging ayos lang ako, kahit wala siya sa tabi ko?Bawat apak ng kanyang mga paa, halos masilaw ako sa flash ng camera… Di ko na maintindihan ang mga sinasabi ng reporter, at nanatiling pinipigilan sila ng mga tauhan ni Sayruz. Nang makarating siya sa harapan ko… Masuyo niyang inilapit sa mukha ko ang kanyang daliri para lang, alisin ang buhok na gumugulo sa mukha ko at ipitin ito sa aking tenga. Hitsura ko, basang sisiw at nanliliit talaga ako sa aking sarili.At walang salitang lumabas sa bibig niya ng hinubad nito ang coat niya, at nilagay sa magkabila kong balikat. Nagulat ako sa nararamdaman

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • The CEO Compensation   Chapter 6 (Escaped)

    Chapter 6 (4) Escaped (Angie POV) Di ko alam kung ano ang pinagtatawanan niya. Pero mas pinili ko na iyuko ang aking paningin at sumiksik sa pinakasulok ng sasakyan. Nahihiya ako sa kanya. Sobra. Ngunit alam kong mababasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Pareho nating alam na aksidente ang nangyari diba? Malinaw na aksidente ang nangyari sa atin. Sinabi mo rin yun diba?" Tanong ni Sayruz pagkatapos ng malutong niyang tawa. Napatango ako bilang tugon kaagad. "May mga sarili tayong buhay Miss Angie, at di natin ito inaasahan na darating tayo sa buhay ng isa't-isa. Dahil sa nangyari maaring may masaktan tayo, kung pipilitin nga natin ang bagay na ito." Muli akong napatango. Naiintindihan ko siya. Sino ba ako para maging akin siya? Saka alam ko kung ano ang lugar ko. "Lalo na yung babaing minamahal ko at matagal ko nang hinihintay." Merong pilit na ngiti sa kanyang labi

    Huling Na-update : 2021-12-03

Pinakabagong kabanata

  • The CEO Compensation   FINALE

    (Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo

  • The CEO Compensation   Chapter 20 (3) Despite of Hurt

    (Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da

  • The CEO Compensation   Chapter 20 (2) Despite of Hurt

    (Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko

  • The CEO Compensation   Chapter 20 Despite of Hurt

    (Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l

  • The CEO Compensation   Chapter 19 (5) Let's Put An End of This

    (Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma

  • The CEO Compensation   Chapter 19 (4) Let's Put An End of This

    (Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng

  • The CEO Compensation   Chapter 19 (3) Let's Put An End of This

    (Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!

  • The CEO Compensation   Chapter 19 (2) Let's Put An End of This

    (Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak

  • The CEO Compensation   Chapter 19 Let's Put An End of This

    (Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon

DMCA.com Protection Status