"Why the Principal's Office?" tanong ng SSG President habang naglalakad kami sa hallway ng Admin Building. Katabi ko sa magkabilang side ko ang President at Vice President ng SSG, habang nasa likod naman namin sina Charmaine, Lorraine at yung dalawang palaka na alipores ng pinatumba ko kanina.
"Ah, kailangan ko po silang isumbong sa mga ginagawa nilang hindi magaganda," sabi ko. "The Principal's Office is the shortcut kasi maraming complaints ang mga estudyante against sa tatlong 'yon," dagdag ko. "And I have something to ask of the Principal."
"And what is that?" tanong ni SSG President.
"It's nothing, it should not burden the mind of a busy person like you," sabi ko. "Baka po maabala ko pa po kayo," dagdag ko.
Ngumiti si SSG President sa akin na para bang napagaan ko ang buhay niya. "You're right, it must be something personal," sabi niya. "Pero matapang ka para i-report ang mga bullies sa school na 'to."
Ngumiti na lang din ako at hindi na ako nagsalita pa. He is a suspicious person to me, unlike the Vice President who remained expressionless.
Brown ang buhok ng Vice President, he has fierce eyes and expressionless face. Maayos ang pagkakasuot niya sa uniform niya, walang gusot at mukhang na-plantsa nang maayos. Standard barber's cut din ang buhok niya na mukhang sineryoso ang school rules and regulations ng na nakasaad sa Louise Academy Student Handbook.
Ewan ko ba, ang weird ng mga members ng SSG, hindi ko alam kung alagad sila ni kamatayan o ano.
Pumasok kaming lahat nang makarating kami sa Principal's Office.
Malawak ang Office ni Principal Feliciano Vergarra, katumbas ito ng kalahating classroom. Maraming mga cabinets at drawers, mayro'n din bookshelf na puno ng mga libro. Sa gitna ng kuwartong iyon ay naka-puwesto ang office table niya na gawa sa Narra at punong-puno ito ng mga papel, at isang laptop na tumutugtog ng isang classical music, parang Debussy.
Anim kaming estudyante na nakaupo sa harapan ng office table ni Principal Vergarra, ako, si Lorraine, yung dalawang palaka, at yung dalawang SSG Officers. Si Principal Vergarra naman ay prenteng nakaupo sa swivel chair niya. At yung mukha niya ay nagtataka kung bakit bigla kaming nagpunta sa office niya.
Principal Vergarra is a big guy, halatado sa mukha niya ang katandaan. Grey ang kulay ng kanyang buhok, and his face is round and clean-shaven, and his light brown eyes are topped with black rectangular eyeglasses.
Mabait na principal si Principal Vergarra, siya ang nagpaganda sa school. Dahil sa kanya ay naging number one ang school namin sa aming region. The school is competitive, but also considerate to students. Kaya ang saya mag-aral dito dahil hindi lang acads ang focus, kasali ang sports, and other extra-curriculars, no wonder na maraming estudyante ang nag-aaral dito.
Pero kahit gaano kaganda ang school na ito, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng mga palaka na katulad ng nambully kay Lorraine.
Lumingon si Principal Vergarra kay SSG President. "Mr. Arellano," sabi niya habang nilalaro ng kamay niya ang isang itim ballpen. "Would you mind telling me why we've got a little club meeting here in my office?"
Principal Vergarra looked amused, as if nawala ang bakas ng stress sa mukha niya.
"I'm sorry to interrupt your work, Sir," sabi ni SSG President. "But we have a little problem here, and the party insists on your judgement."
"Well, this is new," sabi ni Principal Vergarra. "Ano bang nangyari?"
"The group of Miss Claire Jimenez has made quite a commotion earlier," sabi ni SSG President.
"Teka, pano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya.
"You're one of Andrei's minions right?" sabi naman niya na bumabaling sa akin.
Andrei's minion, meaning isa ako sa mga miyembro ng ECHO Publication, ang official student publication ng school namin. At si Andrei Leroux and EIC namin.
Hindi na lang ako nakapagsalita. Doon ko na-realize, na kaya naman pala tinititigan niya ako kanina na parang kilala niya ako, siguro kasama ako noon sa mga interview sa kanya ni kuya Andrei. Hindi ko kasi siya masiyadong maalala.
"Anyways, Sir," sabi ni SSG Vice President. "I believe the commotion is because of bullying."
Bumuntong-hininga si Principal Vergarra sa kinauupuan niya. "Bullying. It's not new, and it's everywhere in many places. But I won't tolerate people who bully others. This needs to be settled. I want to hear the story, and I will judge it."
"Sir, sinuntok po ng babaeng 'yan si Stacy," sabi nung palaka na may kulay ang buhok.
"Actually, Sir, it's a self-defense kasi sasampalin naman na niya ako," depensa ko.
Nagsalita yung isa pang palaka. "Pero nahimatay si Stacy!"
"Actually Sir, binully po kasi kami nung grupo nina Stacy, kaya nagawa 'yon ni Claire," Lorraine interjected.
"It was self-defense, really," I said again.
"It is not self-defense, you punch her face--like this!" The frog with the colored hair made a punching drama, which would've been a total hit if she just didn't exaggerate her hands and arms like a goat walking on ice.
"Kasi sinugod niya ako--"
"Liar--!!"
Sabay naman na nagsalita sina Charmaine at Lorraine, "Totoo yung sinasabi ni Claire!"
"STOP!!" shouted the Principal.
We all stopped from arguing and silence dominated the whole office.
"Okay," the Principal sighed. "I said I want to hear the story. Mr. Arellano and Mr. Villanueva, help me on this," sabi niya sa dalawang SSG Officers.
"We actually saw what happened, Sir," sabi ni SSG Vice President.
Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang palaka. "T-Teka--"
Hindi pinagsalita ni SSG Vice President ang dalawang palaka at ikinuwento niya in detail ang lahat ng nangyari. "At first we thought it was just a small argument that needed no attention, but we saw Miss Claire defending herself and her friends from Stacy's bullying."
"I suggest that we suspend Claire and the three frogs," the President suddenly said.
Wait.
WHAT?!!
SUSPEND ME?!
AS IN ME??!
ME?!
"Bakit pati po ako? Ipinagtanggol ko lang naman po ang sarili ko," sabi ko.
"I believe it's fair, you committed assault, and they committed bullying," sabi ni Vice President.
"But it was self defense," sabi ko pa. "Self-defense is not assualt, and it's not a crime."
May utak ba talaga ang mga 'to? Kasalanan ko pa ba na ipinagtanggol ko ang sarili ko? So dapat magpasampal talaga ako kanina para lang di ako ma-suspend. This is unfair.
"I'm sorry, but that is how this situation should be judged," sabi ni Vice President. Tumango naman ang President kaya wala na akong magagawa.
Lecheng Presidente 'yan, hindi nag-iisip nang maayos. Ganito ba talaga sila mag-handle ng sitwasyon? Mabuti na lang at hindi ko sila binoto, at hindi ko sila ibo-boto next school year!
Gagawa na lang ako ng mga projects ng mga estudyante na pagkakakitaan ko habang suspended ako. Ibig-sabihin no'n ay makakabili ako ng marming mga libro. Napangiti ako sa sarili ko.
"Then it's settled, Miss Claire and the frogs are to be suspended," sabi ni SSG President.
One of the frogs suddenly exclaimed. "What?! Why are we suspended?!"
I laughed, napatingin silang lahat sa akin. "So you do admit that you're frogs?" Tumawa ulit ako.
Tumikhim si Principal Vergarra kaya tumahimik ako. "If suspension is the best solution here, then why not?"
"May I ask, Sir, for how many days?" tanong ko. At least h'wag namang isang linggo, first offense ko lang naman 'to eh.
"Three days is enough--"
"No!! makakarating ito kina mommy at daddy, I will make sure that you will regret giving us suspension!" sabi nung palaka.
"And you will also regret coming here, because as far as I am concerned, there are a lot of reports about how you--with Stacy Vidad--bullied other students. I shall tell this to your parents and make sure that you'll be grounded." Principal Vergarra smiled in a way that it made me nervous. Nakakatakot.
Natahimik ang paligid hanggang sa kinuha ko itong pagkakataon para ipa-sign yung letter ni Charmaine para sa research nila.
"Sir, before you suspend me, may I ask for a little favor?" Kahit kinakabahan ako ay kinapalan ko na lang ang mukha ko.
"What is it?"
Inilabas ko yung letter ni Charmaine at ibinigay ko ito sa kanya.
Kinalabit ako ni Lorraine at tinanong niya ako kung ano yung ibinigay ko kay Principal Vergarra.
"Yung letter ni Charmaine para sa research nila," bulong ko.
Biglang nabasag ang katahimikan nang, tumawa nang malakas si Principal Vergarra. "Ms. Jimenez, I did not know that you've got the guts to show this letter to me in the middle of a crisis," sabi niya. "Now tell me. Why should I sign this letter, considering that I cannot see your name here and you're very late? I heard that the making of research papers started two weeks ago."
Hindi ko naman po kasalanan 'yon kasi hindi ako ang gumawa ng research na 'yan. Atsaka kaya ko lang ginagawa ito ay dahil sa one week na libreng lunch sa fast food chain na gusto ko.
"Sir," I started to say. "I believe that you should sign my letter, because it is not just for me but also for my fellow group mates who worked very hard to make this research come to life. And...and I did not know why we did the research first before the letter, it was all instructed by our Research teacher."
I crossed my fingers. Ang lakas kong magpalusot, pero sana tanggapin niya.
"For starters, I really don't want to sign this letter, but I'll let it slip this time. But in return, you're suspended. Just make sure to make a decent research paper during your suspension."
"That is duly noted, Sir," sabi ko. "But wait, Sir, are my friends also suspended?"
"No," SSG Vice suddenly butted in. "Only you will be suspended, along with the frogs."
I sighed and smiled. "I am perfectly fine with that."
"Okay," sabi ni Principal Vergarra na tila ba inaalam pa kung tapos na ba ang gulo o hindi. "It's all settled then. I guess there's no problem here anymore, you may all go."
***
Uwian na namin sa hapon nang mag-aya si Charmaine na manlilibre siya sa isang fast food chain. At hindi lang ako ang inilibre niya, kasama namin si Lorraine, tapos ang topnotcher namin na si Irma, at ang pinaka-bunso, at anak-anakan ko na si Desiree.
At lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa.
Si Irma ay nagbabasa ng mga notes sa notebook niya. Si Charmaine naman ay busy na kumukuha ng selfie gamit ang kanyang mamahalin na phone. Si Lorraine ay busy na nagbabasa ng story sa GoodNovel. Si Desiree naman ay gumuguhit ng anime. At ako, nilantakan ko lang naman ang mga pagkain na inilibre sa akin.
"Claire, thank you nga pala sa ginawa mo para sa akin." sabi ni Charmaine nang matapos niyang i-post sa social media yung mga selfie niya.
"Wala yun, basta tuparin mo yung pangako mo na ililibre mo ako ng lunch," sagot ko. Tumango naman siya at inumpisahan na niyang kainin yung burger niya.
Isinara naman ni Irma yung notebook niya at tumingin siya sa akin. "Narinig kong na-suspend ka raw. So tatlong araw ka naming hindi makakasama?" sabi niya sa akin.
Napasinghap naman si Desiree sa tabi ko. "What?! Mummy ayaw kitang mawala!"
"Babalik naman ako after three days, anak," sabi ko kay Desiree.
"But still, suspended ka pa rin," sabi ni Irma habang umiiling pa rin sa akin.
Tumango na lang ako kasi wala naman akong magagawa sa hinatol sa akin. "Yun yung desisyon ni Principal Vergarra kaya sinunod ko na lang," sagot ko.
Irma sighed in defeat. "Dapat pinilit mo na hindi ka ma-suspend."
"Pinagtanggol ko naman ang sarili ko eh," sabi ko kay Irma. "Kaso 'yon ang naging desisyon nila."
Naalala ko na naman ang sinabi nung SSG Vice President. It's pissing me off.
"So pano ka na niyan ngayon?" tanong ni Irma sa akin.
Ngumiti ako nang nakakaloko. "May mga kliyente ako na nagpapagawa ng mga projects ngayon. Remember, finals na natin sa Grade 10, next school year senior high students na tayo, kaya marami akong kikitain habang suspended ako. Maraming income means maraming libro na mabibili."
Oo, fiction books are my oxygen, it's my life. Hindi ko alam pero ang sarap kasing magbasa ng mga fantasy and adventures, at mga boyxboy comics, it makes me feel free. I do also buy self-help books, pero binabasa ko lang yung sa tingin ko ay makakatulog sa akin gaya ng journalism books or books about gardening and arts.
Napailing na lang si Irma sa akin. "Bahala ka, basta mag-aral ka nang mabuti at siguraduhin mong may honor ka ulit sa finals," sabi niya. "Hay, ewan ko kung paano ka nakakapasa sa school," sabi niya ulit. "You're not frequently studying, you don't do advance reading on our textbooks, and yet, may honor ka pa rin. How did you do that?"
"Ah 'yon," I shrugged. "Ginalingan ko lang sa performance task, quizzes at mga activities, tapos hindi ko na masiyadong ginagalingan sa test, nakaka-stress kasi masyado, basta nasa above average ang test scores ko at hindi perfect, okay na sa akin 'yon," sabi ko.
Umiling na lang siya. Wala na din kasi talaga siyang magagawa sa kabaliwan ko. "Siguro kung ginalingan mo sa test, baka mas mataas pa sa akin ang grades mo."
"Sorry, not interested. Ayaw kong maging masiyadong matalino. I'm not a savage," I said.
"Studying hard is not a savage thing, Claire," sabi niya na medyo na-offend.
"When it comes to intelligence, ikaw ang bagay do'n, Irma," sabi ko sa kanya.
"Nga pala frenie," sabi ni Charmaine. "Paano mo napa-sign kay Principal Vergarra ‘yung letter namin?"
I grinned at my friends. "Nah, all you need is confidence, my friend."
"Magkano ang magpagawa ng Reaction Paper para sa subject ni Sir Rogene?" Iyan agad ang bumungad sa akin, isang linggo after akong ma-suspend. Kaharap ko ang isang maputing babae na may mahabang buhok na kulay brown, brown din ang kanyang mga mata na tila ba nagliliwanag kapag nasisinagan ng araw, at mayroon siyang napakaganda at matangos na ilong. May lahi ang babaeng ito, mayaman to, panigurado. Bakit ba nakalimutan kong may maganda pala akong classmate? Dahil siguro sa wala akong pake or dahil dun sa suspension. Sa tatlong araw na suspension ko, wala akong ibang ginawa kundi ang gumawa ng mga projects na hindi kayang gawin ng mga tamad kong mga schoolmates. At kumain ako nang kumain dahil libre ang pagkain sa bahay. Pinagalitan ako ni mama, at ang papa ko na nasa M
"Claire!!! Gumising ka na!! Aba tong batang to, tanghali na!! Gising na 'ang kambal, ikaw na lang ang hindi." Hirap akong bumangon mula sa higaan ko at tinignan ang paligid ng kuwarto. Madilim pa lang sa labas. Tinignan ko yung orasan ko, 4:30 pa lang ng madaling araw. Bwisit naman na buhay 'to. Kailan pa naging tanghali ang madaling araw?! Babalik na sana ako sa pagtulog pero biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si mama sa kuwarto ko. "Ano ka bang bata ka, tumayo ka na diyan," sabi ni mama sa akin. "First of all, my dear mudra, bakasyon ngayon at walang pasok. Second, it's four thirty in the morning, mamayang nine pa po ang tanghali," sabi ko. "Ano bang meron? Umagang-umaga nambubulabog ho kayo."
He chuckled as if reminiscing a memory. "You may refrain from calling me by that title," nakangiti niyang sabi. "Just call me Aldrich, there's no need for formalities anymore since we’re quite acquainted now." I nodded. "Okay...kuya Aldrich," I started to say. "I assume you're as fine as you were, back then." "Aldrich is fine," sabi niya na naman na nagpakunot sa akin. "H'wag mo na akong tawaging kuya. It’s making me feel so old." "Ah, Aldrich," sabi ko. This feels weird. "Well, nandito lang ako para bumili ng mga gamit," sabi ko ulit at nagbabadya na akong umalis. Pero may sinabi siya na hindi ko mapigilan. "Anyway, since we're here, I might as well treat you for dinner, I s
Friday, in my opinion, has been the most loathed day in a student's week. Ito kasi yung araw ng paghuhukom kung saan sinasapian ng kasamaan ang mga guro sa aming paaralan. Tuwing biyernes ay laging nagbibigay ng mga project at homework ang mga guro namin. Kung sa iba ay torture ito, para sa akin naman ay blessing ito, ibinigay ng langit kumbaga. Magandang factor ang kasamaan ng mga teachers para sa akin. Dahil on demand ang pagpapagawa ng mga projects, ang standard price ng isang essay paper na 200-500 pesos, ay tumaas sa hanggang 1,000 pesos. Nagiging 1,500 pesos din ito kapag sinapian ako ng pagiging mukhang pera ko. Iba din ang presyo kapag performance tasks ang pinapagawa ng mga kliyente ko, minsan umaabot ito ng hanggang limang libo o higit pa. Kaya ayun, andami ko na namang mga kliyente, hindi ko naman mata
Napilitan akong pumasok sa Mini Function Hall. Maliit lang ang function hall na ito kaya nga mini eh. Kasing laki lang ito ng tatlong office at kadalasan ay mga upuan at table lang ang nandito. May mga aircon din. Madalas gamitin 'to ng mga teachers kapag may meeting sila, minsan dito rin ginaganap ang pagbilang ng balots sa election. Pero labis ang pagtataka ko kasi Aldrich lang ang mag-isa doon. Nasa isang mahabang table siya at may ginagawa siya sa phone niya. Pagbaling niya sa amin ay ngumiti siya. "You are late, Andrei," sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Claire, what a surprise." Gusto ko siyang irapan. Halatado sa mukha niya na nagpapanggap lang siyang gulat na makita ko. "Ah kilala mo na pala itong anak ko, brad," sabi ni kuya Andrei na naka-akbay pa rin sa akin. "Asan na 'yung mga iba?"
"I call it, the Book of Cheating." Napaubo ako nang mabulunan ako sa iniinom kong soft drink. At dahil na rin kasi 'yon sa narinig kong sinabi ni Aldrich. Nasobrahan ko ata ang biglaang paglunok, kaya hindi ako natigil sa pag-ubo, bagay na ikinabahala ni kuya Andrei. "Claire, okay ka lang ba?" tanong ni kuya Andrei sa akin. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya ay sabi ko, "Okay lang po ako, kuya, nabulunan lang po." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich, pero nakangiti lang siya sa akin. He seems amused about the events that is happening right now. He has it! Nasa kanya ang BOC ko!!
"The rumor about an underground government in Louise Academy is true," sagot niya. "As well as a possible crime organization that has been terrorizing students." Saglit akong natahimik sa kinatatayuan ko, but I am screaming inside. I have to scold my self for being stupid. Sinisisi ko ang sariling katangahan ko for unintentionally putting myself in a serious case like this. Iyong mga ganitong bagay ay hindi naman dapat nasa care list ko, kasi wala naman akong pake sa mga gano'ng bagay. "So you mean to say, may tinutugis kayong secret crime organization na binibiktima ang mga estudyante?" tanong ko sa kanya. "That's the basicality of it," sabi niya. "It started three years ago. May isang estudyante na humingi ng tulong sa SSG about a blackmailing case. The culprit was
"Can I ask you for any information? Let's put her information to test, shall we?" Kumakabog ang dibdib ko sa narinig ko. Tell me I'm dreaming. Andami ng nangyayari sa akin sa linggong 'to. This is not something I asked for! I sighed. "Ano po ang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya. "I want to know about a student named Cassandra Vergarra," sabi ni sir Vergarra. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ba 'yon yung anak niyang namatay last year lang? I really don't know the whole story of what happened that day, pero maraming nakakita sa kanya na tumalon mula sa fourth floor ng John Vianney Building, ang building naming mga senior high school. Suicide daw ang case, at wala namang kahina-hinala sa nangyari.
ALDRICH FEN ARELLANO POV"That's impossible," I told her, but she did not argue.She only sighed and took her burger again. She stared at her food, and I know she's hesitating if she should still eat or not. "Sa totoo lang, gulat din ako nung nakita ko ang source ng mga info.""Bakit magkakaroon ng gano'ng inpormasyon si Cassandra? That's unlikely of her."Claire smiled sheepishly, obviously disagreeing to my remarks. "You never truly know a person just because you were with them for a long time. Ako ba in-expect mo na magkakaroon ng maraming impormasyon? Hindi naman, di ba? I think, at first, you see me as kuya Andrei's loyal dog."I didn't correct her even though she thought wrong about my views on her. I always thought of her as Andrei's loyal friend, because she's the only person Andrei respects outside our circle.But she has a point. Maybe I was really wrong about my perception on Cassandra. Maybe Cassandra was really trying to join the Ragnarok Organization. But why? What was
"That's the 15th time you did that, Claire." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich nang punahin na naman niya ang paghikab ko. Sa mga ginawa namin buong umaga, hindi ko alam kung paano niya pa nagawang makahanap ng oras para bilangin kung ilang beses akong humikab. "Pwede bang tigilan mo ako?" At sinabayan ko iyon ng pag-irap sa kanya. "Wala ako sa mood na pakinggan ang mga pagpupuna mo. Hwag ngayon na inaantok pa ako." Humikab ako ulit. "That's the 16th time." "Tutal patapos na ang morning classes, kakain muna ako ng lunch," sabi ko sa kanya at nauna na akong maglakad. Mabuti nang iwan siya nang sa ganon ay magkaroon ako ng ginhawa. Mamamatay ako nang maaga sa kanya. Humabol siya sa akin. "Hindi ka sasabay sa akin?" Saglit ko siyang sinulyapan at humikab ulit ako. "Bakit kita sasabayan mag lunch? Close ba tayo?" Mahina siyang tumawa. "According to the rumors, I am your boyfriend." "You are not one to believe rumors, President." "It's Aldrich for you, Claire. And besides, I thi
Sapo ko ang ulo ko habang pinipilit kong kainin ang pagkain na inihanda ni tita Agatha para sa agahan. Pakiramdam ko ay tutumba ako kahit na nakaupo ako. Minabuti ko na lang na ayusin ang aking postura nang sa gano'n ay hindi makapansin si tita Agatha a may nararamdaman akong hindi maganda. Across to where I am sitting, Aldrich only squinted at his breakfast. He then took a cup of coffee beside his plate and took a sip. Matapos no'n ay nabaling ang kanyang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "You don't know how grateful I am for your help during the weekend, Claire," sabi niya sa sinserong boses. But Aldrich being the two-faced, manipulative bastard that he is, I should think otherwise. Nagsalita siyang muli, "I wish you would be able to help me again next time." Next time my ass! Feeling naman niya gagawin namin ito ulit. "Oh I hope next time you would call for kuya Andrei, or better yet take Kaizer with you," I
Hello, it's MissAlbularyo on your screen. I wasn't able to update much these months, and I'm sorry. For now, the story, The Book of Cheating will be on Hiatus and will be back on possibly May or June 2022. The reason for this is that I'm already in my fourth year in college and had been busy with school works since I'll be graduating soon. I hope my readers will understand and wait for me.I guarantee that once I've finished everyhting in my school, I will finish the story as soon as possible. I shall return. Thank you for your understanding.
I said to him, "That is not a question." "But I still want you to tell me. I will ask another question later." Matagal kong tinitigan si Aldrich. Alam ba niya na personal kong hindi inilagay ang impormasyon ng Ragnarok Organization sa BOC ko? I don't know if I should lie, or I should tell him. But I chose the latter. "From the information I got, the Ragnarok Organization was established three years ago." "Hindi two years ago?" tanong ni Aldrich na nakakunot. Umiling ako sa kanya, "Hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol kay Skoll, pero alam ko ang objective nila." Mataman na tumitig si Aldrich sa akin. "At ano naman 'yon, Claire?"
"H-Hindi ko na kaya...tama na...ayaw ko na!" It's already four o'clock in the morning, and I know to myself that I am already exhausted. Pero kahit sobrang pagod na ang katawan ko ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumakas. Mukhang napansin ako ng kasama ko kaya ang sabi niya, "Claire, what are you doing? Where are you going?" Hindi ko siya sinagot at literal akong gumapang sa sahig, papunta sa pinto, para matakasan ko si Aldrich Fen Arellano. Hindi ko na alintana kung madumihan ang damit pangtulog ko, gusto ko na talagang umalis sa lugar na 'to! Sa isip ko ay minumura ko si kuya Andrei, kasalanan niya lahat ng ito. Sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw sa Monday! Nagsalita ulit si Aldrich sa likod, "Clai
Dinala ako ni Aldrich sa ECHO Office, hindi ko alam kung bakit dito kami nagpunta, pero halata ko sa paghinga niya na galit na galit siya. He loudly banged the door, it even made me startled. Mabilis na bumukas ang pinto at tumambad sa amin si kuya Andrei na kumakain ng pizza. The moment his eyes set on us, he suddenly choked and started coughing. Nahulog pa niya yung hawak niyang pizza at napaatras siya palayo sa amin. He signalled someone to close the door, but no one dared to close the door on the king. At habang hawak pa rin ni Aldrich ang kamay ko ay hinila niya ako papasok sa loob ng ECHO Office. Marami kaagad sa mga members ang nagbulungan nang makita nila kami na magkahawak kamay. Na-conscious tuloy ako kaya pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakaha
CLAIRE JIMENEZ'S POV Before I went to school today, kuya Aldrich reminded me not to drop by the SSG office. Ngayon kasi namin ire-release ang magazine namin kung saan nakalagay ang isang importanteng article tungkol sa kagalang-galang na si Aldrich Fen Arellano. Kailangan kong tumulong sa pag-distribute kaya sinabihan ko na kaagad si Aldrich. He gave his go signal to me, so I didn't reply. The task wasn't really that hectic since I am with kuya Andrei. Ang problema lang namin ay ang mga estudyante na nag-uunahan na makakuha ng magazine na para bang mauubusan sila. Although I find it annoying, kuya Andrei looked pleased, as if it's going according to his plans. "Magandang ideya nga talaga na inilagay natin sa cover is Aldrich," sabi ni
ALDRICH FEN ARELLANO'S POV "Ah, naistorbo ko ata kayo," CJ, the Corps Commander, said. He turned his head away and he immediately closed the door. Silence filled the room, as Claire and I stared at each other. But she immediately avoided my gaze. "Aldrich, kailangan mo nang lumayo sa akin," sabi niya. Agad naman akong natauhan kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Tinulungan ko rin siyang tumayo, pero pagkatapos no'n ay mabilis niya akong iniwasan. This is so embarrassing, and for me to not get affected, I tried my best to smile at her. "You really messed up today, Claire," I teased. But