Home / YA/TEEN / The Book of Cheating / Chapter 4: Let the "Cheating" Begin!

Share

Chapter 4: Let the "Cheating" Begin!

Author: MissAlbularyo
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Claire!!! Gumising ka na!! Aba tong batang to, tanghali na!! Gising na 'ang kambal, ikaw na lang ang hindi."

Hirap akong bumangon mula sa higaan ko at tinignan ang paligid ng kuwarto. Madilim pa lang sa labas. Tinignan ko yung orasan ko, 4:30 pa lang ng madaling araw.

Bwisit naman na buhay 'to. Kailan pa naging tanghali ang madaling araw?!

Babalik na sana ako sa pagtulog pero biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si mama sa kuwarto ko.

"Ano ka bang bata ka, tumayo ka na diyan," sabi ni mama sa akin.

"First of all, my dear mudra, bakasyon ngayon at walang pasok. Second, it's four thirty in the morning, mamayang nine pa po ang tanghali," sabi ko. "Ano bang meron? Umagang-umaga nambubulabog ho kayo."

Hihiga na sana ako pero hinila niya ang mga kamay ko. Umangil ako dahil sa ginawa niya dahil nawala na ang antok ko, pero gusto ko pa sanang matulog.

"May outing tayo ngayon diba?" sabi niya. "H'wag mong sabihin na pati ang pag-uwi ng papa mo para sa vacation leave niya ay nakalimutan mo rin?" tanong niya sa akin, pero umiling ako.

"Wala po akong matandaan na sinabi n'yong may outing tayo ngayon," sabi ko na sinabayan ko pa ng pag hikab. "Pero alam ko po na umuwi si papa galing Malaysia."

"Nung isang araw at kagabi lang natin pinag usapan yung outing ah, paano mo nakalimutan ha, Claire?"

"May mas importante po akong iniisip kaysa sa outing," sabi ko.

"Hayaan mo na nga, bumangon ka na diyan at tulungan mo akong magluto ng mga pagkain. Nag aayos na ang papa mo at ang kambal. Ikaw na lang ang walang ginagawa," sabi ni mama at lumabas na siya sa kuwarto ko.

Brrr, gusto ko pa matulog eh.

Bumuntong hininga na lang ako at tumayo ako mula sa bed ko.

Pumunta ang pamilya namin kasama ang iba pa naming mga kamag-anak sa isang kilalang resort sa aming siyudad. Dahil hindi ko naman trip ang mag swimming, nag stay na lang ako sa cottage namin.

Mabuti na lamang at may dala akong notebook. Yun nga lang ay hindi ko alam kung anong isusulat ko.

"Didn't you guys know that he's a cheater? He cheated a lot in class!"

"And no one knew that he could cheat like that--I mean, wala man lang nakapansin. And here we thought na matalino siya. He is just a cheating maniac."

Napalingon ako sa isang grupo ng mga babae na dumaan sa cottage namin.

Cheater, huh. Naalala ko tuloy si Irma, yung pagiging honored student ko raw sa school ay isang form of cheating. Well, inaamin ko na minsan nangopya ako sa test namin sa Math at Science nung finals, pero hindi naman ako nahuli. Atsaka para sa akin hindi naman cheating 'yon, pagiging madiskarte ang tawag doon. Well, kung Cheating talaga ang tawag doon, then I prefer to be called a...err...Cheater?

Hmmm tapos gagawa ako ng libro na naglalaman ng mga strategies kung paano mag cheat para magkaroon ng mas mataas na Honor sa klase? Pwede, pwede.

Tapos gagawa ako ng rules para sa sarili ko para mas makatipid ako ng pera makabili pa ng maraming libro? Pwede.

Tapos ilalagay ko rin doon kung paano ko nire-rate ang mga projects na ginagawa ko at mga modes of payment? Pwede.

Ilalagay ko din doon yung pattern ng mga teachers sa tests nila. Pwede 'yon.

Maglalagay don ako doon ng journal entries ng daily life school. As well as profiles ng mga kilala kong estudyante at mga kliyente ko na sikat sa school. Pwede.

Ilalagay ko rin doon ang mga hinanakit ko sa mga ibang teachers at sa ibang mga estudyante na kilala ko. Pwede.

Binuklat ko ang notebook ko at isinulat ko ang napakalaking THE BOOK OF CHEATING sa unang pahina ng notebook ko.

Agad kong isinulat ang mga feeling kong cheat sheet para magkaroon ng Honor, isinulat ko rin ang cheat sheet kung paano mas magandang gamitin ang blackmailing sa mga estudyante at sa mga teachers. Nagsulat din ako ng strategies at mga plano sa mga kung anong kalokohan na maisip ko. Nagsulat din ako kung paano makakatakas sa mga kung anong paratang kung saan ay guilty ka.

Hindi accurate ang mga isinulat ko, pero feeling ko may mga ilan na proven ko na kasi yung iba sa mga sinulat ko ay ako ang nag execute dati.

This coming school year, magkakaroon ako ng mas mataas Honor, and to make it memorable, ibabagsak ko ang mga naghahari at ang mga nag re-reyna sa school gamit ang The Book of Cheating ko. I'm sure this will be exciting.

Let the cheating begin.

***

Two months is enough to prepare for this moment. Buong summer akong nagsulat ng strategy, mga plano, life hacks at mga konting life quotes para magmukhang entertaining ang Book of Cheating ko.

Sinulat ko rin ang mga patterns ng test na napansin ko. Sinulat ko rin ang iba pang mga alam ko sa mga tao. Gumawa ako ng information list ng mga ilang estudyante na naging kliyente ko, siyempre hindi ko rin pinalagpas na ilagay ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko nailagay ang lahat ng impormasyon, kasi kung inilagay ko lahat, baka kakailanganin ko ng 20 na Book of Cheating. Baka maging Book of Information ang Book of Cheating ko. Nilagay ko rin ang information tungkol sa mga prominenteng tao sa school, baka kasi maging makalilimutin si kuya Andrei, matutulungan ko pa siya.

One month after mag-start ang klase, masasabi ko na effective nga yung mga strategies sa Book of Cheating (BOC). Napasok ako sa Top Ten after ng prelim test namin, isang bagay na dati ay hindi ko pinapangarap. Medyo marami pa akong kailangan pagsipagan pero nasisiguro ko na magkakaroon ng mataas na pwesto sa rankings, and that is 85% possible. Hindi accurate pero may pag-asa.

Sa kabilang dako, naghihinala ang mga kaibigan ko sa biglaan kong pagsisipag. One time, vacant namin, kaya tumambay muna kami sa Library. Biglang nagtanong si Irma, nakakapagtaka daw kasi nagsisipag na akong mag-aral.

"Masama bang magsipag?" tanong ko habang nagtatype ako ng project ng kliyente ko sa laptop ko.

"I don't mean it that way, Claire," she said as she close her Math textbook. She looked at me seriously. "Nakakapagtaka lang talaga na bigla kitang nakasama sa top ten. Alam mo at alam ko na hindi ka mahilig sa school rankings. May binabalak ka bang kalokohan ngayon?"

Napaisip ako, tapos tumingin ako sa kanya at sumagot ako. "Wala naman maliban lang sa gawing memorable ang last two years ko sa eskwelahang ito."

"Just make sure na hindi ka na mapupunta sa Principal's Office ulit," sabi na lang ni Irma at hindi na siya naghinala pa.

"Noted, Miss Paguio," sabi ko kay Irma sabay guhit ng krus sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit binigyang pansin ni Irma yung pagsisipag ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay halos katulad ko siya na walang pake sa ibang bagay na hindi importante. Iyon nga lang, mas may hilig siyang mang alala ng mga bagay-bagay, at mag aral nang mabuti. Baka siguro natatakot siya na malamangan ko siya? Di niya kailangang mag-alala doon. Top 5 lang ang habol ko. 

***

"Claire, busy ka ba mamayang hapon?" Biglang tanong ni Charmaine nang makaalis ang aming guro sa Science.

Hanggang ngayon kasi ay nagta-type parin ako ng mga projects ng mga kliyente ko. Ewan ko kung bakit, second month pa lang ay tinadtad na kami ng mga project ng aming mga butihing guro. Palibhasa ay gustong gusto nila kapag nahihirapan kami.

"Hmmm, oo, busy ako. Madami akong mga customer na nagpagawa ng mga projects ngayon week na to." sabi ko na nagta-type parin, hindi ko na inabala na lingunin siya.

"Pupunta ako sa mall ngayon, kailangan ko ng kasama." sabi niya.

"Tawagin mo na lang si Desiree," sabi ko. "Bakante siguro siya ngayon."

"Pero umuwi na siya kagaad, Claire," narinig kong sabi niya.

Napabuntong-hininga ako. "Try mo si Lorraine, frenie, sigurado akong hindi yun busy dahil sa akin niya pinagawa ang mga projects niya."

"Good idea, frenie, sige punta na ako ha, bye frenie muwaah, mag-ingat ka," sabi niya at umalis na siya sa classroom.

I shrugged and continued typing. Wala akong ganang magsalita kaya tumango na lang ako sa sinabi niya.

Nang makaalis si Charmaine ay may sumunod naman na dumating na hindi ko napansin kasi busy ako sa pagta-type sa laptop ko..

Nang matapos ako sa pag type, sinave ko na yung word document at nilingon ang taong dumating.

From what I can remember, he is Kaizer Jor Villanueva. Ito yung Vice President last school year. Vice President pa rin ba siya hanggang ngayon? Sa pagkaka-alala ko kasi ay naging President ulit si Aldrich Fen Arellano.

Tinignan ko ang armband niya. Yeah, siya pa rin ang Vice President ng SSG. Nabaling ang tingin ko sa kanya at laking gulat ko na nakatingin din siya sa akin.

Tinitigan niya ako. Sobrang talim ng tingin niya, siguro kung nakakamatay ang tingin, baka kanina pa ako naliligo sa sarili kong dugo.

"Um...may...may kailangan ka ba sa akin?" tanong ko.

He raised his eyebrows. "Students aren't allowed to stay in the classroom during vacant periods," he said in a cold voice that sent chills to my body. Ganito ba talaga magsalita ang lalaking ‘to? 

Nakakunot ang noo kong tinignan ang paligid, wala ng tao. Pero kanina...

Geez, gaano ba ako katagal na nag type at hindi ko man lang napansin na wala ng tao. At bakit wala ng tao? Sa pagkakaalam ko ay may English subject pa kami ngayon.

"The teachers attended an important meeting that is why classes are suspended today," sabi niya pa na parang nabasa niya ang utak ko.

Ah kaya naman pala nag-aaya si Charmaine kanina na mag mall kasi wala na kaming klase. Baka Accreditation namin at naghahanda ang school.

"S-sorry, hindi ko napansin...aalis na ako," sabi ko na lang at agad kong inayos ang mga gamit ko. May mga notebook pa akong nahulog dahil sa pagmamadali ko na agad ko namang pinulot.

Tapos dali dali akong lumabas ng classroom namin nang hindi tinitignan si SSG Vice President.

Napabuntong-hininga ako, mabuti na lang at agad akong nakalabas bago pa maisipan nung officer na bigyan ako ng warning note.

Dahil wala naman akong mapupuntahan, dumiretso na lang ako sa Library dahil bukas naman yon ngayon at doon ko na ipinagpatuloy ang mga project ng mga kliyente ko, panigurado ay maaga akong matatapos.

Hapon na nung natapos ako sa paggawa ng mga project para sa araw na ito, kaya naisipan kong pumunta muna sa mall para bumili ng mga kakailanganing gamit para sa mga portfolio na pinapagawa ng mga kliyente ko.

Bago ako pumunta sa mall, inilista ko muna yung mga dapat kong bilhin at kinalculate ko na rin ang halaga ng mga bibilhin ko para magkaroon pa ako ng room sa mga pansarili kong bilihin gaya ng pagkain, libro at mga school supplies, pero mostly ay pagkain at libro.

At dahil maraming mga shops sa mall, nag canvass ako ng mga presyo ng mga bibilhin ko para mas makatipid ako. Importante kasi ang pera dahil marami akong kailangang bilhin gaya ng Laptop at pagkain.

"Isn't it Miss Claire?"

Biglang may nagsalita sa likod ko habang pumipili ako ng magandang kulay ng glitter sa isang art shop.

Lumingon ako at bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Matagal ko nang hindi nakikita ang lalaking ito. And believe me, bigla akong kinilabutan nung nakita ko siya. The last time kasi na nakita ko siya ay magkausap kami sa classroom namin noon.

He stood casually in front of me as if I am a friend of his. Medyo magulo ang itim niyang buhok at ang kulay tsokolate niyang mga mata ay maamo pa rin katulad ng huli kong nakita. Nakasuot siya ng usual na uniform ng mga senior high students, white polo na napapatungan ng maroon na vest, maroon slacks, at black shoes. May suot siyang arm band, at siya pa rin ang SSG President. 

Ngumiti siya sa akin at kumaway. But I know that behind those comforting eyes, there is a different and a dangerous personality that no human should meet.

"It's been a while since I saw you," sabi niya at humakbang siya papalapit sa akin. "How are you, Claire?"

"Um...I-I-I..."

Geez, bakit nauutal ako sa kanya, dala ba ito ng takot?

Huminga ako nang malalim and I tried my best to maintain my composure in front of him.

"I...I'm perfectly fine, Mr. President." 

Related chapters

  • The Book of Cheating   Chapter 5: Not Nice To Meet You

    He chuckled as if reminiscing a memory. "You may refrain from calling me by that title," nakangiti niyang sabi. "Just call me Aldrich, there's no need for formalities anymore since we’re quite acquainted now." I nodded. "Okay...kuya Aldrich," I started to say. "I assume you're as fine as you were, back then." "Aldrich is fine," sabi niya na naman na nagpakunot sa akin. "H'wag mo na akong tawaging kuya. It’s making me feel so old." "Ah, Aldrich," sabi ko. This feels weird. "Well, nandito lang ako para bumili ng mga gamit," sabi ko ulit at nagbabadya na akong umalis. Pero may sinabi siya na hindi ko mapigilan. "Anyway, since we're here, I might as well treat you for dinner, I s

  • The Book of Cheating   Chapter 6: Lost, Not Found

    Friday, in my opinion, has been the most loathed day in a student's week. Ito kasi yung araw ng paghuhukom kung saan sinasapian ng kasamaan ang mga guro sa aming paaralan. Tuwing biyernes ay laging nagbibigay ng mga project at homework ang mga guro namin. Kung sa iba ay torture ito, para sa akin naman ay blessing ito, ibinigay ng langit kumbaga. Magandang factor ang kasamaan ng mga teachers para sa akin. Dahil on demand ang pagpapagawa ng mga projects, ang standard price ng isang essay paper na 200-500 pesos, ay tumaas sa hanggang 1,000 pesos. Nagiging 1,500 pesos din ito kapag sinapian ako ng pagiging mukhang pera ko. Iba din ang presyo kapag performance tasks ang pinapagawa ng mga kliyente ko, minsan umaabot ito ng hanggang limang libo o higit pa. Kaya ayun, andami ko na namang mga kliyente, hindi ko naman mata

  • The Book of Cheating   Chapter 7: Lost and Found?!

    Napilitan akong pumasok sa Mini Function Hall. Maliit lang ang function hall na ito kaya nga mini eh. Kasing laki lang ito ng tatlong office at kadalasan ay mga upuan at table lang ang nandito. May mga aircon din. Madalas gamitin 'to ng mga teachers kapag may meeting sila, minsan dito rin ginaganap ang pagbilang ng balots sa election. Pero labis ang pagtataka ko kasi Aldrich lang ang mag-isa doon. Nasa isang mahabang table siya at may ginagawa siya sa phone niya. Pagbaling niya sa amin ay ngumiti siya. "You are late, Andrei," sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Claire, what a surprise." Gusto ko siyang irapan. Halatado sa mukha niya na nagpapanggap lang siyang gulat na makita ko. "Ah kilala mo na pala itong anak ko, brad," sabi ni kuya Andrei na naka-akbay pa rin sa akin. "Asan na 'yung mga iba?"

  • The Book of Cheating   Chapter 8: Blackmailed

    "I call it, the Book of Cheating." Napaubo ako nang mabulunan ako sa iniinom kong soft drink. At dahil na rin kasi 'yon sa narinig kong sinabi ni Aldrich. Nasobrahan ko ata ang biglaang paglunok, kaya hindi ako natigil sa pag-ubo, bagay na ikinabahala ni kuya Andrei. "Claire, okay ka lang ba?" tanong ni kuya Andrei sa akin. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya ay sabi ko, "Okay lang po ako, kuya, nabulunan lang po." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich, pero nakangiti lang siya sa akin. He seems amused about the events that is happening right now. He has it! Nasa kanya ang BOC ko!!

  • The Book of Cheating   Chapter 9: Basic Information

    "The rumor about an underground government in Louise Academy is true," sagot niya. "As well as a possible crime organization that has been terrorizing students." Saglit akong natahimik sa kinatatayuan ko, but I am screaming inside. I have to scold my self for being stupid. Sinisisi ko ang sariling katangahan ko for unintentionally putting myself in a serious case like this. Iyong mga ganitong bagay ay hindi naman dapat nasa care list ko, kasi wala naman akong pake sa mga gano'ng bagay. "So you mean to say, may tinutugis kayong secret crime organization na binibiktima ang mga estudyante?" tanong ko sa kanya. "That's the basicality of it," sabi niya. "It started three years ago. May isang estudyante na humingi ng tulong sa SSG about a blackmailing case. The culprit was

  • The Book of Cheating   Chapter 10: Authentication

    "Can I ask you for any information? Let's put her information to test, shall we?" Kumakabog ang dibdib ko sa narinig ko. Tell me I'm dreaming. Andami ng nangyayari sa akin sa linggong 'to. This is not something I asked for! I sighed. "Ano po ang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya. "I want to know about a student named Cassandra Vergarra," sabi ni sir Vergarra. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ba 'yon yung anak niyang namatay last year lang? I really don't know the whole story of what happened that day, pero maraming nakakita sa kanya na tumalon mula sa fourth floor ng John Vianney Building, ang building naming mga senior high school. Suicide daw ang case, at wala namang kahina-hinala sa nangyari.

  • The Book of Cheating   Chapter 11 [Blackmailing Arc]: Wicked Secrets

    "Claire!" I was pulled out of my reverie when Irma loudly called my name. Muntik akong mapatalon dahil sa gulat, at napatingin ang mga tao sa amin sa cafeteria. "Bakit?" tanong ko kay Irma pero umiling lang siya sa akin. Inayos niya ang eyeglasses nniya at hinawi niya ang mahaba at kulot niyang buhok. "Kanina ka pa nakatunganga diyan," sabi niya sa akin, "malapit na matapos ang vacant natin at di ka pa tapos sa kinakain mo." Doon ko na-realize na kumakain pala kami ng lunch ngayon sa cafeteria. It has been days already since we've seen the hard drive, at hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang nilalaman ng isip ko. We actually found hundreds of videos that can surely ruin someone's image. I recognized some of my classma

  • The Book of Cheating   Chapter 12 [Blackmailing Arc]: Wicked Secrets pt. 2

    Matapos bumili ni Kaizer ng ice cream niya, dumiretso kami kaagad sa kinaroroonan ni Charmaine. Nasa isang arcade siya, at saka lang umalis sina Desiree at Lorraine nung dumating kami. Pinapasok namin si Charmaine sa sasakyan, at nag-uusap kami habang nagmamaneho si Aldrich palibot sa town. Sabi ni Aldrich mas safe na 'yon ang gawin namin kahit gastos sa gas, may pera naman siya kaya hindi na niya problema 'yon. Inalok ko ang iba kong pagkain kay Charmaine, nag alok din ng ice cream si Kaizer sa kanya. Pero sabi niya tapos na silang mag meryenda. "H'wag kang magalit sa tanong ko ha," sabi ko. "May nangyari ba sa inyo ni Drake?" tanong ko. "No way!" sabi ni Charmaine. "Hindi ako pumayag noon kasi sinabihan mo akong huwag magtiwala sa kanya."

Latest chapter

  • The Book of Cheating   Chapter 37 [Sports Festival Arc]: In Denial

    ALDRICH FEN ARELLANO POV"That's impossible," I told her, but she did not argue.She only sighed and took her burger again. She stared at her food, and I know she's hesitating if she should still eat or not. "Sa totoo lang, gulat din ako nung nakita ko ang source ng mga info.""Bakit magkakaroon ng gano'ng inpormasyon si Cassandra? That's unlikely of her."Claire smiled sheepishly, obviously disagreeing to my remarks. "You never truly know a person just because you were with them for a long time. Ako ba in-expect mo na magkakaroon ng maraming impormasyon? Hindi naman, di ba? I think, at first, you see me as kuya Andrei's loyal dog."I didn't correct her even though she thought wrong about my views on her. I always thought of her as Andrei's loyal friend, because she's the only person Andrei respects outside our circle.But she has a point. Maybe I was really wrong about my perception on Cassandra. Maybe Cassandra was really trying to join the Ragnarok Organization. But why? What was

  • The Book of Cheating   Chapter 36 [Sports Festival Arc]: Careful Preparations

    "That's the 15th time you did that, Claire." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich nang punahin na naman niya ang paghikab ko. Sa mga ginawa namin buong umaga, hindi ko alam kung paano niya pa nagawang makahanap ng oras para bilangin kung ilang beses akong humikab. "Pwede bang tigilan mo ako?" At sinabayan ko iyon ng pag-irap sa kanya. "Wala ako sa mood na pakinggan ang mga pagpupuna mo. Hwag ngayon na inaantok pa ako." Humikab ako ulit. "That's the 16th time." "Tutal patapos na ang morning classes, kakain muna ako ng lunch," sabi ko sa kanya at nauna na akong maglakad. Mabuti nang iwan siya nang sa ganon ay magkaroon ako ng ginhawa. Mamamatay ako nang maaga sa kanya. Humabol siya sa akin. "Hindi ka sasabay sa akin?" Saglit ko siyang sinulyapan at humikab ulit ako. "Bakit kita sasabayan mag lunch? Close ba tayo?" Mahina siyang tumawa. "According to the rumors, I am your boyfriend." "You are not one to believe rumors, President." "It's Aldrich for you, Claire. And besides, I thi

  • The Book of Cheating   Chapter 35: Public Displaying of Affection

    Sapo ko ang ulo ko habang pinipilit kong kainin ang pagkain na inihanda ni tita Agatha para sa agahan. Pakiramdam ko ay tutumba ako kahit na nakaupo ako. Minabuti ko na lang na ayusin ang aking postura nang sa gano'n ay hindi makapansin si tita Agatha a may nararamdaman akong hindi maganda. Across to where I am sitting, Aldrich only squinted at his breakfast. He then took a cup of coffee beside his plate and took a sip. Matapos no'n ay nabaling ang kanyang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "You don't know how grateful I am for your help during the weekend, Claire," sabi niya sa sinserong boses. But Aldrich being the two-faced, manipulative bastard that he is, I should think otherwise. Nagsalita siyang muli, "I wish you would be able to help me again next time." Next time my ass! Feeling naman niya gagawin namin ito ulit. "Oh I hope next time you would call for kuya Andrei, or better yet take Kaizer with you," I

  • The Book of Cheating   STORY HIATUS

    Hello, it's MissAlbularyo on your screen. I wasn't able to update much these months, and I'm sorry. For now, the story, The Book of Cheating will be on Hiatus and will be back on possibly May or June 2022. The reason for this is that I'm already in my fourth year in college and had been busy with school works since I'll be graduating soon. I hope my readers will understand and wait for me.I guarantee that once I've finished everyhting in my school, I will finish the story as soon as possible. I shall return. Thank you for your understanding.

  • The Book of Cheating   Chapter 34: Punishment pt. 2

    I said to him, "That is not a question." "But I still want you to tell me. I will ask another question later." Matagal kong tinitigan si Aldrich. Alam ba niya na personal kong hindi inilagay ang impormasyon ng Ragnarok Organization sa BOC ko? I don't know if I should lie, or I should tell him. But I chose the latter. "From the information I got, the Ragnarok Organization was established three years ago." "Hindi two years ago?" tanong ni Aldrich na nakakunot. Umiling ako sa kanya, "Hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol kay Skoll, pero alam ko ang objective nila." Mataman na tumitig si Aldrich sa akin. "At ano naman 'yon, Claire?"

  • The Book of Cheating   Chapter 33: Punishment pt. 1

    "H-Hindi ko na kaya...tama na...ayaw ko na!" It's already four o'clock in the morning, and I know to myself that I am already exhausted. Pero kahit sobrang pagod na ang katawan ko ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumakas. Mukhang napansin ako ng kasama ko kaya ang sabi niya, "Claire, what are you doing? Where are you going?" Hindi ko siya sinagot at literal akong gumapang sa sahig, papunta sa pinto, para matakasan ko si Aldrich Fen Arellano. Hindi ko na alintana kung madumihan ang damit pangtulog ko, gusto ko na talagang umalis sa lugar na 'to! Sa isip ko ay minumura ko si kuya Andrei, kasalanan niya lahat ng ito. Sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw sa Monday! Nagsalita ulit si Aldrich sa likod, "Clai

  • The Book of Cheating   Chapter 32: An Article Gone Wrong pt. 2

    Dinala ako ni Aldrich sa ECHO Office, hindi ko alam kung bakit dito kami nagpunta, pero halata ko sa paghinga niya na galit na galit siya. He loudly banged the door, it even made me startled. Mabilis na bumukas ang pinto at tumambad sa amin si kuya Andrei na kumakain ng pizza. The moment his eyes set on us, he suddenly choked and started coughing. Nahulog pa niya yung hawak niyang pizza at napaatras siya palayo sa amin. He signalled someone to close the door, but no one dared to close the door on the king. At habang hawak pa rin ni Aldrich ang kamay ko ay hinila niya ako papasok sa loob ng ECHO Office. Marami kaagad sa mga members ang nagbulungan nang makita nila kami na magkahawak kamay. Na-conscious tuloy ako kaya pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakaha

  • The Book of Cheating   Chapter 31: An Article Gone Wrong pt. 1

    CLAIRE JIMENEZ'S POV Before I went to school today, kuya Aldrich reminded me not to drop by the SSG office. Ngayon kasi namin ire-release ang magazine namin kung saan nakalagay ang isang importanteng article tungkol sa kagalang-galang na si Aldrich Fen Arellano. Kailangan kong tumulong sa pag-distribute kaya sinabihan ko na kaagad si Aldrich. He gave his go signal to me, so I didn't reply. The task wasn't really that hectic since I am with kuya Andrei. Ang problema lang namin ay ang mga estudyante na nag-uunahan na makakuha ng magazine na para bang mauubusan sila. Although I find it annoying, kuya Andrei looked pleased, as if it's going according to his plans. "Magandang ideya nga talaga na inilagay natin sa cover is Aldrich," sabi ni

  • The Book of Cheating   Chapter 30: A Big Misunderstanding

    ALDRICH FEN ARELLANO'S POV "Ah, naistorbo ko ata kayo," CJ, the Corps Commander, said. He turned his head away and he immediately closed the door. Silence filled the room, as Claire and I stared at each other. But she immediately avoided my gaze. "Aldrich, kailangan mo nang lumayo sa akin," sabi niya. Agad naman akong natauhan kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Tinulungan ko rin siyang tumayo, pero pagkatapos no'n ay mabilis niya akong iniwasan. This is so embarrassing, and for me to not get affected, I tried my best to smile at her. "You really messed up today, Claire," I teased. But

DMCA.com Protection Status