Being one of the school's news writers and also a commoner, is unquestionable on my side.
Alam ng maraming estudyante sa Louise Academy na isa lang akong pangkaraniwang estudyante kahit na kabilang ako sa student publication. I'd rather live a humble life with an average GPA. Mas mabuti na'ng pumasa sa awa ng katiting na katalinuhan at sandamakmak na kasipagan. Itinataguyod ko na lang talagang magkaroon ng place sa honor list para naman matuwa ang nanay ko.
May mga teachers na sinasabihan akong matalino, but I don't particularly think of myself that way. I just love to write news stories, journal entries, and even diaries. Mahilig lang din kasi akong magbasa ng mga libro kaya masasabing madami akong alam.
Pero hindi porque't sinabihan akong matalino, doesn't mean na kaya ko nang kausapin ang Principal ng aming paaralan para ma-approve ang isang research paper.
It freaking doesn't work that way!
"Frenie, sige na, please?"
I sighed and faced my best friend, Charmaine, and said to her the most common answer of rejection: "No."
She whined at me like a kid having tantrums. "Pero frenie, kaya mo namang kausapin si Principal Vergarra," sabi niya. "Makikiusap ka lang naman na i-sign ni Sir yung letter para sa research namin."
I squinted my eyes at her. "Hindi nga ako yung nagpa-sign ng letter sa group namin eh," sabi ko. "Kaya, anong alam ko diyan?"
"At isa pa, hindi ako magaling sa English. Hindi ako fluent sa pagsasalita no'n, kausapin mo na lang si Irma, magaling yun," dagdag ko.
"News writer ka ng English sa publication, impossible naman na hindi mo alam frenie!" Napangiwi ako sa sinabi niya. Natumbok niya ako. "Atsaka parehas naman kayo ni Irma na may honor at matalino eh, makakaya mo 'yon, frenie," dagdag pa niya.
I sighed. "Hindi nga ako marunong makipag-usap sa kanya, paki-usapan mo na lang yung mga kasama mo sa group n'yo."
"Ayaw nga nila akong tulungan, frenie, kaya ikaw na lang please?" she insisted na maiiyak na.
"Eh hindi ko nga kaya," sabi ko. Iiyak na rin ako sa kakulitan niya.
"Kaya mo, freeeenieee."
Bumuntong-hininga ako, mapilit siya eh. Hindi ko alam kung paano kami naging best friends nitong babaeng 'to, sa kakulitan niya siguro.
"H'wag mo nang ipagpilitan na kaya ko kasi masasaktan ka lang."
And then there was silence. Then she broke the atmosphere by laughing at me.
"Ano ba," sabi niya habang tumatawa pa rin, feeling niya nagsabi ako ng joke. "Hindi mo siya sinagot, kaya h'wag kang humugot diyan, frenie."
"Ikaw, ma-showbiz ka eh," sabi ko. "Hinalungkat mo pa ang nakaraan dahil lang sa ayaw kong magpa-sign."
"Eeh, kasi, basta, pa-sign na lang kasi," she said then she gave me a look as if she just got something on her mind. "Ganito na lang, ipa-sign mo yung letter namin, tapos ililibre kita ng lunch ng isang buong linggo."
I pursed my lips to remain a stoic face, and avoid myself from smiling. Kapag ngumiti ako, alam na niyang nahi-hypnotize na ako ng "libre" powers niya. Gano’n ba talaga ka-obvious yung kahinaan ko?
Charmaine grinned as if she just read my mind. "Ayieeehhh ngumingiti na siya," she teased. "Ipapa-sign mo na, di ba?"
I sighed and forced myself not to roll my eyes. Para sa libreng 'to, saglit lang naman. "Tignan natin kung mapapa-sign natin 'yang letter na 'yan," sabi ko at binasa ko ang letter na kailangan nilang ipa-approve para makapagpatuloy na sila sa research nila.
She clapped like a child who received a fancy gift on her birthday. "Yes!" Niyakap ako ni Charmain nang mahigpit, at halatadong-halatado ang kasiyahan sa boses niya. "Thank you frenie, promise sa isang fast food chain kita ililibre."
Hay, well, what can I do? She's my friend, and I shall always help her in times of trouble.
Si Charmaine and tipo ng babae na sikat, maganda, at magaling sa larangan ng pagsasayaw at pagkanta. Mahaba ang kanyang brown na buhok na umabot sa kanyang bewang. Maganda ang singkit niyang mga mata at sobrang puti ng kutis niya. Member siya ng Danza de Artiztico, ang dance club ng Louise Academy. Siya din ang main vocalist ng August Band, ang main band ng school. Though gifted in those skills, and downside ay hindi siya gaanong matalino pagdating sa academics. She does have average grade, pero hindi siya gano'n kagaling. Pero kahit gano'n, si Charmaine ang may pinakamagandang boses na narinig ko sa tanang buhay ko. And the way she dances mesmerizes everybody. And her, being kind is a plus too.
"Kailan ba tayo magpapa-sign?" tanong ko kay Charmaine habang naglalakad na kami sa school grounds.
"Hmmm, mamayang after lunch," sabi niya. Then she looked at me. "Teka, kung hindi ikaw ang nagpa-sign sa letter n'yo, edi anong ginawa mo sa group n'yo?"
I shrugged. "Ako ang gumawa sa research namin," sabi ko. Her eyes widened. "Sina Khristal at Ralph ang bahala sa encoding at printing, at yung natirang dalawa ang bahala sa mga gastusin."
"Edi lugi ka," she said. "Ikaw ang gumawa ng research n'yo, tapos sila, nag-encode, nag-print, at gumastos lang ang ginawa nila."
I laughed. "It's the other way around," I said. "Sila ang lugi, hindi ako."
Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga maninipis na kilay. "Paano nangyari yun?"
"In times of unwanted things such as projects or performance tasks, whatever that is, I'd rather waste a little knowledge, rather than waste money on that thing that I am not interested in."
Kuripot kasi ako, kahit may pera ako, ayaw na ayaw ko ang gumagastos ng pera. Madalas kong ubusin ang pera ko sa mga libro. Mas pipiliin kong sa libro i-sacrifice ang pera ko kaysa sa mga projects na 'yan na panigurado ay ako din lang ang utak sa likod.
Kaya weakness ko lagi ang panlilibre, kasi alam nilang kuripot ako at lagi akong nag-iipon ng pera para sa mga libro.
"Parang lugi ka pa rin."
Umiling ako kay Charmaine. "Mas lugi sila kasi laging ni-rereject ni Ma'am Fernandez yung research namin kasi maraming typos, at nagkamali sila sa font style at font size na ginamit. So in return, they get to spend one-hundred-fifty pesos each day, and stay up all night to finish everything. And I get to pay nothing for their burdens." I laughed evilly.
"Akala ko ba hindi ka marunong sa English?" she suddenly asked, nagitla tuloy ako. "Saang lupalop ng mundo mo naisip ang mga 'yan?"
"Tutulungan naman na kita sa research mo 'di ba, Charmaine?" sabi ko sa kanya. "Anyways, hindi ko sinasabing matalino ako, I just know the basics of doing things. Okay lang kahit pagudin ko utak ko sa research, basta hindi ako makakagastos ng malaking halaga ng pera sa projects lang. Ilang libro ang mabibili ko sa pinagsabay na pera nila Khristal, shocks sayang na mga pera.
"Sana all matalino," sabi ni Charmaine, pero agad ko siyang pinatigil sa pagsasalita.
"Shhh! Hindi mo pwedeng sabihin 'yan! Hindi ka man gano'n kagaling sa acads, magaling ka sa pagkanta at pagsayaw. All you need, my friend, is confidence!"
Charmaine giggled and hugged me again. "Ang swerte ko talaga sa inyo na mga kaibigan ko, ang babait niyo sa akin. Thank you, frenie ha," sabi niya at mas niyakap niya pa ako. Pero naalis agad ang pagkakayakap niya sa akin nang may makita siya sa di kalayuan.
"Teka, frenie, si Lorraine yun di ba?" Charmaine pointed a finger on a distant area in our school grounds. I then turned and saw our friend being bullied by three ugly girls. Pinatigil siyang mag-lakad saka nila siya pinagtawanan.
I know those ugly girls by their faces, sikat sila sa mga pambubully sa school. Walang sinomang estudyante ang kumakalaban sa kanila. Hindi ko sila kilala at wala naman din akong pake sa kanila. Pero dahil binu-bully nila ang kaibigan ko, kailangan nilang maturuan ng leksyon.
Agad akong papunta sa kanila para masamahan si Lorraine. Narinig ko pa ang pag-pigil sa akin ni Charmaine, pero hindi ko ito pinansin. Ang ayaw ko sa lahat ay ang inaapi ang mga kaibigan ko.
Nang marating ko ang kinaroroonan ni Lorraine, narinig ko pa yung sinabi nung isang babae na, "Geez, Lorraine, you're so taba, nakakadiri! Bilhan mo nga kami ng juice sa cafeteria, tumakbo ka ha para naman makapag-exercise ka at pumayat ka."
At ang sinabi ng babae na 'yon ay nasundan ng malalalakas na halakhak mula sa mga kasama niya. "Ang taba-taba kasi, nakakasira sa paningin."
I rolled my eyes at tumabi ako kay Lorraine. Agad naman akong napansin nung tatlong babae. Tinitigan ko sila, para alalahanin kung anong mga pangalan nila, makakalimutin kasi ako lalo na sa mga taong panget ang ugali at maitim ang budhi. I didn't bother, I don't care about them, anyway.
"Hoy kayo," sabi ko at tinuro ko silang tatlo. "Ang bastos n'yo ah, at least si Lorraine kahit mataba, cute parin. Eh kayo? Ang payat n'yo nga, mukha naman kayong palaka."
Mukha atang nagalit yung may pinakamahabang buhok. "Who are you calling frogs, b*tch?"
"Oh dear, didn't I just say that it's the three of you?" I said in a mocking tone.
"Aba't! Hey you, don't you dare say those things to us or we will make your life a living hell." sabi naman nung babaeng may maikling buhok.
I sighed, this is the reason why I am always wasting three-to-five minutes of silence just to internalize everything that a stupid had just said. "You already don't need to do that. I'm already living in hell," sabi ko.
Yeah right, kung kasali siya sa student publication ng school namin, hindi na niya kailangang magdalawang-isip na hell ang club na 'yon dahil sa EIC. Damn that guy! Naalala ko na naman siya. His wicked ways, and playboy sessions makes me want to puke.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Lorraine. "Hayaan mo na sila, frenie," sabi ko. "Look, my friend," I said to her in the most concerned tone ever. "These frogs are a bunch of foreign-speaking wannabes who only talk when water is splashed on them. Please don't imitate their stupidity, it will be so embarrassing on your pretty image."
Nanlaki ang mga mata ni Lorraine sa sinabi ko. Hindi kasi ako takot sa mga bullies, at sinasabi ko kung ano ang nararamdaman ko.
"Guys, hayaan na natin sila, tara na," sabi ni Charmaine nang makalapit siya sa amin ni Lorraine.
"Oh my gosh, Charmaine," sabi nung isa sa mga palaka. "How long has it been, since nung niloko ka ng boyfriend mo? Oh, I forgot, it should be ex, right?"
Napatingin kaming dalawa ni Lorraine kay Charmaine. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Wala na kayo ni Drake, kailan pa?" tanong ko.
Yumuko si Charmaine, then we noticed a tear fell from her eye. "Last week. Dare lang pala yung sa amin, tama yung sinabi mo, Claire. Manloloko nga si Drake."
Kinuyom ko ang mga palad ko hanggang sa mamuti ito. "Sabi ko na nga ba, g*go yung lalaking 'yon, humanda siya sa akin."
"Hahahaha!" Tumawa lider ng mga palaka. "You're so gullible kasi, Charmaine. Aside from that you're also stupid--"
"You're talking about yourself?" I interrupted.
"You b*tch!" Lumapit sa akin yung palakang may mahabang buhok at sasampalin na sana niya ako, pero inunahan ko siyang suntukin sa panga, that's why she fell, head first on the cemented ground.
Sumigaw yung dalwang palaka na kasama niya. "KYAHHH!! STACY!!"
Ngumiti ako sa sarili ko, hindi ko alintana ang atensyon na nakuha ko. Basta naipaglaban ko ang mga kaibigan ko sa mga taong 'to. Ang sasama ng ugali!
Nakiusisa ang mga ibang estudyante sa amin at lumapit sila doon sa babaeng pinatumba ko. Mga chismoso at mga chismosa.
The girl was knocked out, probably because of what I did. At sa kasamaang palad, may dumating na dalawang lalaking nakasuot ng maroon na arm band na may design na gold linings. Ang isa ay nakasuot ng senior high uniform, at ang isa naman ay nakasuot ng junior high na uniform ang President at Vice President ng Supreme Student Government(SSG). Nakalimutan ko yung mga pangalan nila.
That's the irony of me being a news writer.
Lorraine and Charmaine started to look around, feeling worried. Baka kasi dumating din yung mga nasa Prefect of Discipline (POD).
"Anong nangyayari dito?" tanong nung SSG President, samantalang yung Vice na kasama niya ay taimtim lang na nanonood sa mga nangyari.
The SSG President stared at me as if he knew me. Mas matangkad siya kaysa sa SSG Vice President na kasama niya, he has jet black hair and lively eyes yet it remains serious because of the events happening right now. Matangos ang kanyang ilong and his lips didn't smile, yet his eyes fixated on me knowingly.
Nagkibit-balikat ako at umiwas ako ng tingin. Something about this person is dangerous to me. "Bigla pong hinimatay yung babae," I said in my most innocent tone. Nakalimutan kong dugtungan yung sinasabi ko ng "Pagkatapos ko siyang suntikin."
"Sinungaling ka!" sigaw nung short-haired na palaka matapos buhatin yung Princess papunta sa Clinic. "Sinuntok mo sa mukha si Stacy."
"You're the one who's lying," I said. "Hindi ko siya sinuntok sa mukha, sinuntok ko siya sa panga kaya siya hinimatay."
The two SSG officers stared at me, internalizing what they've just heard. Simply, they were dumbfounded.
Yung SSG Vice President ay naningkit ang mga mata sa akin. Pagkatapos ay nakita kong umangat ang gilid ng labi niya, at narinig ko siyang bumulong, "seriously, this girl."
Kinalabit naman ako ni Charmaine. "Frenie, anong sinasabi mo?!" nagpa-panic na bulong niya.
Tinignan ko naman siya. "Sinasabi ko sa kanila yung totoo."
"Mapupunta tayo sa Office nito frenie eh," sabi naman ni Lorraine.
"Ako lang ang mapupunta sa office, hindi kayo," sabi ko. "Ako lang naman yung nanuntok."
"How about we sort this out in the office of POD?" sabi nung President.
"I suggest that we go to the Principal's Office instead." I said.
Charmaine and Lorraine gasped. "Frenie!!"
"Why the Principal's Office?" tanong ng SSG President habang naglalakad kami sa hallway ng Admin Building. Katabi ko sa magkabilang side ko ang President at Vice President ng SSG, habang nasa likod naman namin sina Charmaine, Lorraine at yung dalawang palaka na alipores ng pinatumba ko kanina. "Ah, kailangan ko po silang isumbong sa mga ginagawa nilang hindi magaganda," sabi ko. "The Principal's Office is the shortcut kasi maraming complaints ang mga estudyante against sa tatlong 'yon," dagdag ko. "And I have something to ask of the Principal." "And what is that?" tanong ni SSG President. "It's nothing, it should not burden the mind of a busy person like you," sabi ko. "Baka po maabala ko pa po kayo," dagdag ko. Ngumiti si SSG President sa akin na para bang napagaan
"Magkano ang magpagawa ng Reaction Paper para sa subject ni Sir Rogene?" Iyan agad ang bumungad sa akin, isang linggo after akong ma-suspend. Kaharap ko ang isang maputing babae na may mahabang buhok na kulay brown, brown din ang kanyang mga mata na tila ba nagliliwanag kapag nasisinagan ng araw, at mayroon siyang napakaganda at matangos na ilong. May lahi ang babaeng ito, mayaman to, panigurado. Bakit ba nakalimutan kong may maganda pala akong classmate? Dahil siguro sa wala akong pake or dahil dun sa suspension. Sa tatlong araw na suspension ko, wala akong ibang ginawa kundi ang gumawa ng mga projects na hindi kayang gawin ng mga tamad kong mga schoolmates. At kumain ako nang kumain dahil libre ang pagkain sa bahay. Pinagalitan ako ni mama, at ang papa ko na nasa M
"Claire!!! Gumising ka na!! Aba tong batang to, tanghali na!! Gising na 'ang kambal, ikaw na lang ang hindi." Hirap akong bumangon mula sa higaan ko at tinignan ang paligid ng kuwarto. Madilim pa lang sa labas. Tinignan ko yung orasan ko, 4:30 pa lang ng madaling araw. Bwisit naman na buhay 'to. Kailan pa naging tanghali ang madaling araw?! Babalik na sana ako sa pagtulog pero biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si mama sa kuwarto ko. "Ano ka bang bata ka, tumayo ka na diyan," sabi ni mama sa akin. "First of all, my dear mudra, bakasyon ngayon at walang pasok. Second, it's four thirty in the morning, mamayang nine pa po ang tanghali," sabi ko. "Ano bang meron? Umagang-umaga nambubulabog ho kayo."
He chuckled as if reminiscing a memory. "You may refrain from calling me by that title," nakangiti niyang sabi. "Just call me Aldrich, there's no need for formalities anymore since we’re quite acquainted now." I nodded. "Okay...kuya Aldrich," I started to say. "I assume you're as fine as you were, back then." "Aldrich is fine," sabi niya na naman na nagpakunot sa akin. "H'wag mo na akong tawaging kuya. It’s making me feel so old." "Ah, Aldrich," sabi ko. This feels weird. "Well, nandito lang ako para bumili ng mga gamit," sabi ko ulit at nagbabadya na akong umalis. Pero may sinabi siya na hindi ko mapigilan. "Anyway, since we're here, I might as well treat you for dinner, I s
Friday, in my opinion, has been the most loathed day in a student's week. Ito kasi yung araw ng paghuhukom kung saan sinasapian ng kasamaan ang mga guro sa aming paaralan. Tuwing biyernes ay laging nagbibigay ng mga project at homework ang mga guro namin. Kung sa iba ay torture ito, para sa akin naman ay blessing ito, ibinigay ng langit kumbaga. Magandang factor ang kasamaan ng mga teachers para sa akin. Dahil on demand ang pagpapagawa ng mga projects, ang standard price ng isang essay paper na 200-500 pesos, ay tumaas sa hanggang 1,000 pesos. Nagiging 1,500 pesos din ito kapag sinapian ako ng pagiging mukhang pera ko. Iba din ang presyo kapag performance tasks ang pinapagawa ng mga kliyente ko, minsan umaabot ito ng hanggang limang libo o higit pa. Kaya ayun, andami ko na namang mga kliyente, hindi ko naman mata
Napilitan akong pumasok sa Mini Function Hall. Maliit lang ang function hall na ito kaya nga mini eh. Kasing laki lang ito ng tatlong office at kadalasan ay mga upuan at table lang ang nandito. May mga aircon din. Madalas gamitin 'to ng mga teachers kapag may meeting sila, minsan dito rin ginaganap ang pagbilang ng balots sa election. Pero labis ang pagtataka ko kasi Aldrich lang ang mag-isa doon. Nasa isang mahabang table siya at may ginagawa siya sa phone niya. Pagbaling niya sa amin ay ngumiti siya. "You are late, Andrei," sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Claire, what a surprise." Gusto ko siyang irapan. Halatado sa mukha niya na nagpapanggap lang siyang gulat na makita ko. "Ah kilala mo na pala itong anak ko, brad," sabi ni kuya Andrei na naka-akbay pa rin sa akin. "Asan na 'yung mga iba?"
"I call it, the Book of Cheating." Napaubo ako nang mabulunan ako sa iniinom kong soft drink. At dahil na rin kasi 'yon sa narinig kong sinabi ni Aldrich. Nasobrahan ko ata ang biglaang paglunok, kaya hindi ako natigil sa pag-ubo, bagay na ikinabahala ni kuya Andrei. "Claire, okay ka lang ba?" tanong ni kuya Andrei sa akin. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya ay sabi ko, "Okay lang po ako, kuya, nabulunan lang po." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich, pero nakangiti lang siya sa akin. He seems amused about the events that is happening right now. He has it! Nasa kanya ang BOC ko!!
"The rumor about an underground government in Louise Academy is true," sagot niya. "As well as a possible crime organization that has been terrorizing students." Saglit akong natahimik sa kinatatayuan ko, but I am screaming inside. I have to scold my self for being stupid. Sinisisi ko ang sariling katangahan ko for unintentionally putting myself in a serious case like this. Iyong mga ganitong bagay ay hindi naman dapat nasa care list ko, kasi wala naman akong pake sa mga gano'ng bagay. "So you mean to say, may tinutugis kayong secret crime organization na binibiktima ang mga estudyante?" tanong ko sa kanya. "That's the basicality of it," sabi niya. "It started three years ago. May isang estudyante na humingi ng tulong sa SSG about a blackmailing case. The culprit was
ALDRICH FEN ARELLANO POV"That's impossible," I told her, but she did not argue.She only sighed and took her burger again. She stared at her food, and I know she's hesitating if she should still eat or not. "Sa totoo lang, gulat din ako nung nakita ko ang source ng mga info.""Bakit magkakaroon ng gano'ng inpormasyon si Cassandra? That's unlikely of her."Claire smiled sheepishly, obviously disagreeing to my remarks. "You never truly know a person just because you were with them for a long time. Ako ba in-expect mo na magkakaroon ng maraming impormasyon? Hindi naman, di ba? I think, at first, you see me as kuya Andrei's loyal dog."I didn't correct her even though she thought wrong about my views on her. I always thought of her as Andrei's loyal friend, because she's the only person Andrei respects outside our circle.But she has a point. Maybe I was really wrong about my perception on Cassandra. Maybe Cassandra was really trying to join the Ragnarok Organization. But why? What was
"That's the 15th time you did that, Claire." Sinamaan ko ng tingin si Aldrich nang punahin na naman niya ang paghikab ko. Sa mga ginawa namin buong umaga, hindi ko alam kung paano niya pa nagawang makahanap ng oras para bilangin kung ilang beses akong humikab. "Pwede bang tigilan mo ako?" At sinabayan ko iyon ng pag-irap sa kanya. "Wala ako sa mood na pakinggan ang mga pagpupuna mo. Hwag ngayon na inaantok pa ako." Humikab ako ulit. "That's the 16th time." "Tutal patapos na ang morning classes, kakain muna ako ng lunch," sabi ko sa kanya at nauna na akong maglakad. Mabuti nang iwan siya nang sa ganon ay magkaroon ako ng ginhawa. Mamamatay ako nang maaga sa kanya. Humabol siya sa akin. "Hindi ka sasabay sa akin?" Saglit ko siyang sinulyapan at humikab ulit ako. "Bakit kita sasabayan mag lunch? Close ba tayo?" Mahina siyang tumawa. "According to the rumors, I am your boyfriend." "You are not one to believe rumors, President." "It's Aldrich for you, Claire. And besides, I thi
Sapo ko ang ulo ko habang pinipilit kong kainin ang pagkain na inihanda ni tita Agatha para sa agahan. Pakiramdam ko ay tutumba ako kahit na nakaupo ako. Minabuti ko na lang na ayusin ang aking postura nang sa gano'n ay hindi makapansin si tita Agatha a may nararamdaman akong hindi maganda. Across to where I am sitting, Aldrich only squinted at his breakfast. He then took a cup of coffee beside his plate and took a sip. Matapos no'n ay nabaling ang kanyang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "You don't know how grateful I am for your help during the weekend, Claire," sabi niya sa sinserong boses. But Aldrich being the two-faced, manipulative bastard that he is, I should think otherwise. Nagsalita siyang muli, "I wish you would be able to help me again next time." Next time my ass! Feeling naman niya gagawin namin ito ulit. "Oh I hope next time you would call for kuya Andrei, or better yet take Kaizer with you," I
Hello, it's MissAlbularyo on your screen. I wasn't able to update much these months, and I'm sorry. For now, the story, The Book of Cheating will be on Hiatus and will be back on possibly May or June 2022. The reason for this is that I'm already in my fourth year in college and had been busy with school works since I'll be graduating soon. I hope my readers will understand and wait for me.I guarantee that once I've finished everyhting in my school, I will finish the story as soon as possible. I shall return. Thank you for your understanding.
I said to him, "That is not a question." "But I still want you to tell me. I will ask another question later." Matagal kong tinitigan si Aldrich. Alam ba niya na personal kong hindi inilagay ang impormasyon ng Ragnarok Organization sa BOC ko? I don't know if I should lie, or I should tell him. But I chose the latter. "From the information I got, the Ragnarok Organization was established three years ago." "Hindi two years ago?" tanong ni Aldrich na nakakunot. Umiling ako sa kanya, "Hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol kay Skoll, pero alam ko ang objective nila." Mataman na tumitig si Aldrich sa akin. "At ano naman 'yon, Claire?"
"H-Hindi ko na kaya...tama na...ayaw ko na!" It's already four o'clock in the morning, and I know to myself that I am already exhausted. Pero kahit sobrang pagod na ang katawan ko ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumakas. Mukhang napansin ako ng kasama ko kaya ang sabi niya, "Claire, what are you doing? Where are you going?" Hindi ko siya sinagot at literal akong gumapang sa sahig, papunta sa pinto, para matakasan ko si Aldrich Fen Arellano. Hindi ko na alintana kung madumihan ang damit pangtulog ko, gusto ko na talagang umalis sa lugar na 'to! Sa isip ko ay minumura ko si kuya Andrei, kasalanan niya lahat ng ito. Sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw sa Monday! Nagsalita ulit si Aldrich sa likod, "Clai
Dinala ako ni Aldrich sa ECHO Office, hindi ko alam kung bakit dito kami nagpunta, pero halata ko sa paghinga niya na galit na galit siya. He loudly banged the door, it even made me startled. Mabilis na bumukas ang pinto at tumambad sa amin si kuya Andrei na kumakain ng pizza. The moment his eyes set on us, he suddenly choked and started coughing. Nahulog pa niya yung hawak niyang pizza at napaatras siya palayo sa amin. He signalled someone to close the door, but no one dared to close the door on the king. At habang hawak pa rin ni Aldrich ang kamay ko ay hinila niya ako papasok sa loob ng ECHO Office. Marami kaagad sa mga members ang nagbulungan nang makita nila kami na magkahawak kamay. Na-conscious tuloy ako kaya pinilit kong alisin ang kamay ko sa pagkakaha
CLAIRE JIMENEZ'S POV Before I went to school today, kuya Aldrich reminded me not to drop by the SSG office. Ngayon kasi namin ire-release ang magazine namin kung saan nakalagay ang isang importanteng article tungkol sa kagalang-galang na si Aldrich Fen Arellano. Kailangan kong tumulong sa pag-distribute kaya sinabihan ko na kaagad si Aldrich. He gave his go signal to me, so I didn't reply. The task wasn't really that hectic since I am with kuya Andrei. Ang problema lang namin ay ang mga estudyante na nag-uunahan na makakuha ng magazine na para bang mauubusan sila. Although I find it annoying, kuya Andrei looked pleased, as if it's going according to his plans. "Magandang ideya nga talaga na inilagay natin sa cover is Aldrich," sabi ni
ALDRICH FEN ARELLANO'S POV "Ah, naistorbo ko ata kayo," CJ, the Corps Commander, said. He turned his head away and he immediately closed the door. Silence filled the room, as Claire and I stared at each other. But she immediately avoided my gaze. "Aldrich, kailangan mo nang lumayo sa akin," sabi niya. Agad naman akong natauhan kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Tinulungan ko rin siyang tumayo, pero pagkatapos no'n ay mabilis niya akong iniwasan. This is so embarrassing, and for me to not get affected, I tried my best to smile at her. "You really messed up today, Claire," I teased. But