Home / Romance / The Billionaires' War: Cry For Me / CHAPTER 1- DANGEROUS PROPOSAL

Share

CHAPTER 1- DANGEROUS PROPOSAL

Author: LovieNot
last update Last Updated: 2023-12-05 14:51:15

"Arrange marriage?" paninigurado ko pa. "Iyan ba ang proposal mo sa akin, Mr. Jax Lavioza?" pormal kong tanong sa lalaking kaharap ko habang may ngiti sa aking mga labi.

Pinakatitigan ko pa ito at pinag-aaralan ang bawat galaw ng mga mata. Maging ang paraan ng paglunok nito ay hindi nakaligtas sa akin. Nasaksihan ko rin kung paano nito pinasadahan ng tingin ang aking dibdib.

Malaya nitong natititigan ang cleavage ko dahil sa suot kong spaghetti strap black dress. Hapit na hapit din ito sa aking katawan. Imbes na punahin ay hinayaan ko lang itong mag-enjoy sa magandang tanawing nasa harapan nito. Wala rin namang mawawala sa akin. Huwag na huwag lang ako nitong hahawakan dahil ibang usapan na iyon.

"Tama ka ng iniisip, Ms. Jones. Hinding-hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bumaba ang performance ng kompanya mo nitong mga nakaraang buwan, hindi ba? Gusto lamang kitang tulungang makabangong muli," deklara pa nito at para bang isang mafia leader na sumimsim ng alak.

O baka nga tama ang sabi nila na isa itong mafia boss. I don't know. Hindi ako sigurado sa pagkatao ng isang ito dahil hindi rin naman ako interesado ngunit kahit papaano ay may nakuha akong personal na impormasyon tungkol dito at lahat ng iyon ay hindi maganda.

Pinigilan kong matawa ng sarkastiko dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong balita ang kumakalat sa business industry ngayon tungkol sa kompanya ko pero paniguradong hindi iyon maganda.

Sinadya kong magdekwatro ng upo para mas ma-expose ang hita ko. May slit ang dress ko kaya kahit fit ito sa akin ay madali lang sa akin na pumosisyon ng gano'n.

Napasunod naman doon ng tingin si Lavioza. Napakagat pa ito sa pang-ibabang labi.

"Bukod sa kapakanan ng kompanya ko, ano pa ang benepisyong makukuha ko sa proposal na ito?" seryosong tanong ko. Sinalubong ko rin ang malagkit na tingin nito sa akin.

Tumikhim pa ito at umayos ng upo. Panaka-naka pa rin itong tumititig sa aking dibdib.

"Ang rinig ko rin ay magkaaway ang Taylor at Jones family." Natigilan ako sa sinabi nito pero kaagad din namang nakabawi.

Napapalatak ako. He went too far digging my personal life.

"Puwede kong burahin sa mundo si Zayden Taylor para sa 'yo. Ako ang kailangan mo ngayon," sabi pa nito na para bang siguradong bumagsak na nga ang aking kompanya.

"Zayden Taylor," usal ko pa at kinagat ang ibabang labi ko. Iginuhit ko rin ang mukha ng lalaking iyon sa aking isipan. Nasa front page pa lang ng isang diyaryo ang isang iyon kanina. "Hindi naman na masama ang offer mong 'to pero mas magiging masaya ako kapag ako mismo ang nakapatay sa kanya."

"Puwede kitang tulungan. Hindi mo kayang patumbahing mag-isa si Taylor."

Pinutol ko ang lintanya nito sa pamamagitan ng pagtawa. Hindi ko na mapigilang ipakita rito kung gaano ako naaaliw sa usapang ito.

"What's funny? I'm serious, Ms. Jones," may diing asik nito.

Napailing na lang ako. "Sampung minuto na tayong nag-uusap, Mr. Lavioza. Ikinansela ko pa ang appointment ko para lang sa meeting na ito. Hindi mo ba alam kung magkano ang bawat minuto ko?"

"I paid a lot for this meeting."

"And?"

"Just so you know. Hindi ba nabanggit ng secretary mo?"

Surely, his money can buy everything and everyone.

"I know. You sent me 5.5 billion for this 30-minute meeting. Iyon ang dahilan kung bakit ako nasa harapan mo ngayon. Wala ka bang mas matinong topic na dala? Iyong interesting naman."

Bigla na lang nagbago ang emosyon sa mukha nito. Tumalim ang titig nito sa akin na para bang sa pamamagitan niyon ay gusto niya akong kitilan ng buhay. Umigting din ang panga nito.

Nakikita ko na ang dahilan kung bakit tinaguriang psychopath ang isang ito. So, tama nga ang tip-off na natanggap ko. Ako ang sunod na target ng isang ito.

Ilang mayayamang persona na ba ang namatay sa kamay nito? Hindi na mabilang pa at lahat ng iyon ay hindi napatunayang ito ang may gawa. Kahit pa nga may matitibay na ebidensiya ay nalulusutan pa rin nito ang kadena ng batas. Maging ang palakol ng kamatayan.

"Oo at hindi lang ang sagot na kailangan ko, Ms. Jones," may diin nitong sabi. Ngumisi pa ito sa nakakatindig balahibong paraan

"Kapag oo?" usisa ko.

Naramdaman ko ang tensiyon sa loob ng VVIP room na kinaroroonan namin ngayon. Mukha lang simple ang larong gusto nito pero kailangan maging malinaw sa akin ang kondisyon at patakaran ng isang ito.

"Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto mo. Sounds interesting, right?"

"What if gusto kong ibigay mo sa akin ang kompanya ninyo?"

"Kung iyon ang gusto mo ay bakit hindi? Magiging asawa kita. Hindi mo ba alam ang tungkol sa conjugal property?"

Conjugal property, huh? Ibig sabihin ay gusto ko rin nitong maging pagmamay-ari ang lahat ng pagmamay-ari ko.

Wrong choice of words, Mr. Lavioza. Dream on!

Ang layo na ng naabutan ng imahinasyon ng isang ito. This is exciting. Mas natutuwa pa ako lalo sa usapang ito. Kahit papaano ay nabawasan ang pagkabagot ko sa buhay.

"At kapag hindi?"

Tumawa pa ito at tinitigan ako nang husto. "Say hello to your parents," direkta nitong sabi.

Bigla na lang kumalabog ang aking dibdib. Hindi dahil sa natakot ako sa sinabi nito kundi dahil sa pagbanggit nito sa mga magulang ko. Paniguradong lahat ng tungkol sa akin ay alam nito. Kaya pala malakas ang loob nitong makipagdiskusyon sa akin.

"Dalawa lang ang pagpipilian mo, Ms. Chaewon Jones. Lalabas ka ng ligtas o ni bangkay mo ay hindi na nila matatagpuan pa."

Napatitig naman ako sa dokumentong nasa mesa. Kinuha ko ang ballpen sa sling bag ko at dinampot ito. Binasa ko pa muna ang laman ng contract.

Kahit hindi ako nakatingin sa lalaki ay ramdam na ramdam ko ang titig nito sa akin.

Wow, he's indeed a psychopath. Obsessed sa mga mayayamang babae. Hindi naman nito pini-perahan dahil mayaman din naman ito. Ginagawa niya lang sex slave.

Pinirmahan ko ang kontrata at nag-angat ng tingin sa lalaki. Kung kanina ay madilim ang awra nito ngayon naman ay sobrang liwanag.

"Sabi ko na nga ba at mapapapayag din kita. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa 'yo, Chaewon."

So, I'm the chosen one?

Nangungutya naman ang tawang pinakawalan ko. Nang-aasar na tingin ang itinapon ko sa mukha nito.

"Sinubukan ko lang namang pirmahan para malaman ko ang pakiramdam ng mga babaeng pinagpirma mo rin ng ganitong kontrata at pagkatapos ay pinakinabangan mo lang din ang katawan hanggang sa mawalan sila ng buhay," pandidiretso ko pa. "You're not a human but fiend, Lavioza."

Tuluyang nawala ang emosyon sa mukha nito. "Gusto mo ba talagang mamatay?" paninindak nito sabay nagpakawala ng ngiting aso. "Puwede kitang patayin dito mismo."

Ngumiti naman ako at marahang pinunit ang kontrata habang direktang nakatingin sa nagbabagang mga mata nito dahil sa galit. Nang masigurong pira-piraso na ang papel at hindi na mapapakinabangan pa ay tumayo na ako. Bago pa ako nakahakbang ay natutukan na ako nito ng baril.

"Isang hakbang pa at tatama sa ulo mo ang lahat ng bala ng baril ko, Ms. Jones," puno ng kumpiyansang deklara nito habang nakadekwatrong upo na rin.

"Really?" Kasabay nang pagkasabi ko niyon ay kaagad kong nakuha ang stun gun na nakatali sa kanang hita ko at binaril ang kamay nitong may hawak na baril. Nabitiwan nito iyon at nalaglag sa sahig.

Humiyaw ito sa sakit. Kaagad ding nagsitulo sa sahig ang dugo nito.

"Bitch!" malakas at galit nitong asik.

Umalingawngaw pa ang boses nito sa kabuuan ng kwarto. Malakas kong sinipa ang baril nito papalayo nang akmang dadamputin nito iyon.

"Damn you, Chaewon Jones! Papatayin kita! Magbabayad ka sa ginawa mong ito!"

Walang awa na binaril ko ulit ito sa balikat. "Para iyan sa sinabi mong bumaba na ang performance ng kompanya ko. Uso naman kasi ang mag-fact check, 'di ba?"

"Hayop ka!"

"Mas masahol ka pa sa hayop, Lavioza. Say hello to your ancestors in hell, hmmm? Rinig ko kasi ay pare-pareho lang naman kayong ipinanganak na maitim ang budhi..."

Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bumukas ang pinto. Mabilis na binaril ko ang unang taong pumasok.

"Chaewon Jones!" asik ng pamilyar na boses. Si Xia pala. Mabuti na lang at nakailag ito. Hindi ko rin naman din inasinta sa pagbabakasaling kakampi ko ang dumating. "Watch out!"

"S-shit!" mahina kong usal nang may matalim na bagay na dumaplis sa aking tagiliran. Bahagya pa kasi akong pumihit kaya hindi ako nito napuruhan.

"P-Pareho tayong m-mamamatay, Jones. M-magkita na lang tayo sa impiyerno!" asik ng lalaki habang pilit na tumayo. Nakangisi pa rin ito.

"Son of a bitch!" pagmumura pa ni Xia at hindi mabilang na bala ang pinakawalan nito sa lalaking sumaksak sa akin.

"Enough, he's dead," pananaway ko sa babae.

Saglit akong napatitig sa walang buhay na katawan nito sa sahig. Naliligo na rin ito sa sarili nitong dugo. Para manalo sa laro ay kailangang may mamatay at maswerte ako dahil sa akin kumampi si Kamatayan.

Ang bilis naman yata naming napatumba ang isang ito? Something is off. I can feel it.

"Let's go!" sigaw ni Xia at kaagad na inalalayan ako palabas ng kwarto. "Sabi ko kasi sa 'yong huwag mo ng paunlakan pa ang isang iyon, eh!"

"Hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako nakakaharap, Xia."

"Whatever. Hey, kayo na ang bahala sa lalaking iyon," utos nito sa dalawang lalaki na nakasalubong namin.

"Copy, Ma'am," tugon pa ng dalawa.

Tuluyan kaming nakalabas ng bar gamit ang fire exit at dumiretso ng parking lot. Inalalayan din ako ni Xia na makapasok ng sasakyan. Ang isa kong kamay ay nasa sugat ko para ampatin ang dugo. Basang-basa na ako damit ko sa sarili kong dugo.

"Drive," utos nito sa driver naming si Mr. Bruze. "Let me see your wound. Damn it!" Gamit ang isang swiss knife ay tinabas nito ang aking dress.

"Daplis lang naman..."

"Shut it off, Chaewon. We need to go to the hospital. Hindi ordinaryong kutsilyo ang tumama sa 'yo. Tingnan mo nga at parang sunog ang tinamaan niyon."

"At tapos ano ang sasabihin mo sa doktor? Na sinaksak ako ng isang bilyonaryong psychopath at pinatay natin ang lalaking iyon?"

"Iisipin mo pa ba iyon? At saka wala tayong pinatay. Self-defense lang ang nangyari, Miss Jones."

Hindi ko maiwasang pagak na matawa. Ganito pala talaga ang reality sa mundong ginagalawan ko. Dalawa lang ang pagpipilian. Ang mamatay at ang pumatay. Self-defense man o hindi.

"Hindi ka ba marunong mag-isip? At least hire a private doctor, bitch," asik ko na talaga. Halata naman kasing nagpa-panic ito kaya hindi na makapag-isip ng tama.

"Right. I'm sorry. Hindi ko rin naisip."

Inirapan ko lang ito at ininda ang hapdi. Habang patagal ay mas humahapdi pa ito.

Tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha. "Fuck!" matunog kong sabi nang makitang si Zayden Taylor ang nasa caller ID.

"Hindi ba at ngayon ang meeting ninyo kasama ang rank 3 sa listahan ng mga bilyonaryo sa bansa? Hindi ka puwedeng makipagkita ngayon sa kanila, Chaewon. Huwag ka na lang dumalo sa conference."

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Xia? Kapag hindi ako sumipot ay awtomatikong makukuha ni Zayden Taylor si Pierce Cavalier!"

"Oh, tapos? Anong gagawin mo sa sugat mong ito? You can stand in your own without having a connection with Cavaliers, Ms. Jones! Malayo na nga ang narating mo, eh. Sa pagkakataong ito ay kailangan mong unahin ang sarili mong kapakanan bago ang kompanya."

"Damn it!" malakas kong sabi dahil sa matinding pagkadismayang nararamdaman.

Mali yata ako ng timing. Bakit nga ba nakalimutan ko ang meeting kasama ang pangalawa at pangatlong bilyonaryo ng bansa?

Tumalsik sa rank 4 ang dating rank 3 at katiwala ko, ang Diorre Family. Ngayon ay pareho kaming nag-uunahan ni Zayden na kunin ang tiwala ng Cavalier. Mas mabuting makipagnegosasyon kaysa ang makipagkompitensiya sa iba. Tama na iyong ang mga Taylor lang ang karibal ko.

Nang tumawag uli si Zayden ay kaagad kong sinagot. "What do you want? Spill."

"Salamat naman at kusa kang umatras, Ms. Chaewon Jones," nangungutyang bungad nito.

"Shut the fuck up, Zayden Taylor. Sige lang. Pagbibigyan kita ngayon para maranasan mo naman kung paano at ano ang feeling na maupo sa numero unong trono... Ugh!" usal ko na lang bigla nang maramdaman ang init sa aking sugat.

Nagtagis ang aking mga ipin para indahin ang sakit na unti-unting kumakalat sa aking sistema. Sakto namang huminto ang sasakyan sa Jones mansion.

"Hurry!" sigaw ni Xia kay Mr. Bruze. Kaagad na bumaba ang lalaki at binuhat ako papasok sa loob.

"What's wrong? What's going on?" sunod-sunod na tanong ng lalaki sa kabilang linya.

Inagaw ni Xia ang cellphone sa kamay ko. "She's dying, I hope you're damn happy right now, Mr. Tayor!" bulyaw nito at pinatay ang tawag.

"Dying, what?! Why? Don't die, Chaewon Jones. Hindi pa tapos ang laban natin."

"F-Fuck you, Zayden!"

"Sinong may gawa niyan sa 'yo?" rinig ko pang usisa nito.

Bago pa ako makapagsalita ay tuluyang nilamon ng kadiliman ang aking diwa. Sana lang ay hindi pa ito ang aking katapusan.

Related chapters

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 2- NIGHT INTRUDER

    "Ang lason na ginamit ay kadalasang ginagamit ng isang mafia lord para patayin ang kaniyang kaaway. Ibig sabihin ay isang mafia ang naka-engkwentro ni Ms. Jones," rinig kong sabi ni Doc Kristof. "Nalunasan mo na ba ang sinasabi mong lason? Okay na ba si Miss Jones?""Mabuti na lang at may lunas ako para sa ganitong klase ng lason dahil hindi na ito ang unang beses na naka-encounter ako ng ganito. Sa ngayon ay kailangan niya lang ng pahinga at huwag munang gumalaw-galaw para hindi ma-pressure ang sugat.""Salamat, Doc Kristof. Uhm, sa labas na lang tayo mag-usap," deklara ni Xia at inayos ang kumot na siyang tanging nagsisilbing saplot ko ngayon. Nakadapa lang din ako para hindi ko madaganan ang aking sugat. Pakiramdam ko rin ay manhid at hindi ko maigalaw ang pang-ibabang katawan ko. "Okay. Rest well, Ms. Jones. Don't worry, bukas ay wala na ang pangmamanhid sa katawan mo.""Salamat, Doc," mahinang sambit ko."Mag-iingat ka palagi," sabi pa nito. "Sa labas lang kami, Miss Jones. Do

    Last Updated : 2023-12-14
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 3- DETHRONE

    Bitbit ang isang libro na pinamagatang How To Get Revenge ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa living room. Halos isang buwan din akong nag-recover sa tinamo kong saksak noong nakaharap ko sa Lavioza. Hindi nga talaga biro ang lason na ginamit sa akin ng lalaking iyon. Kaya rin pala siguradong-sigurado ang tono ng pananalito niyon nang sabihing magkita na lang kami sa impiyerno.Well, ang swerte ko kasi hindi pa ako pumasa sa trial ni Kamatayan. Na-extend pa ang kandila ng buhay ko rito sa mundo. Binuksan ko na rin muna ang TV para malaman kung ano na ba ang nangyayari sa mundo. Ilang araw na akong hindi updated sa mga current news. Masyado akong na hook sa binabasa ko. Napakagat ako sa aking bibig at inayos ang suot kong eye glasses nang makita na naman sa TV screen si Zayden Taylor. Napakaaliwalas pa ng mukha nito na para bang isang anghel.Anghel? He's a devil in disguise, everyone! Nitong mga nakaraang araw ay mas naging matunog na naman ang kaniyang pangalan sa business i

    Last Updated : 2023-12-14
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 4- RANDOM ENCOUNTER

    Dumiretso muna ako ng bahay para magpalit ng damit. Naalala ko kasing may dinner pa ako kasama si Briana Smith. Napabuntonghininga ako nang sumalubong sa akin ang isang nakakabinging katahimikan ng Jones' Mansion. Kaya mas gusto ko pang nasa opisina ko ako o kaya ay nasa lugar kung saan puwedeng kong makaengkwentro si Zayden Taylor, eh.Napasinghap na lang uli ako at pumasok ng kwarto. Diretso ako hubad ng aking damit at walang saplot na naglakad papunta sa kabinet. May dressing room naman ako rito pero mas gusto kong may lagayan din ako ng damit dito mismo sa kwarto ko. Dahil sa suot kong vision enhancer na hindi naman nasira kahit na nabasa ito dahil waterproof naman din ay malinaw kong nakita ang sobrang liit na red light na nakadikit sa sara ng kabinet. Kapag walang suot na enhancer ay posibleng mapansin ko ito. Sinuyod ko ng aking paningin ang kabuuan ng aking drawer. Marahas pa ang pagkakatanggal ko ng aking mga damit at basta na lang ang mga itong pinagtatapon sa sahig. "Wh

    Last Updated : 2023-12-15
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 5- FLOCK TOGETHER

    Napasunod ako ng tingin kina Zayden at Kiana na palabas ng resto. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa katotohanang bagay na bagay silang dalawa. Ang akala ko ay si Cindy Dantes ang girlfriend niya? Ang bilis talagang magpalit ng babae ng lokong iyon. Tumikhim si Briana kaya agad kong inalis ang aking paningin sa dalawa. "Ayos ka lang, Miss Jones?" Itinuon ko ang aking atensiyon sa babaeng kaharap ko. Nahuli ko pa itong titig na titig sa akin na para bang kinakabisa ang bawat anggulo ng aking mukha. "Ah, yeah. I'm fine. Tapos ka na rin bang kumain? Puwede na tayong pumunta sa bar na sinasabi mo," nakangiti kong sabi. "Yeah, sure. Uhm, bill please?" sabi pa nito. Nang iabot ng waitress ang bill namin nagkatitigan pa kami. Mas mabilis akong kumilos kaya ako ang nakakuha nito."Ako na ang magbabayad," sabi ko pa. Umiling naman ito at sinubukang kunin sa akin ang papel. "No, ako na. Ako naman ang nagyaya..."Stubborn. "Ako ang may-ari ng lugar na ito, Ms. Smith," kaswal kong

    Last Updated : 2023-12-17
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 6- KIND OF REVENGE

    Muli akong napairap sabay iling. Nakagat ko na lang ang bibig ko para pakalmahin ang aking sarili. Mukhang kailangan ko pa talagang dagdagan ang pagiging plastik ko kapag si Taylor ang usapan. Tumunog ang aking cellphone kaya kaagad kong sinuri kung sino ang nag-text. Baka si Xia na.From: Zayden TaylorStop rolling your eyes and biting your lips, Chaewon Jones. I can see from where I am. Pagak akong natawa. Sa inis ko ay pinalitan ko ang ID name niya. From Zayden Taylor to Psycho Freak. Mas bagay iyon sa kanya. "Problem?" usisa na naman sa akin ni Briana."Too many to mention," sagot ko naman. Natawa naman ito at nilagyan ng wine ang baso ko. Magkatabi lang naman kami ng upo sa isang hindi kahabaang couch. Mukhang pang-couple lang din talaga ang espasyo ng kwartong ito. "Girlfriend ba ni Mr. Taylor si Kiana Maidena?" usisa na naman nito. Bakit ba ako ang tinatanong ng isang ito? Mukha ba talaga akong spy ni Taylor para malaman ko ang lahat ng koneksyon niya sa mga nakakasalamuh

    Last Updated : 2023-12-17
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 7- DEAL

    Pagkatapos kong kalmahin ang aking sarili dahil sa katarantaduhan ni Zayden Taylor ay dumaan muna ako ng CR para suriin kung ayos lang ba talaga ako. Pakiramdam ko kasi ay magulo pa rin ang buhok ko kahit hindi naman na. Para bang nararamdaman ko pa rin kung paano magsilandas ang mga daliri niya sa katawan ko. Maging ang init ng kaniyang palad at dampi ng kaniyang labi sa leeg ko ay hindi ko maalis sa aking sistema. That jerk! Napa-praning talaga ako pagdating sa lalaking iyon. Nakakainis! Pagkapasok ko sa loob rest room ay agad na sumalubong ang mukha ni Briana. "Hey, nandito ka rin pala," agad kong sabi. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito nang magtama ang aming paningin sa salamin na nasa harap niya mismo. Mabilis itong pumihit papaharap sa akin. "What happened? Naligaw ka ba o ano? Saan ka galing?" sunod-sunod nitong tanong. Bahagyang napaawang ang aking bibig dahil sa naging gawi nito. Napalunok naman ako at gustong umatras papalayo dito pero hindi ko magawa. Nasa ku

    Last Updated : 2023-12-18
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 8- SPY CAM

    Naramdaman ko ang mga yapak na papasok kaya napaayos ako ng upo sa couch na kinahihigaan ko.Bumukas ang ilaw at mukha ni Xia ang nakita ko."Xia!" agad kong tawag dito. Napapitlag pa ito dahil sa gulat. "Aish! Bitch, you scared me!" asik nito habang nakahawak sa kaniyang dibdib. "Bitch? Amo mo ako," asik ko sa kaniya. "Pinsan din kitang bruha ka. Balak mo ba akong patayin sa kaba, ha? Anong ginagawa mo rito sa sala? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo? Oh, ayan," dire-diretsong sermon nito sa akin sabay tapon ng maliit na plastic bag. Base sa design nito ay alam kong gamot ang laman."Are you kidding me? May sarili akong botika sa loob ng bahay na ito," pagmamayabang ko pa. Totoo naman kasi at every month ay may nakatokang mag-check ng expiration date ng mga gamot."Galing 'yan kay Smith."Saglit pa akong natigilan. Naalala ko naman ang sinabi ni Zayden Taylor. Napalunok ako. Ngayon ko lang talaga napagtanto na may trauma pa rin ako sa nangyari sa akin noong high school ako.

    Last Updated : 2023-12-20
  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 9- X-BALL

    "Hey, inom ka muna ng tubig," untag sa akin ni Xia. Pareho kaming nasa living area ngayon. Prente akong nakaupo sa couch habang nakatalukbong ng kumot. Hinila ng pinsan ko ang kumot kaya wala akong pagpipilian kundi ang mapaayos ng upo at uminom ng tubig."Iyan na ang sinasabi ko sa 'yong kumuha ka na ng security guards, Chaewon! Anong kwenta ng pera mo kung mamamatay ka naman palang walang laban, ha!""May laban ako, Xia...""Kaya pala noong nakaraang buwan ay napasok ka ng kung sino tapos ngayon naman ay halos himatayin ka sa takot... ay ewan ko na lang talaga sa 'yo!""Grabi ka naman sa himatayin. Ang exaggerated mo talagang tao, 'no?"Muli kong inalala ang taong pumasok sa kwarto ko kanina. Malakas ang pakiramdam ko na walang kinalaman si Taylor sa taong iyon. Iba siya. Hindi kaya ay tahimik na kumikilos na ang Lavioza para gantihan ako? Hindi imposible iyon. Baka nga ay may plano na silang kung paano ako mapapabagsak."Kailangan nating bantayan ang galaw ng mga Lavioza, Xia,"

    Last Updated : 2023-12-23

Latest chapter

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 18

    Gusto ko na talagang umuwi pero dahil maging si Zack ay pinipigilan ako ay wala na akong nagawa kundi ang makipagplastikan nilang kina Cindy at Quincy na nandito pa rin. Alam kong hindi sila aalis hangga't hindi ako umaalis. "Bakit nandito ka pa? Malamig na, " untag sa akin ni Manang Celia. Nasa rooftop pa rin kasi ako kahit 6:10 p.m na. Wala si Zayden, nasa kompanya niya. Hindi rin ako makaalis-alis talaga dahil pinagbantaan niya akong hindi na lang itutuloy ang deal namin tungkol sa FVF kapag hindi niya ako inabutan dito."Okay lang ako, Nang. Dito muna ako," mahinahon kong tugon."Buksan ko ba ang ilaw?" tanong nito. "Huwag na ho. Ang ganda ng view pala dito kapag gabi.""Oo naman. Noong kayo pa ni Zayden ay wala pa ba ang rooftop na ito?" Hindi naman ako kaagad nakasagot sa biglaang pagbalik tanaw nito. Ang bahay na ito ang siyang saksi ng lahat ng kung anumang mayroon kami ng ex-boyfriend ko. "Mas mababa pa rito ang bahay niya." "Gano'n? Kung sabagay ay nasa kabilang mansiy

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 17- OBSESSION

    This is not all about cheating but an exciting yet deadly game. I can feel it. Kung kapangyarihan at pera ang usapan ay hindi magagawang makipagtapatan sa akin ni Cindy at mas lalong kahit anong mangyari ay hindi rin niya mapapasunod si Hersh sa gusto niyang mangyari. Ibig sabihin ay mas malakas na koneksiyon na nakasuporta sa kaniya ngayon. Iyong kayang patumbahin ako. At si Quincy Taylor lang ang makakagawa niyon. Siya ang dahilan kung bakit umayaw si Hersh na maging parte ng global clothing line ko. Ginagamit niya lang si Cindy bilang front cover. May goal din ang babae para makipaglapit at makipagrelasyon kay Zayden. Walang inosente sa larong ito. Aish! Dapat pala talaga ay ginantihan ko na ang babaitang ito nang sinampal niya ako kanina, eh! Nakakaasar. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking sarili na mapangisi. Ngayon ay alam ko na kung sino ba talaga ang dapat kong pagtuonang pansin sa dalawang babae na magkatabing nakaupo ngayon sa couches ng living area. "Ma

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 16- AS FOOL AS

    "Zack? Ikaw ba 'yan" gulat kong usal habang nangungumpirma ang tono. "Chaewon?" usal din nito. "Ikaw 'to, 'di ba?" "Hey!" sabay naming sambit. Kaagad pa itong tumakbo papalit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I missed you so much," sabi nito sa excited na tono. Akmang sasagot na ako nang may mga kamay na humila sa akin. Napakalas tuloy ako kay Zack."Epal," asik ko sa pakialamerong Zayden. "Kapatid ko 'yan," paalala niya pa sa akin."Alam ko," sagot ko naman sabay irap sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin si Zack at nginitian. "Nakauwi ka rin ng Pilipinas. Akala ko ay wala ka ng balak," dagdag sabi ko.Matagal na itong naninirahan sa ibang bansa. Doon na rin ito grumaduate sa elementary, high school at college. Sa katotohanan ay mas nauna ko itong naging kaibigan dahil kami ang magkasing-edad. Nang umalis ito ay saka ako mas napalapit kay Zayden at eventually ay naging magkaibigan din kami. "Kaya nga, eh. Akala ko ba ay nag-break na kayo? Nagkabalikan na pala kayo?" tanong nit

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 15- SEVEN MINUTES

    "Get lost, Zayden Taylor," malamig kong sabi sa kaniya. "If you don't want to see yourself on television while being dragged by my security guards right in front of my company. Hindi mo gugustuhing mailagay sa front page ng mga newspaper dahil sa pagiging intruder sa kompanya ko," dagdag ko. "Bakit ganyan ka...""Dahil sa 'yo," kaagad kong sagot. "Ganito ako dahil sa pangtra-traydor mo sa akin, Zayden," paalala ko pa sa kaniya. Saglit naman siyang natigilan at pagkuwa'y marahas na napabuntonghininga. "Gusto mo ba talaga malaman kung sino ang traydor, ha?!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtaas ng kaniyang boses. Napalunok ako at napakapit sa dulo ng aking mesa. "Leave," mahina pero may diin kong sabi. Padarag na bumalik ako sa pag-upo at ipinukos ang aking atensiyon sa aking laptop. Wala rin naman akong naiintindihan sa aking binabasa dahil ramdam ko ang kaniyang titig habang nakatayo pa rin sa kaniyang puwesto. Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang kaniyang mga mata

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 14- HELL

    Zayden Taylor:Kapag may kinuha kang mahalagang bagay sa akin ay malalaman ko rin, Chaewon Jones. Stop provoking me.Napangiwi ako nang mabasa ang text ng kugtong na lalaki. Tamang hinala talaga ito sa akin, eh. Well, yeah. May kinuha nga ako pero hindi naman siya sigurado kung ano 'yon. Hinuhuli lang ako ng isang 'to.Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Bumaba na ako ng taxi. Kagaya nang nakagawian ay naabutan ko na namang nagsisiumpukan sa gilid ng kalsada ang mga kasambahay ng kapit-bahay ko. Si Ate Isay, Pau at Myrna. Sa tagal nila rito ay kabisado ko na rin ang mga pangalan nila. Mukhang may loyalty sila sa kanilang mga amo. Lumapit ako sa kanila dahil nasa tapat ng katapat na bahay ko lang naman sila nagme-meeting. "Hey," intrada ko pa. Mukhang nagulat pa silang lahat. "Good morning, Ma'am Ganda," sabay-sabay nilang bati."Anong nangyari sa..." Siniko ni Ate Isay si Ate Pau na siyang naging dahilan para matigil ito sa pagtanong sa akin.Alanganin naman akong napangiti. "

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 13- MISTRESS

    Nagising ako dahil sa pagpatak ng tubig sa aking pisngi. Pagbukas ko ng aking mga mata ay mukha ni Zayden ang bumungad. Nakatungo siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat. Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok niya. Ngayong bagong ligo siya ay litaw na litaw ang natural na pagkapula ng kaniyang bibig. "Do you want to kiss me?" kaswal niyang tanong habang nakadukwang sa akin. Malamang ay pinakatitigan niya ako habang natutulog. Wala yata siyang balak na gisingin ako, eh. "Sigurado kang ikaw dapat ang nagtatanong ng ganiyan at hindi ako?" usisa ko pa. Inakit ko pa siya sa pamamagitan ng tingin lamang. Umigting ang kaniyang panga at hindi na nga nakapagpigil pang halikan ako. Mabuti na lang at mabilis kong naiharang ang aking palad sa bibig ko. Iyon tuloy ang dinapuan ng kaniyang labi.Nang-aasar na tawa ang pinakawalan ko at bahagya siyang itinulak para makabangon na ako. "Leave me alone, Zayden. Huwag mong sirain ang araw ko. "Gusto mong maligo?" usisa niya pa. "Ha?" usi

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 12- FUCK BUDDY

    🚨R18+ SCENE AHEAD🚨⚠️READ AT YOUR OWN RISK ⚠️~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Inirapan ko naman siya at nahiga na lang. Bigla tuloy akong na-curios kung gaano ba talaga kagaling sa kama si Cindy. Kanina ay mukhang alam na alam niya kung paano pasimpleng harutin si Zayden, bagay na ginagawa ko rin noon kahit nasa public places pa kami at may mga kasama. "Call her," pautos kong sabi sa kaniya. Bumalatay naman ang pagkalito sa kaniyang pagmumukha. Mas tinitigan ko pa siya para ipaabot na seryoso ako sa sinasabi at mga sasabihin ko pa. "Who?" nakakunot-noo niyang noo. "Your girlfriend or whoever your favorite fuck buddy is. Let me watch how she fuck you. Let me know how good she is. Ako ang magsasabi kung magaling ba siya o hindi."Para bang natigilan siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahang magiging gano'n ako ka-prangka sa kaniya. Kung sabagay, hindi naman ako ganito magsalita noong kami pa. Ang bait ko kayang girlfriend. Tse! Bakit ko nga ba naging boyfriend ang dapat na kaa

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 11- PERFORMANCE

    Pagkapasok na pagkapasok namin sa kaniyang kwarto ay kaagad niyang isinara ang pinto at marahan akong isinandal. Nagtatanong na tingin lang naman ang ibinigay ko sa kaniya. "Bakit mo pinagupitan ang buhok mo?" may diing tanong niya pa. Akala ko ay wala na siyang pakialam pa. Ngayon ay parang gusto niya akong saktan dahil sa buhok ko lang naman. Psycho freak talaga ang isang ito. "Dahil gusto ko," tipid kong sabi. Obvious naman ang sagot pero nagtatanong pa. Hindi ko naman papagupitan kung hindi ko trip. "Gusto? O talagang gusto mo lang na inisin ako, ha? Halata namang last minute mong pinagupitan ang buhok mo..." "Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa 'yo, Zayden? Seriously, huh? I don't want to talk about my hair right now. Stop nagging me. Hindi ko na kasalanan pa kung naiinis ka o ano. Wala akong pakialam."Nagkatuosan kami ng tingin. Direkta sa aking mga mata ang kaniyang titig. Pinigilan kong mapalunok. Nagsisisi na ako kung bakit biniro ko pa siyang gusto kong makatabi siya

  • The Billionaires' War: Cry For Me   CHAPTER 10- RULES

    "Pupunta ka saan?" nangungumpirmang usisa sa akin ni Xia. Pinigilan ko namang mapairap at inayos na lang ang kwelyo ng suot kong white long sleeve. Walang imik na ipinatong ko ang coat. Formal attire ang tema ko ngayon dahil may business meeting ako na pupuntahan. Sana lang ay hindi masira lalo ang hindi ko kagandahang gabi."X-Ball. Next week pa naman 'yon." "Nababaliw ka na ba talagang bata ka?!" malakas nitong asik. Halos mapatakip pa ako sa aking tainga. Overreaction na naman ang isang ito. "Hindi na ako bata at baka nga nababaliw na ako. Happy?" kaswal kong sabi at naglagay ng hikaw. Napatitig ako sa sarili kong reflection sa salamin. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil pakiramdam ko ay gano'n pa rin ang mukha ko. Ni hindi man lang ako nagmukhang mature. Hindi kagaya ni Zayden na mapapansin mo ang pagbabago sa kaniyang pagmumukha simula nang maghiwalay kami."Gupitan mo nga ang buhok ko, Xia," utos ko pa sabay dampot ng gunting na malapit lang din sa aking kinauupuan."What?"

DMCA.com Protection Status