"Zack? Ikaw ba 'yan" gulat kong usal habang nangungumpirma ang tono. "Chaewon?" usal din nito. "Ikaw 'to, 'di ba?" "Hey!" sabay naming sambit. Kaagad pa itong tumakbo papalit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I missed you so much," sabi nito sa excited na tono. Akmang sasagot na ako nang may mga kamay na humila sa akin. Napakalas tuloy ako kay Zack."Epal," asik ko sa pakialamerong Zayden. "Kapatid ko 'yan," paalala niya pa sa akin."Alam ko," sagot ko naman sabay irap sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin si Zack at nginitian. "Nakauwi ka rin ng Pilipinas. Akala ko ay wala ka ng balak," dagdag sabi ko.Matagal na itong naninirahan sa ibang bansa. Doon na rin ito grumaduate sa elementary, high school at college. Sa katotohanan ay mas nauna ko itong naging kaibigan dahil kami ang magkasing-edad. Nang umalis ito ay saka ako mas napalapit kay Zayden at eventually ay naging magkaibigan din kami. "Kaya nga, eh. Akala ko ba ay nag-break na kayo? Nagkabalikan na pala kayo?" tanong nit
This is not all about cheating but an exciting yet deadly game. I can feel it. Kung kapangyarihan at pera ang usapan ay hindi magagawang makipagtapatan sa akin ni Cindy at mas lalong kahit anong mangyari ay hindi rin niya mapapasunod si Hersh sa gusto niyang mangyari. Ibig sabihin ay mas malakas na koneksiyon na nakasuporta sa kaniya ngayon. Iyong kayang patumbahin ako. At si Quincy Taylor lang ang makakagawa niyon. Siya ang dahilan kung bakit umayaw si Hersh na maging parte ng global clothing line ko. Ginagamit niya lang si Cindy bilang front cover. May goal din ang babae para makipaglapit at makipagrelasyon kay Zayden. Walang inosente sa larong ito. Aish! Dapat pala talaga ay ginantihan ko na ang babaitang ito nang sinampal niya ako kanina, eh! Nakakaasar. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking sarili na mapangisi. Ngayon ay alam ko na kung sino ba talaga ang dapat kong pagtuonang pansin sa dalawang babae na magkatabing nakaupo ngayon sa couches ng living area. "Ma
Gusto ko na talagang umuwi pero dahil maging si Zack ay pinipigilan ako ay wala na akong nagawa kundi ang makipagplastikan nilang kina Cindy at Quincy na nandito pa rin. Alam kong hindi sila aalis hangga't hindi ako umaalis. "Bakit nandito ka pa? Malamig na, " untag sa akin ni Manang Celia. Nasa rooftop pa rin kasi ako kahit 6:10 p.m na. Wala si Zayden, nasa kompanya niya. Hindi rin ako makaalis-alis talaga dahil pinagbantaan niya akong hindi na lang itutuloy ang deal namin tungkol sa FVF kapag hindi niya ako inabutan dito."Okay lang ako, Nang. Dito muna ako," mahinahon kong tugon."Buksan ko ba ang ilaw?" tanong nito. "Huwag na ho. Ang ganda ng view pala dito kapag gabi.""Oo naman. Noong kayo pa ni Zayden ay wala pa ba ang rooftop na ito?" Hindi naman ako kaagad nakasagot sa biglaang pagbalik tanaw nito. Ang bahay na ito ang siyang saksi ng lahat ng kung anumang mayroon kami ng ex-boyfriend ko. "Mas mababa pa rito ang bahay niya." "Gano'n? Kung sabagay ay nasa kabilang mansiy
The Billionaires' War: Cry For Me(Stand-alone Dark Romance)—————————————⚠️R18+ SCENE AHEAD⚠️🚫Read at your own risk.🚫~CHAEWON JONES' POV~Inaakala ng lahat na kapag isa kang bilyornaryo ay ikaw na ang pinakaswerteng tao sa mundo. Hindi ko alam kung bakit iyon din ang pinakaayaw kong marinig mula sa bibig ng mga taong nakapaligid sa akin. Nakapokus lang sila sa kung anong nakikita nila. Humahanga sa mga bagay na pangsamantala lamang. Para sa akin na isa sa lumaking ginto ang kutsarang ginagamit ay kabaliktaran ang sabi-sabing iyon sa aking nararamdaman at nararanasan. Hindi ako pinagpala. Bagkus ang pagiging bilyonarya ko ay isang parusang habang buhay kong pagtitiisan. Oo, marami akong pera at lahat ng gusto ko ay aking nakukuha sa isang kisap-mata lamang. Nasa akin na ang lahat ng bagay na pinapangarap na mahawakan ng lahat. "Ma'am Chaewon," untag sa akin ni Xia. "Tapos na naming nalinisan ang puntod nina Ma'am Chelzea at Sir Won." Tumango ako at pasimpleng bumuntonghining
"Arrange marriage?" paninigurado ko pa. "Iyan ba ang proposal mo sa akin, Mr. Jax Lavioza?" pormal kong tanong sa lalaking kaharap ko habang may ngiti sa aking mga labi. Pinakatitigan ko pa ito at pinag-aaralan ang bawat galaw ng mga mata. Maging ang paraan ng paglunok nito ay hindi nakaligtas sa akin. Nasaksihan ko rin kung paano nito pinasadahan ng tingin ang aking dibdib. Malaya nitong natititigan ang cleavage ko dahil sa suot kong spaghetti strap black dress. Hapit na hapit din ito sa aking katawan. Imbes na punahin ay hinayaan ko lang itong mag-enjoy sa magandang tanawing nasa harapan nito. Wala rin namang mawawala sa akin. Huwag na huwag lang ako nitong hahawakan dahil ibang usapan na iyon. "Tama ka ng iniisip, Ms. Jones. Hinding-hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bumaba ang performance ng kompanya mo nitong mga nakaraang buwan, hindi ba? Gusto lamang kitang tulungang makabangong muli," deklara pa nito at para bang isang mafia leader na sumimsim ng alak. O baka nga t
"Ang lason na ginamit ay kadalasang ginagamit ng isang mafia lord para patayin ang kaniyang kaaway. Ibig sabihin ay isang mafia ang naka-engkwentro ni Ms. Jones," rinig kong sabi ni Doc Kristof. "Nalunasan mo na ba ang sinasabi mong lason? Okay na ba si Miss Jones?""Mabuti na lang at may lunas ako para sa ganitong klase ng lason dahil hindi na ito ang unang beses na naka-encounter ako ng ganito. Sa ngayon ay kailangan niya lang ng pahinga at huwag munang gumalaw-galaw para hindi ma-pressure ang sugat.""Salamat, Doc Kristof. Uhm, sa labas na lang tayo mag-usap," deklara ni Xia at inayos ang kumot na siyang tanging nagsisilbing saplot ko ngayon. Nakadapa lang din ako para hindi ko madaganan ang aking sugat. Pakiramdam ko rin ay manhid at hindi ko maigalaw ang pang-ibabang katawan ko. "Okay. Rest well, Ms. Jones. Don't worry, bukas ay wala na ang pangmamanhid sa katawan mo.""Salamat, Doc," mahinang sambit ko."Mag-iingat ka palagi," sabi pa nito. "Sa labas lang kami, Miss Jones. Do
Bitbit ang isang libro na pinamagatang How To Get Revenge ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa living room. Halos isang buwan din akong nag-recover sa tinamo kong saksak noong nakaharap ko sa Lavioza. Hindi nga talaga biro ang lason na ginamit sa akin ng lalaking iyon. Kaya rin pala siguradong-sigurado ang tono ng pananalito niyon nang sabihing magkita na lang kami sa impiyerno.Well, ang swerte ko kasi hindi pa ako pumasa sa trial ni Kamatayan. Na-extend pa ang kandila ng buhay ko rito sa mundo. Binuksan ko na rin muna ang TV para malaman kung ano na ba ang nangyayari sa mundo. Ilang araw na akong hindi updated sa mga current news. Masyado akong na hook sa binabasa ko. Napakagat ako sa aking bibig at inayos ang suot kong eye glasses nang makita na naman sa TV screen si Zayden Taylor. Napakaaliwalas pa ng mukha nito na para bang isang anghel.Anghel? He's a devil in disguise, everyone! Nitong mga nakaraang araw ay mas naging matunog na naman ang kaniyang pangalan sa business i
Dumiretso muna ako ng bahay para magpalit ng damit. Naalala ko kasing may dinner pa ako kasama si Briana Smith. Napabuntonghininga ako nang sumalubong sa akin ang isang nakakabinging katahimikan ng Jones' Mansion. Kaya mas gusto ko pang nasa opisina ko ako o kaya ay nasa lugar kung saan puwedeng kong makaengkwentro si Zayden Taylor, eh.Napasinghap na lang uli ako at pumasok ng kwarto. Diretso ako hubad ng aking damit at walang saplot na naglakad papunta sa kabinet. May dressing room naman ako rito pero mas gusto kong may lagayan din ako ng damit dito mismo sa kwarto ko. Dahil sa suot kong vision enhancer na hindi naman nasira kahit na nabasa ito dahil waterproof naman din ay malinaw kong nakita ang sobrang liit na red light na nakadikit sa sara ng kabinet. Kapag walang suot na enhancer ay posibleng mapansin ko ito. Sinuyod ko ng aking paningin ang kabuuan ng aking drawer. Marahas pa ang pagkakatanggal ko ng aking mga damit at basta na lang ang mga itong pinagtatapon sa sahig. "Wh
Gusto ko na talagang umuwi pero dahil maging si Zack ay pinipigilan ako ay wala na akong nagawa kundi ang makipagplastikan nilang kina Cindy at Quincy na nandito pa rin. Alam kong hindi sila aalis hangga't hindi ako umaalis. "Bakit nandito ka pa? Malamig na, " untag sa akin ni Manang Celia. Nasa rooftop pa rin kasi ako kahit 6:10 p.m na. Wala si Zayden, nasa kompanya niya. Hindi rin ako makaalis-alis talaga dahil pinagbantaan niya akong hindi na lang itutuloy ang deal namin tungkol sa FVF kapag hindi niya ako inabutan dito."Okay lang ako, Nang. Dito muna ako," mahinahon kong tugon."Buksan ko ba ang ilaw?" tanong nito. "Huwag na ho. Ang ganda ng view pala dito kapag gabi.""Oo naman. Noong kayo pa ni Zayden ay wala pa ba ang rooftop na ito?" Hindi naman ako kaagad nakasagot sa biglaang pagbalik tanaw nito. Ang bahay na ito ang siyang saksi ng lahat ng kung anumang mayroon kami ng ex-boyfriend ko. "Mas mababa pa rito ang bahay niya." "Gano'n? Kung sabagay ay nasa kabilang mansiy
This is not all about cheating but an exciting yet deadly game. I can feel it. Kung kapangyarihan at pera ang usapan ay hindi magagawang makipagtapatan sa akin ni Cindy at mas lalong kahit anong mangyari ay hindi rin niya mapapasunod si Hersh sa gusto niyang mangyari. Ibig sabihin ay mas malakas na koneksiyon na nakasuporta sa kaniya ngayon. Iyong kayang patumbahin ako. At si Quincy Taylor lang ang makakagawa niyon. Siya ang dahilan kung bakit umayaw si Hersh na maging parte ng global clothing line ko. Ginagamit niya lang si Cindy bilang front cover. May goal din ang babae para makipaglapit at makipagrelasyon kay Zayden. Walang inosente sa larong ito. Aish! Dapat pala talaga ay ginantihan ko na ang babaitang ito nang sinampal niya ako kanina, eh! Nakakaasar. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang aking sarili na mapangisi. Ngayon ay alam ko na kung sino ba talaga ang dapat kong pagtuonang pansin sa dalawang babae na magkatabing nakaupo ngayon sa couches ng living area. "Ma
"Zack? Ikaw ba 'yan" gulat kong usal habang nangungumpirma ang tono. "Chaewon?" usal din nito. "Ikaw 'to, 'di ba?" "Hey!" sabay naming sambit. Kaagad pa itong tumakbo papalit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I missed you so much," sabi nito sa excited na tono. Akmang sasagot na ako nang may mga kamay na humila sa akin. Napakalas tuloy ako kay Zack."Epal," asik ko sa pakialamerong Zayden. "Kapatid ko 'yan," paalala niya pa sa akin."Alam ko," sagot ko naman sabay irap sa kaniya. Tinapunan ko ng tingin si Zack at nginitian. "Nakauwi ka rin ng Pilipinas. Akala ko ay wala ka ng balak," dagdag sabi ko.Matagal na itong naninirahan sa ibang bansa. Doon na rin ito grumaduate sa elementary, high school at college. Sa katotohanan ay mas nauna ko itong naging kaibigan dahil kami ang magkasing-edad. Nang umalis ito ay saka ako mas napalapit kay Zayden at eventually ay naging magkaibigan din kami. "Kaya nga, eh. Akala ko ba ay nag-break na kayo? Nagkabalikan na pala kayo?" tanong nit
"Get lost, Zayden Taylor," malamig kong sabi sa kaniya. "If you don't want to see yourself on television while being dragged by my security guards right in front of my company. Hindi mo gugustuhing mailagay sa front page ng mga newspaper dahil sa pagiging intruder sa kompanya ko," dagdag ko. "Bakit ganyan ka...""Dahil sa 'yo," kaagad kong sagot. "Ganito ako dahil sa pangtra-traydor mo sa akin, Zayden," paalala ko pa sa kaniya. Saglit naman siyang natigilan at pagkuwa'y marahas na napabuntonghininga. "Gusto mo ba talaga malaman kung sino ang traydor, ha?!" Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagtaas ng kaniyang boses. Napalunok ako at napakapit sa dulo ng aking mesa. "Leave," mahina pero may diin kong sabi. Padarag na bumalik ako sa pag-upo at ipinukos ang aking atensiyon sa aking laptop. Wala rin naman akong naiintindihan sa aking binabasa dahil ramdam ko ang kaniyang titig habang nakatayo pa rin sa kaniyang puwesto. Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang kaniyang mga mata
Zayden Taylor:Kapag may kinuha kang mahalagang bagay sa akin ay malalaman ko rin, Chaewon Jones. Stop provoking me.Napangiwi ako nang mabasa ang text ng kugtong na lalaki. Tamang hinala talaga ito sa akin, eh. Well, yeah. May kinuha nga ako pero hindi naman siya sigurado kung ano 'yon. Hinuhuli lang ako ng isang 'to.Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. Bumaba na ako ng taxi. Kagaya nang nakagawian ay naabutan ko na namang nagsisiumpukan sa gilid ng kalsada ang mga kasambahay ng kapit-bahay ko. Si Ate Isay, Pau at Myrna. Sa tagal nila rito ay kabisado ko na rin ang mga pangalan nila. Mukhang may loyalty sila sa kanilang mga amo. Lumapit ako sa kanila dahil nasa tapat ng katapat na bahay ko lang naman sila nagme-meeting. "Hey," intrada ko pa. Mukhang nagulat pa silang lahat. "Good morning, Ma'am Ganda," sabay-sabay nilang bati."Anong nangyari sa..." Siniko ni Ate Isay si Ate Pau na siyang naging dahilan para matigil ito sa pagtanong sa akin.Alanganin naman akong napangiti. "
Nagising ako dahil sa pagpatak ng tubig sa aking pisngi. Pagbukas ko ng aking mga mata ay mukha ni Zayden ang bumungad. Nakatungo siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat. Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok niya. Ngayong bagong ligo siya ay litaw na litaw ang natural na pagkapula ng kaniyang bibig. "Do you want to kiss me?" kaswal niyang tanong habang nakadukwang sa akin. Malamang ay pinakatitigan niya ako habang natutulog. Wala yata siyang balak na gisingin ako, eh. "Sigurado kang ikaw dapat ang nagtatanong ng ganiyan at hindi ako?" usisa ko pa. Inakit ko pa siya sa pamamagitan ng tingin lamang. Umigting ang kaniyang panga at hindi na nga nakapagpigil pang halikan ako. Mabuti na lang at mabilis kong naiharang ang aking palad sa bibig ko. Iyon tuloy ang dinapuan ng kaniyang labi.Nang-aasar na tawa ang pinakawalan ko at bahagya siyang itinulak para makabangon na ako. "Leave me alone, Zayden. Huwag mong sirain ang araw ko. "Gusto mong maligo?" usisa niya pa. "Ha?" usi
🚨R18+ SCENE AHEAD🚨⚠️READ AT YOUR OWN RISK ⚠️~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Inirapan ko naman siya at nahiga na lang. Bigla tuloy akong na-curios kung gaano ba talaga kagaling sa kama si Cindy. Kanina ay mukhang alam na alam niya kung paano pasimpleng harutin si Zayden, bagay na ginagawa ko rin noon kahit nasa public places pa kami at may mga kasama. "Call her," pautos kong sabi sa kaniya. Bumalatay naman ang pagkalito sa kaniyang pagmumukha. Mas tinitigan ko pa siya para ipaabot na seryoso ako sa sinasabi at mga sasabihin ko pa. "Who?" nakakunot-noo niyang noo. "Your girlfriend or whoever your favorite fuck buddy is. Let me watch how she fuck you. Let me know how good she is. Ako ang magsasabi kung magaling ba siya o hindi."Para bang natigilan siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahang magiging gano'n ako ka-prangka sa kaniya. Kung sabagay, hindi naman ako ganito magsalita noong kami pa. Ang bait ko kayang girlfriend. Tse! Bakit ko nga ba naging boyfriend ang dapat na kaa
Pagkapasok na pagkapasok namin sa kaniyang kwarto ay kaagad niyang isinara ang pinto at marahan akong isinandal. Nagtatanong na tingin lang naman ang ibinigay ko sa kaniya. "Bakit mo pinagupitan ang buhok mo?" may diing tanong niya pa. Akala ko ay wala na siyang pakialam pa. Ngayon ay parang gusto niya akong saktan dahil sa buhok ko lang naman. Psycho freak talaga ang isang ito. "Dahil gusto ko," tipid kong sabi. Obvious naman ang sagot pero nagtatanong pa. Hindi ko naman papagupitan kung hindi ko trip. "Gusto? O talagang gusto mo lang na inisin ako, ha? Halata namang last minute mong pinagupitan ang buhok mo..." "Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa 'yo, Zayden? Seriously, huh? I don't want to talk about my hair right now. Stop nagging me. Hindi ko na kasalanan pa kung naiinis ka o ano. Wala akong pakialam."Nagkatuosan kami ng tingin. Direkta sa aking mga mata ang kaniyang titig. Pinigilan kong mapalunok. Nagsisisi na ako kung bakit biniro ko pa siyang gusto kong makatabi siya
"Pupunta ka saan?" nangungumpirmang usisa sa akin ni Xia. Pinigilan ko namang mapairap at inayos na lang ang kwelyo ng suot kong white long sleeve. Walang imik na ipinatong ko ang coat. Formal attire ang tema ko ngayon dahil may business meeting ako na pupuntahan. Sana lang ay hindi masira lalo ang hindi ko kagandahang gabi."X-Ball. Next week pa naman 'yon." "Nababaliw ka na ba talagang bata ka?!" malakas nitong asik. Halos mapatakip pa ako sa aking tainga. Overreaction na naman ang isang ito. "Hindi na ako bata at baka nga nababaliw na ako. Happy?" kaswal kong sabi at naglagay ng hikaw. Napatitig ako sa sarili kong reflection sa salamin. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil pakiramdam ko ay gano'n pa rin ang mukha ko. Ni hindi man lang ako nagmukhang mature. Hindi kagaya ni Zayden na mapapansin mo ang pagbabago sa kaniyang pagmumukha simula nang maghiwalay kami."Gupitan mo nga ang buhok ko, Xia," utos ko pa sabay dampot ng gunting na malapit lang din sa aking kinauupuan."What?"