SOPHIA POVSa loob ng limang taon ay masaya kaming nagsasamang mag-asawa sa bahay na binili ni Drake para maging love nest namin.Isa na lamang ang kulang sa aming pagsasama ang pagkakaroon ng aming supling. Bagaman matagal ng hinihiling sa akin ni Drake ang pagkakaroon namin ng anak ay hirap naman akong magbuntis, dala na din siguro ng aking edad dahil mid 30's na ako. Palagi man naming sinusubukan ay hirap talaga kaming makabuo. Humingi na rin kami ng tulong sa doctor at almost every week ay nagtutungo ako sa ospital upang magpa turok ng pamparami ng egg cell. Dahil sa hindi healthy ang egg cell na meron ako ay palagi itong namamatay bago pa man pasukan ng sp*rm cell ni Drake. Pati na ang pagsayaw sa simbahan ay nagawa na rin namin, kahit pa ang pag inom ng mga herbal medicine na hindi ko maintindihan ang lasa ay nasubukan ko na rin ngunit hindi talaga ito tumalab sa amin.Hanggang sa isang araw ay nakaramdam ako ng kakaiba. Tila umiikot ang buo kong paligid dahil sa sobrang pagkahil
THE BREAKDOWNNagmamadali akong nanakbo palabas ng building na pagmamay-ari nila Drake. Matalim kong tinignan ang floor kung saan naruruon ang opisina ng aking asawa na masayang nakikipagtampisawan sa ibang babae, nakita ko pa ang pagtanaw niya mula sa bintana sa kaniyang secret room. Kitang kita ko rin ang pagyapos ni Isabelle kay Drake mula sa likod nito mapang asar pa itong ngumiti sa akin. Kasabay ng pagbagsak ng aking luha ang walang tigil na pagbuhos ng ulan. Halos lahat ng tao sa lobby ay nakatingin sa akin dahil basang basa na ako sa pagkakatayo ko sa gitna ng ulanan. Kinuha ko ang aking water proof na cell phone, umiiyak kong tinawagan ang aking kapatid na lalaki. "Wesley sunduin mo na ako ngayon Please, nakapag desisyon na ako, hihiwalayan ko na si Drake." malakas ang aking pag-iyak. Para akong babagsak na sa aking pagkakatayo, halos bente minuto akong nakatayo sa labas. Nakita ko ang pangungutya ni Isabella sa akin ng maabutan nila akong dalawa ni Drake pagbaba nila sa lo
AT CAMPBELL MANSIONSOPHIA POVNagulat na lang ako ng bahagya akong tapikin ni Wesley para gisingin."we're here sis! " sabi niya pa sakin. Kimikiskis ko pa ang aking mata. Pakiramdam ko ay namumugto pa ang aking mga mata dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Its been a decade magmula ng huling apak ko sa lugar na ito . Pagbaba ko ay sumalubong kaagad sa akin ang aming Abuello."WELCOME BACK SOPHIA! ikaw talagang bata ka kung ano-anong pumapasok sa isip mo." sabi nito sa akin, tulak-tulak ni Samantha ang wheel chair ng aking Abuello. "wag mo ng uulitin ang ginawang mong pagtatago samin , kung hindi tutungkudin na kita." pabirong sabi ni Abuello sa akin."LOLO! sorry po! huhuhu. (yumakap ako sa kaniya, tumingin din ako kay Mommy at Daddy, natatakot akong baka galit sakin ang mga ito dahil sa halos isang dekada kong pagtatago.) ““Mabuti naman at natauhan ka na sa kawalanghiyaan niyang asawa mo. Naikwento samin ni Wesley ang tungkol sa mga kalokohan niyang si Drake. Manang mana ka sa gal
EMERGENCY ROOM Nataranta ang lahat ng tao sa mansyon. Napahangos ng takbo sa akin sila Mommy pati na si Wesley sa aking kwarto. "Anong ngyayari sayo Sophia?!" natatarantang tanong ni Mommy ng makapasok siya sa kwarto ko. "ahhh Mommy, (namimilipit ako sa sakit, kapit kapit ko ang aking tiyan habang nakabaliko ang aking tuhod) hindi ko na kaya. AHHHHHH!" malakas kong sigaw. Nagmamadali akong binuhat ni Wesley. "Manong Nonoy paki-ready niyo na ang sasakyan. Sa St. Lukes po tayo. Pakibilisan lang. " nagmamadaling sabi ni Wesley sa aming taga maneho. Kapit naman ni Mommy an gaking cellphone. Sinalubong na kami sa labas ng mga kaibigang Doctor ni Mommy na tinawagan nila habang nasa daan kami. "Salamat Kumpadre at mabilis mong tinugon ang tawag ko." sabi ni Daddy kay Doctor. Hernandez ang kaibigan ni Daddy na Chairman of the Board sa ospital na ito. "Ikaw pa ba matatanggihan ko kumpadre, ano bang ngyari kay Sophia?!" tanong ni Doctor Hernandez kay Daddy habang tulak tulak nila ang s
DRAKE POV Walang tigil sa pag vibrate ang aking cellphone habang tutok ako sa aking ginagawa sa pag-analyze ng mga reports mula sa aking email. Wala na ako halos panahon na silipin pa ang aking cellphone! Tumatawag pala ang aking sekretaryang si Angela. Hindi ko ito kaagad napansin dahil naka silent ito sa tuwing ako ay magiging abala sa reports. Tinawagan ko ito sa kaniyang telepono at pinapasok ko sa aking opisina "Angela what is so urgent at nakailang tawag ka? alam mo namang ayokong iniistorbo ako kapag nagche-check ako ng reports." inis na tanong ko sa kaniya "i'm sorry to disturb you Sir . Ang dami na po kasing investors ang nag pull out satin dahil sa scandal photos niyo ni Ms.Isabelle na kumakalat sa account niyo po mismo nanggaling!?” natatakot na nahihiyang sabi ni Angela sa akin. “What do you mean picture?!” Nagtatakang tanong ko kay Angela. “Ito po Sir" Pinakita sa akin ni Angela ang sinasabi niyang picture, intimate picture namin iyon ni Isabelle, napabalikwas a
“What’s wrong Dad?!” nagmaang-maangan kong tanong. “Anong whats wrong?! Ikaw what’s wrong in your mind ? Ako pa ang tatanungin mo ng ganyan ngayon!? Hindi mo alam ang katarantad*hang ginawa mo?!” galit na galit na sagot ni Daddy sakin. Kinapitan niya ang kaniyang dibdib dahil sumasakit ito. “Dad! Calm down baka kung mapano ka!?” sabi ko kay Daddy!. Nasa tabi lang niya si Mommy nakaalalay kay Daddy dahil sobrang galit na galit ito sa akin. “Calm down?! Pano ako mag-ka-calm down , tumawag sakin ang tauhan ng mga campbell hindi lang sa kompanya mo sila nag back out. Pati ang kompanyang itinaguyod ko ay siguradong babagsak ng dahil sa kalokohan mo! At talagang isinama mo pa ang babae mo dito sa loob ng pammaahay ko! Engrata kang bata ka!” Galit na galit na sabi sakin ni Daddy halos maputol ang kaniyang litid sa sobrang galit nito sa akin. “ hindi mo man lang kinilala ng husto ang napang asawa mo! Ang tagapagmana ng Campbell group. Ihanda mo na ang sarili mo sa mas malalalang mangyay
AMELIA POVMagmula ng pumutok ang eskandalong kinasangkutan ni Drake ay walang sandali na hindi ko kinontak si Sophia ngunit hindi ito sumasagot sa mga messages namin ni Ian, pati ang tawag namin ay hindi niya sinasagot. Naisip ko tuloy na galit din sa akin ang aking kaibigan.Hindi ko naman inaasahan ang pagtawag na gagawin ni Drake sa aking asawa sa ginawa niya kay Sophia. Talagang makapal ang apog ng lalaking ito at gusto pang humingi ng tulong sa akin para magkaayos sila ni Sophia matapos ang ginawa niyang pagtataksil. Kung hindi lang ito pinsan ng aking asawa talagang makakatikim ito sakin.Hindi ko naman matanggihan ang pakiusap ng aking asawa na kausapin kahit saglit si Drake. Malaki din kasi ang utang na loob ni Arnaldo sa ama ni Drake na tumayong ama-amahan sa kaniya noong nagkaproblema ang Mommy at Daddy ni Arnaldo dahil sa pagsama nito sa ibang babae noong mga bata pa sila. Ang ama na ni Drake ang nag-aruga sa kaniya sa loob ng 5 taon. Ngunit ilang taon lang sin ang nakali
SOPHIA POVIN THE HOSPITALNagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog ! Inikot ko ang aking mata sa buong paligid, hindi ko makita sila Mommy. Tatayo na sana ako sa aking higaan ng maramdaman ko ang matinding pagkirot mula sa aking puson. Ng tignan ko ang aking pang-ibaba ay may tubong nakakabit sa aking tagiliran, tila isang hoss ito na may nakalagay na container, may mga likidong lumalabas mula doon, naramdaman ko ding may katiter akong nakakabit. Dahil hindi ko pa kayang tumayo ay pinidot ko ang button para pumasok ang mga nurse sa aking silid, ilang segundo pa lang ang nakalipas ay hindi na ako makapaghintay. Dala na din ng aking matinding pagnanasang malaman kung anong ngyari sa akin ay pinilit ko pa ring tumayo. Nang makababa ako sa aking kama at papahakbang na sa pintuan upang lumabas sa silid na iyon ay bigla naman akong natumba dahil sa panghihina ng aking katawan, mabuti na lamang ay biglang pasok ni Wesley, nataranta ito at nagmamadaling lumapit sa akin. "Sis ok