SOPHIA POVIN THE HOSPITALNagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog ! Inikot ko ang aking mata sa buong paligid, hindi ko makita sila Mommy. Tatayo na sana ako sa aking higaan ng maramdaman ko ang matinding pagkirot mula sa aking puson. Ng tignan ko ang aking pang-ibaba ay may tubong nakakabit sa aking tagiliran, tila isang hoss ito na may nakalagay na container, may mga likidong lumalabas mula doon, naramdaman ko ding may katiter akong nakakabit. Dahil hindi ko pa kayang tumayo ay pinidot ko ang button para pumasok ang mga nurse sa aking silid, ilang segundo pa lang ang nakalipas ay hindi na ako makapaghintay. Dala na din ng aking matinding pagnanasang malaman kung anong ngyari sa akin ay pinilit ko pa ring tumayo. Nang makababa ako sa aking kama at papahakbang na sa pintuan upang lumabas sa silid na iyon ay bigla naman akong natumba dahil sa panghihina ng aking katawan, mabuti na lamang ay biglang pasok ni Wesley, nataranta ito at nagmamadaling lumapit sa akin. "Sis ok
Hindi pa man ako nakaka-recover sa sakit na dulot ng sakit na aking nararamdaman sa pagkawala ng aking sanggol ay tila may isa pang tao na mahalaga sa aming buhay ang nawala. Dahil sa sunod-sunod na rebelasyon mula sa mahaba kong pagkakatulog pakiramdam ko ay nawala ang sakit na aking nararamdaman mula sa aking pagkaka-opera. Hindi ko na alintana ang dami ng apartong nakakabit sa aking katawan, nagwawala na akong nagtanong kay Wesley. Panay ang aking pagsigaw sa mga ito."Sis mangako kang hihinahon ka!" sagot naman niya sa akin"SPILL IT! SABIHIN MO NA WAG MO NA AKONG PAG-ISIPIN WESLEY !" galit na galit kong sabi"Sis huhuhu (biglang humagulgol si Wesley sa akin) si Mommy sis! Wala na siya" "HUH?! PANO? ANONG NGYARI? BAKIT? EE SI DADDY?" galit kong tanong kay Welsey. Nakatayo lang naman na nakayuko ang mga Nurse at si Doctor Harold na nakikinig sa amin. "BAKIT WESLEY?!! SABIHIN MO SAKIN ANONG NGYARI??? huhuhu " hestirikal na ako sa mga puntong iyon, nagpupumiglas na ako sa mga nurse
SA SEMENTERYOSOPHIA POVSuot ang aking itim na damit ,kapareha ng itim na mahabang sumbrero ay nagtungo ako sa libingan ni Mommy at ng aking sanggol kasama kong nagtungo doon ang aking Daddy , si Wesley at sng aking Abuello, bantay sarado kami ng mga body guard na tauhan ni Don Julio ang aming Abuello. Tinakpan ko ng itim na salamin ang aking matang namumugto sa walang tigil na pag-iyak . Dahan dahan at tila nanlulumo akong naglakad papasok sa libingan ni Mommy, tinanggal ko ang aking salamin pati na ang aking sumbrero at lumapit ako sa puntod ni Mommy at ng aking anak na hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundo. Panay ang pagpatak ng aking luha. Kahit anong punas ang aking gawin ay bigla itong tumutulo. Hindi ko kayang pigilan ang kusang paglaglag nito mula sa aking mata.Napahagulgol ako sa tindi ng aking galit "HUHUHU! PAGBABAYARAN NIYO ANG LAHAT NG KAWALANG HIYAAN NIYO SA AKIN DRAKE AT ISABELLE" paghihinagpis kong sabi sa harapan ng puntod ng aking ina at anak.
Biglang nagpanting ang aking tainga sa aking narinig!. Nakita ko naman ang paghampas ng tungkod ni Lolo kay Drake! "LUMAYAS KA DITO LUBAYAN MO ANG APO KO!" galti na sigaw nito muli kay Drake. Hindi ako kumibo, ayokong malaman pa niya ang ngyari tungkol sa akin. Muli na naman itong ngsalita. "Patawarin niyo ako Don Julio hindi ko naman alam na apo niyo pala si Sophia, kung alam ko lang ay hinding hindi ko siya gagawan ng masama." sabi pa nito. Lalo naman akong nagalit sa aking narinig, napataas ang aking kilay. Kaya bigla akong humarap sa kanya ang nagsimulang magsalita dito. "Una sa lahat Drake wala akong pakielam kung mas pinili mo ang mambabae, pangalawa apo man ako ni Don Julio o hindi , wala kang karapatang manakit ng kahit na sinong babae. At higit sa lahat hinding hindi ko kayo mapapatawad dahil ikaw at si Isabelle ang dahilan ng pagkawala ng sanggol sa aking sinapupunan! ang anak na dapat ay kukumpleto sa ating pamilya! Hindi ko naisip na ganyang klaseng lalaki pala ang pinak
ARRIVAL IN US Sa sobrang kakaiyak ko habang nasa eroplano ay hindi ko na namalayang pa landing na pala ang aming sinasakyang eroplano dahil sa napahaba ang aking pagtulog. Minuni -muni ako ang sakit at pait na aking pinagdaanan. Durog na durog ang aking puso at buong pagkatao. Hindi ko akalaing nagawa akong pagtaksilan ng taong wala akong ginawang iba kundi ang pagsilbihan at mahalin ng buong puso. Inalay ko sa aking ex-husband ang buong pagkatao ko at handa na sana akong kalimutan ng tuluyan ang tunay kong pagkakakilanlan para pagsilbihan ito ngunit iba ang aming naging kapalaran. “Sis lets go na!” Pag aya sa akin ni Wesley ng matapos niyang kuhain ang aming luggage sa overhead cabin . Tumango naman ako sa aking kapatid bilang pag sang-ayon. Mabuti na lang at sumama sa akin si Wesley, dahil lutang ako sa mga kaganapan sa buhay ko at mga nangyari habang ako ay natutulog mula sa aking pagka comma. Wala ang aking isip sa kasalukuyan. Tila naiwan ito sa eksenang nahuli ko ang aking as
AMELIA POVMahigit isang buwan na ang nakalipas mula ng magkaruon ng gulo ang pamilya ni Arnaldo dahil sa ginawa ni Drake kay Sophia, dito ko lang din napag-alaman na mula pala sa angkan ng mga Campbell ang kaibigan kong ito isang dekada namin siyang nakasama pero hindi man lang namin alam na isa pala siyang tagapagmana mula sa isa sa pinakamalaking pamilya dito sa Pilipinas. Kaya naman pala wala itong nababanggit tungkol sa kaniyang pamilya noon sa tuwing kami ay nagkakakwentuhan tungkol sa aming mga kabataan kung sabagay hindi namin napagkukwentuhan ang pamilya nila ni Ian dahil sanay kami na kaming tatlo lang ang magkakasama. Puro tungkol lang sa mga experience namin nung bata pa kami ang aming napag-uusapan. Marahil ay masyado naming na enjoy ang company ng isa't-isa kaya hindi na namin inisip ang mapagkwentuhan ang tungkol sa mga tunay na pamilya namin.Araw araw akong tumatawag kay Ian para makibalita kung nakontak na niya si Sophia ngunit wala pa rin daw siyang balita kay Soph
SOPHIA POV Bumuga muna ako ng malakas na paghinga bago ko kontakin ang aking mga kaibigan. Alam kong nag-aalala na sila sa akin kaya naman tinawagan ko na ang mga ito matapos kong makaligo at makapagpahinga mula sa napaka haba naming naging byahe ni Wesley. Nagkamustahan kami at naghingian ng kapatawaran sa mga bagay na hindi naman kami ang may gawa. Noong una ay puro iyakan ang aming naging bungad pero kalaunan ay nagkakatawanan na kami dahil sa kakwelahan ni Ian. “nandito ako ngayon sa family house namin sa US mga sissy. Gusto ko munang mag relax mula sa kalupitan ng buhay. Nagkasundo kami ni Abuello na dito ako mananatili sa loob ng higit 1 taon. Magtatrabaho ako sa family business namin at malaya ko ng gagawin ang lahat ng gusto kong gawin pagkatapos ng kontrata kung kailan ang aming napagkasunduan. Babalik din naman ako mga sissy! Huwag niyo akong masyadong isipin. Okay lang ako.” Sagot ko sa kanila. “Magtigil ka Sophia Margarette Campbell! (Dire-diretsong sabi ni Amelia) tama
UNITED STATES OF AMERICA LOS ANGELES CALIFORNIA SOPHIA POV Hindi ko inaasahang ganon kabilis ang magiging response ng aking mga kaibigan. Noong nakaraang araw ko lang sila nakausap pero heto ako ngayon nasa arrival area naghihintay sa pagdating ng mga ito dito sa LOS ANGELES AIRPORT. Totoong maasahan ko ang mga kaibigan kong ito. Unang dumating ang eroplanong sinasakyan ni Ian. Halos hindi ko pa ito makilala sa kanyang bagong itsura. Ibang-iba sa dating Ian na halos hindi namin mapagdamit ng pambabae. Ngayon ay mas malaki pa sa akin ang boobs. Labas na labas ito dahil sa sleeveless niyang suot, mahaba ang kaniyang buhok, nagpa rhino plastic surgery din siya ng kaniyang ilong. pisturang pistura ito . Naka linya ang kaniyang eyebrow, nagpaliptint na din diumano siya pati ang pilik mata ay nakapitik. "HAHAHA! WHAT IS THE MEANING OF THIS?! check check check!" malanding pagbati nito mula sa aking pagkakatayo. Hindi ko inaasahang ganito na ang itsura ngayon ni Ian. Kaya naman tawang taw