SOPHIA POV Bumuga muna ako ng malakas na paghinga bago ko kontakin ang aking mga kaibigan. Alam kong nag-aalala na sila sa akin kaya naman tinawagan ko na ang mga ito matapos kong makaligo at makapagpahinga mula sa napaka haba naming naging byahe ni Wesley. Nagkamustahan kami at naghingian ng kapatawaran sa mga bagay na hindi naman kami ang may gawa. Noong una ay puro iyakan ang aming naging bungad pero kalaunan ay nagkakatawanan na kami dahil sa kakwelahan ni Ian. “nandito ako ngayon sa family house namin sa US mga sissy. Gusto ko munang mag relax mula sa kalupitan ng buhay. Nagkasundo kami ni Abuello na dito ako mananatili sa loob ng higit 1 taon. Magtatrabaho ako sa family business namin at malaya ko ng gagawin ang lahat ng gusto kong gawin pagkatapos ng kontrata kung kailan ang aming napagkasunduan. Babalik din naman ako mga sissy! Huwag niyo akong masyadong isipin. Okay lang ako.” Sagot ko sa kanila. “Magtigil ka Sophia Margarette Campbell! (Dire-diretsong sabi ni Amelia) tama
UNITED STATES OF AMERICA LOS ANGELES CALIFORNIA SOPHIA POV Hindi ko inaasahang ganon kabilis ang magiging response ng aking mga kaibigan. Noong nakaraang araw ko lang sila nakausap pero heto ako ngayon nasa arrival area naghihintay sa pagdating ng mga ito dito sa LOS ANGELES AIRPORT. Totoong maasahan ko ang mga kaibigan kong ito. Unang dumating ang eroplanong sinasakyan ni Ian. Halos hindi ko pa ito makilala sa kanyang bagong itsura. Ibang-iba sa dating Ian na halos hindi namin mapagdamit ng pambabae. Ngayon ay mas malaki pa sa akin ang boobs. Labas na labas ito dahil sa sleeveless niyang suot, mahaba ang kaniyang buhok, nagpa rhino plastic surgery din siya ng kaniyang ilong. pisturang pistura ito . Naka linya ang kaniyang eyebrow, nagpaliptint na din diumano siya pati ang pilik mata ay nakapitik. "HAHAHA! WHAT IS THE MEANING OF THIS?! check check check!" malanding pagbati nito mula sa aking pagkakatayo. Hindi ko inaasahang ganito na ang itsura ngayon ni Ian. Kaya naman tawang taw
AMELIA POVNagmamadali na akong makalabas dahil ito ang unang beses na magkikita kita kaming magkakaibigan makalipas ang ilang buwan na kontrobersyal na kinasangkutan ni Drake. Kumalat ang video at mga larawan nila ni Isabelle sa social media at nag create ito ng matinding impak para sa pamliya ni Drake. Nabalitaan naming nakatira na ito ngayon sa bahay nila Isabelle dahil pinalayas siya ng kaniyang mga magulang. Ayaw man ng magulang ni Isabelle na doon ito manuluyan ngunit ng dahil sa pakiusap ng kanilang only daugther ay pumayag din sila. Takot diumano ang magulang ni Isabelle na madamay ang kanilang negosyo ng dahil sa sigalot na nangyayari sa pagitan ni Drake at Sophia. Kilala ang Campbell family sa buong Pilipinas, madami ding mga negosyo ang mga ito sa ibang bansa. Bukod sa yaman nito ay isa sila sa mga mai-impluwensyang bansa. Sa huling pag uusap nila ni Arnaldo ay nabanggit niyang nahihirapan siya sa kaniyang kalagayan ngayon at nais niyang humiwalay sa tirahan malayo sa magul
SOPHIA POV After 1 Year Totoo nga ang sinabi sa akin ng aking mga kaibigan , mabilis lang na lilipas ang araw. Hindi ko namalayan na 1 taon na ang nagdaan at nakalimutan ko na ang huling beses na ako ay umiyak ng dahil kay Drake. 1 taon na din pala magmula ng pumayag akong magtatrabaho sa kompanya ng aming pamilya. Ganoon nga pala talaga iyon lahat ng sakit ay mawawala din pagdating ng takdang panahon, kusa ng naghilom ang mga sugat na dinulot sa akin ng hiwalayang iyon. Ang hindi ko lang kayang kalimutan ay ang sabay na pagkawala ng aking anak at ni Mommy. Habang naglalakad ako papasok sa aking opisina ay kapit ko ang aking cellphone, nakatanaw sa mga larawan na nagdadaan sa aking wall. Tatawa tawa na lang ako sa mga picture at video na inu-upload nila Isabelle at Drake na dumadaan pa rin sa aking newspeed kahit na tinanggal ko na sila sa aking friend list kaya ito dumadaan dahil na rin sa kilala si Isabelle ng mga tao sa pagiging influencer nito sa social media. Kung titignan an
CLARK POVBAGO ANG AKSIDENTENabighani talaga ako sa taglay na kagandanhan ng bagong trainee sa Campbell Corp, hindi ko ito malapitan dahil nahihiya ako sa kaniya, naririnig ko ang mga kaibigan nito at tinatawag siya sa kaniyang pangalan bilang Sophia. Panay ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad ito papasok ng lobby. Halos mabunggo na ako sa warning signs na nakalagay sa renovation na ginagawa sa pasilyong iyon. Halos araw araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok sa opisina magmula ng magsimula ako sa ang aking training sa Campbell Corp. Simple lang si Sophia pero napaka inosente ng kaniyang mukha. Dahil sa sobrang pagkatutok nito sa pagtingin sa kaniyang cellphone ay hindi niya napansin ang warning sign na nakalagay sa bandang unahan ng entrada ng lobby . Nagsigawan ang tao sa aming paligid, tinakbo ko ito ng walang pagdadalawang isip ng mapansin kong malalaglag ang ceiling sa ginagawang renovation. Hindi din niya narinig ang pagsigaw ng mga tao sa kaniya dahil may nilagay siyang
SOPHIA POV Hiyang hiya ako kay Clarkson ng dahil sa kapabayaan ko ay nalagay ko sa kapahamakan ang kaniyang buhay. Pwede naming ikamatay parehas ang hindi ko pagtingin sa signage na nakalagay sa may unahan ng lobby. Aaminin ko na busy kasi ako sa pagtingin ng mga picture nila Drake. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing makikita ko ang development ng kanilang anak ni Isabelle. Buong buhay kong bibitbitin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng aking anak. Nang makabalik na ako sa aking silid sa ospital ay siya namang dating ng kapatid kong si Wesley. Galit na galit ito kasama ang mga imbestigador at pulisya. Nagpunta ito sa ospital para tanungin kung nais kong maghabla ng kaso. Kasama ng mga ito ang contractor na naka assign sa project na iyon. Nakakaawa ang mukha nitong halata mo ang sobrang pagkatakot. "YES WE WILL FILE A CASE AGAINST THE CONTRACTOR , THEY ARE VERY CARELESS!" galit na sagot ni Wesley sa pulis "Wesley, ako na lang. Hayaan mo na akong magdesisyon.
SOPHIA POVLAST DAY SA HOSPITAL“Pasensya na Sophia, nagtatalo ata kayo ng boyfriend mo! Mukhang mainit ang ulo niya ng lumabas mula dito sa silid mo. Dinala ko lang tong sushi set . Nabanggit mo kasi kahapon na nag crave ka sa Sushi aalis na din naman ako kaagad.” Sabi ni Clarkson sa akin.“Sinong boyfriend?!” Nagtataka kong tanong“Yung lumabas mula dito sa silid mo. Yung matankad na lalaking maputi.” Sagot niya sa akin.“Hahhahaha! Sorry (napatakip ang aking palad sa aking bibig) hindi ko boyfriend yun, nakababatang kapatid ko siya” sagot ko naman sa kaniya.Natawa naman kami pareho sa kaniyang naisip. Pinagsaluhan na namin ang sushi na kaniyang dala dala.Sa halos 3 araw ng pananatli ko sa ospital ay walang araw na hindi ko nakikita itong bumisita sa akin. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko si Clarkson. Sabay lang din kaming pinalabas ng ospital. Bagaman si Clarkson ay binigyan pa ng another 1 week leave dahil sa may benda pa ang kaniyang braso. Hindi din siya makak-kilos ng maayo
SOPHIA POV CEO OFFICE Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Wesley ay mayabang na nakapamewang itong si Eunice sa akin. "That Biatch Mr. Wesley, i want you to terminate her!". Nakatayo pa ito sa gilid ni Wesley. Napapataas naman ang kilay ko sa akto nitong si Euince sa harapan ng aking kapatid. Ganito ba talaga ka close ang dalawang ito. Napapailing na napapangiti naman ako sa kanila "Bakit Eunice anong offense ba ang ginawa sayo ni Ms. Gonzales?!" tanong kay Eunice ni Wesley "Mr. Campbell, masyado siyang mayabang saka ang rude niya sa akin. Alam mo bang sinigaw-sigawan niya ako sa harapan ng iba pang empleyado. Nakakaawa kaya ako, nakakahiya (yumuko pa ito at nakahawak sa braso ng aking kapatid) sinabihan niya pa aking linta daw ako. Sabi pa nga niya kahit magsumbong pa daw ako sa kahit na sino. Kahit pa daw na ikaw na CEO hindi niya aatrasan." nagpapaawang sabi nito sa aking kapatid. Napabirit naman ako ng kakatawa sa kasinungalingan nitong Eunice na ito. Matalim niya ako