Saktong pagpasok ko sa elevator pababa ay narinig kong bumukas ang kabilang elevator . Pamilyar sakin ang pabangong iyon. Hindi ko makakalimutan ang amoy na seven years ago ko pa huling naamoy. Sinubukan kong habulin na magbukas ulit ang elevator mabilis kong priness ang open button para magbukas ito at makita kung sino ang may ari ng pabangong iyon pero tuluyan na itong nagsara at bumaba. Wala nang chance na makita ko pa ang may ari ng pabangong iyon. Napapaisip tuloy ako ngayon. Same floor pa naman kami ng may ari ng pabangong naamoy ko. At ang sinabi ni Anthony tungkol sa lalaking nakasabay nila sa elevator. Naghahalong takot at excitement tuloy ang naramdaman ko, takot para sa kaligtasan naming mag-ina at na-eexcite ako, ewan ko ba sa hindi ko maintindihang rason. Pero imposible din naman si Arnaldo nga yun dahil hindi na sana niya pinatagal pa at kinuha na si Anthony. Hindi na siya magsasayang ng oras lalo at yaya lang naman kasama ni Anthony ng mga sandaling iyon. At maganda
Habang ako ay naglalakad sa pasilyo naisip ko sa totoo lang sa bait na ipinapakita sakin ni Regan at sa lahat ng tulong nito sa akin kung hindi lang siguro nangyari ang isang gabing pagkakamali na tinuring ko na ding blessing dahil sa pagkakaroon ko ng isang Anthony na mabait at mapagmahal na anak , sigurado akong hindi malabo na mahulog ako kay Regan. Siya na ang tumayong maging ama kay Anthony sa loob ng pitong taon na nag-exist ito sa buhay namin , nararamdaman ko naman at alam ko ang pagmamahal na meron si Regan para sa akin pero hindi ko iyon kayang tumbasan. Alam kong higit pa sa kaibigan ang turing sakin ni Regan. . Utang na loob ko sa kanya kung bakit kami namumuhay ng matiwasay at malaya ng aking anak.Dinaanan ko na muna si Ian at Sophia sa kanilang cubicle. Nakapagpaalm naman na sila sa kanilang mga boss para makauwi ng maaga ngayong araw. May meeting kasi kami kasama ang aming event planner. Dumiretso na kami sa restaurant kung saan ang meeting place namin ng planner coord
"Auntie Ana, please po wag niyo pong sasabihin kay mommy na nakipag-usap ako kay Daddy pogi. Hihi! Please po lagot na naman po ako kay mommy." pakiusap ni Anthony kay Ana, nag-tatantalizing eyes pa ito ng tingin sa kanyang yaya "naku Anthony masamang naglilihim sa mga mommy! pero dahil mapapagalitan din ako, sige hindi ko sasabihin pero wag ka na ulit basta makikipag-usap sa ibang tao aah. Si daddy pogi mo lang kakausapin mo!." sagot naman ni Ana kay Anthony. "opo promise po , hindi po ako makikipag usap sa iba."sagot pa nito kay Ana AMELIA POV Dumating ang araw ng linggo, abala ako sa pag-aasikaso sa venue ng birthday ni Anthony, lahat ay chine-check ko para makasigurado akong maayos ang magiging event ngayong araw. Bukod kasi sa mga bata ay may mga bisita din kaming mga ka-opisina, mga investors and share holders sa company. Isa-isa na ngang nagdatingan ang mga bisita ni Anthony. Masayang naglalaro na sa pool ang mga bata, kasama ni Anthony ang mga classmate niya, nakikisiya di
"Im sorry Mam, isa lang po ang pwedeng sumama sa ambulansya." sabi ng medical staff "Sige na Amelia, susunod ako sa ospital!." sabi sakin ni Regan "okay Regan sige,"dali-dali na akong pumasok sa loob ng ambulansya. May sinasabi pa si Regan at Arnaldo pero hindi ko na sila iniintindi ang inaalala ko lang ay ang buhay ng aking anak. "anak please! gumising ka. Wag mong iiwan si mommy huhuhu!" nakakapit ako sa kamay ng aking anak para maramdaman niyang kasama niya ako sa battle na ito. Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. "anak! hindi kita iiwan, dito lang ako. huhuhu " Dumating na sa ospital ang ambulansyang sinasakyan namin ni Anthony, mabilis na sinalubong ng mga nurse ang sinasakyan namin at agad nilang tinignan ang aking anak, ibinaba nila ito sa ambulansya at isinakay nila sa stretcher, habang tulak ng mga ito papasok sa Emergency Room ang katawan ni Anthony ay sinabayan kong ipasok ang aking anak hindi ako bumibitiw sa pagkakakapit sa kamay niya, kasabay ko ang
"Mommy hindi pa po gaanong stable ang kundisyon ng anak ninyo. Masyado pong madaming dugo ang nawala sa kanya, the good news is na-agapan naman po namin ang inter bleeding sa kanya pero kagaya po ng sinabi ko sa dami ng dugong nawala sa kanya ka-kailanganin po nating masalinan ng dugo ang inyong anak sa lalong madaling panahon. Ngayon din po mommy!, sinubukan na po naming kontakin ang blood bank pero dahil sa napakahirap hanapin ng blood type ng anak ninyo hindi po available ang dugo nito. "huhuhu! (napahagulgol ako sa narinig kong sinabi ng doctor) saan po ba doc pwedeng magpakuha. kuhaain niyo po ako." sagot ko sa doctor "ako din doc mag-do-donate po ako ng dugo." sabi din naman ni Regan. "Sige po mommy! sumunod na lang po kayo sa nurse para makuhaan na kayo ng dugo kaagad." sabi naman ng doctor. "Sino po ba sa inyo ang AB+ ang blood type?!" tanong samin ng doctor. "God!" napabulalas ako. "huhuhu" "Amelia AB+ ako kung hahayaan mo ako gusto ko din sanang mag-donate ng dugo sa a
"naguguluhan ako Arnaldo, kung totoo man ang sinasabi mo sino pala ang taong nagpadukot sa akin at bakit naman niya gagawin yun ng wala siyang dahilan?! Nagpanggap pa siyang ikaw!” sagot sakin nito "Kahit ako Amelia may mga bagay na hindi din ako maintindihan, kelangan ko lang ng ilang impormasyon tungkol sa nangyari sayo nuon! ipagdasal muna natin ang kaligtasan ni Anthony, kapag naging ok na ang anak natin pasisimulan ko na ang imbestigasyon! sa ngayon mas maiging tahimik lang tayo at wala munang makakaalam na nagkita tayo." sagot ko naman sa kanya "sige handa akong ibigay lahat ng impormasyon na kakailanganin ng mag iimbestiga ng kaso ko gusto ko din malaman kung sino ang taong nasa likod lahat ng ito, masyadong sumikip ang mundo namin ng dahil sa takot na dulot ng pandurukot na iyon samin” sagot naman niya sakin Dumating naman si Regan at hinihingal na sinabing pinapatawag si Amelia ng doctor. Sumunod lang ako sa kanyang likuran, pagdating namin sa tapat ng operating room ay
AMELIA POV Niyaya ko na muna sa labas sila Ian at Sophia para ipaliwanag sa kanila ang sitwasyon. Kagaya ko matindi din ang naging galit ng aking mga kaibigan kay Arnaldo. Lahat naman kami ay sinumpa namin ito dahil sa nakaka-traumang nangyari sa akin nuon. Naiintindihan ko naman sila kaya hindi ko sila masisi at kahit naman ako hanggang ngayon ay hindi pa din gaanong tiwala kay Arnaldo, ayoko lang na pag-usapan namin iyon sa harapan ng aking anak. “Ano na sis?! Bigla kang nagka amnesia, nabagok? Tumama ang ulo sa poste ng building. Nakalimutan mo na lang lahat ng ginawa sayo ni Arnaldo nuon?” inis at nang-aasar na sabi ni Ian sa akin ng makalabas na kami sa pintuan ng silid ni Anthony. Hinila ko na muna sila papunta sa may restaurant na malapit lang sa ospital para makabili ng makakain namin at ni Anthony. “Dito tayo sis, hindi naman sa ganon (mahina kong sabi sa kanila, hinila ko ito upang maglakad kami papalayo sa silid ni Anthony, ayokong marinig ng anak ko ang mapait na pin
Binuksan na ni Arnaldo ang kanyang laptop, pinaliwanag muna niya sa amin ang mangyayaring meeting sa detective na kanyang binayaran para mahanap ang taong dumukot sa akin 7 years ago na ang nakalipas. Tatanungin daw ako nito ng ilang mga importanteng impormasyon na maaring gamitin niya sa kanyang magiging imbestigasyon. Sumang ayon naman ako sa kaniya dahil gusto ko din malaman kung sino nga ba ang taong nasa likod nang ngyari sa akin nuon. Nakaupo kaming palibot sa may sofa ng pumasok na ang tawag sa zoom ng detective na binayaran ni Arnaldo, nasa gilid ko naman si Regan, Ian at Sophia. Makikinig din sila sa magiging usapan namin! “Hello Arnaldo!” Bati ng kausap namin sa kabilang linya “Hi Detective , kagaya ng sinabi ko sayo gusto kong walang makaalam ng gagawin niyong imbestigasyon na ito. Masyadong komplekado ang magiging kaso na ito dahil hindi lang nito ginamit ang aking pangalan kundi sinaktan ng taong ito pati ang aking mag-ina (napatingin ako kay Arnaldo ng sabihin niya iy
Nakapalibot na samin ang crowd . Lahat ng ito ay kaniya kaniyang haka haka tungkol sa akin. May ilang kumakampi at ang iba naman ay nghuhusga.“Sinasabi ko na nga ba may tinatago yan siya.” Sabi niya sa akin ng iba“Kung asawa niya si Drake Alcantara dati ibig sabihin isa siya sa malalaking pamilya?! Siya pala ang kaibigan ni Amelia Alcantara ang asawa ni Mr.Arnaldo Alcantara ang famous CEO na bukod sa gwapo ay sobrang yaman pa” sabi ng isa sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang mga sinasabi. Ayokong makipag talo sa kahit na sino sa kanila.“Anong kaguluhan ito?” Anas ni Abuello."ito kasing babaeng ito ngfe-feeling. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito pa rin hanggang ngayon. " mayabang na sabi ni Eunice. Nakatingin lang ako kay Abuello. Tuloy-tuloy pa rin si Eunice sa pang iinsulto sa akin"magtigil ka! lapastangan ka sa mga sinasabi mo sa aking apo." matapang na sigaw ni Abuello. Wala na akong magagawa . Ngayon ay alam na ng mga tao kung sino talaga ako. Nag
SOPHIA POVTuwang tuwa ang lahat sa sinabi ni Abuello. Naging usap-usapan naman sa buong opisina ang diumano pagdating ng babaeng apo ng mga Campbell. Napapailing na lang ako sa aking Abuello . Hindi talaga niya titigilan ang pang aasar sa akin. Alam kong ginagantihan ako ni Abuello dahil sa paglalayas ko noon. Isa pa malapit na din matapos ang aming kontrata. Babalik na ako sa Pilipinas. Ilang beses man niya akong pagalitan ay alam kong mahal na mahal ako ni Abuello. Nakikita raw niya sa akin ang pagka suwail ni Mommy noon.Matapos ang aming trabaho ay umuwi na din ako kagad. Ngayon kasi darating ang magsusukat ng damit na gagamitin namin sa event ng Campbell. Lahat ay may imbitasyon na gayundin ako.“Aba Sophia mukhang may gusto kang sabihin samin?!” Nakangiting tanong ni Lolo.“Huh?! Tungkol naman po saan ang sinasabi niyo?” Nagmamang maangan kong tanong sa kaniya.“Hay iha ayan ka na naman. Ang hilig mong maglihim sa amin ng daddy mo. Alam mo ang tinutukoy namin. May mga nababalit
AT THE SITE WORK SOPHIA POV "Hi Clarkson, Medyo late ka ata ngayon? himala aah!" tanong ko kay Clarkson "sorry naku grabe nagkaka traffic na rin kasi ngayon dito . Bihira naman itong mangyari . Pasensya na. Dumaan pa kasi ako sa Starbucks para bumili ng kape natin." sabi pa niya sakin "hahaha ano ito suhol. Bawal iyon" sagot ko pa sa kanya "hindi naman naalala ko lang na baka hindi ka pa nakakapag kape masyado kasing maaga ang pagpunta natin dito sa site." sagot naman niya sa akin. Itinuro ko na kay Clarkson ang lahat ng gagawin sa tuwing siya ay mag-sa-site visit. Masaya kaming nagkakatawanan ni Clarkson nagiging magaan na ang loob ko sa kaniya nitong mga nagdadaang araw. Habang tumatagal nakalimutan ko na ang ex husband kong si Drake. Alam kong hindi magandang pakinggan pero tingin ko ay nahuhulog na ako kay Clarkson. "a-attend ka ba sa pa event ng kumpanya?" tanong niya sa akin "mmm hindi ko pa alam, baka wala naman akong choice kailangan kong pumunta doon (muntik
"hindi mo na kailangang gawin ito. Tama naman sila Patricia baka mamaya pag-initan na naman ako ni Eunice." sagot ko pa kay Clarkson. "don't worry hindi ka na niya guguluhin pinagsabihan ko na si Eunice. Pasensya ka na talaga kay Eunice akala kasi niya porket magkaibigan kami ay pwede na niyang panghimasukan ang buhay ko. Nakababatang kapatid ang trato ko sa kaniya. Saka wag ka na lang maniniwala sa mga sasabihin niya. Madami kasi siyang mga sinasabi sa utak niya na siya lang nakakaalam. Akala niya boyfriend niya ako." sabi pa ni Clarkson sa akin. "halata nga, hahaha. kaya nga hindi ko na lang pinapatulan." sagot ko naman. Biglang dumating si Vanessa ang sekretarya ni Wesley. Lumapit ito sa amin kaya naputol ang aming pag-uusap. "Sophia, Clarkson pinapatawag kayo ni Sir Wesley. Kailangan daw niya kayo sa office niya ngayon. Hinihintay na nila kayo sa office niya." sabi nito sa amin "sige susunod na kami" sabay naming sagot nagkatawanan pa kami. Inayos ko lang ang aking gamit. Ini
CLARKSON POVAFTER 1 WEEK LEAVENabalitaan ko sa aking mga kasamahan ang ginawang pagsugod ni Euince kay Sophia. Hindi ko ito pahihintulutan. Ayokong ng dahil dito ay maudlot ang namumuong matamis na pagtitinginan namin ni Sophia kaya naman una kong ginawa ng malaman ko ito ay pinuntahan ko siya sa opisina dala ang paborito niyang kape mula sa starbucks. Nais kong humingi ng pasensya sa gulong ginawa ni Eunice. Bago pa man ako makarating sa station ni Sophia ay naharang na ako ni Eunice. "is that for me Clarkson?!" ang laki ng ngiti nito sa akin. Parang walang ginawang kasalan itong si Eunice. Napataas ang isang kilay ko. Hindi ko itotolerate ang ganoong klaseng ugali."Anong gulo na naman ang ginawa mo Eunice? akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginawa mo?" naiinis kong tanong sa kaniya."hindi ko alam ang sinasabi mo?! hindi kita maintaintindihan. Anong gulo ang sinasabi mo?" pa-inosenteng tanong niya sa akin"you know exactly what i am saying!. Grow up Eunice hindi pwedeng laha
SOPHIA POV CEO OFFICE Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Wesley ay mayabang na nakapamewang itong si Eunice sa akin. "That Biatch Mr. Wesley, i want you to terminate her!". Nakatayo pa ito sa gilid ni Wesley. Napapataas naman ang kilay ko sa akto nitong si Euince sa harapan ng aking kapatid. Ganito ba talaga ka close ang dalawang ito. Napapailing na napapangiti naman ako sa kanila "Bakit Eunice anong offense ba ang ginawa sayo ni Ms. Gonzales?!" tanong kay Eunice ni Wesley "Mr. Campbell, masyado siyang mayabang saka ang rude niya sa akin. Alam mo bang sinigaw-sigawan niya ako sa harapan ng iba pang empleyado. Nakakaawa kaya ako, nakakahiya (yumuko pa ito at nakahawak sa braso ng aking kapatid) sinabihan niya pa aking linta daw ako. Sabi pa nga niya kahit magsumbong pa daw ako sa kahit na sino. Kahit pa daw na ikaw na CEO hindi niya aatrasan." nagpapaawang sabi nito sa aking kapatid. Napabirit naman ako ng kakatawa sa kasinungalingan nitong Eunice na ito. Matalim niya ako
SOPHIA POVLAST DAY SA HOSPITAL“Pasensya na Sophia, nagtatalo ata kayo ng boyfriend mo! Mukhang mainit ang ulo niya ng lumabas mula dito sa silid mo. Dinala ko lang tong sushi set . Nabanggit mo kasi kahapon na nag crave ka sa Sushi aalis na din naman ako kaagad.” Sabi ni Clarkson sa akin.“Sinong boyfriend?!” Nagtataka kong tanong“Yung lumabas mula dito sa silid mo. Yung matankad na lalaking maputi.” Sagot niya sa akin.“Hahhahaha! Sorry (napatakip ang aking palad sa aking bibig) hindi ko boyfriend yun, nakababatang kapatid ko siya” sagot ko naman sa kaniya.Natawa naman kami pareho sa kaniyang naisip. Pinagsaluhan na namin ang sushi na kaniyang dala dala.Sa halos 3 araw ng pananatli ko sa ospital ay walang araw na hindi ko nakikita itong bumisita sa akin. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko si Clarkson. Sabay lang din kaming pinalabas ng ospital. Bagaman si Clarkson ay binigyan pa ng another 1 week leave dahil sa may benda pa ang kaniyang braso. Hindi din siya makak-kilos ng maayo
SOPHIA POV Hiyang hiya ako kay Clarkson ng dahil sa kapabayaan ko ay nalagay ko sa kapahamakan ang kaniyang buhay. Pwede naming ikamatay parehas ang hindi ko pagtingin sa signage na nakalagay sa may unahan ng lobby. Aaminin ko na busy kasi ako sa pagtingin ng mga picture nila Drake. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing makikita ko ang development ng kanilang anak ni Isabelle. Buong buhay kong bibitbitin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng aking anak. Nang makabalik na ako sa aking silid sa ospital ay siya namang dating ng kapatid kong si Wesley. Galit na galit ito kasama ang mga imbestigador at pulisya. Nagpunta ito sa ospital para tanungin kung nais kong maghabla ng kaso. Kasama ng mga ito ang contractor na naka assign sa project na iyon. Nakakaawa ang mukha nitong halata mo ang sobrang pagkatakot. "YES WE WILL FILE A CASE AGAINST THE CONTRACTOR , THEY ARE VERY CARELESS!" galit na sagot ni Wesley sa pulis "Wesley, ako na lang. Hayaan mo na akong magdesisyon.
CLARK POVBAGO ANG AKSIDENTENabighani talaga ako sa taglay na kagandanhan ng bagong trainee sa Campbell Corp, hindi ko ito malapitan dahil nahihiya ako sa kaniya, naririnig ko ang mga kaibigan nito at tinatawag siya sa kaniyang pangalan bilang Sophia. Panay ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad ito papasok ng lobby. Halos mabunggo na ako sa warning signs na nakalagay sa renovation na ginagawa sa pasilyong iyon. Halos araw araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok sa opisina magmula ng magsimula ako sa ang aking training sa Campbell Corp. Simple lang si Sophia pero napaka inosente ng kaniyang mukha. Dahil sa sobrang pagkatutok nito sa pagtingin sa kaniyang cellphone ay hindi niya napansin ang warning sign na nakalagay sa bandang unahan ng entrada ng lobby . Nagsigawan ang tao sa aming paligid, tinakbo ko ito ng walang pagdadalawang isip ng mapansin kong malalaglag ang ceiling sa ginagawang renovation. Hindi din niya narinig ang pagsigaw ng mga tao sa kaniya dahil may nilagay siyang