SANDRA POV Kahit nga wala si Arnaldo sa 7th birthday ni Noah dahil sa kanyang business meeting na in-attendan sa US ay tinuloy pa rin namin ang pagdiriwang ng kaarawan ng aming anak. Kagaya ng napag-usapan namin ni Mommy Veronica. Magarbong handaan ang inihanda namin para sa batang ito. Inimbitahan namin ang mga kaklase ni Noah , pati ang mga teacher nito at mga malalapit kaibigan niya mula sa ibang section ay inimbita din namin. Syempre hindi naman ako pahuhuli, pinapunta ko din ang mga kaibigan ko para ipakita sa mga ito kung gaano kaganda ang naging buhay ko nang mapang-asawa ko si Arnaldo, pinapunta ko din si Tim at kasama niyang dumalo sa handaan si Charles at Brandon na ipinakilala ko naman bilang mga pinsan ko sa mga magulang ni Arnaldo, hindi ko na ito pinalapit kila mommy dahil ayokong matanong pa nila ako ng husto. Nagpuntahan din ang mga naglalakihang tao sa larangan ng pagnenegosyo na kaibigan nila Mommy Veronica at Daddy Gener, present din sa okasyunang iyon ang aking mg
DETECTIVE BENSON POV Matapos ang aming naging pag-uusap mula sa aming zoom meeting ay sinimulan ko ng pag-aralan ang kasong ito. Alam kong hindi ordinaryong pagpapadukot ang ginawa nila kay Amelia dahil batay sa kanyang statement ay ang mga kidnapper pa niya mismo ang nagbigay sa kanya ng ideya kung saan nila nilagay ang kanyang sasakyan at hindi naman gawain ng mga taong mang-kidnap na iwan na lang ang susi ng sasakyan ng kanilang kinidnap kung saan ito iniwan , Kalimitan sa ganitong sitwasyon ay sinusunog nila ang sasakyan ng kanilang kinidnap o di kaya ay inhuhulog ito sa dagat upang walang maging trace. Niluwagan din ng mga ito ang tali na nakagapos sa kanya kanyang kamay at paa, pati na ang piring sa kanyang mata ay tila pinasilip na sa kanila, Isa pa saktong kung kailan nagising na siya saka naman umalis ang dalawang taong nagbabantay sa kaniya. Pati na rin ang pagkaka-pwesto sa kanya mula sa harapan ng building kung saan maaring may makakita sa kanya kaagad sakaling may duma
“Paano ninyo ako natunton ? (nagtataka nitong tanong)" "May mga taong binayaran si Arnaldo para ipahanap ka, malaking komplikasyon kasi ang mga ngyayari ngayon sa buhay ng mga Alcantara pero walang alam ang kampo ni Tim sa pag-iimbestiga ko hinggil sa kasong ito. Kaya nga gumawa na ng paraan si Mr.Alcantara upang maunahan silang hanapin ka. Mamaya ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat.” sagot ko dito "Mister, pano naman ako nakakasigurong si Arnaldo nga ang nagpadala sayo?!”nag aalinlangang tanong nito sakin. " Kung gusto mo ay tawagan natin si Arnaldo para siya na mismo ang kumausap sa iyo." wika ko naman dito "sige, pasensya na pero wala akong tiwala na kahit kanino. Madami ng ngyari sa buhay namin ng pamilya ko ng dahil sa pangyayaring iyon." sagot naman sakin ni Renata. "wag kang mag-alala Renata, hindi ka namin pababayaan pati na ang pamilya mo gagawan namin ng paraan para maitago kayo at maprotektahan mula sa mga taong nananakot sa inyo. (paniniguro ko dito) sandali lang a
"oo detective handa akong makipag-cooperate. (sagot nito sa akin, bumaling naman siya ng tingin sa kausap namin sa zoom na sila Amelia at Arnaldo.) pangako lahat ng sasabihin ko ngayon ay pawang mga katotohanan lamang. (sabi naman nito kila Arnaldo, nagsimula na itong sumagot sa aking mga katanungan) Detective , hindi ko po personal na kilala si Tim o si Sandra ngunit nagkaruon ako ng malaking utang na loob kay Tim ng minsan niyang matulungan ang aking anak ng mailigtas niya ito sa isang buy bust operation. Muntik ng ikamatay ng anak ko ang pangyayaring iyon. Nuon ay wala naman itong pakielam sa akin, pero magmula ng magbuntis itong si Sandra ay matindi ang pinagbago ng lahat. Dumating sa aking clinic si Tim kasama ang kanyang mga tauhan. (napayuko naman ito at simula na namang umiyak, inabutan naman siya ng tubig na maiinom ng kanyang asawa.) huhuhu! doon na nagsimula ang lahat ng gulo sa aming pamilya pati na ang pananakot niya sa buhay ko at ng asawa at anak ko." mahabang salaysay
“Ibig sabihin maaring hindi pa nawawala ang kanyang cyst sa kanyang ulo? Ganon ba ibig mong sabihin doctora?” Tanong ulit ni Arnaldo “Oo Arnaldo, hindi ko din malalaman ang magiging side effects nito sa bata, nung panahong kapit ko pa siya ay hindi pa basta lumalabas ang epekto nito sa development ni Noah, pero magandang masuri ang bata ngayon.” Sagot naman ni Renata sa amin. “Ok doctora maraming salamat “maiksing sagot ni Arnaldo “Tingin ko Arnaldo nakuha ko na ang mga gusto nating malaman. May konklusyon na ako sa kasong ito. ( bumaling naman ako kay Renata) salamat Renata malaking tulong ang lahat ng sinabi mo sa amin. Kung may iba pa kaming katanungan kokontakin ulit kita Renata kung ayos lang sayo“ sabi ko dito. “Wag kayong mag-alala detective ngayon ay malakas na ang aking loob na ilantad lahat ng ginagawa nila Tim. Kahit ano pa iyang hindi na ako natatakot sa kanila. Gagawin ko ang alam kong tama.” Sagot pa ni Renata “Parating na din diyan ang mga tauhan kong magbabant
“Pasensya na Amelia, naguluhan lang ako kasi halos araw araw siyang pumupunta dito , hindi naman iyon gawain ng isang amo sa kaniyang tauhan.” Sagot pa nito sakin “Matalik ko ding kaibigan si Regan. Kami nila Ian at Sophia pa rin ang magkakasama dito sa bahay. Kay Regan nga itong unit pero kasama ito sa package ng pagtatrabaho ko sa kanyang kompanya.” Sagot ko dito. Nakita ko namang nanginang ang mga mata ni Arnaldo sa aking mga sinabi. Napangiti ito sa akin at kahit alam ko ang ibig sabihin nun tiniis ko ang aking kilig. Napayakap naman ito sakin. Parang batang nanalo sa lotto si Arnaldo. Napangiti ako sa kanyang ginawa pero kelangan kong timpiin ang aking sarili. Hindi ako maaring madala sa charm nito. “Mmmm , ehemmm “ tawag ko ng atensyon dito para tanggalin niya ang pagkakayakap niya sa akin. “Ay sorry Amelia nadala lang ako ng emosyon ko. Pero ibig sabihin si Anthony talaga ang tunay nating anak.” Sabi nito sakin. Napapangiti din siya ng makasiguro kami duon. “Thanks God ta
"Anthony hindi mo pa maiintindihan sa ngayon ang mga bagay kahit na sabihin ko sa iyo. Pero kung sasabihin ko ba sayong ako ang tunay mong daddy magiging happy ka ba?"tanong ni Arnaldo kay Anthony "Alam ko naman na yun daddy pogi! narinig ko na kayong nag-uusap nung pinapasok ako ni mommy sa room ko. Hihi, syempre po happyng-happy ako. Sinabi ko na din naman yun dati kay mommy (inosente nitong sabi kay Arnaldo) diba noh mommy? tignan mo daddy pogi magkamukha tayong dalawa. Kaya alam kong ikaw talaga ang daddy ko." sabi nito samin Nagkatinginan naman kami bigla ni Arnaldo muntik ko pang maibuga ang iniinom kong juice, dahil baka kung ano pa ang narinig nito sa pinag-usapan namin ni Arnaldo. "bakit my big boy ano bang narinig mong pinag-uusapan namin ni daddy pogi mo?"tanong ko kay Anthony "mommy narinig ko lang naman po na sinabi ni daddy pogi na tunay niya akong anak. Kaya nga siya ang nagbigay ng blood sakin sa hospital diba?!" sabi pa nito Hindi na ako magtataka sa pagigin
Bago ako mag-ayos ng aking gamit ay pumunta muna ako sa unit nila Amelia, pagka doorbell ko sa kanilang unit ay lumabas naman kagad ito ng nakapang tulog na. Manipis na kulay red sleeveless satin dress ang suot nito, mukhang nakatulog na ito at bumangon lang ng ako ay mag bell sa kanilang pintuan. Pupungas-pungas pa ito at nakalaylay na ang kanyang buhok na tuwid na tuwid, hinawi niya ito ng bahagya, matindinding temptasyon na naman ang naramdaman ko pero nirerespeto ko ito. Inalis ko sa aking isip ang malisya, pero napapakagat labi ako sa aking nakita. "bakit Arnaldo napa-punta ka? gabing -gabi na. Tulog na si Anthony ngayon." sabi pa ni Amelia sa akin. Hindi naman nito napansin ang aking pagkagat labi “Amelia, pasensya, (medyo umiwas ako ng tingin dito, tumagilid ako ng kaunti dahil nakikita ko ang pisngi ng bundok niya at bumabakat ang kanyang pasas sa manipis niyang damit. Nang maalimpungatan ito ay napatago siya sa likod ng kanilang main door.)" "sorry Arnaldo, nakaidlip n
Nakapalibot na samin ang crowd . Lahat ng ito ay kaniya kaniyang haka haka tungkol sa akin. May ilang kumakampi at ang iba naman ay nghuhusga.“Sinasabi ko na nga ba may tinatago yan siya.” Sabi niya sa akin ng iba“Kung asawa niya si Drake Alcantara dati ibig sabihin isa siya sa malalaking pamilya?! Siya pala ang kaibigan ni Amelia Alcantara ang asawa ni Mr.Arnaldo Alcantara ang famous CEO na bukod sa gwapo ay sobrang yaman pa” sabi ng isa sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang mga sinasabi. Ayokong makipag talo sa kahit na sino sa kanila.“Anong kaguluhan ito?” Anas ni Abuello."ito kasing babaeng ito ngfe-feeling. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito pa rin hanggang ngayon. " mayabang na sabi ni Eunice. Nakatingin lang ako kay Abuello. Tuloy-tuloy pa rin si Eunice sa pang iinsulto sa akin"magtigil ka! lapastangan ka sa mga sinasabi mo sa aking apo." matapang na sigaw ni Abuello. Wala na akong magagawa . Ngayon ay alam na ng mga tao kung sino talaga ako. Nag
SOPHIA POVTuwang tuwa ang lahat sa sinabi ni Abuello. Naging usap-usapan naman sa buong opisina ang diumano pagdating ng babaeng apo ng mga Campbell. Napapailing na lang ako sa aking Abuello . Hindi talaga niya titigilan ang pang aasar sa akin. Alam kong ginagantihan ako ni Abuello dahil sa paglalayas ko noon. Isa pa malapit na din matapos ang aming kontrata. Babalik na ako sa Pilipinas. Ilang beses man niya akong pagalitan ay alam kong mahal na mahal ako ni Abuello. Nakikita raw niya sa akin ang pagka suwail ni Mommy noon.Matapos ang aming trabaho ay umuwi na din ako kagad. Ngayon kasi darating ang magsusukat ng damit na gagamitin namin sa event ng Campbell. Lahat ay may imbitasyon na gayundin ako.“Aba Sophia mukhang may gusto kang sabihin samin?!” Nakangiting tanong ni Lolo.“Huh?! Tungkol naman po saan ang sinasabi niyo?” Nagmamang maangan kong tanong sa kaniya.“Hay iha ayan ka na naman. Ang hilig mong maglihim sa amin ng daddy mo. Alam mo ang tinutukoy namin. May mga nababalit
AT THE SITE WORK SOPHIA POV "Hi Clarkson, Medyo late ka ata ngayon? himala aah!" tanong ko kay Clarkson "sorry naku grabe nagkaka traffic na rin kasi ngayon dito . Bihira naman itong mangyari . Pasensya na. Dumaan pa kasi ako sa Starbucks para bumili ng kape natin." sabi pa niya sakin "hahaha ano ito suhol. Bawal iyon" sagot ko pa sa kanya "hindi naman naalala ko lang na baka hindi ka pa nakakapag kape masyado kasing maaga ang pagpunta natin dito sa site." sagot naman niya sa akin. Itinuro ko na kay Clarkson ang lahat ng gagawin sa tuwing siya ay mag-sa-site visit. Masaya kaming nagkakatawanan ni Clarkson nagiging magaan na ang loob ko sa kaniya nitong mga nagdadaang araw. Habang tumatagal nakalimutan ko na ang ex husband kong si Drake. Alam kong hindi magandang pakinggan pero tingin ko ay nahuhulog na ako kay Clarkson. "a-attend ka ba sa pa event ng kumpanya?" tanong niya sa akin "mmm hindi ko pa alam, baka wala naman akong choice kailangan kong pumunta doon (muntik
"hindi mo na kailangang gawin ito. Tama naman sila Patricia baka mamaya pag-initan na naman ako ni Eunice." sagot ko pa kay Clarkson. "don't worry hindi ka na niya guguluhin pinagsabihan ko na si Eunice. Pasensya ka na talaga kay Eunice akala kasi niya porket magkaibigan kami ay pwede na niyang panghimasukan ang buhay ko. Nakababatang kapatid ang trato ko sa kaniya. Saka wag ka na lang maniniwala sa mga sasabihin niya. Madami kasi siyang mga sinasabi sa utak niya na siya lang nakakaalam. Akala niya boyfriend niya ako." sabi pa ni Clarkson sa akin. "halata nga, hahaha. kaya nga hindi ko na lang pinapatulan." sagot ko naman. Biglang dumating si Vanessa ang sekretarya ni Wesley. Lumapit ito sa amin kaya naputol ang aming pag-uusap. "Sophia, Clarkson pinapatawag kayo ni Sir Wesley. Kailangan daw niya kayo sa office niya ngayon. Hinihintay na nila kayo sa office niya." sabi nito sa amin "sige susunod na kami" sabay naming sagot nagkatawanan pa kami. Inayos ko lang ang aking gamit. Ini
CLARKSON POVAFTER 1 WEEK LEAVENabalitaan ko sa aking mga kasamahan ang ginawang pagsugod ni Euince kay Sophia. Hindi ko ito pahihintulutan. Ayokong ng dahil dito ay maudlot ang namumuong matamis na pagtitinginan namin ni Sophia kaya naman una kong ginawa ng malaman ko ito ay pinuntahan ko siya sa opisina dala ang paborito niyang kape mula sa starbucks. Nais kong humingi ng pasensya sa gulong ginawa ni Eunice. Bago pa man ako makarating sa station ni Sophia ay naharang na ako ni Eunice. "is that for me Clarkson?!" ang laki ng ngiti nito sa akin. Parang walang ginawang kasalan itong si Eunice. Napataas ang isang kilay ko. Hindi ko itotolerate ang ganoong klaseng ugali."Anong gulo na naman ang ginawa mo Eunice? akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginawa mo?" naiinis kong tanong sa kaniya."hindi ko alam ang sinasabi mo?! hindi kita maintaintindihan. Anong gulo ang sinasabi mo?" pa-inosenteng tanong niya sa akin"you know exactly what i am saying!. Grow up Eunice hindi pwedeng laha
SOPHIA POV CEO OFFICE Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Wesley ay mayabang na nakapamewang itong si Eunice sa akin. "That Biatch Mr. Wesley, i want you to terminate her!". Nakatayo pa ito sa gilid ni Wesley. Napapataas naman ang kilay ko sa akto nitong si Euince sa harapan ng aking kapatid. Ganito ba talaga ka close ang dalawang ito. Napapailing na napapangiti naman ako sa kanila "Bakit Eunice anong offense ba ang ginawa sayo ni Ms. Gonzales?!" tanong kay Eunice ni Wesley "Mr. Campbell, masyado siyang mayabang saka ang rude niya sa akin. Alam mo bang sinigaw-sigawan niya ako sa harapan ng iba pang empleyado. Nakakaawa kaya ako, nakakahiya (yumuko pa ito at nakahawak sa braso ng aking kapatid) sinabihan niya pa aking linta daw ako. Sabi pa nga niya kahit magsumbong pa daw ako sa kahit na sino. Kahit pa daw na ikaw na CEO hindi niya aatrasan." nagpapaawang sabi nito sa aking kapatid. Napabirit naman ako ng kakatawa sa kasinungalingan nitong Eunice na ito. Matalim niya ako
SOPHIA POVLAST DAY SA HOSPITAL“Pasensya na Sophia, nagtatalo ata kayo ng boyfriend mo! Mukhang mainit ang ulo niya ng lumabas mula dito sa silid mo. Dinala ko lang tong sushi set . Nabanggit mo kasi kahapon na nag crave ka sa Sushi aalis na din naman ako kaagad.” Sabi ni Clarkson sa akin.“Sinong boyfriend?!” Nagtataka kong tanong“Yung lumabas mula dito sa silid mo. Yung matankad na lalaking maputi.” Sagot niya sa akin.“Hahhahaha! Sorry (napatakip ang aking palad sa aking bibig) hindi ko boyfriend yun, nakababatang kapatid ko siya” sagot ko naman sa kaniya.Natawa naman kami pareho sa kaniyang naisip. Pinagsaluhan na namin ang sushi na kaniyang dala dala.Sa halos 3 araw ng pananatli ko sa ospital ay walang araw na hindi ko nakikita itong bumisita sa akin. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko si Clarkson. Sabay lang din kaming pinalabas ng ospital. Bagaman si Clarkson ay binigyan pa ng another 1 week leave dahil sa may benda pa ang kaniyang braso. Hindi din siya makak-kilos ng maayo
SOPHIA POV Hiyang hiya ako kay Clarkson ng dahil sa kapabayaan ko ay nalagay ko sa kapahamakan ang kaniyang buhay. Pwede naming ikamatay parehas ang hindi ko pagtingin sa signage na nakalagay sa may unahan ng lobby. Aaminin ko na busy kasi ako sa pagtingin ng mga picture nila Drake. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing makikita ko ang development ng kanilang anak ni Isabelle. Buong buhay kong bibitbitin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng aking anak. Nang makabalik na ako sa aking silid sa ospital ay siya namang dating ng kapatid kong si Wesley. Galit na galit ito kasama ang mga imbestigador at pulisya. Nagpunta ito sa ospital para tanungin kung nais kong maghabla ng kaso. Kasama ng mga ito ang contractor na naka assign sa project na iyon. Nakakaawa ang mukha nitong halata mo ang sobrang pagkatakot. "YES WE WILL FILE A CASE AGAINST THE CONTRACTOR , THEY ARE VERY CARELESS!" galit na sagot ni Wesley sa pulis "Wesley, ako na lang. Hayaan mo na akong magdesisyon.
CLARK POVBAGO ANG AKSIDENTENabighani talaga ako sa taglay na kagandanhan ng bagong trainee sa Campbell Corp, hindi ko ito malapitan dahil nahihiya ako sa kaniya, naririnig ko ang mga kaibigan nito at tinatawag siya sa kaniyang pangalan bilang Sophia. Panay ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad ito papasok ng lobby. Halos mabunggo na ako sa warning signs na nakalagay sa renovation na ginagawa sa pasilyong iyon. Halos araw araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok sa opisina magmula ng magsimula ako sa ang aking training sa Campbell Corp. Simple lang si Sophia pero napaka inosente ng kaniyang mukha. Dahil sa sobrang pagkatutok nito sa pagtingin sa kaniyang cellphone ay hindi niya napansin ang warning sign na nakalagay sa bandang unahan ng entrada ng lobby . Nagsigawan ang tao sa aming paligid, tinakbo ko ito ng walang pagdadalawang isip ng mapansin kong malalaglag ang ceiling sa ginagawang renovation. Hindi din niya narinig ang pagsigaw ng mga tao sa kaniya dahil may nilagay siyang