"Anthony hindi mo pa maiintindihan sa ngayon ang mga bagay kahit na sabihin ko sa iyo. Pero kung sasabihin ko ba sayong ako ang tunay mong daddy magiging happy ka ba?"tanong ni Arnaldo kay Anthony "Alam ko naman na yun daddy pogi! narinig ko na kayong nag-uusap nung pinapasok ako ni mommy sa room ko. Hihi, syempre po happyng-happy ako. Sinabi ko na din naman yun dati kay mommy (inosente nitong sabi kay Arnaldo) diba noh mommy? tignan mo daddy pogi magkamukha tayong dalawa. Kaya alam kong ikaw talaga ang daddy ko." sabi nito samin Nagkatinginan naman kami bigla ni Arnaldo muntik ko pang maibuga ang iniinom kong juice, dahil baka kung ano pa ang narinig nito sa pinag-usapan namin ni Arnaldo. "bakit my big boy ano bang narinig mong pinag-uusapan namin ni daddy pogi mo?"tanong ko kay Anthony "mommy narinig ko lang naman po na sinabi ni daddy pogi na tunay niya akong anak. Kaya nga siya ang nagbigay ng blood sakin sa hospital diba?!" sabi pa nito Hindi na ako magtataka sa pagigin
Bago ako mag-ayos ng aking gamit ay pumunta muna ako sa unit nila Amelia, pagka doorbell ko sa kanilang unit ay lumabas naman kagad ito ng nakapang tulog na. Manipis na kulay red sleeveless satin dress ang suot nito, mukhang nakatulog na ito at bumangon lang ng ako ay mag bell sa kanilang pintuan. Pupungas-pungas pa ito at nakalaylay na ang kanyang buhok na tuwid na tuwid, hinawi niya ito ng bahagya, matindinding temptasyon na naman ang naramdaman ko pero nirerespeto ko ito. Inalis ko sa aking isip ang malisya, pero napapakagat labi ako sa aking nakita. "bakit Arnaldo napa-punta ka? gabing -gabi na. Tulog na si Anthony ngayon." sabi pa ni Amelia sa akin. Hindi naman nito napansin ang aking pagkagat labi “Amelia, pasensya, (medyo umiwas ako ng tingin dito, tumagilid ako ng kaunti dahil nakikita ko ang pisngi ng bundok niya at bumabakat ang kanyang pasas sa manipis niyang damit. Nang maalimpungatan ito ay napatago siya sa likod ng kanilang main door.)" "sorry Arnaldo, nakaidlip n
“Kagaya ng iyong payo, hahayaan ko si Sandra na paniwalaan niyang wala pa rin akong alam sa kanyang mga pinag-gagagawa. Kaya detective kailangan kong makausap ang doctor ni Noah para magsagawa ng DNA testing na gagamitin ko laban kay Sandra at Tim. Nais ko sanang kuhain ang buong kostodiya ni Noah, kahit na hindi ko ito anak ay gusto kong mabigyan ng atensyong medikal ang bata. Napamahal na din ito sakin pati na din kila mommy at Daddy!” Sabi ko sa kanya. “Sige Arnaldo ibigay mo lahat ng detalye tungkol sa ospital kung saan siya dinala. Ngayon din ay aasikasuhin ko ang mga sinabi mo.” Sagot naman niya sa akin “Sending now Detective pakitignan na lang sa inbox mo. Isa pa sa gusto kong lakarin mo ngayong araw ang pag-check ng record tungkol sa aming kasal kung ito ba ay legal at nakarehistro. Gusto ko ng annulment sa lalong madaling panahon kung ito man ay legal. Para maipalakad ko ito agad agad sa aking lawyer. Nagawa na sakin ni Sandra na ipaako ang hindi ko naman anak kaya mabil
Binaba ko na ang aking tawag upang matawagan ko na si Dorctor Hernandez. Kailangan kong maunahan si Sandra bago pa nito magawan ng paraan na naman ang pagtatakip sa katotohanan. Di-nial ko ang number ni Doctor Hernandez. Tamang tama lang ang aking pagkakatawag sa kanya dahil nasa loob na ito ng kanyang clinic matapos masuri si Noah. “Good Evening Doctor Hernandez, ako nga po pala si Arnaldo Alcantara ang ama ni Noah.“ pagpapakilala ko dito “Ay opo Mr.Alcantara, kilala ko po kayo. Mr.Alcantara hindi po maganda ang kondisyon ni Noah, lumalaki ang cyst niya sa kanyang ulo. Sa sukat po nito ay sigurado kaming noon pa ay mayroon na talaga siyang ganito sa kanyang ulo. (Bungad ni Doctor Hernandez sa akin) Pasensya na po pero meron po sana akong gustong tanungin sa inyo Mr.Alcantara, kung hindi niyo po mamasamain.” Tanong nito sa akin “Sige Doctor Hernandez ano iyon?” Nagtataka kong tanong. “Nagtataka lang po kami dahil nagtanong kami sa inyong ina, dahil kakailanganing salinan ng
Humahangos naman si Sandra papasok sa loob ng silid ni Noah. Akala mo ay nag-aalala talaga ito sa kalagayan ng bata. Lumapit siya kaagad kay Noah at yumakap siya saka siya bumaling ng tingin sa akin. Napapailing naman ako habang nagbabalat ng prutas para kay Noah. Sa aking isipan ay natatawa ako sa nagiging arte nitong si Sandra. Hindi ko aakalaing kaya niyang gumaga ng malalalang mga bagay. Nagpanggap ako sa kaniyang harapan na tila wala akong nalaman tungkol sa mga kalokohan niya. Kagaya ng pinayo sa akin ni Detective. Kahit na sa loob ko ay suklam na suklam na ako dito. Si Mommy naman ang bumasag ng katahimikan sa pagitan ng lahat sa loob ng silid na iyon. “Sandra bakit napakatagal mong dumating? Saan ka ba nagpupunta at nakapatay iyang telepono mo?! Kagabi pa ko tawag ng tawag sayo hindi ka makontak kontak. Mabuti naman at natanggap mo pa ang message ko sayo” Galit na tanong ni mommy kay Sandra “Sorry mommy nagkatuwaan kasi kami nila Kenzo at iba pa naming mga kaibigan, naka
ARNALDO POV Tinawagan ko na si Detective Benson habang ako ay nagmamaneho. Inabisuhan ko na siyang papunta na ako sa lugar ng magiging tagpuan namin . Pinapili ko siya ng exlcusive cabin na gaganapan ng aming pagtatagpo kasama ang judge na kumpare niya Bago pa man ako makarating sa aming meeting place ay nag message na si Detective sa akin at pinaalam niyang nasa loob na sila ng kanyang kumpare. Kaya naman dumiretso na ako sa loob at may waitress naman na nag-assist sa akin papunta sa kabina ng mga ito. “Hello Mr.Alcantara” bati sakin ni Detective Benson. Tumayo pa siya kasama si Judge. “Magandang gabi sa iyo Detective, Judge !” Maiksi kong bati sa kanila “Arnaldo, ito ang kumpare kong nagkasal sa inyo noon, siya si Judge Rafael.” Pagpapakilala sakin nito. Nakangiti naman ito sa akin “Nice meeting you again Judge Rafael!” inilatag ko ang aking kamay upang makipagkilala dito. “Nice seeing you again Mr.Alcantara, hindi ko aakalaing darating ang araw na magkikita tayong
Nang makasiguro na ako sa lahat ng mga nangyayari at nalaman ko ang legalidad tungkol sa kasal namin ni Sandra ay hinayaan ko lang siya sa mga palabas na gusto kanyang hinahanda. Tutal ay nasakin na ang lahat ng ebidensya, sigurado na ako sa lahat ng mga dati ay hinala ko lang. Kahit anong gawin ngayon ni Sandra ay wala na siyang lusot, isa na lang ang hihintayin ko para makagawa na ako ng legal na aksyon. Kailangan ko pang magtiis ng tatlong araw bago ko makuha ang resulta ng paternity test namin ni Noah. Sasakyan ko lang siya sa lahat ng gagawin niya at mga sasabihin. Kagaya ng aking inaasahan ay tila isang ulirang ina itong si Sandra sa harapan naming lahat sa pag aasikaso kay Noah. Hindi na niya ako makukuha sa mga kasaningalingan niya, tanging sila Mommy na lang ang naniniwala sa kanyang mga pinaggagagawa. Isan beses ko na lang din nakita ang kaibigan niyang si Kenzo. Simula ng siya ay nagpunta sa ospital, hindi siya umaalis sa tabi ng bata. Halos hindi na din siya umuuwi sa ma
Lumabas na ako at hindi muna ako dumiretso sa loob ng silid ni Noah bagkus ay nagtungo ako sa aking sasakyan. Doon ako nakipag-usap sa aking mga lawyer. “Hello Atty. Garcia natanggap niyo na ba ang sinend kong mga detalye tungkol sa paternity test namin ni Noah?!” Tanong ko sa kanya. “Yes Mr.Alcantara nareceive ko na. Maari mong makuha ang full custody ni Noah kung mapapatunayan ang sabwatan ni Tim at Sandra sa pagpapadukot kay Amelia. Iyon ang magiging mabilis na paraan at panlaban natin sa kanila. Tungkol naman sa kasal niyo ni Sandra, legally wala kang obligasyon para kay Sandra dahil hindi naman totoo ang naging kasal ninyo. Hindi ito nakarehistro” Sagot naman niya sa akin “Ganoon ba Atty. Kung gayon ay ipapahanap ko na kay Detective ang mga kasbawat ni Tim, gaya ng sinabi sa akin ni Amelia na may dalawang lalaki na kasama ang mga ito sa pag-kidnap sa kanya.” Sabi ko naman “Sige Arnaldo ayan ang dapat mong gawin.” Sabi pa niya sakin “Sige Atty. Maraming salamat dahil ha