Binaba ko na ang aking tawag upang matawagan ko na si Dorctor Hernandez. Kailangan kong maunahan si Sandra bago pa nito magawan ng paraan na naman ang pagtatakip sa katotohanan. Di-nial ko ang number ni Doctor Hernandez. Tamang tama lang ang aking pagkakatawag sa kanya dahil nasa loob na ito ng kanyang clinic matapos masuri si Noah. “Good Evening Doctor Hernandez, ako nga po pala si Arnaldo Alcantara ang ama ni Noah.“ pagpapakilala ko dito “Ay opo Mr.Alcantara, kilala ko po kayo. Mr.Alcantara hindi po maganda ang kondisyon ni Noah, lumalaki ang cyst niya sa kanyang ulo. Sa sukat po nito ay sigurado kaming noon pa ay mayroon na talaga siyang ganito sa kanyang ulo. (Bungad ni Doctor Hernandez sa akin) Pasensya na po pero meron po sana akong gustong tanungin sa inyo Mr.Alcantara, kung hindi niyo po mamasamain.” Tanong nito sa akin “Sige Doctor Hernandez ano iyon?” Nagtataka kong tanong. “Nagtataka lang po kami dahil nagtanong kami sa inyong ina, dahil kakailanganing salinan ng
Humahangos naman si Sandra papasok sa loob ng silid ni Noah. Akala mo ay nag-aalala talaga ito sa kalagayan ng bata. Lumapit siya kaagad kay Noah at yumakap siya saka siya bumaling ng tingin sa akin. Napapailing naman ako habang nagbabalat ng prutas para kay Noah. Sa aking isipan ay natatawa ako sa nagiging arte nitong si Sandra. Hindi ko aakalaing kaya niyang gumaga ng malalalang mga bagay. Nagpanggap ako sa kaniyang harapan na tila wala akong nalaman tungkol sa mga kalokohan niya. Kagaya ng pinayo sa akin ni Detective. Kahit na sa loob ko ay suklam na suklam na ako dito. Si Mommy naman ang bumasag ng katahimikan sa pagitan ng lahat sa loob ng silid na iyon. “Sandra bakit napakatagal mong dumating? Saan ka ba nagpupunta at nakapatay iyang telepono mo?! Kagabi pa ko tawag ng tawag sayo hindi ka makontak kontak. Mabuti naman at natanggap mo pa ang message ko sayo” Galit na tanong ni mommy kay Sandra “Sorry mommy nagkatuwaan kasi kami nila Kenzo at iba pa naming mga kaibigan, naka
ARNALDO POV Tinawagan ko na si Detective Benson habang ako ay nagmamaneho. Inabisuhan ko na siyang papunta na ako sa lugar ng magiging tagpuan namin . Pinapili ko siya ng exlcusive cabin na gaganapan ng aming pagtatagpo kasama ang judge na kumpare niya Bago pa man ako makarating sa aming meeting place ay nag message na si Detective sa akin at pinaalam niyang nasa loob na sila ng kanyang kumpare. Kaya naman dumiretso na ako sa loob at may waitress naman na nag-assist sa akin papunta sa kabina ng mga ito. “Hello Mr.Alcantara” bati sakin ni Detective Benson. Tumayo pa siya kasama si Judge. “Magandang gabi sa iyo Detective, Judge !” Maiksi kong bati sa kanila “Arnaldo, ito ang kumpare kong nagkasal sa inyo noon, siya si Judge Rafael.” Pagpapakilala sakin nito. Nakangiti naman ito sa akin “Nice meeting you again Judge Rafael!” inilatag ko ang aking kamay upang makipagkilala dito. “Nice seeing you again Mr.Alcantara, hindi ko aakalaing darating ang araw na magkikita tayong
Nang makasiguro na ako sa lahat ng mga nangyayari at nalaman ko ang legalidad tungkol sa kasal namin ni Sandra ay hinayaan ko lang siya sa mga palabas na gusto kanyang hinahanda. Tutal ay nasakin na ang lahat ng ebidensya, sigurado na ako sa lahat ng mga dati ay hinala ko lang. Kahit anong gawin ngayon ni Sandra ay wala na siyang lusot, isa na lang ang hihintayin ko para makagawa na ako ng legal na aksyon. Kailangan ko pang magtiis ng tatlong araw bago ko makuha ang resulta ng paternity test namin ni Noah. Sasakyan ko lang siya sa lahat ng gagawin niya at mga sasabihin. Kagaya ng aking inaasahan ay tila isang ulirang ina itong si Sandra sa harapan naming lahat sa pag aasikaso kay Noah. Hindi na niya ako makukuha sa mga kasaningalingan niya, tanging sila Mommy na lang ang naniniwala sa kanyang mga pinaggagagawa. Isan beses ko na lang din nakita ang kaibigan niyang si Kenzo. Simula ng siya ay nagpunta sa ospital, hindi siya umaalis sa tabi ng bata. Halos hindi na din siya umuuwi sa ma
Lumabas na ako at hindi muna ako dumiretso sa loob ng silid ni Noah bagkus ay nagtungo ako sa aking sasakyan. Doon ako nakipag-usap sa aking mga lawyer. “Hello Atty. Garcia natanggap niyo na ba ang sinend kong mga detalye tungkol sa paternity test namin ni Noah?!” Tanong ko sa kanya. “Yes Mr.Alcantara nareceive ko na. Maari mong makuha ang full custody ni Noah kung mapapatunayan ang sabwatan ni Tim at Sandra sa pagpapadukot kay Amelia. Iyon ang magiging mabilis na paraan at panlaban natin sa kanila. Tungkol naman sa kasal niyo ni Sandra, legally wala kang obligasyon para kay Sandra dahil hindi naman totoo ang naging kasal ninyo. Hindi ito nakarehistro” Sagot naman niya sa akin “Ganoon ba Atty. Kung gayon ay ipapahanap ko na kay Detective ang mga kasbawat ni Tim, gaya ng sinabi sa akin ni Amelia na may dalawang lalaki na kasama ang mga ito sa pag-kidnap sa kanya.” Sabi ko naman “Sige Arnaldo ayan ang dapat mong gawin.” Sabi pa niya sakin “Sige Atty. Maraming salamat dahil ha
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakakuha kaagad ako ng sagot mula kay detective.“Arnaldo nandiyan pa ba ang mga kasama ni Tim?” Sabi niya sa akin sa message“Nakaalis na sila Detective nasa lobby na sila hinatid ni Sandra!” Sabi ko naman “May balita na ba kayo sa mga picture na kasama ni Tim?” Tanong ko naman sa kanya“Mr.Alcantara , ayon sa listahan ng mga NBI sa kanilang watch list ng mga most wanted, ang dalawang kasama ni Tim ay mga pugante madami silang kaso na tinakasan. Hindi ko din maintindihan kung bakit malaya ang mga itong nakaka-kilos . Isa lang ang ibig sabihin niyan, may taong kumakapit sa kanila mula sa itaas. Pwede ding nagbayad si Sandra ng malaking halaga para sa katahimikan ng mga opisyales." sagot ko pa sa kanya."Kung ganon detective mayroon na tayong dahilan para madakip ang grupong iyon ni Tim? Gawin ninyo ang lahat para mapadali na ang prosesong ito Detective kahit sino pa ang sangkot ay kailangang mahuli. Handa akong magbayad para sa mabilisang ikalulutas
Hinintay na muna naming dumating ang mga Nurse na magbabantay sa silid ni Noah , kasabay din ng mga itong dumating ang mga pulis na nirequest ko para magbantay sa kanyang silid, Nagpadagdag na din ako ng seguridad na magbabantay sa paligid ng mansion at sasama sa akin at kila mommy kahit saan man kami magpunta, delikadong magpakampante ngayon dahil alam kong halang ang kaluluwa nitong si Tim. Kahit pa nahuli na ang mga kasabwat nito ay sigurado akong kayang kaya niyang gumawa ng masama laban samin lalo at galit ito dahil sa mga nangyayari ngayon. "Anong ibig sabihin nito Arnaldo?! bakit may mga pulis na nagdadatingan?" naguguluhang tanong sakin ni Mommy "Mamaya ko ipapaliwanag sa inyo lahat Mommy, sasabihin ko sa inyo pag nasa labas na tayo." sagot ko sa kanila. "Ninenerbyos naman ako sa nangyayari anak. " sabi pa nito. "Wag kayong mag-alala Mommy." sabi ko pa sa kanila ni Daddy "Noah, sila muna ang kasama mo , okay ba?! para hindi ka matakot, kelangan lang kausapin ni Dadd
“May mahalaga din sana akong gustong sabihin sa inyo bukod sa mga ginawa ni Sandra sa ating lahat. Mayroon pa silang matinding kasalanang ginawa sa importanteng tao sa aking buhay, alam naman ninyo siguro mula pa nuon ay hindi ko na talaga gusto si Sandra, dahil lang sa respeto ko kay Mommy kaya ko ito pinakikisamahan.” Sabi ko pa sa kanilaNatigilan naman si Mommy sa kanyang paghagulgol sa walang katapusan kong rebelasyon sa kanila ngayong araw. Na-gu-guilty din siya sa pagpupumilit na ginawa niya para pakasalan ko si Sandra.“Ano na naman iyon Arnaldo?” Tanong sakin ni Daddy “Napakadaming nangyari na hindi namin alam hayst. Patawarin mo sana ako Arnaldo kasalanan kong lahat ng ito, ng dahil sa pagkabulag ko sa pagkamatay ng Ate Angela mo ay hindi ko na namalayang naisakripisyo ko na ang iyong kaligayahan, naging sakim ako para lang sa pansarili kong interes.” Sabi naman ni Mommy. Napapasandal at buntong hininga siya sa kanyang inuupuan. Pumatak ang luha sa mga mata ni Mommy habang
Nakapalibot na samin ang crowd . Lahat ng ito ay kaniya kaniyang haka haka tungkol sa akin. May ilang kumakampi at ang iba naman ay nghuhusga.“Sinasabi ko na nga ba may tinatago yan siya.” Sabi niya sa akin ng iba“Kung asawa niya si Drake Alcantara dati ibig sabihin isa siya sa malalaking pamilya?! Siya pala ang kaibigan ni Amelia Alcantara ang asawa ni Mr.Arnaldo Alcantara ang famous CEO na bukod sa gwapo ay sobrang yaman pa” sabi ng isa sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang mga sinasabi. Ayokong makipag talo sa kahit na sino sa kanila.“Anong kaguluhan ito?” Anas ni Abuello."ito kasing babaeng ito ngfe-feeling. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito pa rin hanggang ngayon. " mayabang na sabi ni Eunice. Nakatingin lang ako kay Abuello. Tuloy-tuloy pa rin si Eunice sa pang iinsulto sa akin"magtigil ka! lapastangan ka sa mga sinasabi mo sa aking apo." matapang na sigaw ni Abuello. Wala na akong magagawa . Ngayon ay alam na ng mga tao kung sino talaga ako. Nag
SOPHIA POVTuwang tuwa ang lahat sa sinabi ni Abuello. Naging usap-usapan naman sa buong opisina ang diumano pagdating ng babaeng apo ng mga Campbell. Napapailing na lang ako sa aking Abuello . Hindi talaga niya titigilan ang pang aasar sa akin. Alam kong ginagantihan ako ni Abuello dahil sa paglalayas ko noon. Isa pa malapit na din matapos ang aming kontrata. Babalik na ako sa Pilipinas. Ilang beses man niya akong pagalitan ay alam kong mahal na mahal ako ni Abuello. Nakikita raw niya sa akin ang pagka suwail ni Mommy noon.Matapos ang aming trabaho ay umuwi na din ako kagad. Ngayon kasi darating ang magsusukat ng damit na gagamitin namin sa event ng Campbell. Lahat ay may imbitasyon na gayundin ako.“Aba Sophia mukhang may gusto kang sabihin samin?!” Nakangiting tanong ni Lolo.“Huh?! Tungkol naman po saan ang sinasabi niyo?” Nagmamang maangan kong tanong sa kaniya.“Hay iha ayan ka na naman. Ang hilig mong maglihim sa amin ng daddy mo. Alam mo ang tinutukoy namin. May mga nababalit
AT THE SITE WORK SOPHIA POV "Hi Clarkson, Medyo late ka ata ngayon? himala aah!" tanong ko kay Clarkson "sorry naku grabe nagkaka traffic na rin kasi ngayon dito . Bihira naman itong mangyari . Pasensya na. Dumaan pa kasi ako sa Starbucks para bumili ng kape natin." sabi pa niya sakin "hahaha ano ito suhol. Bawal iyon" sagot ko pa sa kanya "hindi naman naalala ko lang na baka hindi ka pa nakakapag kape masyado kasing maaga ang pagpunta natin dito sa site." sagot naman niya sa akin. Itinuro ko na kay Clarkson ang lahat ng gagawin sa tuwing siya ay mag-sa-site visit. Masaya kaming nagkakatawanan ni Clarkson nagiging magaan na ang loob ko sa kaniya nitong mga nagdadaang araw. Habang tumatagal nakalimutan ko na ang ex husband kong si Drake. Alam kong hindi magandang pakinggan pero tingin ko ay nahuhulog na ako kay Clarkson. "a-attend ka ba sa pa event ng kumpanya?" tanong niya sa akin "mmm hindi ko pa alam, baka wala naman akong choice kailangan kong pumunta doon (muntik
"hindi mo na kailangang gawin ito. Tama naman sila Patricia baka mamaya pag-initan na naman ako ni Eunice." sagot ko pa kay Clarkson. "don't worry hindi ka na niya guguluhin pinagsabihan ko na si Eunice. Pasensya ka na talaga kay Eunice akala kasi niya porket magkaibigan kami ay pwede na niyang panghimasukan ang buhay ko. Nakababatang kapatid ang trato ko sa kaniya. Saka wag ka na lang maniniwala sa mga sasabihin niya. Madami kasi siyang mga sinasabi sa utak niya na siya lang nakakaalam. Akala niya boyfriend niya ako." sabi pa ni Clarkson sa akin. "halata nga, hahaha. kaya nga hindi ko na lang pinapatulan." sagot ko naman. Biglang dumating si Vanessa ang sekretarya ni Wesley. Lumapit ito sa amin kaya naputol ang aming pag-uusap. "Sophia, Clarkson pinapatawag kayo ni Sir Wesley. Kailangan daw niya kayo sa office niya ngayon. Hinihintay na nila kayo sa office niya." sabi nito sa amin "sige susunod na kami" sabay naming sagot nagkatawanan pa kami. Inayos ko lang ang aking gamit. Ini
CLARKSON POVAFTER 1 WEEK LEAVENabalitaan ko sa aking mga kasamahan ang ginawang pagsugod ni Euince kay Sophia. Hindi ko ito pahihintulutan. Ayokong ng dahil dito ay maudlot ang namumuong matamis na pagtitinginan namin ni Sophia kaya naman una kong ginawa ng malaman ko ito ay pinuntahan ko siya sa opisina dala ang paborito niyang kape mula sa starbucks. Nais kong humingi ng pasensya sa gulong ginawa ni Eunice. Bago pa man ako makarating sa station ni Sophia ay naharang na ako ni Eunice. "is that for me Clarkson?!" ang laki ng ngiti nito sa akin. Parang walang ginawang kasalan itong si Eunice. Napataas ang isang kilay ko. Hindi ko itotolerate ang ganoong klaseng ugali."Anong gulo na naman ang ginawa mo Eunice? akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginawa mo?" naiinis kong tanong sa kaniya."hindi ko alam ang sinasabi mo?! hindi kita maintaintindihan. Anong gulo ang sinasabi mo?" pa-inosenteng tanong niya sa akin"you know exactly what i am saying!. Grow up Eunice hindi pwedeng laha
SOPHIA POV CEO OFFICE Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Wesley ay mayabang na nakapamewang itong si Eunice sa akin. "That Biatch Mr. Wesley, i want you to terminate her!". Nakatayo pa ito sa gilid ni Wesley. Napapataas naman ang kilay ko sa akto nitong si Euince sa harapan ng aking kapatid. Ganito ba talaga ka close ang dalawang ito. Napapailing na napapangiti naman ako sa kanila "Bakit Eunice anong offense ba ang ginawa sayo ni Ms. Gonzales?!" tanong kay Eunice ni Wesley "Mr. Campbell, masyado siyang mayabang saka ang rude niya sa akin. Alam mo bang sinigaw-sigawan niya ako sa harapan ng iba pang empleyado. Nakakaawa kaya ako, nakakahiya (yumuko pa ito at nakahawak sa braso ng aking kapatid) sinabihan niya pa aking linta daw ako. Sabi pa nga niya kahit magsumbong pa daw ako sa kahit na sino. Kahit pa daw na ikaw na CEO hindi niya aatrasan." nagpapaawang sabi nito sa aking kapatid. Napabirit naman ako ng kakatawa sa kasinungalingan nitong Eunice na ito. Matalim niya ako
SOPHIA POVLAST DAY SA HOSPITAL“Pasensya na Sophia, nagtatalo ata kayo ng boyfriend mo! Mukhang mainit ang ulo niya ng lumabas mula dito sa silid mo. Dinala ko lang tong sushi set . Nabanggit mo kasi kahapon na nag crave ka sa Sushi aalis na din naman ako kaagad.” Sabi ni Clarkson sa akin.“Sinong boyfriend?!” Nagtataka kong tanong“Yung lumabas mula dito sa silid mo. Yung matankad na lalaking maputi.” Sagot niya sa akin.“Hahhahaha! Sorry (napatakip ang aking palad sa aking bibig) hindi ko boyfriend yun, nakababatang kapatid ko siya” sagot ko naman sa kaniya.Natawa naman kami pareho sa kaniyang naisip. Pinagsaluhan na namin ang sushi na kaniyang dala dala.Sa halos 3 araw ng pananatli ko sa ospital ay walang araw na hindi ko nakikita itong bumisita sa akin. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko si Clarkson. Sabay lang din kaming pinalabas ng ospital. Bagaman si Clarkson ay binigyan pa ng another 1 week leave dahil sa may benda pa ang kaniyang braso. Hindi din siya makak-kilos ng maayo
SOPHIA POV Hiyang hiya ako kay Clarkson ng dahil sa kapabayaan ko ay nalagay ko sa kapahamakan ang kaniyang buhay. Pwede naming ikamatay parehas ang hindi ko pagtingin sa signage na nakalagay sa may unahan ng lobby. Aaminin ko na busy kasi ako sa pagtingin ng mga picture nila Drake. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing makikita ko ang development ng kanilang anak ni Isabelle. Buong buhay kong bibitbitin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng aking anak. Nang makabalik na ako sa aking silid sa ospital ay siya namang dating ng kapatid kong si Wesley. Galit na galit ito kasama ang mga imbestigador at pulisya. Nagpunta ito sa ospital para tanungin kung nais kong maghabla ng kaso. Kasama ng mga ito ang contractor na naka assign sa project na iyon. Nakakaawa ang mukha nitong halata mo ang sobrang pagkatakot. "YES WE WILL FILE A CASE AGAINST THE CONTRACTOR , THEY ARE VERY CARELESS!" galit na sagot ni Wesley sa pulis "Wesley, ako na lang. Hayaan mo na akong magdesisyon.
CLARK POVBAGO ANG AKSIDENTENabighani talaga ako sa taglay na kagandanhan ng bagong trainee sa Campbell Corp, hindi ko ito malapitan dahil nahihiya ako sa kaniya, naririnig ko ang mga kaibigan nito at tinatawag siya sa kaniyang pangalan bilang Sophia. Panay ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad ito papasok ng lobby. Halos mabunggo na ako sa warning signs na nakalagay sa renovation na ginagawa sa pasilyong iyon. Halos araw araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok sa opisina magmula ng magsimula ako sa ang aking training sa Campbell Corp. Simple lang si Sophia pero napaka inosente ng kaniyang mukha. Dahil sa sobrang pagkatutok nito sa pagtingin sa kaniyang cellphone ay hindi niya napansin ang warning sign na nakalagay sa bandang unahan ng entrada ng lobby . Nagsigawan ang tao sa aming paligid, tinakbo ko ito ng walang pagdadalawang isip ng mapansin kong malalaglag ang ceiling sa ginagawang renovation. Hindi din niya narinig ang pagsigaw ng mga tao sa kaniya dahil may nilagay siyang