Humahangos naman si Sandra papasok sa loob ng silid ni Noah. Akala mo ay nag-aalala talaga ito sa kalagayan ng bata. Lumapit siya kaagad kay Noah at yumakap siya saka siya bumaling ng tingin sa akin. Napapailing naman ako habang nagbabalat ng prutas para kay Noah. Sa aking isipan ay natatawa ako sa nagiging arte nitong si Sandra. Hindi ko aakalaing kaya niyang gumaga ng malalalang mga bagay. Nagpanggap ako sa kaniyang harapan na tila wala akong nalaman tungkol sa mga kalokohan niya. Kagaya ng pinayo sa akin ni Detective. Kahit na sa loob ko ay suklam na suklam na ako dito. Si Mommy naman ang bumasag ng katahimikan sa pagitan ng lahat sa loob ng silid na iyon. “Sandra bakit napakatagal mong dumating? Saan ka ba nagpupunta at nakapatay iyang telepono mo?! Kagabi pa ko tawag ng tawag sayo hindi ka makontak kontak. Mabuti naman at natanggap mo pa ang message ko sayo” Galit na tanong ni mommy kay Sandra “Sorry mommy nagkatuwaan kasi kami nila Kenzo at iba pa naming mga kaibigan, naka
ARNALDO POV Tinawagan ko na si Detective Benson habang ako ay nagmamaneho. Inabisuhan ko na siyang papunta na ako sa lugar ng magiging tagpuan namin . Pinapili ko siya ng exlcusive cabin na gaganapan ng aming pagtatagpo kasama ang judge na kumpare niya Bago pa man ako makarating sa aming meeting place ay nag message na si Detective sa akin at pinaalam niyang nasa loob na sila ng kanyang kumpare. Kaya naman dumiretso na ako sa loob at may waitress naman na nag-assist sa akin papunta sa kabina ng mga ito. “Hello Mr.Alcantara” bati sakin ni Detective Benson. Tumayo pa siya kasama si Judge. “Magandang gabi sa iyo Detective, Judge !” Maiksi kong bati sa kanila “Arnaldo, ito ang kumpare kong nagkasal sa inyo noon, siya si Judge Rafael.” Pagpapakilala sakin nito. Nakangiti naman ito sa akin “Nice meeting you again Judge Rafael!” inilatag ko ang aking kamay upang makipagkilala dito. “Nice seeing you again Mr.Alcantara, hindi ko aakalaing darating ang araw na magkikita tayong
Nang makasiguro na ako sa lahat ng mga nangyayari at nalaman ko ang legalidad tungkol sa kasal namin ni Sandra ay hinayaan ko lang siya sa mga palabas na gusto kanyang hinahanda. Tutal ay nasakin na ang lahat ng ebidensya, sigurado na ako sa lahat ng mga dati ay hinala ko lang. Kahit anong gawin ngayon ni Sandra ay wala na siyang lusot, isa na lang ang hihintayin ko para makagawa na ako ng legal na aksyon. Kailangan ko pang magtiis ng tatlong araw bago ko makuha ang resulta ng paternity test namin ni Noah. Sasakyan ko lang siya sa lahat ng gagawin niya at mga sasabihin. Kagaya ng aking inaasahan ay tila isang ulirang ina itong si Sandra sa harapan naming lahat sa pag aasikaso kay Noah. Hindi na niya ako makukuha sa mga kasaningalingan niya, tanging sila Mommy na lang ang naniniwala sa kanyang mga pinaggagagawa. Isan beses ko na lang din nakita ang kaibigan niyang si Kenzo. Simula ng siya ay nagpunta sa ospital, hindi siya umaalis sa tabi ng bata. Halos hindi na din siya umuuwi sa ma
Lumabas na ako at hindi muna ako dumiretso sa loob ng silid ni Noah bagkus ay nagtungo ako sa aking sasakyan. Doon ako nakipag-usap sa aking mga lawyer. “Hello Atty. Garcia natanggap niyo na ba ang sinend kong mga detalye tungkol sa paternity test namin ni Noah?!” Tanong ko sa kanya. “Yes Mr.Alcantara nareceive ko na. Maari mong makuha ang full custody ni Noah kung mapapatunayan ang sabwatan ni Tim at Sandra sa pagpapadukot kay Amelia. Iyon ang magiging mabilis na paraan at panlaban natin sa kanila. Tungkol naman sa kasal niyo ni Sandra, legally wala kang obligasyon para kay Sandra dahil hindi naman totoo ang naging kasal ninyo. Hindi ito nakarehistro” Sagot naman niya sa akin “Ganoon ba Atty. Kung gayon ay ipapahanap ko na kay Detective ang mga kasbawat ni Tim, gaya ng sinabi sa akin ni Amelia na may dalawang lalaki na kasama ang mga ito sa pag-kidnap sa kanya.” Sabi ko naman “Sige Arnaldo ayan ang dapat mong gawin.” Sabi pa niya sakin “Sige Atty. Maraming salamat dahil ha
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakakuha kaagad ako ng sagot mula kay detective.“Arnaldo nandiyan pa ba ang mga kasama ni Tim?” Sabi niya sa akin sa message“Nakaalis na sila Detective nasa lobby na sila hinatid ni Sandra!” Sabi ko naman “May balita na ba kayo sa mga picture na kasama ni Tim?” Tanong ko naman sa kanya“Mr.Alcantara , ayon sa listahan ng mga NBI sa kanilang watch list ng mga most wanted, ang dalawang kasama ni Tim ay mga pugante madami silang kaso na tinakasan. Hindi ko din maintindihan kung bakit malaya ang mga itong nakaka-kilos . Isa lang ang ibig sabihin niyan, may taong kumakapit sa kanila mula sa itaas. Pwede ding nagbayad si Sandra ng malaking halaga para sa katahimikan ng mga opisyales." sagot ko pa sa kanya."Kung ganon detective mayroon na tayong dahilan para madakip ang grupong iyon ni Tim? Gawin ninyo ang lahat para mapadali na ang prosesong ito Detective kahit sino pa ang sangkot ay kailangang mahuli. Handa akong magbayad para sa mabilisang ikalulutas
Hinintay na muna naming dumating ang mga Nurse na magbabantay sa silid ni Noah , kasabay din ng mga itong dumating ang mga pulis na nirequest ko para magbantay sa kanyang silid, Nagpadagdag na din ako ng seguridad na magbabantay sa paligid ng mansion at sasama sa akin at kila mommy kahit saan man kami magpunta, delikadong magpakampante ngayon dahil alam kong halang ang kaluluwa nitong si Tim. Kahit pa nahuli na ang mga kasabwat nito ay sigurado akong kayang kaya niyang gumawa ng masama laban samin lalo at galit ito dahil sa mga nangyayari ngayon. "Anong ibig sabihin nito Arnaldo?! bakit may mga pulis na nagdadatingan?" naguguluhang tanong sakin ni Mommy "Mamaya ko ipapaliwanag sa inyo lahat Mommy, sasabihin ko sa inyo pag nasa labas na tayo." sagot ko sa kanila. "Ninenerbyos naman ako sa nangyayari anak. " sabi pa nito. "Wag kayong mag-alala Mommy." sabi ko pa sa kanila ni Daddy "Noah, sila muna ang kasama mo , okay ba?! para hindi ka matakot, kelangan lang kausapin ni Dadd
“May mahalaga din sana akong gustong sabihin sa inyo bukod sa mga ginawa ni Sandra sa ating lahat. Mayroon pa silang matinding kasalanang ginawa sa importanteng tao sa aking buhay, alam naman ninyo siguro mula pa nuon ay hindi ko na talaga gusto si Sandra, dahil lang sa respeto ko kay Mommy kaya ko ito pinakikisamahan.” Sabi ko pa sa kanilaNatigilan naman si Mommy sa kanyang paghagulgol sa walang katapusan kong rebelasyon sa kanila ngayong araw. Na-gu-guilty din siya sa pagpupumilit na ginawa niya para pakasalan ko si Sandra.“Ano na naman iyon Arnaldo?” Tanong sakin ni Daddy “Napakadaming nangyari na hindi namin alam hayst. Patawarin mo sana ako Arnaldo kasalanan kong lahat ng ito, ng dahil sa pagkabulag ko sa pagkamatay ng Ate Angela mo ay hindi ko na namalayang naisakripisyo ko na ang iyong kaligayahan, naging sakim ako para lang sa pansarili kong interes.” Sabi naman ni Mommy. Napapasandal at buntong hininga siya sa kanyang inuupuan. Pumatak ang luha sa mga mata ni Mommy habang
"kung ganoon anak ibig sabihin pati ang pagpapakidnap kay Amelia ay plinano din nitong sila Sandra at Tim para lang makuha ni Sandra ang gusto niya, sa ngalan ng pera nagawa niya ang mga ganoon bagay?. Kaya pala nagtataka ako sa pakikitungo ni Sandra kay Noah dahil malayo ang kanyang loob sa bata. Dahil pala iyon ni minsan ay hindi niya trinato bilang anak niya si Noah” Sabi ni Mommy sa akin.“Oo Mommy! Lahat ng iyon ng dahil lang sa pera at kapangyarihan ng ating pamilya. Naawa din ako sa ginawa nila kay Noah, at galit na galit ako sa kanila sa pagkidnap at traumang dinulot nila kay Amelia! “ sagot ko sa kanya."Napakawalang hiy* niyang si Sandra. Magpapatawag ako ng board meeting sa kumpanya. I-pu-pull out ko lahat ng shares ko sa kumpanya ng pamilya ni Sandra. Wala silang mapapala na kahit katiting sa mga negosyong may koneksyon sa ating pamilya. " galit na sabi daddy. "engratang babae yan" dagdag pa nito."Walang alam si Sandra na anak niya si Noah dahil ang buong pag-aakala niya