“May mahalaga din sana akong gustong sabihin sa inyo bukod sa mga ginawa ni Sandra sa ating lahat. Mayroon pa silang matinding kasalanang ginawa sa importanteng tao sa aking buhay, alam naman ninyo siguro mula pa nuon ay hindi ko na talaga gusto si Sandra, dahil lang sa respeto ko kay Mommy kaya ko ito pinakikisamahan.” Sabi ko pa sa kanilaNatigilan naman si Mommy sa kanyang paghagulgol sa walang katapusan kong rebelasyon sa kanila ngayong araw. Na-gu-guilty din siya sa pagpupumilit na ginawa niya para pakasalan ko si Sandra.“Ano na naman iyon Arnaldo?” Tanong sakin ni Daddy “Napakadaming nangyari na hindi namin alam hayst. Patawarin mo sana ako Arnaldo kasalanan kong lahat ng ito, ng dahil sa pagkabulag ko sa pagkamatay ng Ate Angela mo ay hindi ko na namalayang naisakripisyo ko na ang iyong kaligayahan, naging sakim ako para lang sa pansarili kong interes.” Sabi naman ni Mommy. Napapasandal at buntong hininga siya sa kanyang inuupuan. Pumatak ang luha sa mga mata ni Mommy habang
"kung ganoon anak ibig sabihin pati ang pagpapakidnap kay Amelia ay plinano din nitong sila Sandra at Tim para lang makuha ni Sandra ang gusto niya, sa ngalan ng pera nagawa niya ang mga ganoon bagay?. Kaya pala nagtataka ako sa pakikitungo ni Sandra kay Noah dahil malayo ang kanyang loob sa bata. Dahil pala iyon ni minsan ay hindi niya trinato bilang anak niya si Noah” Sabi ni Mommy sa akin.“Oo Mommy! Lahat ng iyon ng dahil lang sa pera at kapangyarihan ng ating pamilya. Naawa din ako sa ginawa nila kay Noah, at galit na galit ako sa kanila sa pagkidnap at traumang dinulot nila kay Amelia! “ sagot ko sa kanya."Napakawalang hiy* niyang si Sandra. Magpapatawag ako ng board meeting sa kumpanya. I-pu-pull out ko lahat ng shares ko sa kumpanya ng pamilya ni Sandra. Wala silang mapapala na kahit katiting sa mga negosyong may koneksyon sa ating pamilya. " galit na sabi daddy. "engratang babae yan" dagdag pa nito."Walang alam si Sandra na anak niya si Noah dahil ang buong pag-aakala niya
SANDRA PONagulat ako ng biglang mag ring ang aking cellphone. Hindi ko kilala kung kaninong number ang rumihistro sa screen ng aking cellphone kaya wala akong balak na sagutin ito. Ilang beses ko mang patayan ito ng tawag ay umuulit pa rin ito ng pag dial sa aking numero kaya naman patuloy ang pag ring nito. Napapatingin na din sakin sila Mommy Veronica sa walang tigil na pag tunog ng aking cellphone.Papatayin ko na sana nang tuluyan ang aking cellphone ng makita kong mag message naman ito sakin. Si Tim pala ang kanina pa tawag ng tawag sa akin. Nagtataka man ako ay dali dali akong lumabas ng silid ni Noah at nakisuyo ako kila Mommy Veronica na tignan muna si Noah. Nagpaalam lang ako may pupuntahan lang sandali at bibilhin. Ramdam kong may nangyari sa mga ito dahil kanina pa kakaiba ang kinikilos ni Arnaldo at hindi ugali ni Tim ang mangulit ng kakatawag lalo na at kasama ko ang mga Alcantara, nakakapagtaka din na ibang number ang gamit nito ngayon.Pagkalabas na pagkalabas ko sa p
Ngunit tila bingi itong si Tim, wala na siyang pinakikinggan kahit pa ang sinasabi ko. Halang na talaga ang kaluluwa ng hay*p na to. Wala ng sinasanto . Kahit pa mga taong walang kasalanan ay dinadamay niya sa kawalang hiyaan niya para lang makatakas. Iniisip niya lang ang sarili niyang kapakanan. Hindi ko din alam kung isang araw ay bigla na lang din akong ipagkanulong nito para sa sarili niyang interes. Punnnggg......., dalawang sunod-sunod na putok ng baril ang maririnig na umalingawngaw sa lugar na iyon, pinakawalan ni Tim ang magkakasunod na pagbaril sa driver ng taxi na kanina pa nagmamakaawa sa kanya upang hindi siya nito patayin. Hindi ko na din nakita kung saan ba ito tinamaan basta puro dugo na lang ang nakita ko. At sa lakas ng tawa ni Tim sigurado akong patay na ito. "Punyt* ka talaga Tim, hindi ka na naawa sa tao, dinamay mo pa sa kawalang hiyaan mo." galit kong sabi sa kanya. Nagmamaktol na kong sumakay kaagad sa sasakyan nito at pabalibag kong sinarado ang pinto.Hin
5 ARAW NA NAKALIPAS MULA NG UMUWI SI ARNALDO NG PINASAMELIA POVLumipas ang ilang araw mula ng umuwi ng Pilipinas si Arnaldo pero kahit isang message o tawag mula sa kanya ay wala akong natanggap. Panay pa ang silip ko sa aking cellphone sa tuwing tutunog ito sa pagbabaka-sakaling si Arnaldo ito ngunit lagi lang akong nabibigo.Nawalan na ako ng balita sa kanya at sa kung anong ngyayari sa Pilipinas, hindi ko na din alam kung anong palusot pa ba ang sasabihin ko Kay Anthony kung bakit hindi pa bumabalik ang kanyang Daddy Arnaldo o tumawag man lang. Araw-araw itong nagtatanong sa akin, pati sila Ian at Sophia ay nauubusan na din ng alibi sa tuwing tatanungin sila ng aking anak.Gustuhin ko mang maunang mag message sa kanya pero ayokong gawin iyon dahil gusto kong siya ang gumawa ng paraan kung talagang seryoso siya na babalikan niya kami ng anak niya. Ayokong kaya lang siya babalik sa amin ay dahil sa napilitan siya. Napapatulala lang ako sa aking mga naiisip. May mga pagkakataong na
“Hi baby kamusta ang swimming lesson mo?!” Nakangiti kong tanong kay Anthony ng makasakay na siya sa sasakyan. “Mommy! Bakit po yung mga classmate ko daddy nila sumundo sa kanila? Sakin po walang daddy na sumusundo, kelan po ba babalik si Daddy Arnaldo?! Diba po sabi niya sandali lang siya sa Pilipinas? Mommy malayo po ba ang Pilipinas? Hindi po ba tayo pwedeng pumunta don?” Malungkot na nakayuko si Anthony. Alam kong apektado na din ang aking anak sa ilang araw na hindi pagbabalik ni Arnaldo pati na ang hindi niya pagtawag. “Baby! Tignan mo si Mommy, (kinapitan ko ang kanyang baba upang magtama ang aming mga mata) diba sabi ko sayo madami lang ginagawa si Daddy Arnaldo sa Pilipinas kaya hindi pa siya nakakabalik sa atin. Kailangan kasing mag work si Daddy kasi nga malayo ang Pilipinas, mahal ang pamasahe natin pauwi doon saka kailangan din makabili ng sariling bahay ni Daddy para may tutuluyan tayo pag dumating na tayo dun” Sabi ko kay Anthony. “Kapag okay na si Daddy Arnaldo mo ba
"Sabi ko na nga ba! May something na naman kaya nandito na naman tayo, alam mo sis kung ako sayo para nababawasan ang bigat sa dibdib mo subukan mong kausapin ang anak mo sa totoong estado niyo ni Arnaldo, hindi mo naman siya sisiraan sa harapan ng anak mo. Kumbaga ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon na hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa ng tatay niya. Na may pamilya na din ito at anak." sabi naman ni Ian sakin. "sigurado naman akong maiintindihan ni Anthony ang lahat matalino naman ang inaanak ko. Kesa umaasa pa siyang babalik ang tatay niya tapos wala naman pala siyang aasahan baka mas masaktan lang ang bata." sabi pa nito. "natatakot kasi ako sissy, pano kung magdamdam si Anthony pati sakin dahil lagi kong sinasabi sa kanyan na busy lang ang daddy niya, ayoko ding isipin ng anak ko na hindi siya gusto ni Arnaldo kaya hindi na to bumalik samin at mas pinili niya si Noah ang kinikilalang anak niya sa harapan ng mga Alcantara at ng mga tao sa Pilipinas" sagot ko naman sa kanil
Makalipas ang isang oras ay nakarating na din ako sa Ospital kung saan dinala ng dalawang mangangahoy ang taxi driver na binaril ni Tim, Nagtungo ako sa reception area at nagpakilala ako sa mga nurse duon, pinakita ko din ang aking badge bukod sa detective ako ay isa din akong police kaya naman madami akong kapit na mga kapulisan saan mang sulok ng Pilipinas. Saktong dumating na din ang kaibigan kong Kernel na kumapit sa kasong ito. “Detective Benson, nakarating ka na pala!” Pagbati nito sa akin. Napalingon pa ako sa aking likuran upang malaman kung kanino nagmula ang boses na iyon. “Sige Nurse ako ng bahala dito, siya si Detective Benson isa din sa kumakapit sa kason ng lalaking dinala ng mangangaso dito. “Ikaw pala yan Kernel Dela Rosa, kararating rating ko lang din. Tumulak kaagad ako patungo dito sa Bicol ng matanggap ko ang tawag mo. Puspusan na din ang ginagawa naming paghahanap kay Sandra at Tim alam mo naman ang mga Alcantara! Ang laking katangahan mga ito sa pagbangga nil