Ngunit tila bingi itong si Tim, wala na siyang pinakikinggan kahit pa ang sinasabi ko. Halang na talaga ang kaluluwa ng hay*p na to. Wala ng sinasanto . Kahit pa mga taong walang kasalanan ay dinadamay niya sa kawalang hiyaan niya para lang makatakas. Iniisip niya lang ang sarili niyang kapakanan. Hindi ko din alam kung isang araw ay bigla na lang din akong ipagkanulong nito para sa sarili niyang interes. Punnnggg......., dalawang sunod-sunod na putok ng baril ang maririnig na umalingawngaw sa lugar na iyon, pinakawalan ni Tim ang magkakasunod na pagbaril sa driver ng taxi na kanina pa nagmamakaawa sa kanya upang hindi siya nito patayin. Hindi ko na din nakita kung saan ba ito tinamaan basta puro dugo na lang ang nakita ko. At sa lakas ng tawa ni Tim sigurado akong patay na ito. "Punyt* ka talaga Tim, hindi ka na naawa sa tao, dinamay mo pa sa kawalang hiyaan mo." galit kong sabi sa kanya. Nagmamaktol na kong sumakay kaagad sa sasakyan nito at pabalibag kong sinarado ang pinto.Hin
5 ARAW NA NAKALIPAS MULA NG UMUWI SI ARNALDO NG PINASAMELIA POVLumipas ang ilang araw mula ng umuwi ng Pilipinas si Arnaldo pero kahit isang message o tawag mula sa kanya ay wala akong natanggap. Panay pa ang silip ko sa aking cellphone sa tuwing tutunog ito sa pagbabaka-sakaling si Arnaldo ito ngunit lagi lang akong nabibigo.Nawalan na ako ng balita sa kanya at sa kung anong ngyayari sa Pilipinas, hindi ko na din alam kung anong palusot pa ba ang sasabihin ko Kay Anthony kung bakit hindi pa bumabalik ang kanyang Daddy Arnaldo o tumawag man lang. Araw-araw itong nagtatanong sa akin, pati sila Ian at Sophia ay nauubusan na din ng alibi sa tuwing tatanungin sila ng aking anak.Gustuhin ko mang maunang mag message sa kanya pero ayokong gawin iyon dahil gusto kong siya ang gumawa ng paraan kung talagang seryoso siya na babalikan niya kami ng anak niya. Ayokong kaya lang siya babalik sa amin ay dahil sa napilitan siya. Napapatulala lang ako sa aking mga naiisip. May mga pagkakataong na
“Hi baby kamusta ang swimming lesson mo?!” Nakangiti kong tanong kay Anthony ng makasakay na siya sa sasakyan. “Mommy! Bakit po yung mga classmate ko daddy nila sumundo sa kanila? Sakin po walang daddy na sumusundo, kelan po ba babalik si Daddy Arnaldo?! Diba po sabi niya sandali lang siya sa Pilipinas? Mommy malayo po ba ang Pilipinas? Hindi po ba tayo pwedeng pumunta don?” Malungkot na nakayuko si Anthony. Alam kong apektado na din ang aking anak sa ilang araw na hindi pagbabalik ni Arnaldo pati na ang hindi niya pagtawag. “Baby! Tignan mo si Mommy, (kinapitan ko ang kanyang baba upang magtama ang aming mga mata) diba sabi ko sayo madami lang ginagawa si Daddy Arnaldo sa Pilipinas kaya hindi pa siya nakakabalik sa atin. Kailangan kasing mag work si Daddy kasi nga malayo ang Pilipinas, mahal ang pamasahe natin pauwi doon saka kailangan din makabili ng sariling bahay ni Daddy para may tutuluyan tayo pag dumating na tayo dun” Sabi ko kay Anthony. “Kapag okay na si Daddy Arnaldo mo ba
"Sabi ko na nga ba! May something na naman kaya nandito na naman tayo, alam mo sis kung ako sayo para nababawasan ang bigat sa dibdib mo subukan mong kausapin ang anak mo sa totoong estado niyo ni Arnaldo, hindi mo naman siya sisiraan sa harapan ng anak mo. Kumbaga ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon na hindi lang talaga kayo para sa isa't-isa ng tatay niya. Na may pamilya na din ito at anak." sabi naman ni Ian sakin. "sigurado naman akong maiintindihan ni Anthony ang lahat matalino naman ang inaanak ko. Kesa umaasa pa siyang babalik ang tatay niya tapos wala naman pala siyang aasahan baka mas masaktan lang ang bata." sabi pa nito. "natatakot kasi ako sissy, pano kung magdamdam si Anthony pati sakin dahil lagi kong sinasabi sa kanyan na busy lang ang daddy niya, ayoko ding isipin ng anak ko na hindi siya gusto ni Arnaldo kaya hindi na to bumalik samin at mas pinili niya si Noah ang kinikilalang anak niya sa harapan ng mga Alcantara at ng mga tao sa Pilipinas" sagot ko naman sa kanil
Makalipas ang isang oras ay nakarating na din ako sa Ospital kung saan dinala ng dalawang mangangahoy ang taxi driver na binaril ni Tim, Nagtungo ako sa reception area at nagpakilala ako sa mga nurse duon, pinakita ko din ang aking badge bukod sa detective ako ay isa din akong police kaya naman madami akong kapit na mga kapulisan saan mang sulok ng Pilipinas. Saktong dumating na din ang kaibigan kong Kernel na kumapit sa kasong ito. “Detective Benson, nakarating ka na pala!” Pagbati nito sa akin. Napalingon pa ako sa aking likuran upang malaman kung kanino nagmula ang boses na iyon. “Sige Nurse ako ng bahala dito, siya si Detective Benson isa din sa kumakapit sa kason ng lalaking dinala ng mangangaso dito. “Ikaw pala yan Kernel Dela Rosa, kararating rating ko lang din. Tumulak kaagad ako patungo dito sa Bicol ng matanggap ko ang tawag mo. Puspusan na din ang ginagawa naming paghahanap kay Sandra at Tim alam mo naman ang mga Alcantara! Ang laking katangahan mga ito sa pagbangga nil
SA PASILIDAD NG ST.JOHN HOSPITAL INCKinabukasan ay nagtungo muli kami ni Kernel sa ospital kung saan naruruon si Steve. Pina block out din ni Arnaldo ang paglalabas ng balita tungkol sa pagkakita ng katawan ni Steve sa mga media ito ay para masiguro sa kaligtasan ng buhay ng nag iisang maaring maging witness at makapagtuturo sa amin ng kinaroroonan nila Tim. Hindi maaring malaman ng mga ito na buhay pa ang taong binaril nila.Sinalubong na din ako kaagad ni Kernel sa reception area pa lang ng ospital para ibalita ang development tungkol kay Steve. “Detective handa ng magsalita si Steve. “ bungad na sabi sakin ni Kernel“Magandang balita yan kung ganun Kernel, may mga pinangako din si Arnaldo kapalit ng impormasyon na ibibigay niya satin.” Sagot ko pa sa kanya“Sige naghihintay na din ito sa atin, nakausap na siya ng mga doctor kaya sana wala ng maging aberya” sagot naman niya sa akinNaglakad na kami patungo sa silid ni Steve. Pagpasok namin ay mas maayos na ang kalagayan nito kesa k
ARNALDO POVPagkababang pagkababa ng pag uusap namin ni Detective Benson ay kinausap ko na sila Mommy."Mommy! Nakausap ko na si Detective may lead na sila ng kinaruruonan nila Tim. May nakakita daw ng sasakyan na kinuha nila mula sa taxi driver na binaril nila at walang awa na lang na tinapon sa may bangin." sabi ko kila mommy"naku naman anak hindi ko naman aakalaing sa itsura at pakikisama natin kay Sandra ay kaya nilang gumawa ng mga ganyang bagay. " sagot naman ni Mommy"kaya mag-iingat ka din Arnaldo dahil sigurado akong ikaw ang babalikan ng mga iyan." sabi naman ni Daddy."oo nga pala Mommy, Daddy nakausap ko na si Doctor Hernandez, nakita sa last check up ni Noah na maari ng tanggalin ang cyst sa kanyang ulo. Kakayanin na daw niya ang operasyong gagawin sa kanya." sabi ko kila Mommy"eh kelan daw ba planong isagawa ang opersyon?" tanong ni Mommy sakin"sinabihan ko silang gawin ito as soon as possible. Mom, pagkatapos ng operasyon ni Noah babalik na ako ng Canada, nais ko san
"alam mo bang hindi tinuloy ni Dra. Renata ang pinapagawa ni Tim?!" sabi naman ni Detective. Nagulat naman si Kenzo sa sinabi nito. "huh?! ibig sabihin anak talaga ni Sandra si Noah? eeh pano yung tumor niya sa ulo niya. Hindi pa rin yun natatanggal hanggang ngayon." sabi naman ni Kenzo na kinagulat ko. Alam din pala nito ang tungkol sa pagpapalitan na ginawa nila Tim noon, ibig sabihin kasabwat din ito ng dalawa. Hindi ko mapigilan ang sobrang galit na naramdaman ko. Anong klaseng mga tao ito. Kinaya ng konsensya nila na may argabyaduhin silang isang musmos na batang walang kalaban laban sa kanila. Hindi na nila inisip na maaring ikamatay ni Noah anytime dahil hindi siya nabibigyan ng medical attention na dapat ay noon pa niya natatanggap. Pasugod na sana ako ng awatin ako ng aking mga kaibigan. "bro wag, hintayin nating matapos niya ang kanyang sasabihin." pag-aawat sakin ni Oscar "oo nga bro, gusto mo bang mahuli sila Sandra o hindi?!, isipin mo na lang Bro as soon as possible