"alam mo bang hindi tinuloy ni Dra. Renata ang pinapagawa ni Tim?!" sabi naman ni Detective. Nagulat naman si Kenzo sa sinabi nito. "huh?! ibig sabihin anak talaga ni Sandra si Noah? eeh pano yung tumor niya sa ulo niya. Hindi pa rin yun natatanggal hanggang ngayon." sabi naman ni Kenzo na kinagulat ko. Alam din pala nito ang tungkol sa pagpapalitan na ginawa nila Tim noon, ibig sabihin kasabwat din ito ng dalawa. Hindi ko mapigilan ang sobrang galit na naramdaman ko. Anong klaseng mga tao ito. Kinaya ng konsensya nila na may argabyaduhin silang isang musmos na batang walang kalaban laban sa kanila. Hindi na nila inisip na maaring ikamatay ni Noah anytime dahil hindi siya nabibigyan ng medical attention na dapat ay noon pa niya natatanggap. Pasugod na sana ako ng awatin ako ng aking mga kaibigan. "bro wag, hintayin nating matapos niya ang kanyang sasabihin." pag-aawat sakin ni Oscar "oo nga bro, gusto mo bang mahuli sila Sandra o hindi?!, isipin mo na lang Bro as soon as possible
ARAW NG OPERASYON NI NOAH Ipinasok na nga ng Operating Room si Noah. Matapang na humarap ang bata sa kanyang pagdadaanang madugong operasyon. Nakangiti pa siya sa amin at kumakaway habang ipinapasok na siya ng mga nurse sa loob ng silid na iyon. Dahil sa murang edad pa ni Noah hindi niya alintana ang panganib ng pagdadaanan niyang operasyon. Mula naman sa labas ng operating room ay nagdadasal kami nila Mommy na maging maayos ang magiging resulta ng operasyon niya. Batay sa paliwanag sa akin ni Doctor Hernandez risky ang operasyon na gagawin nila para kay Noah. Matapos ang magiging operasyon niya ay kakailanganing i monitor siya sa recovery room ng 3 hanggang 4 na oras bago ito tuluyang ilipat ng kanyang silid. Dahil na din sa matinding pag-aalala namin ni Mommy ay matiyaga kaming naghintay sa tapat ng pintuan ng operating room kung saan pinasok si Noah, matiyaga kaming naghihintay ng kahit na anong magiging balita mul sa mga nurse at doctor ni Noah na nagsasagawa ng kaniyang brain o
"Bro tumawag sakin si John hindi ka daw kasi niya makontak kanina ka pa niya tinatawagan laging busy ang phone ko sinabi ko sa kanya na kausap mo si Detective Benson tungkol kila Sandra, lumabas na daw kasi sila Doctor Hernadez, hinahanap ka." sabi sakin ni David Hindi pa man kami nakaka order ng aming maiinom ay bumalik na kami kaagad sa taas, Humingi ako ng pasensya kay Doctor Hernandez sa paghihintay nito sa aming pagbabalik. Kasama niya ng ibang Doctor pa na nag-asikaso kay Noah, ito ang mga espesyalista sa University Hospital na iyon na nag-hahandle ng mga special cases kagaya ng kay Noah . Hinihingal pa kaming dalawa ni David ng maabutan namin ito na naghihitnay sa amin sa tapat ng pintuan ng operating room kung saan nila tinaggalan ng cyst si Noah. "Pasensya na Doctor Hernandez bumaba lang kami saglit sa cafeteria. kamusta na si Noah?" magalang kong tanong sa Doctor na kumakapit ng cases kay Noah. "it's okay Arnaldo, (dumating na din si Mommy sa kalagitnaan ng pag-uusap nam
IAN POV Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Arnaldo ba tong nasa harapan namin?! Bahagya ko pang kinusot ang aking mata dahil hindi ko maisip na lilitaw na naman ito ng biglaan. Walang message-message o tawag man lang itong si Arnaldo sa aming kaibigan. Hindi namin lubos maisip na makalipas ang mahigit na isang buwan magmula ng umuwi siya sa Pilipinas ay ito na naman muli siya sa aming harapan, akala mo ay kaboteng lulubog-lilitaw. Urong-sulong pa kami ni Sophia, hindi kasi namin maintindihan kung tutuloy kami o hindi sa aming paglalakad papunta sa direksyon ng bus stop kung saan ito nakapwesto. “Girl tayo ba hinihintay ni Arnaldo?” bulong ko kay Sophia, “Ewan ko diyan! Parang tayo nga kasi kung si Amelia dapat sa harapan siya dumaan” sagot naman ni Sophia sakin. Nagbubulungan pa rin kami habang naglalakad. “Haist! Tara na dumiretso na tayo hindi na natin maabutan ang bus pag naiwan tayo aabutin na naman tayo ng isang oras kakahintay para sa susunod na byahe” nagmamadali
"So bakit nga hindi ka man lang tumawag o nag message kay Amelia magmula ng umuwi ka sa Pinas?" tanong ko sa kanya"Ganito kasi yan Ian, simula kasi ng magka aberya dahil sa pagtakas ni Sandra naging busy na din ako sa pag-aasikaso ng seguraidad naming lahat pati na din ang paghahanda para sa magiging operasyon ni Noah. Kaya ng maging successful ang operasyon ng pagtanggal sa cyst sa ulo ni Noah ay hindi na ako nag aksaya ng oras at tumulak na ako kaagad papunta dito sa Canada." sagot naman niya samin. Habang siya ay nagpapaliwanag ng kaniyang side ay ramdam namin ni Sophia ang sinseridad niya pero ayaw naming basta na lang bumigay kaagad kaya naman sinimulan ko naman ang pag-uusisa sa kanya."Oh sige sabihin na nating nakakulong na nga sila Sandra, ngayon pano ang kasal niyo? gagawin mong kabet ang kaibigan namin ganon?! AY ARNALDO A BIG NO NO kami diyan." tahasan kong sabi sa kanya"Wala na si Sandra. (seryosong sabi nito samin, natigilan naman kami sa pagiging atrimitida naman dit
AMELIA POVHabang naglalakad palabas ng aking opisina ay tinawagan ko kaagad sila Ian baka sakaling maabutan ko pa ang mga ito bago tuluyang umuwi sa bahay namin, na-guilty din kasi ako ng paunahin kong pauwiin kanina sila Sophia, gusto ko rin sanang mag- unwind ngayong araw sa sobang daming trabaho gusto ko sanang huminga at magpagpag muna sa labas bago umuwi ng bahay pwede ko namang abisuhan na lang si Ana para mag stay muna ng ilang oras sa bahay bago umuwi . Rush hour na rin ngayong mga oras na ito, isa pa ay weekends na naman bukas kaya siguradong mahihirapan magbyahe ang mga yun. "Girl! nasaan na kayo? pauwi na din ako" tanong ko kay Sophia ng sagutin niya ang tawag ko"naku girl hindi muna kami dumiretso sa bahay, punta muna kami ng mall at may titignan daw si Ian. " sagot sakin ni Sophia"aah ! akala ko nasa bus stop pa kayo dadaanan ko na sana kayo ni Ian." sabi ko naman sa kanya. "hindi na girl mauna ka na, uuwi din kami maya-maya lang." sagot naman niya muli sakin. Na-we-
Pagbukas ng pintuan namin natuon kaagad ang mata naming mag-ina sa mga pumasok. Sa kakahintay namin sa mga Tita Ninang niya ay inabot na kami ng matinding antok ni Anthony. Naka-idlip na nga kami sa sofang mag-ina. Naalimpungatan na lang kami sa tawanan ng kaniyang mga Ninang ng pumasok na ang mga ito ng bahay. "hay sa wakas dumating na din kayo! aba kanina pa namin kayo hinihintay diba Anthony?!" paghahanap ko ng kakampi sa katauhan ng aking anak. Napapangisi pa ako habang sinasabi ko iyon sa dalawa dahil alam kong hindi titigil kakakulit si Anthony sa mga tita Ninang niya. "oo nga tita Ninang saan po ba kayo galing? ang tagal niyo po, gusto ko na po yung pizza kaya lang hinihintay pa namin kayo ni Mommy" tanong ni Anthony sa dalawa. Lumapit naman sina Ian at Sophia kay Anthony at humalik. Ang lalaki ng ngiti sa labi ng dalawang ito. Inabot naman nila ang isang paper bag na naglalaman ng additional sa toys collection ni Anthony na favorite niyang cars Mc Lauren. Napaka swerte ta
Lumabas naman na sila Ian at Sophia mula sa mga silid nila. Nanlalaki ang mga mata ko sa pagsasabi sa kanila samantalang nakangiti lang ang dalawa sa akin imbis na mainis ang mga ito. Ito pala ang bisitang sinasabi nitong si Ian. Kaya naman pala kung ano-anong palusot ang sinasabi niya sa akin sa mga pagtatanong ko sa kanya. Pati na rin si Ana. Kaya kanina pa ako nagtataka kung bakit panay ang pagtanggi ng mga ito sa pag-aaya ko sa kanila. "daddy alam mo ba sad yan si Mommy nung wala ka pa po, lagi kasi akong nagtatanong sa kanya kelan ka babalik. Hindi naman siya naniniwala na babalik ka pa. Busy ka daw sa work kaya matagal kang hindi nakabalik. " wika ni Anthony lalo na akong namumula sa sinasabi nito sa kanyang ama. "ganon ba baby? ako din miss na miss ko na kayo. Oo tama naman si Mommy mo na-busy kasi si Daddy sa work kaya ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa canada." sagot naman nito sa anak habang nakakandong sa kanyang binti ang aming anak.Nang maging abala na si Anthony
Nakapalibot na samin ang crowd . Lahat ng ito ay kaniya kaniyang haka haka tungkol sa akin. May ilang kumakampi at ang iba naman ay nghuhusga.“Sinasabi ko na nga ba may tinatago yan siya.” Sabi niya sa akin ng iba“Kung asawa niya si Drake Alcantara dati ibig sabihin isa siya sa malalaking pamilya?! Siya pala ang kaibigan ni Amelia Alcantara ang asawa ni Mr.Arnaldo Alcantara ang famous CEO na bukod sa gwapo ay sobrang yaman pa” sabi ng isa sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang mga sinasabi. Ayokong makipag talo sa kahit na sino sa kanila.“Anong kaguluhan ito?” Anas ni Abuello."ito kasing babaeng ito ngfe-feeling. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito pa rin hanggang ngayon. " mayabang na sabi ni Eunice. Nakatingin lang ako kay Abuello. Tuloy-tuloy pa rin si Eunice sa pang iinsulto sa akin"magtigil ka! lapastangan ka sa mga sinasabi mo sa aking apo." matapang na sigaw ni Abuello. Wala na akong magagawa . Ngayon ay alam na ng mga tao kung sino talaga ako. Nag
SOPHIA POVTuwang tuwa ang lahat sa sinabi ni Abuello. Naging usap-usapan naman sa buong opisina ang diumano pagdating ng babaeng apo ng mga Campbell. Napapailing na lang ako sa aking Abuello . Hindi talaga niya titigilan ang pang aasar sa akin. Alam kong ginagantihan ako ni Abuello dahil sa paglalayas ko noon. Isa pa malapit na din matapos ang aming kontrata. Babalik na ako sa Pilipinas. Ilang beses man niya akong pagalitan ay alam kong mahal na mahal ako ni Abuello. Nakikita raw niya sa akin ang pagka suwail ni Mommy noon.Matapos ang aming trabaho ay umuwi na din ako kagad. Ngayon kasi darating ang magsusukat ng damit na gagamitin namin sa event ng Campbell. Lahat ay may imbitasyon na gayundin ako.“Aba Sophia mukhang may gusto kang sabihin samin?!” Nakangiting tanong ni Lolo.“Huh?! Tungkol naman po saan ang sinasabi niyo?” Nagmamang maangan kong tanong sa kaniya.“Hay iha ayan ka na naman. Ang hilig mong maglihim sa amin ng daddy mo. Alam mo ang tinutukoy namin. May mga nababalit
AT THE SITE WORK SOPHIA POV "Hi Clarkson, Medyo late ka ata ngayon? himala aah!" tanong ko kay Clarkson "sorry naku grabe nagkaka traffic na rin kasi ngayon dito . Bihira naman itong mangyari . Pasensya na. Dumaan pa kasi ako sa Starbucks para bumili ng kape natin." sabi pa niya sakin "hahaha ano ito suhol. Bawal iyon" sagot ko pa sa kanya "hindi naman naalala ko lang na baka hindi ka pa nakakapag kape masyado kasing maaga ang pagpunta natin dito sa site." sagot naman niya sa akin. Itinuro ko na kay Clarkson ang lahat ng gagawin sa tuwing siya ay mag-sa-site visit. Masaya kaming nagkakatawanan ni Clarkson nagiging magaan na ang loob ko sa kaniya nitong mga nagdadaang araw. Habang tumatagal nakalimutan ko na ang ex husband kong si Drake. Alam kong hindi magandang pakinggan pero tingin ko ay nahuhulog na ako kay Clarkson. "a-attend ka ba sa pa event ng kumpanya?" tanong niya sa akin "mmm hindi ko pa alam, baka wala naman akong choice kailangan kong pumunta doon (muntik
"hindi mo na kailangang gawin ito. Tama naman sila Patricia baka mamaya pag-initan na naman ako ni Eunice." sagot ko pa kay Clarkson. "don't worry hindi ka na niya guguluhin pinagsabihan ko na si Eunice. Pasensya ka na talaga kay Eunice akala kasi niya porket magkaibigan kami ay pwede na niyang panghimasukan ang buhay ko. Nakababatang kapatid ang trato ko sa kaniya. Saka wag ka na lang maniniwala sa mga sasabihin niya. Madami kasi siyang mga sinasabi sa utak niya na siya lang nakakaalam. Akala niya boyfriend niya ako." sabi pa ni Clarkson sa akin. "halata nga, hahaha. kaya nga hindi ko na lang pinapatulan." sagot ko naman. Biglang dumating si Vanessa ang sekretarya ni Wesley. Lumapit ito sa amin kaya naputol ang aming pag-uusap. "Sophia, Clarkson pinapatawag kayo ni Sir Wesley. Kailangan daw niya kayo sa office niya ngayon. Hinihintay na nila kayo sa office niya." sabi nito sa amin "sige susunod na kami" sabay naming sagot nagkatawanan pa kami. Inayos ko lang ang aking gamit. Ini
CLARKSON POVAFTER 1 WEEK LEAVENabalitaan ko sa aking mga kasamahan ang ginawang pagsugod ni Euince kay Sophia. Hindi ko ito pahihintulutan. Ayokong ng dahil dito ay maudlot ang namumuong matamis na pagtitinginan namin ni Sophia kaya naman una kong ginawa ng malaman ko ito ay pinuntahan ko siya sa opisina dala ang paborito niyang kape mula sa starbucks. Nais kong humingi ng pasensya sa gulong ginawa ni Eunice. Bago pa man ako makarating sa station ni Sophia ay naharang na ako ni Eunice. "is that for me Clarkson?!" ang laki ng ngiti nito sa akin. Parang walang ginawang kasalan itong si Eunice. Napataas ang isang kilay ko. Hindi ko itotolerate ang ganoong klaseng ugali."Anong gulo na naman ang ginawa mo Eunice? akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginawa mo?" naiinis kong tanong sa kaniya."hindi ko alam ang sinasabi mo?! hindi kita maintaintindihan. Anong gulo ang sinasabi mo?" pa-inosenteng tanong niya sa akin"you know exactly what i am saying!. Grow up Eunice hindi pwedeng laha
SOPHIA POV CEO OFFICE Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Wesley ay mayabang na nakapamewang itong si Eunice sa akin. "That Biatch Mr. Wesley, i want you to terminate her!". Nakatayo pa ito sa gilid ni Wesley. Napapataas naman ang kilay ko sa akto nitong si Euince sa harapan ng aking kapatid. Ganito ba talaga ka close ang dalawang ito. Napapailing na napapangiti naman ako sa kanila "Bakit Eunice anong offense ba ang ginawa sayo ni Ms. Gonzales?!" tanong kay Eunice ni Wesley "Mr. Campbell, masyado siyang mayabang saka ang rude niya sa akin. Alam mo bang sinigaw-sigawan niya ako sa harapan ng iba pang empleyado. Nakakaawa kaya ako, nakakahiya (yumuko pa ito at nakahawak sa braso ng aking kapatid) sinabihan niya pa aking linta daw ako. Sabi pa nga niya kahit magsumbong pa daw ako sa kahit na sino. Kahit pa daw na ikaw na CEO hindi niya aatrasan." nagpapaawang sabi nito sa aking kapatid. Napabirit naman ako ng kakatawa sa kasinungalingan nitong Eunice na ito. Matalim niya ako
SOPHIA POVLAST DAY SA HOSPITAL“Pasensya na Sophia, nagtatalo ata kayo ng boyfriend mo! Mukhang mainit ang ulo niya ng lumabas mula dito sa silid mo. Dinala ko lang tong sushi set . Nabanggit mo kasi kahapon na nag crave ka sa Sushi aalis na din naman ako kaagad.” Sabi ni Clarkson sa akin.“Sinong boyfriend?!” Nagtataka kong tanong“Yung lumabas mula dito sa silid mo. Yung matankad na lalaking maputi.” Sagot niya sa akin.“Hahhahaha! Sorry (napatakip ang aking palad sa aking bibig) hindi ko boyfriend yun, nakababatang kapatid ko siya” sagot ko naman sa kaniya.Natawa naman kami pareho sa kaniyang naisip. Pinagsaluhan na namin ang sushi na kaniyang dala dala.Sa halos 3 araw ng pananatli ko sa ospital ay walang araw na hindi ko nakikita itong bumisita sa akin. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko si Clarkson. Sabay lang din kaming pinalabas ng ospital. Bagaman si Clarkson ay binigyan pa ng another 1 week leave dahil sa may benda pa ang kaniyang braso. Hindi din siya makak-kilos ng maayo
SOPHIA POV Hiyang hiya ako kay Clarkson ng dahil sa kapabayaan ko ay nalagay ko sa kapahamakan ang kaniyang buhay. Pwede naming ikamatay parehas ang hindi ko pagtingin sa signage na nakalagay sa may unahan ng lobby. Aaminin ko na busy kasi ako sa pagtingin ng mga picture nila Drake. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing makikita ko ang development ng kanilang anak ni Isabelle. Buong buhay kong bibitbitin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng aking anak. Nang makabalik na ako sa aking silid sa ospital ay siya namang dating ng kapatid kong si Wesley. Galit na galit ito kasama ang mga imbestigador at pulisya. Nagpunta ito sa ospital para tanungin kung nais kong maghabla ng kaso. Kasama ng mga ito ang contractor na naka assign sa project na iyon. Nakakaawa ang mukha nitong halata mo ang sobrang pagkatakot. "YES WE WILL FILE A CASE AGAINST THE CONTRACTOR , THEY ARE VERY CARELESS!" galit na sagot ni Wesley sa pulis "Wesley, ako na lang. Hayaan mo na akong magdesisyon.
CLARK POVBAGO ANG AKSIDENTENabighani talaga ako sa taglay na kagandanhan ng bagong trainee sa Campbell Corp, hindi ko ito malapitan dahil nahihiya ako sa kaniya, naririnig ko ang mga kaibigan nito at tinatawag siya sa kaniyang pangalan bilang Sophia. Panay ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad ito papasok ng lobby. Halos mabunggo na ako sa warning signs na nakalagay sa renovation na ginagawa sa pasilyong iyon. Halos araw araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok sa opisina magmula ng magsimula ako sa ang aking training sa Campbell Corp. Simple lang si Sophia pero napaka inosente ng kaniyang mukha. Dahil sa sobrang pagkatutok nito sa pagtingin sa kaniyang cellphone ay hindi niya napansin ang warning sign na nakalagay sa bandang unahan ng entrada ng lobby . Nagsigawan ang tao sa aming paligid, tinakbo ko ito ng walang pagdadalawang isip ng mapansin kong malalaglag ang ceiling sa ginagawang renovation. Hindi din niya narinig ang pagsigaw ng mga tao sa kaniya dahil may nilagay siyang