"Bro tumawag sakin si John hindi ka daw kasi niya makontak kanina ka pa niya tinatawagan laging busy ang phone ko sinabi ko sa kanya na kausap mo si Detective Benson tungkol kila Sandra, lumabas na daw kasi sila Doctor Hernadez, hinahanap ka." sabi sakin ni David Hindi pa man kami nakaka order ng aming maiinom ay bumalik na kami kaagad sa taas, Humingi ako ng pasensya kay Doctor Hernandez sa paghihintay nito sa aming pagbabalik. Kasama niya ng ibang Doctor pa na nag-asikaso kay Noah, ito ang mga espesyalista sa University Hospital na iyon na nag-hahandle ng mga special cases kagaya ng kay Noah . Hinihingal pa kaming dalawa ni David ng maabutan namin ito na naghihitnay sa amin sa tapat ng pintuan ng operating room kung saan nila tinaggalan ng cyst si Noah. "Pasensya na Doctor Hernandez bumaba lang kami saglit sa cafeteria. kamusta na si Noah?" magalang kong tanong sa Doctor na kumakapit ng cases kay Noah. "it's okay Arnaldo, (dumating na din si Mommy sa kalagitnaan ng pag-uusap nam
IAN POV Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Arnaldo ba tong nasa harapan namin?! Bahagya ko pang kinusot ang aking mata dahil hindi ko maisip na lilitaw na naman ito ng biglaan. Walang message-message o tawag man lang itong si Arnaldo sa aming kaibigan. Hindi namin lubos maisip na makalipas ang mahigit na isang buwan magmula ng umuwi siya sa Pilipinas ay ito na naman muli siya sa aming harapan, akala mo ay kaboteng lulubog-lilitaw. Urong-sulong pa kami ni Sophia, hindi kasi namin maintindihan kung tutuloy kami o hindi sa aming paglalakad papunta sa direksyon ng bus stop kung saan ito nakapwesto. “Girl tayo ba hinihintay ni Arnaldo?” bulong ko kay Sophia, “Ewan ko diyan! Parang tayo nga kasi kung si Amelia dapat sa harapan siya dumaan” sagot naman ni Sophia sakin. Nagbubulungan pa rin kami habang naglalakad. “Haist! Tara na dumiretso na tayo hindi na natin maabutan ang bus pag naiwan tayo aabutin na naman tayo ng isang oras kakahintay para sa susunod na byahe” nagmamadali
"So bakit nga hindi ka man lang tumawag o nag message kay Amelia magmula ng umuwi ka sa Pinas?" tanong ko sa kanya"Ganito kasi yan Ian, simula kasi ng magka aberya dahil sa pagtakas ni Sandra naging busy na din ako sa pag-aasikaso ng seguraidad naming lahat pati na din ang paghahanda para sa magiging operasyon ni Noah. Kaya ng maging successful ang operasyon ng pagtanggal sa cyst sa ulo ni Noah ay hindi na ako nag aksaya ng oras at tumulak na ako kaagad papunta dito sa Canada." sagot naman niya samin. Habang siya ay nagpapaliwanag ng kaniyang side ay ramdam namin ni Sophia ang sinseridad niya pero ayaw naming basta na lang bumigay kaagad kaya naman sinimulan ko naman ang pag-uusisa sa kanya."Oh sige sabihin na nating nakakulong na nga sila Sandra, ngayon pano ang kasal niyo? gagawin mong kabet ang kaibigan namin ganon?! AY ARNALDO A BIG NO NO kami diyan." tahasan kong sabi sa kanya"Wala na si Sandra. (seryosong sabi nito samin, natigilan naman kami sa pagiging atrimitida naman dit
AMELIA POVHabang naglalakad palabas ng aking opisina ay tinawagan ko kaagad sila Ian baka sakaling maabutan ko pa ang mga ito bago tuluyang umuwi sa bahay namin, na-guilty din kasi ako ng paunahin kong pauwiin kanina sila Sophia, gusto ko rin sanang mag- unwind ngayong araw sa sobang daming trabaho gusto ko sanang huminga at magpagpag muna sa labas bago umuwi ng bahay pwede ko namang abisuhan na lang si Ana para mag stay muna ng ilang oras sa bahay bago umuwi . Rush hour na rin ngayong mga oras na ito, isa pa ay weekends na naman bukas kaya siguradong mahihirapan magbyahe ang mga yun. "Girl! nasaan na kayo? pauwi na din ako" tanong ko kay Sophia ng sagutin niya ang tawag ko"naku girl hindi muna kami dumiretso sa bahay, punta muna kami ng mall at may titignan daw si Ian. " sagot sakin ni Sophia"aah ! akala ko nasa bus stop pa kayo dadaanan ko na sana kayo ni Ian." sabi ko naman sa kanya. "hindi na girl mauna ka na, uuwi din kami maya-maya lang." sagot naman niya muli sakin. Na-we-
Pagbukas ng pintuan namin natuon kaagad ang mata naming mag-ina sa mga pumasok. Sa kakahintay namin sa mga Tita Ninang niya ay inabot na kami ng matinding antok ni Anthony. Naka-idlip na nga kami sa sofang mag-ina. Naalimpungatan na lang kami sa tawanan ng kaniyang mga Ninang ng pumasok na ang mga ito ng bahay. "hay sa wakas dumating na din kayo! aba kanina pa namin kayo hinihintay diba Anthony?!" paghahanap ko ng kakampi sa katauhan ng aking anak. Napapangisi pa ako habang sinasabi ko iyon sa dalawa dahil alam kong hindi titigil kakakulit si Anthony sa mga tita Ninang niya. "oo nga tita Ninang saan po ba kayo galing? ang tagal niyo po, gusto ko na po yung pizza kaya lang hinihintay pa namin kayo ni Mommy" tanong ni Anthony sa dalawa. Lumapit naman sina Ian at Sophia kay Anthony at humalik. Ang lalaki ng ngiti sa labi ng dalawang ito. Inabot naman nila ang isang paper bag na naglalaman ng additional sa toys collection ni Anthony na favorite niyang cars Mc Lauren. Napaka swerte ta
Lumabas naman na sila Ian at Sophia mula sa mga silid nila. Nanlalaki ang mga mata ko sa pagsasabi sa kanila samantalang nakangiti lang ang dalawa sa akin imbis na mainis ang mga ito. Ito pala ang bisitang sinasabi nitong si Ian. Kaya naman pala kung ano-anong palusot ang sinasabi niya sa akin sa mga pagtatanong ko sa kanya. Pati na rin si Ana. Kaya kanina pa ako nagtataka kung bakit panay ang pagtanggi ng mga ito sa pag-aaya ko sa kanila. "daddy alam mo ba sad yan si Mommy nung wala ka pa po, lagi kasi akong nagtatanong sa kanya kelan ka babalik. Hindi naman siya naniniwala na babalik ka pa. Busy ka daw sa work kaya matagal kang hindi nakabalik. " wika ni Anthony lalo na akong namumula sa sinasabi nito sa kanyang ama. "ganon ba baby? ako din miss na miss ko na kayo. Oo tama naman si Mommy mo na-busy kasi si Daddy sa work kaya ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa canada." sagot naman nito sa anak habang nakakandong sa kanyang binti ang aming anak.Nang maging abala na si Anthony
"Bakit hindi ka man lang tumawag sakin para hindi naman ako nag-isip ng nag-isip awang awa na ako kay Anthony dahil walang araw at sandali na hindi ka hinanap ng anak mo. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin kong paliwanag sa kanya. Kung ano-anong kasinunglingan na ang sinasabi ko kay Anthony para lang ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi ka nakabalik kaagad” Masama ang loob kong sabi dito. Sa totoo lang hindi lang si Anthony ang nalungkot sa hindi kaagad pagbalik ni Arnaldo pati ako ay nalungkot din buong akala ko ay hindi na talaga ako babalikan nito. Akala ko ay nagkaayos na sila ni Sandra kaya hindi siya kumontak o nakabalik kaagad sa amin.Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking kamay "Amelia maniwala ka sakin, ilang beses kong sinubukang makabalik kaagad para kuhain kayong dalawa ni Anthony pero sa tuwing susubukan kong gawin yun puro aberya ang ngyayari kaya napagdesisyunan kong matapos kaagad ang problema na mayroon sa Pinas bago ko kayo balikan ni Anthony dito sa Canada
Nagkakwentuhan na kami sa aming veranda pero this time kasama na namin si Ian at Sophia. Nagsimula na kaming mag chill out. Natutuwa din naman ako kay Arnaldo dahil game din itong makipag kwentuhan at maki jamming sa kalokohan naming magkakaibigan, hindi ko aakalaing sa ilang taon mula ng ipagbuntis ko si Anthony ngayon na lang muli ako nakakahalakhak ng ganito. Masaya ang aking puso, pakiramdam ko ay nasa ayos na ang lahat. Natutuwa ako na hindi siya nahirapang pakisamahan ang mga kaibigan ko. Ganon din sila Ian na nag-eenjoy kasama itong si Arnaldo, paano ay iisa ang karakas ng kanilang utak. Hindi pa man kami nagtatagal sa pagkukwentuhan ay may hiniling na sa amin si Arnaldo. "Ah Amelia, gusto ko sanang kuhain itong pagkakataong ito para sana anyayahan ko kayong lahat na umuwi muna ng Pilipinas. Ikaw, si Anthony, sila Ian at Sophia. Tutal summer naman na at kaunti na din ang trabaho pa ngayon kaya siguro naman free kayong magbakasyon ngayon?. " tanong niya sa akin. "naku hindi a